Share

III

Author: shinxin
last update Last Updated: 2021-08-26 12:11:53

Ellie's POV

"Ellie anak, 'wag kang maging malungkot ha? mag-enjoy ka lang doon sa pupuntahan niyo masaya doon. Huwag mo nang isipin si Papa, ayos lang ako dito," aniya.

Bakit ganito ang kapalaran ko? Wala ba akong karapatan na maging masaya?

Lumaki ako sa mundong hindi nakikilala ang aking ina at ngayon naman ay kinuha nila ng aking ama.

Bakit napaka-unfair?

"Hindi ako magiging masaya Papa kapag wala ka," sabi ko habang umiiyak.

Wala nang natitira sa 'kin, tanging mga kaibigan ko na lamang. Paano ako magiging masaya?

"Hindi naman ako mawawala anak, andyan ako palagi sa puso mo."

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Kailangan ko ng hustisya.

Pinapangako ko na magbabayad ang taong gumawa no'n kay Papa.

"PAPA!" sigaw ko habang unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman.

Hindi ko patatahimikin ang may sala. Pangako.

Nagising ako pagkatapos ng nangyari. Nakausap ko si Papa sa panaginip ko at hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa. Oo, alam kong patay na sya at wala na akong magagawa pa, kailangan ko nalang tanggapin ang nangyari.

Ngunit napakahirap.

Tanghali na at patuloy pa din naming binabaybay ang karagatan. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko dahil kailangan kong magpaka-tatag.

Kailangan kong magpalakas upang pagbayarin si Hecate. 

Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Nilibot ko ang aking tingin sa bangka at lahat sila ay tulog na maliban sa isang babaeng nakaupo sa dulo ng bangka na tila malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya.

"You're awake," aniya, tumango lamang ako bilang sagot.

"Alam kong masakit ang mawalan ng magulang. Naramdaman ko din 'yan noong namatay si Mama at si Kuya. Bata pa lang kami ni Anna noong nangyari 'yon kaya't talagang matagal naming natanggap," kwento niya.

Nagulat ako ng marinig na wala na din silang magulang.

"Masakit talaga. Hindi ko kasi inakala na maaga akong mawawalan ng mahal sa buhay." Akala ko, magagawa ko pa ang mga bagay na gusto ko kasama si Papa.

"Siya nga pala, anong pangalan mo? Kanina pa tayo magkasama pero hindi pa kita kilala." 

Iniba ko na ang usapan dahil hindi ko kayang pag-usapan ang pagkamatay ni Papa.

"My name is Emma and Anna is my twin sister. Si Anna yung sumundo sa inyo sa school," pakilala niya. 

"Masaya siguro kapag merong kapatid ano?" tanong ko

"Minsan. Si Anna kasi, napaka-childish kaya palagi ko siyang dinidiktahan kung anong dapat gawin." 

Ako kasi gusto kong magkaroon ng kapatid. Gusto ko iyong mapagsasabihan mo ng mga problema mo, 'yong palaging nasa tabi mo. Pero hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid buti nalang meron akong mga kaibigan na tinuring ko na din na kapatid.

"Teka nga. Saan pala tayo pupunta?" pag-iiba ko ng usapan.

"Sa palais tayo pupunta. Masasagot din lahat ng tanong mo kapag nakarating na tayo doon," aniya sabay higa "Hay nakakapagod. Palagi nalang ganito. Ellie, tingnan mo yung mga bituin napakaganda kagaya mo," pambobola niya.

"Yes, they're beautiful pero ako hindi! Ano ka ba!" Pagkatapos ay sabay kaming tumawa.

Madami pa kaming pinag-usapan habang nakatingin sa mga bituin. Nalaman ko din na hindi pala siya isang demigod at ang mga tawag sa kanila ay Hunter of Artemis as in yung goddess na si Artemis! Nakaka-mangha nga dahil nakita na daw nila si Artemis. 

Marami siyang tinanong sa akin katulad ng sino ang deity ko? at madami pang iba.

....

"Guys! Merong ahas! Nasa tabi ni Ellie!" Bigla akong nagising dahil sa napakalakas na pagsigaw. Nakatulog pala kaming dalawa ni Emma kanina habang nag-uusap.

Napasarap ang tulog namin dahil ang sariwa ng hangin.

"Alam niyong natutulog pa yung tao ang ingay ingay niyo," sabi ko sa kanila. 

Alam naman kasi nila na ayoko ng ginigising ako, masakit kaya sa ulo 'yon. Nakakainis.

"We're here!" sambit ni Anna.

Umikot ako upang makita ang tinititigan ng mga kaibigan ko.

Napanganga ako sa sobrang ganda ng nasa harapan ko ngayon. Isang palasyo sa gitna ng dagat! At mukhang gawa lahat sa ginto ang buong palasyo dahil sa kinang nito. Grabe hindi ako makapaniwala. Feeling ko nasa langit na ako. Dati, sa mga palabas lang ako nakakakita nito pero ngayon sa personal na.

Bumaba na kami ng bangka at nagsimulang maglakad papunta sa entrance ng palasyo. Ang gaganda ng mga halaman dito, buhay na buhay lalo na iyong mga bulaklak. 

Sa entrance ay mayroong dalawang gwardya na nakabantay. Tanaw na tanaw mo ang buong karagatan at ang napakagandang mga ulap. 

Mayroong isang bagay ang nakakuha ng aking atensyon nang tumingin ako sa kalangitan. Nilapitan ko si Emma para tanongin kung ano iyon.

"Emma, may nagba-barbeque ba sa loob? Bakit ang daming usok?" 

Bigla namang tumawa si Emma sa sinabi ko. Seryoso akong nagtatanong dito tapos tatawa-tawa siya. Wala namang mali sa sinabi ko diba?

"Ellie, hindi iyan usok at isa pa walang nagba-barbeque sa loob." Tumawa muna siya sandali bago magpatuloy. "It's a mist. A supernatural force controlled by the Goddess Hecate that twists a mortal's sight from seeing monsters, Gods, Titans, and other supernatural occurrences by replacing them with things the mortal mind knows about and can comprehend," paliwanag niya. 

"Halimbawa. Isa kang mortal, kapag napadaan ka sa isla na 'to ay wala kang makikitang palasyo, ang makikita mo lang ay mga puno," dugtong pa niya.

Wow. As in wow. 

Ibig sabihin...immortal ako? Base sa explanation niya, hindi mo makikita itong palace if you're a mortal. So it means may power ako? Katulad kay Papa? Oh my god!

"Ellie!" sigaw ni Casey. 

Biglang mayroong itim na kabayo ang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Sa sobrang gulat, hindi ako makaalis sa pwesto ko hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa ilalim na ako ng dagat.

Ayoko pa naman sa dagat! Natatakot ako sobra! Hindi rin ako marunong lumangoy. Gaano ba kalaki ang nagawa kong kasalanan para maparusahan ako ng ganito?

Natanaw ko ang isang lalaki na lumalangoy papunta sa direksyon ko. Ng dahil sa kanya kaya ako nahulog dito sa dagat! Paano kung may dumaan dito na pating? Ha? 

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang lumangoy paitaas.

"Alisin n-niyo a-ko dit-o," hinihingal at takot kong sabi. Lumapit naman agad si Finley at tinulungan ako.

Grabe. Ang tanga tanga mo naman kase Ellie hindi ka tumitingin sa harap mo. 

"Are you okay? I'm really sorry," sabi no'ng lalaki na nakabangga saakin. Anong akala niya sakin uto-uto? Hindi ako madadaan sa sorry sorry niya.

Humarap ako sa kaniya para sabihin na hindi ko tatanggapin ang sorry niya dahil muntik na akong mamatay pero umurong ang dila ko nang masilayan ko ang kanyang mukha.

He has this messy wet black hair, pointed nose, deep black eyes and a perfect lips. Napanganga ako. Tanggap ko na pala yung sorry niya, hihi. Ang gwapo shet!

"Miss?" tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay. Gosh, nakakahiya, baka tumulo pa yung laway ko.

"H-ha? Ah, haha. Okay lang ako ano ba!" awkward.

"Kung ganoon. Paalam," aniya sabay ngiti. Gosh Ellie! Ang landi mo! Teka, aalis na siya? Hindi ko pa nga nalalaman yung name niya e. Gara.

Sumakay na siya sa kabayo at eto nanaman ako nakanga-nga. Paano ba namana kase, yung kabayo niya ay tumatakbo sa hangin! As in sa langit ganern. Nakalutang sila bes! Ilang beses pa ba ako nga-nga-nga dito? Hindi pa nga ako nakakapasok sa palasyo e. Baka pagpasok ko doon e mapasukan na ng hangin yung bibig ko sa sobrang mangha.

"Are they...?" sabi ng isang babae kaya't napalingon kaming lahat sa kanya.

Ang...ang ganda niya!

"Yes, lady. They are the remaining Maiors," sagot naman ni Emma.

"Good job Emma and Anna. Hindi ako nagkamaling piliin kayo para sa misyon na ito," saad niya ngunit mukhang hindi masaya ang kambal dahil nakayuko lamang sila.

Hoy, teka lang ha. Anong maior maior? Baka naman mali kami ng napuntahan. Baka pumapatay sila ng mga teenagers tapos kukunin yung mga laman loob tapos ibebenta? Oh my God! 

At anong misyon misyon? God. Mababaliw ata ako dito.

Pero mukhang sosyal naman siya at hindi siya mamamatay tao. She's wearing a ruffled sequined tulle midi dress, shiny nude heels and a lot of accessories. She also has blonde hair which make her more beautiful. I think she's middle 40 but mukhang bata pa siya.

Bongga naman ng outfitan ni mare. 

"How did you know na they're the maior?" tanong niya uli kay Emma.

"Hector said."

Teka, si Papa? So si Papa pala 'yong dahilan kung bakit kami nandito. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa 'kin dahil alam kong hindi ako ipapadala ni Papa sa lugar na ikapapahamak ko.

"Let's go inside Ladies and Gentlemen. " aniya. Ang ganda niya talaga.

Kumaway ako sa mga guards pero hindi man lang nila ako pinansin. Hmp! Snobber kayo ha!

"Welcome to Palais de Demi-Dieux!" masaya niyang sabi.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dito sa loob.

Nananaginip ba ako?

Pagpasok namin sa palasyo ay maraming nagliliparan na mga hayop katulad ng ibon, paruparo, fairies, at iba pa.

Wow, ang ganda.

Napapaligiran ng mga halaman ang buong palasyo. Kapag nasa labas ka ay hindi mo aakalaing ganito kalaki ang loob. 

Sa bungad ay makikita mo ang mga gintong letra na lumulutang sa hangin na ang nakalagay ay "Palais des Demi-Dieux"

Curious ako kung anong ibig sabihin nito kaya naman tinanong ko si Soleil na nasa gilid ko.

"Anong meaning ng 'Palais des Demi-Dieux, Sol?" bulong ko sa kaniya. 

"I don't know either."

Hindi na lamang ako nagsalita at inilibot pa ang paningin sa buong palasyo.

"Let's go inside," aya sa 'min ni Lady Aislinn kaya't tumango kami bilang sagot.

Pumasok kasi sa isang napakahabang hall na ang interior design ay medieval. Ang ganda dahil sa warm feelings na ibinibigay nito.

Marami kaming nakikita na bata, matanda at mga teenagers na yumuyuko kapag nakakasalubong nila si Lady Aislinn. Wow, this lady is well respected.

"This is the Great Hall where we do our meetings, to entertain guests, and meals," sabi niya. 

Tumingin uli ako sa Hall. Grabe, it looks like 2 to 3 times bigger than our school's cafeteria sa laki nito.

Also, they have marble floor and luxury Chandeliers.

I'm speechless.

Buong estudyante ata sa school namin ay kasiya dito.

Kumusta na kaya sila doon? Bumalik na kaya sila sa normal? Hay.

"Follow me," naglakad na papunta sa kabilang gilid si Lady Aislinn at sinundan namin siya.

We entered a huge doorway at nag-iba ang theme ng lugar. They have warm-orange theme lights. Carpeted floors and a huge wooded stairs na mayroong red carpet.

Wala kaming nakikitang ibang tao sa hallway maliban sa 'ming pito unlike sa Great Hall.

"This staircase leads to your dorm. The female and male dorms are separated," saad niya papaakyat sa hagdan. 

"Each dorm has 6 big rooms. All the things you need are already there. It's up to you kung may gusto kayong idagdag."

Teka lang ha, hindi ba't ang OA lang sa dami ng kwarto? I mean, anim lang kami pero bakit gano'n.

Bahala na.

Dire-diretso ng umakyat si Lady Aislinn at hindi na nagsalita kaya't lumapit ako kay Casey at bumulong.

"Nananaginip ba ako, Casey?"

"Do you want me to slap you para malaman mo?" sagot niya. So far, wala pa akong nakukuhang matinong sagot ngayong araw.

Hindi rin naman matino ang mga tanong ko.

Gosh.

Huminto kami sa dalawang malalaking pintuan na may crystal door knob sa ikatlong palapag ng palasyo.

Ang ganda ng doorknob nila. Feeling ko, yayaman na ako kapag sinangla ko 'yan.

Kidding aside.

"Girls, this is your dorm." Turo niya sa kaliwang pinto. "And this is yours, boys."

"I will let you rest for hours then mag-iikot uli tayo. Hindi pa tayo tapos. Enjoy your stay!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya kaya't dumiretso na ako sa loob ng dorm.

For the nth time, napanganga na naman ako sa sobrang ganda ng loob.

They have multiple modern crystal chandelier. An off white wall color. A fireplace, and a leather luxury sofa set in color nude na napakalaki. Kasiya ata dito ang pitong tao. 

But they didn't have TVs which is weird.

Hindi nga nagbibiro si Lady Aislinn nang sabihin niyang mayroong anim na kwarto ang dorm na 'to.

Nilapitan ko ang mga pinto and I can't open the five of them. It's locked.

Luckily, nabuksan ko ang isang kwarto.

There's nothing special inside the room. It's just a plain white wall color, a king size bed and a french style chandelier. 

This room looks so boring.

Ngunit nakuha ang atensiyon ko ng isang sliding door sa bandang gilid kaya't nilapitan ko ito dahil nga curious ako.

Pagkabukas ko ay isa na namang kwarto ang tumambad sa 'kin na kasing-laki ng kwarto ko. Ngunit kakaiba ang isang 'to. Mas bet ko ito!

This room has a baby pink wall color. A pink carpet, a pale pink vanity mirror and bunch of clothes!

"Oh my God, sa 'kin ba 'to lahat?!" bulong ko sa sobrang tuwa. Hindi ako makapaniwala. Never akong nagkaroon ng isang walking closet dahil hindi namin afford ni Papa.

Si Papa...

Kumusta na kaya si Papa?

Hay.

"Wah!" rinig kong tili na nagmumula sa labas ng kwarto ko kaya't tumakbo ako papalabas upang makita kung anong nangyayari.

"Thieves!" turo ng isa sa tatlong babae na kaharap ni Soleil at Casey.

Anong nangyayari?

"Teka nga, ano bang nangyayari!?" tanong ko sa dalawa. Anong magnanakaw ang sinasabi nito?

"Whatever," sambit no'ng isang babae at naglakad papalayo habang nakakibit-balikat.

I don't like her.

"Lady Aislinn escorted us here. Who are you?" kalmadong tanong ni Casey habang hawak-hawak si Soleil sa damit. Mahirap na, baka mag-alboroto itong isa.

"Wait! Are you the Maiors that Emma fetch on the Mortal Realm?" tanong ng isa.

"I don't like the word 'fetch' Winter."

"Oh. Do I look like I care, Autumn?"

"Oh please! Please! Kung mag-aaway lang kayo, pwedeng umalis na kayo sa harapan ko?" bulalas ni Soleil.

Same, girl. Same. 

Hindi ako pumunta rito para manood ng away. 

Kahit na medyo chismosa ako.

"I'm in the right mood, girl. I'll let it slide for now," saad naman ng isa habang pilit ang ngiti kay Soleil.

Hmm. I think, Soleil found her match. I can sense that they have the same traits and attitude.

"Are you twins?" I asked. 

"Nope."

"Yuck. No, thank you!"

Yeah. You can really tell that they hate each other.

But, I can say that they love each other. Hindi lang nila pinapakita.

Wait. This is weird. I've never experienced this thing. 

"Okay? So bakit magkadugtong ang pangalan niyo? Winter and Autumn?" dagdag na tanong ni Casey sa kanila.

"We are siblings."

"But different mother."

"And, I don't like my sister."

"Do Iike you?" saad ni Autumn.

Oh gosh. Ganito na ba ang makikita ko sa araw-araw? 

"By the way, I'm Winter Indigo," pakilala niya at nakipagkamay.

"I'm Autumn Miller," saad niya at ngumiti.

"I'm Casey Dalton, sweetie."

"Ugh! I like you na agad!"

"Are we getting paid to do this?" walang kagana-ganang sabi ni Soleil. Girl is not friendly.

"Soleil!"

"Yeah. She already said my name. Soleil Zacharia."

"I'm Ellie Johannessen," pakilala ko at kumaway habang nakangiti ng malapad. 

"Such a cute and simple name." 

I knew it. Hindi na kailangang sabihin.

"Did you know that Valenti--"

"Enough! You're too noisy," bulyaw naman ng babaeng nag-walk out kanina. 

Una ko pa lang siyang nakita ay hindi ko na talaga siya gusto. 

Naiinis ako.

"From what I know, your period is done. Why are you acting like that?"

"Can you please shut your mouth? For a while?" this girl has really a bitchy attitude which pissed me off.

"Alam niyo, wala tayong magagawa rito. Let's go!"

"Wait. Saan tayo pupunta?" tanong ko sa dalawa dahil bigla-bigla na lang kaming hinihila papalabas ng dorm. Baka pagalitan kami ni Lady Aislinn.

"To a place where you can find a peaceful environment."

"Ugh, here we go again," bulong ng isa kahit rinig na rinig namin.

Kainis ka na ha.

"Can you be cooperative just for once, Valentine?"

"Whatever."

Okay? They're weird.

"Hindi ba magagalit sa 'tin si Lady Aislinn? Ang sabi niya hindi pa tayo tapos maglibot?"

Ang sabi niya kasi sa 'min ay babalik daw kami sa pagiikot. Pero ang sabi niya ay magpahinga for 'hours' kaya sige, sasama na 'ko.

Para rin masanay ako sa lugar na ito.

"Hayaan niyo na siya. Makakapag-antay ang bruha."

"Winter. Your mouth."

"Ugh."

Akala ko, kay Soleil at Maitland lang ako maiinis dahil sa palagi nilang pag-aaway, pero may dadagdag pa ata.

Mas lalo akong mai-stress nito.

Hay.

Related chapters

  • Her Life (Semideus Duology #1)   I

    Ellie's POV"Comeback to school. ASAP."Pagkatapos sabihin iyon ni Soleil ay pinutol niya na ang tawag. Nakakainis lang ha, kung gusto nilang gumala sana kanina pa nila sinabi hindi 'yong pinapagod nila ako.Magkakasama naman kami kanina pero wala silang sinabi.Si Casey din hindi ako sinabay sa sasakyan niya. Kagigil.Umuwi muna ako sa bahay bago bumalik sa school para sana magpaalam kay Papa kaso walang tao, tanging isang sticky note lamang ang nakita ko sa lamesa."Nak, birthday ng kumpare ko ngayon. Iinom lang ako nang kaunti anak uuwi agad ako. Ingat ka," basa ko. Ayon lamang ang laman ng sticky note. Ibinalik ko na ito sa lamesa at inilapag ang bag ko.Daddy ata ni Casey 'yong tinutukoy niya.Mga magulang kasi namin ay magkakaibigan din. Nakakatuwa nga kasi kapag may birthday ay kumpleto kaming lahat

    Last Updated : 2021-08-13
  • Her Life (Semideus Duology #1)   II

    Ellie's POVNandito na kami sa loob ng bahay ni papa. Napakabigat ng aura ng paligid. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita.Naguguluhan pa kasi talaga ako, anong ginagawa doon ni Papa? Bakit kasama niya 'yong Tito ni Soleil? Bakit Nandoon 'yong Lola ni Harro? Bakit? Bakit?Akala ko ba birthday ang pinuntahan ni papa.Akala ko, nasa bahay sila ni Casey.Akala ko lang pala.Hindi ko na nakayanan pa kaya't ako na lang ang nagsalita."Pa? Gusto ko lang maliwanagan. Bakit madami kang tinatago sa 'kin Pa? Nahihirapan ako sa araw-araw kasi marami akong bagay na hindi alam sa sarili ko."Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niya itinatago ang tunay kong pagkatao.Hindi ko maintindihan kung bakit maraming siyang nililihim."Sasabihin ko naman sa 'yo ang totoo, k

    Last Updated : 2021-08-13

Latest chapter

  • Her Life (Semideus Duology #1)   III

    Ellie's POV"Ellie anak, 'wag kang maging malungkot ha? mag-enjoy ka lang doon sa pupuntahan niyo masaya doon. Huwag mo nang isipin si Papa, ayos lang ako dito," aniya.Bakit ganito ang kapalaran ko? Wala ba akong karapatan na maging masaya?Lumaki ako sa mundong hindi nakikilala ang aking ina at ngayon naman ay kinuha nila ng aking ama.Bakit napaka-unfair?"Hindi ako magiging masaya Papa kapag wala ka," sabi ko habang umiiyak.Wala nang natitira sa 'kin, tanging mga kaibigan ko na lamang. Paano ako magiging masaya?"Hindi naman ako mawawala anak, andyan ako palagi sa puso mo."Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Kailangan ko ng hustisya.Pinapangako ko na magbabayad ang taong gumawa no'n kay Papa."PAPA!" sigaw ko habang unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman.&nb

  • Her Life (Semideus Duology #1)   II

    Ellie's POVNandito na kami sa loob ng bahay ni papa. Napakabigat ng aura ng paligid. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita.Naguguluhan pa kasi talaga ako, anong ginagawa doon ni Papa? Bakit kasama niya 'yong Tito ni Soleil? Bakit Nandoon 'yong Lola ni Harro? Bakit? Bakit?Akala ko ba birthday ang pinuntahan ni papa.Akala ko, nasa bahay sila ni Casey.Akala ko lang pala.Hindi ko na nakayanan pa kaya't ako na lang ang nagsalita."Pa? Gusto ko lang maliwanagan. Bakit madami kang tinatago sa 'kin Pa? Nahihirapan ako sa araw-araw kasi marami akong bagay na hindi alam sa sarili ko."Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niya itinatago ang tunay kong pagkatao.Hindi ko maintindihan kung bakit maraming siyang nililihim."Sasabihin ko naman sa 'yo ang totoo, k

  • Her Life (Semideus Duology #1)   I

    Ellie's POV"Comeback to school. ASAP."Pagkatapos sabihin iyon ni Soleil ay pinutol niya na ang tawag. Nakakainis lang ha, kung gusto nilang gumala sana kanina pa nila sinabi hindi 'yong pinapagod nila ako.Magkakasama naman kami kanina pero wala silang sinabi.Si Casey din hindi ako sinabay sa sasakyan niya. Kagigil.Umuwi muna ako sa bahay bago bumalik sa school para sana magpaalam kay Papa kaso walang tao, tanging isang sticky note lamang ang nakita ko sa lamesa."Nak, birthday ng kumpare ko ngayon. Iinom lang ako nang kaunti anak uuwi agad ako. Ingat ka," basa ko. Ayon lamang ang laman ng sticky note. Ibinalik ko na ito sa lamesa at inilapag ang bag ko.Daddy ata ni Casey 'yong tinutukoy niya.Mga magulang kasi namin ay magkakaibigan din. Nakakatuwa nga kasi kapag may birthday ay kumpleto kaming lahat

DMCA.com Protection Status