Ellie's POV
"Comeback to school. ASAP."
Pagkatapos sabihin iyon ni Soleil ay pinutol niya na ang tawag. Nakakainis lang ha, kung gusto nilang gumala sana kanina pa nila sinabi hindi 'yong pinapagod nila ako.
Magkakasama naman kami kanina pero wala silang sinabi.
Si Casey din hindi ako sinabay sa sasakyan niya. Kagigil.
Umuwi muna ako sa bahay bago bumalik sa school para sana magpaalam kay Papa kaso walang tao, tanging isang sticky note lamang ang nakita ko sa lamesa.
"Nak, birthday ng kumpare ko ngayon. Iinom lang ako nang kaunti anak uuwi agad ako. Ingat ka," basa ko. Ayon lamang ang laman ng sticky note. Ibinalik ko na ito sa lamesa at inilapag ang bag ko.
Daddy ata ni Casey 'yong tinutukoy niya.
Mga magulang kasi namin ay magkakaibigan din. Nakakatuwa nga kasi kapag may birthday ay kumpleto kaming lahat-akala mo may reunion.
Ah, baka gusto ni Soleil na sabay-sabay kaming pumunta kila Casey. Pero bakit kailangan sa school pa magkita? Pwede naman dito sa amin, mas malapit pa.
But, don't messed with the devil ika nga nila.
Si Soleil kasi, mahilig siyang maghanap ng gulo o magsimula ng gulo, makikita mo nalang bigla bigla siyang magkakaroon ng away kasi kahit maliit na bagay pinapatulan nya. Pero minsan, kapag nasa mood siya, siya mismo ang mag-aawat sa mga nag-aaway.
Eto namang si Maitland, babaero pero alam naman na naming magkakaibigan na may gusto siya kay Soleil, pero ito namang si Soleil pa hard-to-get pa, gusto din naman.
Si Casey 'yong pinakamatalino sa aming lima, tahimik lang siya palagi. At siya talaga 'yong buddy ko sa kanilang lima.
Si Harro naman, pareho sila ni Casey ng ugali na palaging tahimik, kaya lang itong si Harro kapag nagalit ay na 'ko bes, akala mo kakain ng tao. Kaya 'wag susubukang galitin ito.
Si Finley naman, dudugo ilong mo kapag naguusap kayo, palagi kasi syang nag-eenglish and once in a blue moon mo lang maririnig magtagalog.
Wala naman kasi akong ibang kaibigan maliban kina Finley na napakayabang, si Harro, Maitland, Casey at Soleil.
Sila lang talaga 'yong mga ka-close ko simula bata pa lang. Ang pangit kasi ng mga ugali ng mga estudyante sa school at sa lugar namin.
Hindi ko alam, pero feeling ko hindi kami belong dito. It feels like we're different from them.
I don't know.
Lumabas na ako ng bahay kasama yung motorbike ko. Ayoko na kayang maglakad. Hello, may heels po yung sapatos ko at ayaw kong magkapaltos. Ayoko namang magpalit ng tsinelas kasi hindi na bagay sa uniform.
Hindi na ako nagpalit ng pambahay dahil baka mag-alboroto na si Soleil sa sobrang tagal ko.
....
Soleil's POV
"We need to find that book. We don't know if that book is the answer to all of our questions."
I found this little piece of paper in my Uncle's room when I went home earlier and I think it's a book page base sa texture niya. I usually put my bag on his room dahil ayaw ko nang kalat sa kwarto ko and luckily I found this.
"So, bakit mo kami pinapunta dito? Ha? Alam mo ba na may shanghai sa birthday ni Tito? Napaka-epal mo," bulalas ni Maitland.
Kumukulo na talaga yung dugo ko dito sa lalaking 'to.
Nagpaalam na din si Casey sa Daddy niya na mahuhuli kami sa celebration dahil may kailangan pa kaming gawin.
Nandoon na siguro si Uncle dahil pag-uwi ko ay wala na ring tao.
"If you ask once more, I will punch you right on the face. Got it?" pagbabanta ko sa kaniya. Ayoko kasi ng panay tanong, it's too annoying.
At mas nakakairita kung si Maitland ang nagtatanong.
"Oh. Ellie's coming," ani Harro.
Tanaw ko na si Ellie na nakasakay sa kaniyang motorbike.
Tumingin ako sa lalaking katabi ko. Kitang-kita ko ang kinang sa mga mata niya habang nakatingin sa babaeng papunta sa direksyon namin.
Pag-ibig nga naman.
But, it's still gross.
Mahahalata mo sa mukha ni Ellie na wala siya sa mood. Oo na, kasalanan ko na.
Akala ko kasi hindi pa siya umuwi dahil sabi niya ay pupunta pa siya sa faculty ni Ms. Versales.
"Anong meron Soleil? Bakit mo ako pinabalik dito ha? Alam mo ba na gutom na gutom na ako? Gusto ko nang pumunta sa birthday ni Tito David!" sabi niya habang umiiyak ng peke na parang bata. "Charot. Anong meron?"
I don't know, but pagdating kay Ellie hindi ka talaga makakaramdam ng galit sa kanya. Feeling mo kapag magagalit ka sa kaniya ay ang laki laki na ng kasalanan mo.
Uhh, nevermind.
"She found this," ani Finley sabay hablot ng papel sa kamay ko.
Hindi ba dapat ako 'yong sumagot Finley? Ako 'yong tinanong hindi ikaw.
Papansin ka.
"And it indicate information about a tattoo. Probably, our zodiac tattoos," paliwanag nya.
Nakayuko lamang ako at ginagaya 'yong sinasabi niya.
Kainis.
"And?" tanong pa ni Ellie.
"I saw my Uncle once in our school library and as far as I remember, he doesn't like reading books. So based on my calculations, 'yong libro nito ay nasa library. And anong dahilan na nandoon sya? Nagbabasa ng libro?" paliwanag ko. "Wala namang mawawala kung susubukan natin diba?" ako na ang sumagot sa kaniya.
Bida-bida talaga kahit kailan 'to si Finley.
May iba pang oras para sa pagpapapansin ha?
Okay, let's go back to Ellie.
Si Ellie yung tipo ng tao na medyo maarte pagdating sa sarili niya. Maraming bagay na ayaw niya lalo na sa pagdadamit. Pero kapag titingin ka sa kaniya, mararamdaman mo na ang gaan-gaan ng pakiramdam mo, na parang wala kang hinaharap na problema.
Ewan ko, pero ganiyan talaga yung nararamdaman ko sa babaeng 'ayyan. It feels like she's my safe zone.
"Andyan pa ata 'yong mga guard, paano tayo makakapasok?" inosenteng tanong ni Ellie.
"Sa likod. We will climb," Casey answered.
Gulat na gulat siyang nakatingin kay Casey pagkatapos niyang sabihin iyon.
"L-like, akyat-bahay? Gosh, this is insane," bulong niya na ikinatawa ko naman. She's pure and cute.
Siniko ako ni Finley habang tumatawa ako.
Problema na naman nito?
"Let's go. It's getting late," Finley said.
Sapakin kita diyan eh. Pareho kayo ni Maitland. Ang lakas manginis.
....
Elllie's POV
Andito kami ngayon sa likod ng school, and guess what? Aakyatin namin 'tong napaka-taas na bakod para lang diyan sa papel na sinasabi nila.
Hindi ko pa nakita close-up yung papel kaya naman medyo curious din ako. Akala ko naman kasi kaya nila ako pinapunta dito ay dahil gusto nilang gumala, ayon pala gusto nilang maging akyat-bahay gang.
"Ellie!" nagulat ako sa sigaw ni Finley. Kanina pa akong umaga nagugulat sa kaniya. Magkakapigsa ako nito e. "Give me your hand," at na-realize ko na lahat sila ay nakaakyat na at ako nalang ang natira.
Ang bilis naman nila?
Ibinigay ko kay Finley ang aking kamay at sinikap na akyatin ang bakod.
Ang sakit ng balikat ko ha.
"Wag mo namang hilain masyado 'yung braso ko, mahihiwalay 'to sa katawan ko e!" sigaw ko sa kaniya at wala man lang siyang naging reaksyon at talagang hinila niya pa nang sobra 'yong braso ko dahilan para bumagsak kaming dalawang sa lupa at nakapai-babaw pa ako sa kaniya.
Teka...
Nakapa-ibabaw ako...?
Kay Finley?!
"Wah! You son of a bi--" sigaw ko habang umaalis sa ibabaw ni Finley.
Epal din netong si Soleil e, tinakpan pa bibig ko 'di ko na tuloy natapos yung sasahihin ko. Tsk.
Nakakainis talaga 'tong si Finley kahit kailan.
Hindi ako makapaglakad ng maayos dahil medyo mahapdi ang binti ko.
Tinignan ko ito at ito ay dumudugo.
Kasalanan mo 'to Finley!
"Finley! Tingnan mo 'tong sugat ko! Kita mo 'tong dugo? Nakakainis!" sigaw ko sa kaniya habang pinapalo palo siya.
Kulang pa 'yan.
Alam mong ayaw na ayaw ko na nasusugatan pero hinila mo 'ko edi tumama 'yung binti ko sa may bakal.
Nakakainis talaga. Ang sarap sumigaw.
"Soleil!" iyak ko sakaniya habang tinuturo ko ang aking binti.
Literal na umiiyal talaga ako. Ang hapdi!
"Sinong may bimpo?" tanong ni Soleil.
"I have."
Yumuko si Finley upang itali ang bimpo sa aking sugat ngunit pinigilan ko siya.
"Hep hep. Ayoko sa 'yo!" Ikaw 'yong may kasalanan nito kaya 'di tayo bati.
Inaalis ko ang binti ko mula sa pagkakahawak niya ngnuit hinahawakan niya ng mahigpit.
"Huwag ka nang maarte, Ellie Johannessen," no'ng sinabi niya ang buong pangalan ko ay 'di na ako nakaimik dahil alam kong galit na siya.
Pero diba ako dapat 'yong magalit?
Palagi niya na lang akong natatalo.
Tinitigan ko lamang siya habang nilalagay ang bimpo.
Kahit saang anggulo mo siya tingnan ay 'di mo mapagkakaila na gwapo talaga siya.
Nang matapos na ay tumalon-talon ako sa tuwa.
Ayoko kasing may nakikita na sugat sa katawan ko.
"Tara na!" aya ko sa kanila.
"Paano tayo makakapunta sa library nito? Baka ni-lock na nila yon," ani Maitland.
Sabagay, may point naman siya. Nakabukas pa ang mga ilaw dito sa school, ibig sabihin hindi pa umuuwi 'yong mga staff ng school.
....
Andito na kami sa loob ng library pero 'di namin alam na hindi pa umuuwi yung librarian e anong oras na, kaya kaniya-kaniya kami ng tago. Ako, si Soleil, Casey and Maitland ay nasa ilalim nang lamesa, si Finley naman nasa likod ng pinto, si Harro naman nagtatago sa mga book shelves.
"Hoy! Pwede bang yumuko kayo?! Mahuhuli tayo neto e," inis na sabi ni Soleil
"Eh kung manahimik ka kaya, ano?" sagot naman ni Maitland.
"Bakit hindi lahat kayo manahimik? ha?" sabi ni Casey. 'Yan buti nga, ang iingay kasi eh tapos kapag na-guidance hindi maipinta yung mukha.
Si Maitland kasi ilang beses nang napa-guidance dahil sa sobrang pagkapasaway.
"Wala na atang tao guys, nakaalis na ata sila. Magsimula na tayo, baka gabihin tayo nito," sabi ko nang wala na akong marinig na yapak mula sa labas ng library.
"Okay so, Ellie and Soleil doon kayo sa kabilang dulo maghanap and dito kami ni Harro sa kabila," utos ni Casey.
Sana naging detective nalang kami.
"Ay naging hangin na ba kami? Bakit 'di nyo kami pinapansin? Ha? Sabagay, mahangin naman pala 'tong katabi ko," ani Maitland.
Ayan na naman po. Nagsisimula na naman sila.
"Could you please shut your mouth? Or else I'll punch you," sabi naman ni Finley.
Akala mo naman talaga.
Itong dalawa talaga na 'to walang araw na hindi sila nag-aaway. Minsan nakakairita na sila pero nakakatawa naman silang panoorin.
"You two must stand at the door or window at bantayan nyo kung may tao. Gets?"
Padabog namang naglakad si Maitland papuntang pintuan upang magbantay at ewan ko dito sa isa, inutusang magbantay pero nakayuko sa lamesa. Aba, ayos 'yan.
Sinimulan na namin ni Soleil na hanapin ang libro na tinutukoy ni Casey.
"Ellie? Sa tingin mo ba may tinatago sa atin yung parents natin?" biglaang tanong ni Soleil sa akin.
"Hindi ko rin alam e. Kung mahal nila tayo, bakit sila magtatago sa atin, diba?" sagot ko naman at hindi na siya nagsalita pang muli.
Pero sa totoo lang, nagdududa din ako kay Papa e, kasi sa tuwing tatanongin ko siya tungkol kay Mama bigla siyang magagalit sa 'kin.
Hindi naman ako nagtatampo kay Papa, pero ang akin lang naman, may karapatan din akong malaman ang katotohanan at kung ano man yung tinatago niya sa 'kin.
"What kind of book is this? Ang kapal pero walang sulat. Nagsayang lang sila ng papel," ani Casey kaya naman nilapitan namin siya ni Soleil.
Inisa-isa niya pa ang bawat pahina ngunit wala talagang sulat ni isa. Kaya't ibinalik niya na lamang ang libro sa shelf.
Pero agad ko ding hinablot ito dahil nakuha nito ang aking atensyon.
Mayroon itong makapal na book cover at mahahalata mo na luma na ito dahil gusot-gusot na. Sa harap ay may nakalagay na 'To taxÃdi tis' hindi ko alam kung anong lengguwahe ito e. Hihiramin ko sana ang phone ni Harro para i-g****e translate kaso 'wag nalang. Bakit pa ako magaaksaya ng oras para sa walang laman na libro?
Ibinalik ko na lamang ito sa dati nitong kinalalagyan dahil wala akong makukuhang impormasyon dito.
"Wait. Did the shelf moved?" biglaang tanong ni Harro kaya't napatingin kaming lahat sa kaniya. Ginalaw niyang muli ang kinalalagyan ng mga libro at gumalaw nga ito na parang isang sliding door.
Gosh.
Bakit hindi ko napansin ito? Palagi naman kaming pumupunta dito.
"Oh man," sabi ni Maitland.
"Should we go inside to check what it is?" tanong ni Soleil.
"Syempre naman Soleil! Malay mo andito na yung foreve--" hindi na natapos ni Maitland 'yong sasabihin niya pero nasapak na agad siya ni Soleil. Poor guy.
Naunang pumasok si Harro at sumunod naman si Casey sa... hindi ko alam kung anong tawag dito e, extension room? Second library? Tunnel? Ay ewan!
Pero parang may kakaibang nangyayari dito sa isa. Kanina pa siya tahimik.
"Hey, are you okay?" tanong ko kay Finley pero aba, isang tango lang ang sinagot niya sa 'kin. Hmp! Bahala ka diyan mag-isa.
Pagkatapos kong tanongin si Finley ay sumunod na akong pumasok sa loob.
"Be quiet guys okay? Hindi natin alam kung anong meron dito," paalala ni Harro sa amin.
Sa bandang shelf kasi ay mayroong spiral stairs pababa so nakakatakot talaga kasi madilim and isang phone lang 'yong dala namin kaya't hawak-hawak kami. Oa di ba? Pero nakakatakot kasi talaga.
Pero no'ng malapit na kami sa may baba ay sinenyasan kami ni Casey na tumigil. Meron kaming naririnig na mga boses, siguro ito yung dahilan kaya pinatigil kami ni Casey.
"Sasabihin na ba natin sa kanila? O hahayaan natin na sila 'yong tumuklas?"
"Mas maganda sigurong sabihin na natin para hindi sila magkaroon ng sama ng loob."
Teka...parang pamilyar 'yong boses nila.
Imposible naman 'yong iniisip ko dahil nasa birthday sila ni Tito David.
Nagulat ako nang biglang bumaba ng hagdan si Soleil at pumunta sa mga taong naguusap.
"So may tinatago nga kayo?! Hindi nyo ba kami anak? Ha? Antagal naming hinahanap 'yong kulang sa puso namin! Antagal naming nagdusa kasi merong kulang sa amin na hindi niyo masabi-sabi kung ano 'yon! Alam niyo ba kung anong pinagdaanan namin? Hirap! Lungkot! Sakit! Lahat ng 'yon ay dinanas namin pero ano? Ni hindi man lang sumagi sa isip nyo na sabihin sa amin 'yong totoo? Nakakainis!" bulalas ni Soleil sa kanila. Pero hindi ko makita kung sino 'yong mga tao doon kasi madilim pero pamilyar 'yong mga boses nila.
Tumakbo palabas si Soleil habang umiiyak.
"Soleil!" sigaw ni Maitland habang hinahabol si Soleil.
Kami nalang apat na magkakaibigan ang naiwan dito nang biglang may humawak sa balikat ko.
"Anak."
Ellie's POVNandito na kami sa loob ng bahay ni papa. Napakabigat ng aura ng paligid. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita.Naguguluhan pa kasi talaga ako, anong ginagawa doon ni Papa? Bakit kasama niya 'yong Tito ni Soleil? Bakit Nandoon 'yong Lola ni Harro? Bakit? Bakit?Akala ko ba birthday ang pinuntahan ni papa.Akala ko, nasa bahay sila ni Casey.Akala ko lang pala.Hindi ko na nakayanan pa kaya't ako na lang ang nagsalita."Pa? Gusto ko lang maliwanagan. Bakit madami kang tinatago sa 'kin Pa? Nahihirapan ako sa araw-araw kasi marami akong bagay na hindi alam sa sarili ko."Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niya itinatago ang tunay kong pagkatao.Hindi ko maintindihan kung bakit maraming siyang nililihim."Sasabihin ko naman sa 'yo ang totoo, k
Ellie's POV"Ellie anak, 'wag kang maging malungkot ha? mag-enjoy ka lang doon sa pupuntahan niyo masaya doon. Huwag mo nang isipin si Papa, ayos lang ako dito," aniya.Bakit ganito ang kapalaran ko? Wala ba akong karapatan na maging masaya?Lumaki ako sa mundong hindi nakikilala ang aking ina at ngayon naman ay kinuha nila ng aking ama.Bakit napaka-unfair?"Hindi ako magiging masaya Papa kapag wala ka," sabi ko habang umiiyak.Wala nang natitira sa 'kin, tanging mga kaibigan ko na lamang. Paano ako magiging masaya?"Hindi naman ako mawawala anak, andyan ako palagi sa puso mo."Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Kailangan ko ng hustisya.Pinapangako ko na magbabayad ang taong gumawa no'n kay Papa."PAPA!" sigaw ko habang unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman.&nb
Ellie's POV"Ellie anak, 'wag kang maging malungkot ha? mag-enjoy ka lang doon sa pupuntahan niyo masaya doon. Huwag mo nang isipin si Papa, ayos lang ako dito," aniya.Bakit ganito ang kapalaran ko? Wala ba akong karapatan na maging masaya?Lumaki ako sa mundong hindi nakikilala ang aking ina at ngayon naman ay kinuha nila ng aking ama.Bakit napaka-unfair?"Hindi ako magiging masaya Papa kapag wala ka," sabi ko habang umiiyak.Wala nang natitira sa 'kin, tanging mga kaibigan ko na lamang. Paano ako magiging masaya?"Hindi naman ako mawawala anak, andyan ako palagi sa puso mo."Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Kailangan ko ng hustisya.Pinapangako ko na magbabayad ang taong gumawa no'n kay Papa."PAPA!" sigaw ko habang unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman.&nb
Ellie's POVNandito na kami sa loob ng bahay ni papa. Napakabigat ng aura ng paligid. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita.Naguguluhan pa kasi talaga ako, anong ginagawa doon ni Papa? Bakit kasama niya 'yong Tito ni Soleil? Bakit Nandoon 'yong Lola ni Harro? Bakit? Bakit?Akala ko ba birthday ang pinuntahan ni papa.Akala ko, nasa bahay sila ni Casey.Akala ko lang pala.Hindi ko na nakayanan pa kaya't ako na lang ang nagsalita."Pa? Gusto ko lang maliwanagan. Bakit madami kang tinatago sa 'kin Pa? Nahihirapan ako sa araw-araw kasi marami akong bagay na hindi alam sa sarili ko."Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niya itinatago ang tunay kong pagkatao.Hindi ko maintindihan kung bakit maraming siyang nililihim."Sasabihin ko naman sa 'yo ang totoo, k
Ellie's POV"Comeback to school. ASAP."Pagkatapos sabihin iyon ni Soleil ay pinutol niya na ang tawag. Nakakainis lang ha, kung gusto nilang gumala sana kanina pa nila sinabi hindi 'yong pinapagod nila ako.Magkakasama naman kami kanina pero wala silang sinabi.Si Casey din hindi ako sinabay sa sasakyan niya. Kagigil.Umuwi muna ako sa bahay bago bumalik sa school para sana magpaalam kay Papa kaso walang tao, tanging isang sticky note lamang ang nakita ko sa lamesa."Nak, birthday ng kumpare ko ngayon. Iinom lang ako nang kaunti anak uuwi agad ako. Ingat ka," basa ko. Ayon lamang ang laman ng sticky note. Ibinalik ko na ito sa lamesa at inilapag ang bag ko.Daddy ata ni Casey 'yong tinutukoy niya.Mga magulang kasi namin ay magkakaibigan din. Nakakatuwa nga kasi kapag may birthday ay kumpleto kaming lahat