"Kinikilig ka ba? Anong iniisip mo?" natatawa kong tanong habang nakaturo sa tainga niya.
"Kapal naman ng mukha mo, bakit ako kikiligin sayo." pikon niyang sagot sabay liko ng sasakyan sa parking ng hospital.
" Sinabi ko bang saakin ka kinilig? Malay ko ba ano iniisip mo." gatong ko pang pang-aasar sakaniya. Tumatawa kong inalis ang seatbelt ko nang maipark na niya ng maayos ang sasakyan.
"Pa-fall ka pala eh."
mabilis akong lumingon sa pwesto ni Eugene na nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Mabilis rin akong bumaba at pumunta sa likuran ng kotse kung nasaan siya. Ano ba kasi sinabi niya? Hindi ko masyadong narinig.
"Hoy! Anong sinabi mo hindi ko narinig." agad kong tanong sakaniya at tinulungan siyang buhatin yung paglalagyan nila Thor at Loki mamaya. Para siyang basket pero pang pang-baby, isang blue at isang green.
"Walang ulitan sa bingi." pang-aasar niyang sabi at pinitik ang ilong ko. Sinara niya ang compartment at naglakad na paalis. Dali akong sumunod sakaniya buhat ang isa sa mga basket, nang makarating na kami kung nasaan ang mga baby ay agad may nurse na lumabas.
"Hi Sir, ano po sakanila?" napataas ang kilay ko sa naging tono nung pagtanong niya. Bakit ang landi ng boses?
"Stop glaring at her haha." napaiktad ako ng bumulong si Uge sa tainga ko, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
" Gustong-gusto mo rin mga ganiyan eh no?" inis kong sabi.
"Aray! Haha joke lang. Ah, Nurse nandito kami para sa mga anak namin." casual na sabi ni Eugene, agad sumimangot yung maharot na nurse.
"Ano pong name ng baby sir?" nakuha pang mag-beautiful eyes, hanep. Puro Sir ah, Hindi ba ako nakikita ng isang to?
"Thorious Clark and Lokious Clark Ibañez, Miss Nurse." mataray kong sagot na siniringan niya lang at agad ng tumalikod saamin.
"Kita mo yun, maldita" inis kong sabi habang nakaturo sa nurse. Narinig ko ang mapagbirong tawa ni Eugene na inaasahan ko na, pero hindi ko inaasahan ang gagawin niyang pagsakop sa bewang ko at paglapit ng bibig niya sa lang tainga ko.
"Eugene ano ba." pilit kong kawala sakaniya, nakakakiliti kaya.
"Our babies is here. Mommy Laura." kumabog ang dibdib ko nang masuyo niyang bigkasin ang pangalan ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko na ang dalawang nurse kahapon, sila yung naka-assigned sa kambal. Agad kong inabutan ng alcohol si Eugene para makapag-sanitized. Excited akong lumapit sa kambal at kinarga ang isa.
"Hello Baby Thor, uuwi na tayo." ngiting-ngiti kong kausap sa napakaliit na si Thor, hinalikan ko ang pisngi niya at lumapit kay Eugene na karga narin si Loki.
"Hi ka kay Daddy." iniharap ko si Thor kay Eugene. Yumuko naman siya' at hinalikan sa noo ang anak.
"Let's go home son." he sweetly said.
"Hi Baby Loki, excited na Ikaw umuwi? Bat sipa ka ng sipa haha." natatawa kong tanong habang pinapanuod ang maliit niyang paa na sipa ng sipa.
"Pwede niyo na po silang iuwi Ma'am, Okay na po lahat ng Bills and mga Papers. Congratulations po!" tumango ako at nagpasalamat sakanila bago inilagay si Thor sa Baby basket, ganon rin ang ginawa ni Eugene.
Malapit na kami sa sasakyan ng matanaw ko si Elias sa tabi ng sasakyan ni Eugene. Isa si Elias sa Kaibigan ni Eugene, He's a Tech Geek.
"I called him to drive us home." nakangising sabi ni Eugene habang tinatanaw ang kaibigan sa malayo. Nang makalapit na kami ay agad kaming natawa sa narinig namin.
"Kawawa naman yung mga magulang ko. Pinalaki at minahal nila ako tapos gagawin
lang akong Driver ng mokong na yon? How dare he?""Ang daldal mo iready mo na yung sasakyan." pigil ang tawa na sita ni Eugene sakaniya.
"Paano kung ayaw ko—oh! Wow eto na ba yung mga inaanak ko?" nanlaki talaga ng literal mata niya at bibig, ewan lahat ata ng kaibigan ni Uge may sapak.
"Huwag ka masyado lumapit madumi ka pa." natawa ako ng sumimangot si Elias at lumingon saakin.
"Hello Secretary Laura. Yiiee Mommy Laura pala." pang-aasar niya na sinundan niya pa ng malakas na tawa.
"Wala ka sa listahan ng Ninong." sabi ko sabay irap sakaniya. Natulala siya na ikinangisi ko. Maingat akong pumasok na sa loob ng sasakyan habang karga si Thor.
"Huwag ka ng malungkot, ilalagay kita sa listahan ng mga Ninang." natawa ako ng marinig ko ang pang-aasar ni Eugene bago ko isara ang pintuan ng kotse. Mga isip bata talaga.
~
"Thank you for the ride." sabi ko kay Elias at kinawayan siya.
"Yeah, anytime basta Ninong ako." nakanguso niyang sabi.
"Pag-iisipan pa namin." sabi ni Eugene at kinuha ang susi ng sasakyan niya.
"Grabe no? Iisa na ugali niyo, mapanakit na kayo. Che! makaalis na nga. Bye bye Baby Thor at Baby Loki, dadalaw si Ninong maligo muna ako ng alcohol nakakahiya naman sa nanay at tatay niyo. Love love Ninong Elias yan."
"Bakla." komento ni Eugene. Napailing nalang ako. Hindi na talaga titigil ang dalawang to.
~
"Napagod sa biyahe baby Thor namin, tulog na tulog." dahan-dahan ko siyang ibinaba sa crib.
"Sure ka ba na dito sila ilagay?" mahinang tanong ni Eugene na dahan-dahan ring inilalapag si Loki sa tabi ni Thor.
Umupo ako sa kama ko at inayos ang mga damit, lampin at gatas ng kambal.
"Oo, para kung sakaling magising sila madali ko silang mapuntahan. Tsaka baby pa sila, hindi naman pwedeng matulog sila na walang kasama." Sagot ko na kontrol ang lakas para hindi maistorbo ang tulong ng kambal. Naglakad si Eugene papalapit saakin at nakiupo rin sa kama ko.
"I can help too, alam ko naman ang mga gagawin. Sabay naman tayong nag-aral how to take care of them." he said, iniabot ko sakaniya ang baby towel at mga gagamiting panglinis sa kambal para mamaya. They need a warm bath later.
"Alam ko naman na kaya mo. Pero gusto ko lang na nandito sila para kung sakaling umiyak sila, tatayo nalang ako to take care of them." explain ko.
"Paano kung pareho silang umiyak sa gabi? You can't handle two babies in your arms." he said obviously.
"Edi tatawagin kita sa kwarto mo para magpatulong." kibit balikat kong sagot. Tumalikod ako at tumungo sa cabinet para kumuha ng damit ko, I need to clean myself too baka may-germs akong nakalap sa labas.
"I'll sleep here too." naibagsak ko ang mga damit ko sa sobrang gulat dahil sa sinabi niya. Mabilis akong lumingon kung nasaan siya at nakitang seryoso talaga siya' sa sinabi niya.
"B-Bakit? I—I mean... Nandiyan lang naman sa kabila kwarto mo. Tatawagin nalang kita." taranta kong sabi sakaniya, mabilis na paghinga ko dahil sa mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
Ano bang pinagsasabi ng isang to? papatayin ata ako nito sa sobrang kaba eh.
Ako at siya sa iisang kwarto matutulog?"Sabi mo nga, it's more convenient, pag-umiyak sila tatayo nalang to woo them. Why? Are you uncomfortable with that? Ayoko lang gawin mo to mag-isa, they are my children kaya responsibilidad ko sila... ayoko namang iasa sayo lahat." nakayuko niyang sabi. Agad naman akong tinubuan ng konsensiya ng makita siyang nakayuko, bagsak ang balikat.
Napakamot ako sa kilay ko at bumuga ng hangin sa kawalan. Isipin ko palang na makakatabi ko siya' sa pagtulog, nababaliw na tong puso ko kaka-kabog.
"S- sige na nga." pikit matang sabi ko at tumingin sakaniya. Nahuli ko siyang nakangiti pero nang mapansin niyang nakatingin na ako sakaniya ay ngumuso siya para itago yun.
"Ganiyan ka ba kasaya na makatabi ako matulog?" tanong ko sakaniya, napaubo siya na agad niyang pinigilan dahil sa kambal. Lumingon siya saakin, natawa ako ng mapansin ang tainga niya na namumula nanaman.
"Asa ka. Magbibihis lang ako, hmp!" maktol niya bago lumabas ng kwarto ko.
"Pakipot" natatawang sabi ko.
"Talaga ba Laura?"
"Haha bat sumasagot ka pa, wag ka maingay tulog mga bata."
Narinig ko ang pag-sara ng pintuan ng kwarto niya kaya agad kong inilubog sa unan ang mukha kong ramdam na ramdam ko ang init, siguradong pulang-pula ang mukha ko ngayon. Kainis na lalaki yon, naisip na matutulog talaga siya' dito' sa iisang kwarto kasama ako.
"Hulog na hulog na ko, wala na."
"Nyaah!" napatayo ako sa kama ng marinig ang iyak, pagtingin ko ay si Thor pala."Ow, bakit umiiyak ang baby?" alo ko sakaniya at dahan-dahan siyang kinarga at hinele.Pumasok naman si Eugene sa kwarto na nakapantulog na. Tumaas ang kilay niya ng makita ang sitwasyon naming dalawa ni Thor. Napatalon siya ng biglang umiyak si Loki."Hey... what happen hm? Daddy is here." he sweetly said habang maingat na binuhat si Loki."Maya-maya linisan na natin sila." sabi ko sakaniya, tumango siya at hinele si Loki.Magkaharap kami ngayon at sabay hinehele ang kambal. Napangiti ako nang mapansin na hindi maalis ang mata niya kay Loki, nililingon-lingon niya rin si Thor."I think they're hungry" Eugene said, tumango ako iniayos ang bote ng gatas ng kambal.Pero dahil isang kamay lang ang gamit ko ay nagtulong na kaming dalawa. Kung hindi kami nagdesisyon na mag-aral kung paano mag-alaga ng baby ay siguro ngayon nangang
"I forgot to tell you that we don't need to work for one week." napataas ang kilay ko."Anong ibig mong sabihin? Pwede ba yun?" tanong ko sakaniya, nagkibit-balikat siya."I'm the Boss, Laura. I can do what I want to do." mayabang niyang sabi na siniringan ko lang."Edi ikaw na." bulong ko at inirapan siya, tumawa lang si Eugene habang inuubos ang kape niya."About sa bi-baby sit sakanila, May agency na akong nakuhaan ng dalawang pwedeng tumulong saatin." nagulat ako sa sinabi niya. Kailan niya ginawa yon?"Ang bilis mo naman' nakahanap? sure ka ba na mapagkakatiwalaan sila? What if—""Kaya nga tayo naka-one week leave sa work. The two helpers will arrive later at lunch, one week natin silang susubaybayan and if we see that they're good mas mapapanatag tayo." he explained to me with his serious voice giving me assurance na hindi siya' basta-basta pipili ng taong' malalagay sa alanganin ang mga bata.Pero hindi ko par
"Ay!" gulat niyang sigaw matapos kong ibagsak ang bag ko sa office table. Nag-angat ako ng tingin sakaniya."Kung wala ka ng dapat i-report you can leave now." diretso kong sabi sakaniya, nakita ko pa ang pagtataka at kaba sa mukha niya bago siya tumungo at tumalikod bago naglakad papalapit sa pinto."And," dagdag ko nang pihitin na niya ng doorknob "Next time, huwag kang magkakalat ng kung ano-anong kwento kung wala ka na mang alam sa totoong nangyari. Kung wala kang respeto sa tao, kahit respeto nalang sa boss mo." dagdag ko pa."Siguro naman... ayaw mong mawalan ng trabaho no Mrs.Perez?" malamig at matalas ang nga pananalita ko.Isinawalang bahala ko ang agwat ng edad naming dalawa, alam kong mas matanda siya saakin at dapat akong gumalang sakaniya... Pero bakit ko naman gagalangin ang taong' hindi karapat-dapat ng pag-galang?"Pasensiya na po Ma'am. Laura! Sorry po talaga, hindi na po
Alam kong pinangako ko na gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Eugene pero lumipas lang ng mabilis ang tatlong taon ay wala paring pagbabago sa relasyon namin.Hindi ko alam kung wala ba siyang nararamdaman para saakin, dahil kung pagbabasehan ko ang kilos at malalambing niyang salita ay parang meron. Hindi ko alam, kahit gaano pa kami ka-sweet sa isat'-isa kung wala naman kaming label, wala rin.Siguro sa loob ng ilang taon, nasanay nalang kami sa set up naming dalawa. Maayos naman kami, pero lately parang may kakaiba akong napapansin kay Eugene."Oh Ma'am nakapag-luto ka na po pala, pasensiya na at na-late ako." hinging paumanhin ni Nay Perla nang maabutan akong nasa kusina."Opo, maaga rin kasi ako nagising." tipid akong ngumiti at sumimsim ng kape. Nakita ko ang tingin ni Nay Perla saakin kaya napaiwas nalang ako ng tingin sakaniya."Hindi na naman umuwi si Sir kagabi? Ayos ka lang ba Ma'am?" umiling ako at hindi ko n
"Daddy!" magakasabay na sigaw ng kambal habang nakatingala sa ama.Dumampot ako ng tissue at pinunasan ang bibig ni Loki ganon narin si Thor na pati ang maliit na bangs ay nalagyan na ng sauce ng spaghetti."Hello mga pogi. How's your day? Wow Jollibee!" umatras ako palayo sa pwesto ng kambal ng lumapit siya sa mga ito at bigyan ng halik sa pisngi."Mommy gave this to me and Loki, Daddy." paliwanag ni Thor na itinuro pa ako at ang kambal niya."Oh wow, did you say thank you?" he asked and wipe the remaining sauce on Loki's cheeks."Did we bwo?" clueless na tanong ni Loki kay Thor na nakakunot na ang kilay, napangiti ako habang pinapanuod silang nag-iisip. Ang cute cute, sa huli ay di rin nila maalala at bigla nalang tumayo."Wah!" gulat na sigaw ko matapos nila ako yakaping dalawa. Napatili pa ako nang madikit na saakin ang sauce na nasa kamay ni Loki."Thank you sa Jabee Mama!" Loki said at hinalikan ako sa il
Bitbit ko ang dalawang bag kong malaki na naglalaman ng gamit ko nang lumabas ako ng kwarto. Nagkatinginan pa kami nang makita ko siyang nakaupo sa Sala pero agad ring lumipat ang paningin niya sa mga bitbit ko."You're leaving." he coldly said while looking at me, bigla siyang napangiti at nagkibit balikat."Well, it's been a years. Just close the door when you leave, thank you for your service?" diretso ang mukha niyang pagkakasabi, walang mababakas na emosyon sa mukha o maging sa tono ng boses niya.Napahigpig ang hawak ko sa bag ko at mabigat na humakbang paalis sa harap niya. Dumiretso ako sa kwarto ng kambal, pero nang makita ko sila ay naibagsak ko ang bag ko pagkasara ko palang ng pinto. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at nakitang magkayakap silang natutulog.Napatakip ako ng bibig ko nang kumawala ang mahina kong hikbi. Nanghihina narin ang tuhod ko dahil sa halo-halong emosyon lalo pa nang mapagmasdan ko sila at maisip na iiwanan k
"Hindi ko maaatim na umalis at iwan sa puder mo ang mga bata ngayon pa at nakikita kong nagkakaganito ka. Alam kong wala akong karapatang isama ang mga bata pero nakikiusap ako sayo, alang-alang nalang sa kambal at sa pangakong iniwan ko kay Gail na aalagaan ko sila, parang-awa mo na... payagan mo kong isama sa pag-alis ko si Thor at Loki." Nakaluhod ako habang binabanggit ang bawat pagmamakaawa na maari kong sabihin.Hindi ko kayang iwan ang kambal sa pangangalaga niya. Paano ako makakatulog ng mapayapa kung alam kong iniwan niya yung kambal para makasama ang babae niya? Paano ako makakapag-isip ng tama sa malayo kung bawat oras na maiisip ko sila ay naiisip kong makakakita sila ng mga bagay' na hindi pa wasto para sa edad nila kung pupunta nga dito yung babae ni Eugene.Ayokong, ayokong lumaki si Thor at Loki na pinapanuod ang Ama nila na ganito. Ayokong lumaki silang may sama ng loob sakaniya, o kung hindi sama ng loob ay baka isipin ni
Pagod kong ibinagsak sa sofa ng hotel ang katawan ko. Naisip kong mahihirapan ang kambal kung tutuloy-tuloy kami sa biyahe papunta ng Siargao. Sa Siargao ko balak pumunta dahil naroon ang isa sa mga naipundar kong mga ari-arian. Hindi naman namin kailangang lumabas ng bansa para makalayo kay Eugene. All we have to do is to distant ourselves for a while."Bwisit kang isip bata ka" mahina kong bulong habang nakatulala sa glass window , tanaw ko ang napakaraming ilaw ng sasakyan. Sapat na tanawin para makapahinga ang utak at puso ko.Sa totoo lang wala akong balak na iwan si Eugene ng matagal. Hindi ako ganoon ka-sama para ilayo sakaniya ang sarili niyang mga anak. Pipilitin ko paring ayusin ang buhay naming apat. Katulad ng ipinangako ko kay Gail, hindi ko basta-basta iiwan si Eugene.At alam ko rin sa sarili ko na hindi ko kayang malayo sakaniya, kulang ang pamilyang meron ako kung wala siya.Ewan ko ba, kung bakit ganito nalang ako ka-ta
[ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a
"She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u
[ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I
"Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"
"Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan
[ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang. 
[ Laura ]Pagmulat ng mga mata ko ay kaagad kong nakita ang papalubog na araw. Kulay kahel ang langit, tahimik ang buong paligid. Ramdam ko rin ang presensiya ni Eugene sa likod ko, napapikit akong muli at mahigpit na napahawak sa bibig ko, pinipigilang makagawa ng ingay nang biglang bumuhos ang mga luha ko.Naaalala ko na lahat.Nanginginig ang buong katawan ko habang bumabalik lahat ng sakit na sandaling panahon ay nakalimutan ng utak ko.Dahan-dahang akong tumayo sa kama para mag-ayos ng sarili. Nang makarating sa banyo ay saglit kong natitigan ang sarili ko, bagsak ang katawan, matang punong-puno ng sakit, all I can see is a broken version of myself."You tried so hard to be happy..." mapait kong ani habang nakatitig sa lumuluhang repleksiyon ko sa salamin."Naalagaan mo ng maayos ang anak ng Iba, pero sarili mo sanang a–anak..
[ Laura ]Halos madapa kami sa pag-akyat sa hagdan, nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ay walang kasing bilis niya yung nabuksan at nahila ako papasok."Ah!" daing ko nang isandal niya ako sa pinto at sugurin ng halik ang leeg ko.Nakakakiliti ang paraan niya pag paghalik sa balat ko, ang mainit at mapaglaro nitong labi ay talagang nagdudulot ng malakas na kuryente sa buong katawan ko. Wala akong magawa kundi ang mapatingala at kumapit sa buhok niya, dinadama ang bawat halik niya sa leeg at punong tainga ko."This is not right" bulong niya, bago halikan ang labi ko. "You're still recovering..." pilit niyang bigkas sa pagitan ng malalim at sabik na sabik na tagpo ng mga labi namin.&nb
"Thank you Doctora Loyzaga."Paalam ni Laura sa Doctora na nasa bungad ng Hospital. Payak na ngumiti ang Doctora na lingid sa kaalaman ni Laura ay inabangan talaga siya."You're welcome Lau—Mrs. Ibañez." nasapo niya ang bibig nang muntikan ng matawag sa pangalan ang kaibigan na sa kasamaang palad ay kasama sa mga nawala sa ala-ala nito.Pinanuod lamang niya ang mag-asawa umalis ng Hospital, May lumbay sa loob nito dahil kaunting panahon lang ang ibinigay sakanila para maging mabuting magkaibigan."Doc, Okay lang po ba kayo?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makitang emosyonal paring nakatanaw sa sasakyan ng mga Ibañez ang Doctor.