Share

Chapter Four

Author: Ms. RED
last update Last Updated: 2021-08-17 16:26:05

Simula nung usapan namin nung gabi tungkol sa magiging Anak ni Eugene. Nag-decide kaming sa iisang Condo nalang tumira. Which is yung Condo sa pinakataas. Penthhouse. Unti-unti rin naming inayos yun. May sarili akong kwarto ganon din siya, hindi naman kasi kami mag-asawa. Kaya hiwalay kami ng tulugan.

Ginagawa lang namin to para sa bata. Sasabihin niyo pwede namang hindi ako makisali sa buhay nila.. Pero kasi, gusto ko.

Hindi ko kayang isipin na lalaki yung anak ni Eugene na walang nanay. Tapos ano? Pagmalaki na siya, malalaman niyang ayaw sakanya ng tunay niyang nanay? Masakit para sa isang anak ang ganon.

Kaya hanggat maaari, tutulungan ko si Eugene. Handa akong akuin ang iniwang responsibilidad ng ex niyang bobo.

Nakakatawa lang, Kasi sabi ko dati ayoko mag-anak. Tapoy ngayon, magkakaanak anako. Hindi man siya galing sakin, alam ko sa puso ko ituturing ko siyang sariling akin.

"Hindi ka papasok Sungit?" tiningnan ko si Eugene na kakalabas lang ng kwarto niya.

"Hindi. Kabuwanan na ni Gail ngayon, kailangan kong mag-bantay sakanya." inabot ko sakanya yung kape at inayos ang kurbata niya.

Lagi nalang talagang ganito to. Kung wala ba ako papasoj siyang, hindi maayos ang suit? Hays.

"Thank you, Laura." Seryoso niyang sabi. Itinulak ko yung mukha niya at kinuha yung kapeng ininuman niya.

"Araw-araw ka nalang Thank you ng Thank you. Naririndi na ko Uge." simula nung lumipat kami dito at bantayan ko ang ex niya, wala na siyang tigil kakapa-salamat.

Gusto ko naman tong ginagawa ko. Tsaka feeling ko kapag binabantayan ko si Gail na pinagbubuntis yung anak ni Eugene, parang ako yung nagdadala sakanya. Napamahal na talaga yung Baby sakin hindi pa man siya lumalabas.

"Kahit na, Thank you parin. Payakap." niyakap ko siya para makaalis na. Hindi yan makakaalis kapag hindi yayakapin at ibi-baby.

"Alam mo bawas-bawasan mo na ang pagpapa-baby mo. Malapit na tayo magkaron ng totoong baby, OP kana." Asar ko sakanya. Imbis na mainis siya, napangiti lang siya.

"Kaya nga lulubus-lubusin ko na." natawa ako nung mag-baby talk siya. Baliw talaga.

"Pumasok ka na. Wala kang secretary ngayon, may meeting ka pa. Mamayang Dinner dadaan ako don, dadalhan kita ng Lunch." tinulak ko siya palabas ng unit.

"Mamayang Dinner, dadalhan ng Lunch? Ayos din. Pang-asar lang?" pikon niyang tanong. Haha asar na talaga kasi siya. Nagrereklamo na hindi na kami nagkakabay kumain.

"Mamayang Lunch. Sige na, pasok na. Babye! Ingats!" may sasabihin pa sana siya pero binagsak ko na yung pinto.

Hindi nanaman matatapos yung pagpapaalm non eh. Alam niyo naman yung isang yun, pabebe.

Napatingin ako sa phone ko nung tumunog yun. May dalawang text, yung isa kay Eugene galing. Ayun yung inunan kong basahin.

Ingat Sungit. Call me kapag may nangyari. Lablab

Nag-reply lang ako ng "K" tapos sinunod buksan yung message ng Ob ni Gail.

Labor na niya.

Pagkabasa ko non, mabilis akong nagbihis at dinampot ang gamit ng Baby na nakahanda na sa sala. Hindi ko na nagawang mag-text kay Eugene agad, sa sobrang taranta.

Nung makarating ako sa Hospital, sinalubong agad ako ni Doc. Pia na at dinala kay Gail na nagle-labor na. Napangiwi ako nung sumigaw siya dahil sa sakit.

Ganon ba talaga kasakit manganak.

"A-Ayos lang ba siya Doc?" nanginginig kong tanong habang nagsusuot ng cover para makapasok ako kung nasaan si Gail.

"Yeah. She's fine. Babalik ako kapag ready na. Maiwan muna kita." tumango ako at pumasok na sa loob kung saan siya nakahiga. Napatingin siya sakin at malungkot na ngumiti.

"Hi" bati niya kahit nahihirapan na siya.

Tumango lang ako at kumapit sa kamay niya, agad niya yung pinisil. Nagmukha tuloy akong asawa niya.

Okay naman kami ni Gail. Nung Anim na buwan na ang tiyan niya binabantayan ko na siya. Bati kami na parang hindi, basta okay lang. Hindi lang kami nagkakasundo kapag napag-uusapan kung bakit kailangan niyang iwan si Eugene at yung magiging anak niya. Gigil parin kasi ako sa desisyon niya. Ilang beses ko siyang pinangaralan, sa huli mag-aaway lang kami. Kaya huminto na ko.

Ang importante ngayon, ligtas niyang mailabas ang bata.

"Alam na ba ni Eugene?" tanong niya. May kung anong itinurok sakanya yung nurse.

"Ah, hindi pa. Saglit lang, iti-text ko lang siya." lumabas ako at tinawagan si Eugene.

Habang inaantay kong sumagot siya, bumalik na si Doc Pia. Sumenyas siyang 20 mins. pa bago manganak si Gail.

"Laura? Something wrong? Nasan ka?"

"Pumunta kana dito, manganganak na si Gail." napangiti ako nung mapamura siya sa kabilang linya.

"On my way."

"Dahan-dahan lang pagmamaneho." paalala ko. Baka mamaya sa sobrang excited niya maaksidente siya. Pinatay ko na ang tawag nang marinig ko na ang paggana ng makina ng sasakyan niya at pinuntahan ulit si Gail.  Nakita ko siyang hirap sa paghinga pero nang tingnan niya ako ay tipid siyang ngumitiSinabi kong papunta na si Eugene. Ilang minuto pa ang lumipas nung pumasok na si Doc.

Napatingin ako sa oras, 5 mins. palang ah. Akala ko ba 20 minutes?

"The Baby is excited. Are you ready Gail?" alanganing tumango si Gail. Inabot ko yung kamay niya para makapitan niya. Parehas kaming nanginginig ang kamay, parehas rin kaming pinagpapawisan dahil sa halo-halong emosyon. Pero alam kong mas malala ang nararamdaman niya.

Hindi pala biro ang manganak.

"Okay Gail Inhale, Exhale, Inhale, dahan-dahan muna ang pag push.. Alam mo na to, napractice mo na to. Gawin mo kung ano yung tinuro ko sayo. Okay.."

"Ah, It hurt's." humigpit yung kapit ko kay Gail. Ramdam ko yung sakit at hurap niya. Bulong lang ako ng bulong sakanya ng Kaya mo yan, Gail.

"Go, Push. Nakikita ko na ang ulo ng Baby. One last push, Gail. One, two, three, Push!"

"Ah!" malakas na iyak ng sanggol ang pumalahaw sa loob ng silod agad akong napatayo nung pumasok si Eugene sakto sa paglabas ng Baby.

"It's a healthy Baby Boy." anunsyo ni Doc. Nakita ko kung paano tumitig si Eugene sa anak niya, habang umiiyak.

Agad akong lumapit sa pwesto ni Eugene, tulad niya umiiyak din ako sa tuwa. Atlast, nandito sa mundo ang anak niya. Healthy at Ligtas.

"D-Doc!" nahihirapang sigaw ni Gail na  mabilis na nag-panic ang lahat. Napatakbo ako kay Gail at agad siyang hinawakan sa kamay.

"May isa pa. Oh god' kaya nga sinabi kong magpa-ultrasound eh. Go, Gail same lang kanina. Push." ilang beses ang ginawang sigaw ni Gail kakaire.

Napalingon ako kay Eugene, nakatingin siya kay Gail. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata, at pagmamahal. Iniwas ko ang tingin ko at itinuon sa Doctor.

Hindi lang pala ai Gail ang nasasaktan sa oras na to. Yung dibdib ko din. Ilang beses akong lumunok para pigilan ang luha ko.

"Congratulation's It's a healthy Baby Boy, Again." nagpalakpakan ang mga tao sa OR.

Agad na inasikaso ang kambal sa Nursery Room. Nandoon rin si Eugene na nagbabantay sa mga anak niya. Ako nandito at inaabangan magising si Gail.

"Paano? Ikaw ng bahala sa mga Anak ko." napalingon ako kay Gail. Namumutla pa siya habang sinasabi yon.

Agad kumulo yung dugo ko.

"Bakit kailangan mo pang iwan si Eugene at ang Kambal? Hindi ba pwedeng dito ka nalang? Mahal ka na E-Eugene." napaiwas ako ng tingin nung daglian akong mautal. 

Related chapters

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Five

    Ngayon ko lamang nalaman na masokista pala ako, ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko nang isipin ko pa lamang na magiging buo ulit ang pamilya nila, na magkakabalikan sila para sa mga anak nila. Masamang hilingin na sana hindi na mangyari yon, dahil may mga anak sila na kailangan ng kompletong pamilya. Sino ba ako? Kakapasok ko lang sa eksena, mang-aagaw ng role, a mere substitute. “Thank you for holding my hand habang inilalabas ko ang mga bata.” napatingin ako sa kamay kong hinawakan ng kamay niyang napaka-liit at payat na. “I’m so grateful to know and experience how kindhearted you are Laura. Masayang-masaya ako dahil ikaw ang nasa tabi ni Eugene. Tungkol sa pag-alis ko, a-ayoko naman t-talaga umalis.” gumaralgal ang boses niya matapos sabihin yon kaya nataranta ako. “Gail huwag ka masyado umiyak hindi ka pa masyado magaling, shhh- I’m sorry if I ask you about that. Please calm down.” wala akong magawa kundi ang haplusin ang kamay niya, n

    Last Updated : 2021-09-14
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Six

    Pagkatapos mamaalam ni Eugene kay Gail ay sinubukan naming humanap ng kamag-anak ni Gail pero base sa mga nalaman namin ay matagal narin palang walang kontak si Gail sa kahit sinong kamag-anak niya. Wala rin kaming clue kung saan sila mahahanap kaya nagdesisyon nalang si Eugene na siya na ang maghahatid kay Gail sa huling hantungan. Hindi narin kami nagpa-lamay dahil wala rin namang pupunta kaya ako, si Eugene, isang Pari at dalawang tagabuhat at taga-hukay lang ang nandoon. Naglakad ako papalapit kay Gail at maingat na inilapag ang puting bulaklak. Napangiti ako nang makita ang maaliwalas niyang mukha kasabay ng malamig na hanging yumakap sandali sa katawan ko. “Paalam Gail hindi kita makakalimutan kahit sandaling panahon lang tayo nagkasama. Wag kang mag-alala, ako ng bahala sakanila.” Naging mabilis lang ang mga nangyari at ngayon ay nakatanaw na kami sa Baby ward kung nasaan ang dalawang baby boy ni Eugene. Hinagod ko ang likod niya nang magsimula na siya

    Last Updated : 2021-09-16
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seven

    Halos mag-uumaga narin kami nakauwi ni Eugene. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na nagawa pang tingnan ang oras."Matulog ka muna, aayusin ko lang yung mga dadalhin natin bukas." sabi ko sakaniya at naglakad papalapit sa pintuan ng magiging kwarto ng kambal."I can do it, you can rest first." pilit ang ngiti niya at halatang pinipilit lang labanan ang pagod at antok."Kaya ko na to, wag ka na nga papilit diyan. Sige na magpahinga ka na." isinenyas ko pa gamit ang kamay ko na umalis na siya. Pumasok ako sa kwarto at lumapit sa baby bags."Psh parang gusto lang naman tumu—""May sinasabi ka ba?""Sabi ko okay po, matutulog na po Momma." dali-dali kong inabot ang baby powder na nakita ko at inambang ibabayo sakaniya."Hoy masakit yan! Eto na nga eh, aalis na nga." kabadong sigaw niya, hindi ko inalis ang masama kong titig sakaniya kaya wala siyang magawa kundi ang lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto n

    Last Updated : 2021-09-17
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Eight

    "Kinikilig ka ba? Anong iniisip mo?" natatawa kong tanong habang nakaturo sa tainga niya."Kapal naman ng mukha mo, bakit ako kikiligin sayo." pikon niyang sagot sabay liko ng sasakyan sa parking ng hospital." Sinabi ko bang saakin ka kinilig? Malay ko ba ano iniisip mo." gatong ko pang pang-aasar sakaniya. Tumatawa kong inalis ang seatbelt ko nang maipark na niya ng maayos ang sasakyan."Pa-fall ka pala eh." mabilis akong lumingon sa pwesto ni Eugene na nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Mabilis rin akong bumaba at pumunta sa likuran ng kotse kung nasaan siya. Ano ba kasi sinabi niya? Hindi ko masyadong narinig."Hoy! Anong sinabi mo hindi ko narinig." agad kong tanong sakaniya at tinulungan siyang buhatin yung paglalagyan nila Thor at Loki mamaya. Para siyang basket pero pang pang-baby, isang blue at isang green."Walang ulitan sa bingi." pang-aasar niyang sabi

    Last Updated : 2021-09-18
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Nine

    "Nyaah!" napatayo ako sa kama ng marinig ang iyak, pagtingin ko ay si Thor pala."Ow, bakit umiiyak ang baby?" alo ko sakaniya at dahan-dahan siyang kinarga at hinele.Pumasok naman si Eugene sa kwarto na nakapantulog na. Tumaas ang kilay niya ng makita ang sitwasyon naming dalawa ni Thor. Napatalon siya ng biglang umiyak si Loki."Hey... what happen hm? Daddy is here." he sweetly said habang maingat na binuhat si Loki."Maya-maya linisan na natin sila." sabi ko sakaniya, tumango siya at hinele si Loki.Magkaharap kami ngayon at sabay hinehele ang kambal. Napangiti ako nang mapansin na hindi maalis ang mata niya kay Loki, nililingon-lingon niya rin si Thor."I think they're hungry" Eugene said, tumango ako iniayos ang bote ng gatas ng kambal.Pero dahil isang kamay lang ang gamit ko ay nagtulong na kaming dalawa. Kung hindi kami nagdesisyon na mag-aral kung paano mag-alaga ng baby ay siguro ngayon nangang

    Last Updated : 2021-09-21
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Ten

    "I forgot to tell you that we don't need to work for one week." napataas ang kilay ko."Anong ibig mong sabihin? Pwede ba yun?" tanong ko sakaniya, nagkibit-balikat siya."I'm the Boss, Laura. I can do what I want to do." mayabang niyang sabi na siniringan ko lang."Edi ikaw na." bulong ko at inirapan siya, tumawa lang si Eugene habang inuubos ang kape niya."About sa bi-baby sit sakanila, May agency na akong nakuhaan ng dalawang pwedeng tumulong saatin." nagulat ako sa sinabi niya. Kailan niya ginawa yon?"Ang bilis mo naman' nakahanap? sure ka ba na mapagkakatiwalaan sila? What if—""Kaya nga tayo naka-one week leave sa work. The two helpers will arrive later at lunch, one week natin silang susubaybayan and if we see that they're good mas mapapanatag tayo." he explained to me with his serious voice giving me assurance na hindi siya' basta-basta pipili ng taong' malalagay sa alanganin ang mga bata.Pero hindi ko par

    Last Updated : 2021-09-22
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Eleven

    "Ay!" gulat niyang sigaw matapos kong ibagsak ang bag ko sa office table. Nag-angat ako ng tingin sakaniya."Kung wala ka ng dapat i-report you can leave now." diretso kong sabi sakaniya, nakita ko pa ang pagtataka at kaba sa mukha niya bago siya tumungo at tumalikod bago naglakad papalapit sa pinto."And," dagdag ko nang pihitin na niya ng doorknob "Next time, huwag kang magkakalat ng kung ano-anong kwento kung wala ka na mang alam sa totoong nangyari. Kung wala kang respeto sa tao, kahit respeto nalang sa boss mo." dagdag ko pa."Siguro naman... ayaw mong mawalan ng trabaho no Mrs.Perez?" malamig at matalas ang nga pananalita ko.Isinawalang bahala ko ang agwat ng edad naming dalawa, alam kong mas matanda siya saakin at dapat akong gumalang sakaniya... Pero bakit ko naman gagalangin ang taong' hindi karapat-dapat ng pag-galang?"Pasensiya na po Ma'am. Laura! Sorry po talaga, hindi na po

    Last Updated : 2021-09-23
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Twelve

    Alam kong pinangako ko na gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Eugene pero lumipas lang ng mabilis ang tatlong taon ay wala paring pagbabago sa relasyon namin.Hindi ko alam kung wala ba siyang nararamdaman para saakin, dahil kung pagbabasehan ko ang kilos at malalambing niyang salita ay parang meron. Hindi ko alam, kahit gaano pa kami ka-sweet sa isat'-isa kung wala naman kaming label, wala rin.Siguro sa loob ng ilang taon, nasanay nalang kami sa set up naming dalawa. Maayos naman kami, pero lately parang may kakaiba akong napapansin kay Eugene."Oh Ma'am nakapag-luto ka na po pala, pasensiya na at na-late ako." hinging paumanhin ni Nay Perla nang maabutan akong nasa kusina."Opo, maaga rin kasi ako nagising." tipid akong ngumiti at sumimsim ng kape. Nakita ko ang tingin ni Nay Perla saakin kaya napaiwas nalang ako ng tingin sakaniya."Hindi na naman umuwi si Sir kagabi? Ayos ka lang ba Ma'am?" umiling ako at hindi ko n

    Last Updated : 2021-09-24

Latest chapter

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Five

    [ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Four

    "She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Three

    [ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Two

    "Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy One

    "Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy

    [ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang. 

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Sixty Nine

    [ Laura ]Pagmulat ng mga mata ko ay kaagad kong nakita ang papalubog na araw. Kulay kahel ang langit, tahimik ang buong paligid. Ramdam ko rin ang presensiya ni Eugene sa likod ko, napapikit akong muli at mahigpit na napahawak sa bibig ko, pinipigilang makagawa ng ingay nang biglang bumuhos ang mga luha ko.Naaalala ko na lahat.Nanginginig ang buong katawan ko habang bumabalik lahat ng sakit na sandaling panahon ay nakalimutan ng utak ko.Dahan-dahang akong tumayo sa kama para mag-ayos ng sarili. Nang makarating sa banyo ay saglit kong natitigan ang sarili ko, bagsak ang katawan, matang punong-puno ng sakit, all I can see is a broken version of myself."You tried so hard to be happy..." mapait kong ani habang nakatitig sa lumuluhang repleksiyon ko sa salamin."Naalagaan mo ng maayos ang anak ng Iba, pero sarili mo sanang a–anak..

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Sixty Eight

    [ Laura ]Halos madapa kami sa pag-akyat sa hagdan, nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ay walang kasing bilis niya yung nabuksan at nahila ako papasok."Ah!" daing ko nang isandal niya ako sa pinto at sugurin ng halik ang leeg ko.Nakakakiliti ang paraan niya pag paghalik sa balat ko, ang mainit at mapaglaro nitong labi ay talagang nagdudulot ng malakas na kuryente sa buong katawan ko. Wala akong magawa kundi ang mapatingala at kumapit sa buhok niya, dinadama ang bawat halik niya sa leeg at punong tainga ko."This is not right" bulong niya, bago halikan ang labi ko. "You're still recovering..." pilit niyang bigkas sa pagitan ng malalim at sabik na sabik na tagpo ng mga labi namin.&nb

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Sixty Seven

    "Thank you Doctora Loyzaga."Paalam ni Laura sa Doctora na nasa bungad ng Hospital. Payak na ngumiti ang Doctora na lingid sa kaalaman ni Laura ay inabangan talaga siya."You're welcome Lau—Mrs. Ibañez." nasapo niya ang bibig nang muntikan ng matawag sa pangalan ang kaibigan na sa kasamaang palad ay kasama sa mga nawala sa ala-ala nito.Pinanuod lamang niya ang mag-asawa umalis ng Hospital, May lumbay sa loob nito dahil kaunting panahon lang ang ibinigay sakanila para maging mabuting magkaibigan."Doc, Okay lang po ba kayo?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makitang emosyonal paring nakatanaw sa sasakyan ng mga Ibañez ang Doctor.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status