"Nakakapagod naman." I sighed at yumuko sa lamesa para pumikit at ipahinga ang utak ko. Inaantok narin ako, nakakasawa yung ginagawa ko. Type lang ng type.
Bakit ba kasi hindi niya pa ko tanggalin. Bakit kasi naniwala ako at naawa sa dahilan niya kung , bakit ayaw niyang kumuha ng ibang secretary eh.
"Trauma. My One and Only Secretary Break Up on me. Iniwan niya ko, alam mo naman yun diba? Kaya ngayon, parang hindi ko pa kaya magkaron ng ibang secretary. Ang sakit parin eh."
"Oh, bakit ako nandito kung ayaw mo pang kumuha ng secretary?"
"Cause' I know, your different. Hindi mo ko papabayaan katulad nung hindi mo pag-iwan sakin nung lasing akong sumugod sa coffee shop."
Bakit ba kase nagpadala ako sa cuteness niya? Buset talaga.
Ginulo-gulo ko yung buhok ko. Napapagod na talaga ako! Gusto ko nalang umuwi at humiga sa malambot kong kama. Hayy sarap matu..log.
"Ay kabayo!" napabalikwas ako ng tayo nung may bumagsak na malakas.
Hala nakatulog pala ako? Ano yung bumagsak?
Nakita kong takot na nakatingin ang ibang empleydo sa Opisina ni Eugene. Bakit kaya?
Sinenyasan ko si Irene na lumapit sakin, isa sa empleydo dito.
"Ano nangyari?" tanong ko. Lumapit pa siya sakin at bumulong.
"Yung ex ni Sir nandito kanina. Nag-away sila, buntis yung ex-secretary slash ex-girlfriend niya."
Nanlaki yung mata ko at agad na pumasok sa loob ng opisina ni Eugene.Naawa naman ako sa itsura niya. Nakaupo siya sa sahig sa may gilid ng lamesa.
"Fvck. This can't be.." Umiiyak niyang sabi.
"Ayos ka lang?" kumuha ako ng tubig at umupo sa tabi niya.
Ininom ko yung tubig at tinapik ang likod niya.
"Akala ko ibibigay mo sakin yung tubig, abno ka." natawa ako nung tumingin siya sakin ng nakanguso, habang umiiyak parin.
"Hati nalang tayo, Hehe." binuksan ko yung bote at itinapat sa bibig niya. Masanay na kayo, gusto niya talagang ako ang nagpapakain at nagpapainom sakanya.
Ewan ko din, kaya wag niyo tanungin kung bakit.
Ilang minuto pa kaming nakaupo sa sahig. Lumingon ako sa glass window, pababa na ang araw. Ang ganda.
"I'm going to be a Father." tumango ako at nilingon siya.
"Oh dapat nga maging masaya ka. Blessing yun." siniglahan ko pa konti yung boses ko, baka mamaya umiyak nanaman to e.
"I'm not a fan of a Broken Family." napatitig ako sa mukha niya.
Nakakapanibago. Sobrang seryoso ng mukha niya, yung makulit niyang boses napalitan ng malalim. Sa isang iglap nawala yung pabebeng si Uge. Ito ba talaga ang tunay na siya?
"My Mom and Dad, Died. Suicide." Mapait ang pagkakabigkas niya.
Hindi ko naman pinahalata na nagulat ako, nakatingin lang ako sakanya, handang makinig.
Tumawa siya at tumingin sa papalubog na araw mula sa malayo.
"I'm just a fvcking ten years old, nung magpakamatay sila. Nakita ko, harap-harapan." Tuloy-tuloy yung luha niya. Kahit ako umiiyak na.
Paano ka nakakangiti kung may ganiyan ka palang dinadala?
"Paano ako magiging magulang? Hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ko kayang lumaki siya na hindi kumpleto ang pamilya." hinawakan ko yung kamay niya, nag-angat siyang ng tingin sakin.
Tutal nag-share siya sakin, hindi naman siguro masama kung sasabihin ko din sakanya yung naging buhay ko.
"Alam mo Uge, Ako din Ulila na." malungkot akong ngumiti sakanya. Mabilis siyang napaharap sakin.
"Really? H-How?" nag-iwas ako ng tingin sakanya at pasimpleng nagpunas ng luha.
"Five years old palang ako nung namatay sila. Sakit ata? Hindi ako sure, bata pa kasi ako non. Lumaki ako sa ampunan, Pero nasunog yung ampunan kaya sa kalye ako tumira." nakangiti akong lumingon sakanya.
Medyo nabigla pa ko nung magkatitigan kami.
"Paano ka nakapag-aral? Paano ka nabuhay sa Kalye? Wow. Hindi halata." hindi sa pag-aano pero , sinabi niya yon ng may tonong pagka-mangha.
Kinuwento ko lahat sakanya. Haloa lumalim na yung gabi, nagkukwento parin ako. Ayaw ako patayuin hanggat hindi ko nakukwento lahat.
"Tapos.. Eto na ko ngayon. Secretary ng isang Isip batang tulad mo." tumayo ako at nag-unat. Kakangalay naman. Napa-tsk nga ko nung iabot niya yung kamay niya sakin.
"Tayo mo ko." pabebe nanamang sabi niya. Kinuha ko yung kamay niya, at buong pwersa siyang hinila patayo.
"Takte ka talaga. Mas mabigat ka pa sakin tapos magpapatayo ka pa-Ahh. Ayan!" nag-unat ulit ako ng braso.
"Thank you." tinaas baba niya pa yung kilay niya.
Pesteng to. Ang laki-laking tao, hindi na naawa sa sexy kong katawan. Tiningnan ko yung oras.
Eight na ng gabi. Kaya pala gutom na ko. Lumabas ako para ayusin yung gamit ko nung nagramble na talaga yung large at small worm ko sa tummy. Arte gago.
"Gutom na ko." banggit ko habang inaayos yung gamit ko. Nilingon ko yung pinto ng opisina nung lumabas si Eugene.
"I'm hungry." Nakasimagot niyanf sabi sakin at umakbay. Sanay narin ako, kahit mag-iisang buwan pAlang kaming magkasama.
Ganito kami lagi. Sabay uuwi at kakain ng Dinner. Saan? Malamang sa bahay ko. Pabebe nga kase siya, gusto lagi kong inaasikaso. Buti nalang mataas magpa-sweldo.
"Pa-deliver nalang tayo. Gutom narin ako, ayokong magluto." sabi ko at kinabit na yung seatbelt.
"Sa labas nalang tayo kumain." sabi niya habang naka-focus sa daan ang paningin.
"Ayoko. Doon nalang sa bahay." inaantok kong sagot at pumikit.
"Sabihin mo kuripot ka lang. Parehas lang naman bayad kapag ganon. Tsaka hoy' sungit! Ako kaya lagi nagbabayad." nagmulat ako at tumingin sakanya.
Kung hindi lang ako pagod. Papayag akong kumain sa labas, kaso inaantok na talaga ako eh.
"Inaantok na kase ako Bata. Gusto ko pagkatapos kumain, tulog na. Wag kang madaldal, magmaneho ka ng maayos." kinurot ko yung nguso niya. Kakagigil talaga mukha na siyang pato kakanguso.
"Shakit."
"Pabebe."
"Sungit."
"Bata."
Blah.blah.blah. after so many dakdakan nakarating na kami sa Condo ko na kaharap lang ng Condo niya. Destiny? Hindi noh. Pwersahan niyang binili yung condo sa tapat, kawawa nga yung totoong nakatira. Wala, abnormal talaga siya eh.
Pagkapasok ko sa Unit ko dumiretao agad ako sa kwarto at nagbihis. Si Eugene naman nasa unit niya nagbibihis din, papasok nalang yan basta-basta mamaya. Alam niya pass code ko, alam ko din yung kanya.
Kung iisipin ko, hindi ko na matandaan paano kami naging ganito ka-close. Magkaibigan? Hindi. Amo ko siya, kaaway ko din. Kapitbahay ko din. Basta bahala na.
Nakahiga ako sa sofa nung pumasok si Eugene, na may dala ng bucket ng chicken at kung ano-ano pa na galing sa sikat na bubuyog.
Isip bata talaga.
"Kainan na!" Buti at kumain siya ng kusa at hindi na nagpasubo. Gutom na gutom lang? Haha.
Kumain narin ako at galit-galit muna. Wow, ganito pala ako kaguto. Apat na rice at tatlong chicken kulang pa sakin.
Nakita kong nagka-sauce yung bibig nung bata, authomatic namang kumilos yung kamay ko at pinunasan yon.
"Salamat. Ang sweet ni sungit ngayon ah." nilunok ko yung manok ng hindi pa nginunguya. Nung makabawi ako binato ko sa mukha niya yung tissue.
"Tsk." natawa lang siya at kumain na ulit.
Tsk. Sweet daw.
Nung matapos kaming kumain syempre ako ang nagligpit. Habang siya lumalaklak ng yakult. Maya-maya nakahiga na kami parehas sa sofa, magkahiwalay ah. Wag kayong issue. Doon siya sa maliit na sofa.
Nung may naalala ako, pinatay ko yung tv at umupo sa sahig kaharap niya.
"Bakit mo pinatay?" pinaupo ko siya.
"Seryoso ka muna dali. May pag-uusapan tayo. Hindi natin to naklaro kanina, nagdrama tayo agad eh." tuloy-tuloy kong sabi. Bumaba siya sa upuan kaya parehas na kaming nasa sahig.
"Ano yun?" tanong niya habang nahihikab.
"Buntis yung Ex-secretary slash Ex-girlfriend mo?" pagkukumpirma ko. Mabilis na nagbago yung expression niya, tumango siya.
"Sayo ba yun?" tumingin siya sakin at tumango ng dalawang beses.
"Babalikan ka ba niya? Imposibleng hindi dahil magkakaanak na kayo." kita ko ang pagtangis ng panga niya. Galit
"She's getting married sa Imported niyang boyfriend. Pumunta lang siya kanina para sabihing sa oras na manganak siya, iiwan niya sakin ang bata." mapaklang sabi niya.
Ano klaseng babae yun? Kaya niyang iwan yung anak niya para lang sa lalaki? Grabe naman.
"Alam mo.. Buti nalang at hiwalay na kayo. Sinong babae ang kayang gumawa ng ganon? Iiwan niya yung anak niya para lang sumama sa ibang lalaki? Hindi niya ba naisip kung paano yung anak niya? Lalaki ng walang Nanay? Gigil ako." tuloy-tuloy kong daldal. Nakakainis yung babaeng yun.
Nakita ko na siya sa picture eh. Maganda siya, walang duda at nabaliw ang isang to. Pero kahit gaano pa siya kaganda, kung ganon ang ugali niya? Mangangamoy b****a siya.
Hindi niya ba alam kung gaano kahirap sa isang bata ang mabuhay ng kulang ang pamilya? O kaya walang pamilya? Hindi niya inisip kung anong mararamdaman ng anak niya.
Hindi pa pinapanganak yung Baby, pinamimigay na siya. Ako yung nasasaktan para sa bata.
"Hey Laura. Wag ka ng umiyak." inakbayan niya ko at pinatahan. Buwisit umiiyak na pala ako.
"Kase naman. Hindi pa nga pinapanganak yung Baby, ginaganon na siya." naramdaman kong humigpit ang akbay niya sakin. Tiningala ko siya, bakas din ang lungkot sakanya.
Hinawakan ko yung mukha niya, iniharap ko sakin. Ngayon malaya ko ng nakikita ang tsokolate niyang mata, napakaganda.
"Wag mong panghinayangan ang tulad niya. Kung ayaw niya sa Bata, kukunin natin siya. Ililigtas natin siya sa Ina niyang walang kwenta." Gigil kong sabi. Natatawa siyang tumango.
"Ang tapang naman Laura." biro niya pero pinanatili kong seryoso ang tingin ko sakanya. Gusto kong maramdaman niyang seryoso ako.
"Tayo ang mag-aalaga sakanya. Gagawin natin ang lahat para hindi niya maramdaman na kulang siya. Wag ka ng mag-alala ha? Andito lang ako." Seryoso kong sabi sakanya at ngumiti.
Nakatitig lang siya sakin, seryoso ang tingin. Agad kong pinunasan yung luha niyang, bumabagsak.
"Thank you. Thank you for saying that." nabigla ako nung sugurin niya ako ng yakap.
Niyakap ko rin siya pabalik. Hindi na pinansin kung ano yung wirdong pakiramdam sa dibdib ko. Wag muna ngayon.
Simula nung usapan namin nung gabi tungkol sa magiging Anak ni Eugene. Nag-decide kaming sa iisang Condo nalang tumira. Which is yung Condo sa pinakataas. Penthhouse. Unti-unti rin naming inayos yun. May sarili akong kwarto ganon din siya, hindi naman kasi kami mag-asawa. Kaya hiwalay kami ng tulugan.Ginagawa lang namin to para sa bata. Sasabihin niyo pwede namang hindi ako makisali sa buhay nila.. Pero kasi, gusto ko.Hindi ko kayang isipin na lalaki yung anak ni Eugene na walang nanay. Tapos ano? Pagmalaki na siya, malalaman niyang ayaw sakanya ng tunay niyang nanay? Masakit para sa isang anak ang ganon.Kaya hanggat maaari, tutulungan ko si Eugene. Handa akong akuin ang iniwang responsibilidad ng ex niyang bobo.Nakakatawa lang, Kasi sabi ko dati ayoko mag-anak. Tapoy ngayon, magkakaanak anako. Hindi man siya galing sakin, alam ko sa puso ko ituturing ko siyang sariling akin."
Ngayon ko lamang nalaman na masokista pala ako, ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko nang isipin ko pa lamang na magiging buo ulit ang pamilya nila, na magkakabalikan sila para sa mga anak nila. Masamang hilingin na sana hindi na mangyari yon, dahil may mga anak sila na kailangan ng kompletong pamilya. Sino ba ako? Kakapasok ko lang sa eksena, mang-aagaw ng role, a mere substitute. “Thank you for holding my hand habang inilalabas ko ang mga bata.” napatingin ako sa kamay kong hinawakan ng kamay niyang napaka-liit at payat na. “I’m so grateful to know and experience how kindhearted you are Laura. Masayang-masaya ako dahil ikaw ang nasa tabi ni Eugene. Tungkol sa pag-alis ko, a-ayoko naman t-talaga umalis.” gumaralgal ang boses niya matapos sabihin yon kaya nataranta ako. “Gail huwag ka masyado umiyak hindi ka pa masyado magaling, shhh- I’m sorry if I ask you about that. Please calm down.” wala akong magawa kundi ang haplusin ang kamay niya, n
Pagkatapos mamaalam ni Eugene kay Gail ay sinubukan naming humanap ng kamag-anak ni Gail pero base sa mga nalaman namin ay matagal narin palang walang kontak si Gail sa kahit sinong kamag-anak niya. Wala rin kaming clue kung saan sila mahahanap kaya nagdesisyon nalang si Eugene na siya na ang maghahatid kay Gail sa huling hantungan. Hindi narin kami nagpa-lamay dahil wala rin namang pupunta kaya ako, si Eugene, isang Pari at dalawang tagabuhat at taga-hukay lang ang nandoon. Naglakad ako papalapit kay Gail at maingat na inilapag ang puting bulaklak. Napangiti ako nang makita ang maaliwalas niyang mukha kasabay ng malamig na hanging yumakap sandali sa katawan ko. “Paalam Gail hindi kita makakalimutan kahit sandaling panahon lang tayo nagkasama. Wag kang mag-alala, ako ng bahala sakanila.” Naging mabilis lang ang mga nangyari at ngayon ay nakatanaw na kami sa Baby ward kung nasaan ang dalawang baby boy ni Eugene. Hinagod ko ang likod niya nang magsimula na siya
Halos mag-uumaga narin kami nakauwi ni Eugene. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na nagawa pang tingnan ang oras."Matulog ka muna, aayusin ko lang yung mga dadalhin natin bukas." sabi ko sakaniya at naglakad papalapit sa pintuan ng magiging kwarto ng kambal."I can do it, you can rest first." pilit ang ngiti niya at halatang pinipilit lang labanan ang pagod at antok."Kaya ko na to, wag ka na nga papilit diyan. Sige na magpahinga ka na." isinenyas ko pa gamit ang kamay ko na umalis na siya. Pumasok ako sa kwarto at lumapit sa baby bags."Psh parang gusto lang naman tumu—""May sinasabi ka ba?""Sabi ko okay po, matutulog na po Momma." dali-dali kong inabot ang baby powder na nakita ko at inambang ibabayo sakaniya."Hoy masakit yan! Eto na nga eh, aalis na nga." kabadong sigaw niya, hindi ko inalis ang masama kong titig sakaniya kaya wala siyang magawa kundi ang lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto n
"Kinikilig ka ba? Anong iniisip mo?" natatawa kong tanong habang nakaturo sa tainga niya."Kapal naman ng mukha mo, bakit ako kikiligin sayo." pikon niyang sagot sabay liko ng sasakyan sa parking ng hospital." Sinabi ko bang saakin ka kinilig? Malay ko ba ano iniisip mo." gatong ko pang pang-aasar sakaniya. Tumatawa kong inalis ang seatbelt ko nang maipark na niya ng maayos ang sasakyan."Pa-fall ka pala eh." mabilis akong lumingon sa pwesto ni Eugene na nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Mabilis rin akong bumaba at pumunta sa likuran ng kotse kung nasaan siya. Ano ba kasi sinabi niya? Hindi ko masyadong narinig."Hoy! Anong sinabi mo hindi ko narinig." agad kong tanong sakaniya at tinulungan siyang buhatin yung paglalagyan nila Thor at Loki mamaya. Para siyang basket pero pang pang-baby, isang blue at isang green."Walang ulitan sa bingi." pang-aasar niyang sabi
"Nyaah!" napatayo ako sa kama ng marinig ang iyak, pagtingin ko ay si Thor pala."Ow, bakit umiiyak ang baby?" alo ko sakaniya at dahan-dahan siyang kinarga at hinele.Pumasok naman si Eugene sa kwarto na nakapantulog na. Tumaas ang kilay niya ng makita ang sitwasyon naming dalawa ni Thor. Napatalon siya ng biglang umiyak si Loki."Hey... what happen hm? Daddy is here." he sweetly said habang maingat na binuhat si Loki."Maya-maya linisan na natin sila." sabi ko sakaniya, tumango siya at hinele si Loki.Magkaharap kami ngayon at sabay hinehele ang kambal. Napangiti ako nang mapansin na hindi maalis ang mata niya kay Loki, nililingon-lingon niya rin si Thor."I think they're hungry" Eugene said, tumango ako iniayos ang bote ng gatas ng kambal.Pero dahil isang kamay lang ang gamit ko ay nagtulong na kaming dalawa. Kung hindi kami nagdesisyon na mag-aral kung paano mag-alaga ng baby ay siguro ngayon nangang
"I forgot to tell you that we don't need to work for one week." napataas ang kilay ko."Anong ibig mong sabihin? Pwede ba yun?" tanong ko sakaniya, nagkibit-balikat siya."I'm the Boss, Laura. I can do what I want to do." mayabang niyang sabi na siniringan ko lang."Edi ikaw na." bulong ko at inirapan siya, tumawa lang si Eugene habang inuubos ang kape niya."About sa bi-baby sit sakanila, May agency na akong nakuhaan ng dalawang pwedeng tumulong saatin." nagulat ako sa sinabi niya. Kailan niya ginawa yon?"Ang bilis mo naman' nakahanap? sure ka ba na mapagkakatiwalaan sila? What if—""Kaya nga tayo naka-one week leave sa work. The two helpers will arrive later at lunch, one week natin silang susubaybayan and if we see that they're good mas mapapanatag tayo." he explained to me with his serious voice giving me assurance na hindi siya' basta-basta pipili ng taong' malalagay sa alanganin ang mga bata.Pero hindi ko par
"Ay!" gulat niyang sigaw matapos kong ibagsak ang bag ko sa office table. Nag-angat ako ng tingin sakaniya."Kung wala ka ng dapat i-report you can leave now." diretso kong sabi sakaniya, nakita ko pa ang pagtataka at kaba sa mukha niya bago siya tumungo at tumalikod bago naglakad papalapit sa pinto."And," dagdag ko nang pihitin na niya ng doorknob "Next time, huwag kang magkakalat ng kung ano-anong kwento kung wala ka na mang alam sa totoong nangyari. Kung wala kang respeto sa tao, kahit respeto nalang sa boss mo." dagdag ko pa."Siguro naman... ayaw mong mawalan ng trabaho no Mrs.Perez?" malamig at matalas ang nga pananalita ko.Isinawalang bahala ko ang agwat ng edad naming dalawa, alam kong mas matanda siya saakin at dapat akong gumalang sakaniya... Pero bakit ko naman gagalangin ang taong' hindi karapat-dapat ng pag-galang?"Pasensiya na po Ma'am. Laura! Sorry po talaga, hindi na po
[ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a
"She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u
[ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I
"Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"
"Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan
[ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang. 
[ Laura ]Pagmulat ng mga mata ko ay kaagad kong nakita ang papalubog na araw. Kulay kahel ang langit, tahimik ang buong paligid. Ramdam ko rin ang presensiya ni Eugene sa likod ko, napapikit akong muli at mahigpit na napahawak sa bibig ko, pinipigilang makagawa ng ingay nang biglang bumuhos ang mga luha ko.Naaalala ko na lahat.Nanginginig ang buong katawan ko habang bumabalik lahat ng sakit na sandaling panahon ay nakalimutan ng utak ko.Dahan-dahang akong tumayo sa kama para mag-ayos ng sarili. Nang makarating sa banyo ay saglit kong natitigan ang sarili ko, bagsak ang katawan, matang punong-puno ng sakit, all I can see is a broken version of myself."You tried so hard to be happy..." mapait kong ani habang nakatitig sa lumuluhang repleksiyon ko sa salamin."Naalagaan mo ng maayos ang anak ng Iba, pero sarili mo sanang a–anak..
[ Laura ]Halos madapa kami sa pag-akyat sa hagdan, nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ay walang kasing bilis niya yung nabuksan at nahila ako papasok."Ah!" daing ko nang isandal niya ako sa pinto at sugurin ng halik ang leeg ko.Nakakakiliti ang paraan niya pag paghalik sa balat ko, ang mainit at mapaglaro nitong labi ay talagang nagdudulot ng malakas na kuryente sa buong katawan ko. Wala akong magawa kundi ang mapatingala at kumapit sa buhok niya, dinadama ang bawat halik niya sa leeg at punong tainga ko."This is not right" bulong niya, bago halikan ang labi ko. "You're still recovering..." pilit niyang bigkas sa pagitan ng malalim at sabik na sabik na tagpo ng mga labi namin.&nb
"Thank you Doctora Loyzaga."Paalam ni Laura sa Doctora na nasa bungad ng Hospital. Payak na ngumiti ang Doctora na lingid sa kaalaman ni Laura ay inabangan talaga siya."You're welcome Lau—Mrs. Ibañez." nasapo niya ang bibig nang muntikan ng matawag sa pangalan ang kaibigan na sa kasamaang palad ay kasama sa mga nawala sa ala-ala nito.Pinanuod lamang niya ang mag-asawa umalis ng Hospital, May lumbay sa loob nito dahil kaunting panahon lang ang ibinigay sakanila para maging mabuting magkaibigan."Doc, Okay lang po ba kayo?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makitang emosyonal paring nakatanaw sa sasakyan ng mga Ibañez ang Doctor.