KABANATA 25Shuen's POVWalang sa amin ang inasahan na bigla na lang susulpot ang lalaki, lalo na nang kanyang harangin si Mr. Takama. Masyado ring maliwanag ang pwesto ng lalaki, kaya hindi ko maaninag nang maayos ang kanyang mukha. "Isa, bibilang ako hanggang tatlo. Pakawalan mo siya," matigas niyang sabi.Agad nag-senyas si Mr. Takama sa kanyang mga bodyguard na ako'y pakawalan ako. Kaya naman dali-dali akong binitawan ng mga ito bago tuluyang umalis ang lalaki sa tabi ni Mr. Takama. Mabilis na lumapit sa akin ang lalaki at hinatak ako sa likuran niya.Matangkad siya at tila pamilyar ang hubog ng kanyang katawan, pati na rin ang amoy ng kanyang pabango ay parang kilala ko na. Noon ko lang na-realize na tama ang hinala ko nang humarap siya sa akin at malinaw kong nakita ang kanyang mukha."Izan?" hindi makapaniwalang bulalas ko sa kanyang pangalan.Seryoso ang mukha niya habang sinisiyasat niya ako mula ulo hanggang paa. "Kunin mo ang mga gamit mo at aalis na tayo dito," utos niya, k
KABANATA 26Diovanni's POVIlang buwan na rin mula nang huli kong nakita si Shuen, at aaminin ko na hindi ko pa rin lubos matanggap na wala na siya sa tabi ko at hindi ko na siya makikita araw-araw. Nitong mga nakaraang araw, mabigat ang loob ko dahil sa ginawa kong desisyon. Pero hindi ko maikakaila na kahit paano'y naging masaya ako, lalo na ngayon na marami na akong nagagawa kasama si Dionne na hindi ko magawa noon.Naisasama ko na siya sa mga paborito niyang lugar, natutulog sa tabi niya gabi-gabi, nasasamahan siya papuntang eskwela, at sabay kaming kumakain. Tuwing umuuwi ako galing trabaho, may yakap na naghihintay sa akin. Simula nang magpasya akong pakasalan si Shuen at panindigan ang nararamdaman ko, doon ko lang napansin ang mga pagkukulang ko kay Dionne.Pero tuwing nakikita ko ang kasiyahan ng anak ko, napagtanto ko kung gaano pala ako nangulila sa kanya, dahil natabunan ito ng presensya ni Shuen. Sa kabilang banda, hindi ko maikakaila na hinahanap-hanap ko pa rin ang pagma
KABANATA 27Diovanni's POVMabilis na naging seryoso ang kanyang ekspresyon. "Tungkol ito kay Katarina," sabi niya, at nang lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig, naramdaman ko na rin na tumigas ang aking sariling ekspresyon bilang tugon.Tinitigan ko siya ng may parehong kapusukan. "Ano ang problema sa kanya?""Marahil ay maupo muna tayo para dito," iminungkahi niya, habang dahan-dahang bumalik sa couch na kanyang nauna nang pinili.Wala akong masyadong pagpipilian kundi ang sumunod, at umupo ako sa tapat niya habang pinapanatili ang isang mahigpit na fachada. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan tungkol kay Katarina?""Nalaman ko na muling nagsasama kayo. Bumalik ba siya sa buhay mo?" Ang bahagyang ngiti sa mukha ni Vitto ay misteryoso, na nagpapalakas sa aking kuryosidad.Nanginig ang aking panga sa kanyang insinuasyon. "Mali ang iyong impormasyon," matatag kong sinabi. "Pansamantala lang siyang nakatira sa akin, para sa kapakanan ni Dionne.""Gayon ba? Sinasabi mo ba na ang i
KABANATA 28Diovanni's POVNakaparada ang kotse ko sa labas ng coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shuen. Tahimik ito habang malalim akong nag-iisip. Matagal na rin mula nang huli akong pumunta dito, at naaalala ko pa yung huling pag-uusap namin at yung gulo na nangyari na nakapag-pahiwalay sa amin. Matigas ang loob ko noon, sinabi ko sa kanya na kalimutan na lang niya ako, at umaasa ako na gagawin niya yun.Pero ngayon, andito ako, kinakabahan at umaasang makita siya kahit sandali. Nasa kotse lang ako, naghihintay na lumabas siya sa coffee shop, dahil siya lang ang makakapagpagaan ng pakiramdam ko. Si Shuen ang gusto kong kasama kapag nasasaktan ako, kahit alam kong hindi na pwede. Isang yakap niya lang ay alam kong napapawi nito ang lahat.Kahit malayo, yung makita ko lang si Shuen ay masaya na ako. Parang huminto ang oras habang hinihintay ko siyang lumabas. Nang lumabas siya, tila sumigla ako, pero bigla din itong napawi dahil sa presensya ni Izan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa m
KABANATA 29Diovann's POV"Tama na!" Ang boses ko ay tumigil sa kanyang mga pakiusap, parang malamig na hangin. "Ang pamilya natin? Katarina, huwag na tayong magkunwari—matagal nang wasak ang pamilya natin! Kahit ayusin mo ito ngayon ay wala ng saysay. Huli na! Hindi mo na mabubuo ang pamilyang ito, lalo na at ikaw lang din naman ang sumira!" Nilamon ang sala ng alingawngaw ng aking mga salita, at naiwan kami sa mabigat na katahimikan."Ano pa ba ang gagawin ko, Dio?!" Desperado ang kanyang boses, nakikiusap ang kanyang mga mata. "Ginagawa ko ang lahat para magbago, para mabalik sa dati! Hindi mo ba nakikita ang lahat ng pagsisikap ko? Gusto kong ibalik ang pamilya natin!"Umiling ako, malinaw ang wakas sa aking kilos. "Katarina, matagal nang nawala ang anumang nararamdaman ko para sa'yo. Hindi na kita mahal. Kaya kahit subukan pa natin ngayon? Hindi na. Tapos na," matigas kong sabi. "Nag-file na ako ng divorce," dagdag ko, ramdam ang bigat ng sitwasyon.Napuno ng luha ang kanyang mga
KABANATA 30Shuen's POVAng sarap sa pakiramdam na makatulong sa mga batang nangangailangan. Nakakagaan ng loob kapag nakikita ko ang mga ngiti sa kanilang mukha dahil sa mga bagay na kaya kong ibigay at gawin. Sa nakalipas na mga buwan, nakalimutan ko na ang mga nangyari. Hindi ito madali para sa akin, pero sinubukan ko pa rin.Siguro ito yung tinatawag nilang pagpapahalaga sa sarili. Tinanggap ko na ang nangyari at niyakap ang pagbabago. Nandito pa rin ang sakit, pero unti-unti na akong nasasanay. Tama si Atasha, kailangan ko lang tanggapin ang sakit at umiyak hanggang masanay ako. Wala naman akong magagawa, hindi ko puwedeng pilitin ang mga bagay na alam kong imposible.Pero hindi ko pa rin maikakaila na mahal ko pa rin si Yogurt. Na may konting pag-asa pa rin sa puso ko na baka bumalik siya sa akin. Mahirap para sa isang taong binuhusan mo ng oras at damdamin na basta na lang mawala. Hindi ganun kadali na kalimutan siya at tanggalin sa puso ko. Dasal ko lang na sana isang araw, mag
KABANATA 31Shuen's POVPagkagising ko kaninang umaga, may natanggap akong mensahe mula kay Atasha. Agad niya akong pinapunta sa kanyang restaurant kahit hindi ko alam ang dahilan. Kahit nagtataka, pumunta pa rin ako. Tinawagan ko muna si Kendra para sabihing male-late ako ng isang oras at buti na lang mabait siya. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at pagkatapos maghanda, dumiretso na ako sa restaurant ni Atasha.Kinakabahan ako, parang may masamang mangyayari ngayong araw. Dasal ko lang na guni-guni ko lang ito at mali ang kutob ko."Bakit mo ako pinapunta dito ng maaga? Alas-otso pa lang, may pasok pa ako," sabi ko kay Atasha pagdating ko at nilapitan ko siya sa opisina niya."Darating kasi si Izan ngayon," sagot niya, kaya nagtaka ako."Eh ano ngayon? Kung darating siya, bakit kailangan andito rin ako?" tanong ko, medyo nalilito.Bumuntong-hininga siya. "May sasabihin daw siya sa'yo.""Sasabihin? Hindi ba pwedeng tawagan na lang ako? Bakit kailangan pa dumaan sa'yo?" medyo naiini
KABANATA 32Shuen's POVNakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha nang magtama ang mga mata namin, at hindi ko rin pinalampas ang kanyang paglunok. "S...Shuen?" bulalas niya, ang kanyang mga mata'y lumalaki sa pagtataka.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang," pakiusap ko.Mula sa pagkagulat, agad itong napalitan ng isang ekspresyong walang damdamin. "Wala na tayong dapat pag-usapan, Shuen," sabi niya, malamig ang kanyang tinig.Napalunok ako, at sa kabila ng aking kaba, pilit kong itinago ito sa isang ngiti. "Kahit saglit lang, Yoghurt. Kahit isang segundo lang, pakiusap."Ngunit biglang sumiklab ang galit sa kanyang mukha at masama siyang tumingin sa akin. "Hindi pa ba sapat ang mga naging usapan natin noon? Ano pa ba ang kailangan nating pagtalunan? Umalis ka na, Shuen," aniya, matigas at malamig ang boses."Alam ko, Diovanni," tugon ko, habang pinipigil ko ang mga luha ko. "Naiintindihan ko ang lahat, kaya nga hindi na kita ginambala, hin