"I forgot to tell you that we don't need to work for one week." napataas ang kilay ko.
"Anong ibig mong sabihin? Pwede ba yun?" tanong ko sakaniya, nagkibit-balikat siya.
"I'm the Boss, Laura. I can do what I want to do." mayabang niyang sabi na siniringan ko lang.
"Edi ikaw na." bulong ko at inirapan siya, tumawa lang si Eugene habang inuubos ang kape niya.
"About sa bi-baby sit sakanila, May agency na akong nakuhaan ng dalawang pwedeng tumulong saatin." nagulat ako sa sinabi niya. Kailan niya ginawa yon?
"Ang bilis mo naman' nakahanap? sure ka ba na mapagkakatiwalaan sila? What if—"
"Kaya nga tayo naka-one week leave sa work. The two helpers will arrive later at lunch, one week natin silang susubaybayan and if we see that they're good mas mapapanatag tayo." he explained to me with his serious voice giving me assurance na hindi siya' basta-basta pipili ng taong' malalagay sa alanganin ang mga bata.
Pero hindi ko parin maiwasan mag-alala. Marami akong nababasa na mga masamang nangyayari kapag naiiwan sa ibang tao ang bata. Hindi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Napaigtad ako sa upuan ko ng naramdaman ang kamay ni Eugene sa kanang kamay ko.
"Wag ka na mag-alala masyado. Ayokong Ikaw Ang gumawa ng lahat, Ikaw na nga nag-aalalaga sa kambal, pati ako inasikaso mo pa..." malungkot niyang sabi.
"Huwag mo akong dramahan Uge. Alam kong gustong-gusto mong inasikaso kita, pa-baby ka nga diba?" sarkastiko kong sabi sakaniya para maiba ang mood niya. Hindi niya' naman kailangan ma-guilty kung mapagod man ako, dahil masaya ako sa ginagawa ko.
"Ofcourse tsk. But really, we need a helpers para hindi ka masyado mapagod okay?" tumango nalang ako para maiwasan ang malamlam niyang mga titig saakin na nagpapalambot nanaman sa tuhod ko.
"Ilayo mo nga yang mukha mo sa mukha ko. Lapit ka ng lapit" inis kunwareng sita ko sakaniya, nagulat ako ng banggain niya yung balikat ko.
"Kunware ka pa, gustong-gusto mo ngang natititigan ng malapitan ang mukha ko. Huwag ka mag-alala, ayos langkahit may crush ka saakin" napanganga ako sa sinabi niya, napaka-kapal ng mukha nito. Although totoo naman yung sinabi niya, pero ang kapal parin ng mukha niya. Pinag-cross ko ang braso ko at tinaasan siya ng kilay.
"Akala ko ba gising ka na? bakit nanaginip ka parin? Ako? magkaka-crush sayo? huh."
"huh ano? Oh bat hindi mo matuloy?" mabilis kong itinulak yung mukha niya nabg mas ilapit niya pa yun saakin.
"Alam mo para ka talagang bata! Tumigil ka nga Uge! Kyaahh! Hahaha stop!" tawa ko ng kilitiin niya ako. Ang aga-aga ang harot.
"Shh.. magigising yung mga bata." he said habang nakangiti ng kung ano at di pa nakuntento at kumindat pa ang animal. Papatulan ko sana siya ng magising na nga ang kambal. Iniligpit ko ang kinainan namin habang si Eugene bumalik sa kwarto para patahanin yung dalawa. Napangiti ako at ipinagpatuloy ang panglinis ng kusina nung hindi ko na marinig ang ungot ng kambal, napatahan ng daddy.
~
"Nakatulog ulit" bulong ko, nakatingin kay Loki na nasa bisig ni Eugene at tulog na tulog.
"Yeah, he's so clingy." napapangiting komento niya.
"Mana sa Ama." sagot ko na ikinangisi niya lang.
Kinatanghalian dumating ang dalawang kasambahay na sinasabi ni Eugene. Nung unan naging ilang ako sakanila kasi mas may Edad sila saamin ni Eugene, pero kalaunan naging komportable narin ako at marami akong natutunan mula sakanilang dalawa dahil pareho pala silang may mga pamilya na. After one week napag-desisyunan narin namin ni Eugene na mag-settle sakanilang dalawa, Nanay Linda at Nanay Perla nasa 40's na sila pero maayos parin ang pangangatawan at malakas. Pabor din saamin na pareho silang may mga anak na dahil hindi kami mag-aalala ni Eugene kung maaasikaso ba nila ang kambal. And thankfully they are so kind, kaya mas kampante na ako ngayon.
Pero syempre, I can't bring my guard down. But for now, kailangan kong subukang ipagkatiwala sakanila ang kambal.
"Ugh. I don't want to leave them" hirap na hirap kong sabi habang nakayakap sa maliit na katawan ni Thor at Loki.
"You're being too clingy to them." nagtatampong komento ni Eugene, Akala mo naagawan ng laruan.
"Wait niyo si Mommy ha? Magwo-work lang si Mommy." kausap ko sa kambal na kumakawag-kawag lang.
"Oh great, now you're ignoring me." natawa ako at nilingon si Uge na nakapamewang pa habang pinapanuod kaming tatlo sa kama.
"Ano bang inuungot mo diyan?" tanong ko, inirapan niya lang ako at inilapag ang suitcase niya sa mini table at lumapit sa kambal.
"Thor, Loki, Daddy is going to work. Alam kong mamimiss niyo ang gwapo niyong Daddy pero tiis lang okay? Babalik din si Daddy agad, love na love ko kayo kahit inagaw niyo na saakin ang Mommy niyo." natawa ako sa kung ano-anong pinagsasabi niya sa dalawang bata na nakanganga lang.
"Let's go na Uge, mali-late na tayo. Tapusin na natin lahat, I want to go home early." ungot ko na sinang-ayunan naman niya.
"Nay Linda?"
"Yes Ma'am? Oh papasok na kayo?"
"Opo, kayo na pong bahala muna sa kambal. Subukan po namin makauwi kaagad." magalang kong sabi sakaniya. Ngumiti siya at tumango.
"Huwag kang mag-alala at kaming ng bahala dito. Perla? Perla aalis na sila Ma'am at Sir." tawag niya sa kusina.
"Oh Sir? Ma'am? hindi ba kayo kakain? Naghanda po ako ng almusal." sabi ni Nay Perla.
"I'm sorry Nay Pearl, Nagmamadali kasi kami." magalang namang sagot ni Eugene, natawa pa ako ng marealize na tinawag niyang Nay Pearl si Nay Perla.
"Mauna na po kami. Kapag may kailangan po kayo tawagan niyo lang po kami ha? May mga pagkain na po sa ref pero kung may gusto po kayo—" napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan ni Nanay Linda ang kamay ko.
"Hala at huwag mo na kaming alalahanin, kami ng bahala. Sige na pumasok na kayo, wag kayong mag-alala at kami ng bahala dito." nakangiti niyang sabi, pinapalagay ang loob ko halata bang masyado akong nag-aalala? napakamot ako sa ilong ko at nahihiyang tumango.
" Let's go" inalalayan ako ni Eugene palabas.
Bago pumasok ng elevator ay nilingon ko pa ang kakasarado lang na pinto ng condo unit. Naramdaman ko ang maingat na pag-akbay ni Eugene saakin.
"They're going to be fine." he said, alam kong katulad ko nag-aalala rin siya pero mas pinipilit niyang mag mukhang malakas sa harap ko para ma-ease ang takot ko.
"Tara..." mahinang kong sabi at nauna ng pumasok sa elevator.
~
"Nga pala, alam ba ng mga tao sa kumpaniya ang sitwasyon natin?" tanong ko kay Eugene ng matanaw na ang building.
"I don't know, we don't need to worry about that. Ano naman kung malaman nila o hindi." he said while parking his car.
"Kahit na, what if magkaroon ng kakaibang issue?—" nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang mainit niyang palad sa pisngi ko.
"Stop worrying about them. If someone say bad things about you and our child, I'll smash them."
" Smash? Ano ka si hulk. "
" No, I'm your husband."
" H—Huh?" Hindi ako agad naka-react sa sinabi niya, namalayan ko nalang na nasa labas na siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa gilid ko.
"Huwag kang obvious Laura, May patulala effect ka pa." agad nag-init ang mukha ko nang mapag-tantong iniinis niya lang ako. Padabog akong lumabas ng sasakyan at sinipa ang tuhod niya.
"Ouch!"
"Bahala ka diyan." sabi ko at nauna ng pumasok sa building.
Pagkapasok ko palang ay nasaakin na Ang mata ng lahat. Straight lang ang mata ko at lakad ko, nang makarating ako sa elevator ay saglit akong huminto para hintayin si Eugene.
"Welcome back Mr. President."
" Goodmorning Sir."
" Welcome back Sir. "
Kaniya-kaniyang bati ng ilang employee na tinatanguhan lang ni Eugene na ngayon ay straight ang mukha at parang walang reaksyon sa paligid. Nang makarating siya sa harap ko ay agad akong yumuko sa harap niya.
"Welcome back Mr. President." magalang ko bati sakaniya at inilahad ang kamay ko sa kakabukas lang na elevator, tumango siya at sumakay roon.
Sumunod naman ako nang makapasok na siya, malaki pa naman ang space sa loob pwede pang sumakay ang ilan pero nagpanggap ang mga nakapila na hindi interesadong sumakay. Napailing ako at inutusan na ang elevator boy na isara na.
They're too scared to this poker face boss. Kilalang magaling at maabilidad na Boss si Eugene, pero mas kilala siyang moody na amo. Na bigla-bigla nalang mawawala sa mood at magagalit, ilang employee ang nakasaksi non at ilang tao ang nawalan ng trabaho sa isang araw lang. Napailing ako dahil sa ugali niya noon, napaka-isip bata. Mabuti at hindi pa ulit yon nangyayari na ako na ang nasa tabi niya, baka kung mangyayari yon sa harap ko ay masapak ko siya' kahit Boss ko pa siya'.
Bumukas na elevator at sabay kaming lumabas. Sinalubong kami ni Mrs. Perez na may hawak na folder."Welcome back Sir." bati niya kay Eugene, tumango si Uge at sumenyas na papasok na siya sa opisina niya.
Nang makita kong nakapasok na siya sa Opisina niya ay naglakad narin ako papunta sa Opisina ko.
"Miss Laura, eto po lahat ng nga schedule ni Sir, masyado pong marami kaya inipon ko lang po muna." kinuha ko ang folder at agad sumakit ang mata ko sa mga meeting at mga kailangan ayusin.
"Thank you, ako ng bahala dito. Any other things? May mga dumating bang importanteng documents?" tanong ko, sinisimulan ng ayusin ang schedule ni Eugene.
"Ah wala naman po ma'am." napatango ako, atleast diba wala ng dagdag trabaho.
"Okay, thank you." sabi ko, pero nagtaka ako nang manatili lang siya' sa harap ko.
Nagtaas ako ng tingin sakaniya at nakita ang curious niyang mukha.
"May problema ba?" tanong ko.
"Ah, Miss Laura totoo bang nanganak na yung Secretary ni Sir dati? Si Gail ba yun? Edi may anak na si Sir ngayon? Nagsasama na ba sila ulit, syempre nagkaroon sila ng anak, tagapag-mana pa. Grabe no? secretary lang noon, ngayon nanay na ng magiging tagapag-mana ni Sir Eugene."
Napakuyom ako ng kamao sa mga narinig ko mula sa bibig niya.
"Balita ko nga inakit daw talaga nung Gail si Sir para madaling makaahon sa buhay. Ang talino, nagpaanak—Ay!"
Mabilis ang naging paghinga ko pagkatapos kong ibagsak ang bag ko sa lamesa bago mag-angat ng tingin sakaniya.
"Ay!" gulat niyang sigaw matapos kong ibagsak ang bag ko sa office table. Nag-angat ako ng tingin sakaniya."Kung wala ka ng dapat i-report you can leave now." diretso kong sabi sakaniya, nakita ko pa ang pagtataka at kaba sa mukha niya bago siya tumungo at tumalikod bago naglakad papalapit sa pinto."And," dagdag ko nang pihitin na niya ng doorknob "Next time, huwag kang magkakalat ng kung ano-anong kwento kung wala ka na mang alam sa totoong nangyari. Kung wala kang respeto sa tao, kahit respeto nalang sa boss mo." dagdag ko pa."Siguro naman... ayaw mong mawalan ng trabaho no Mrs.Perez?" malamig at matalas ang nga pananalita ko.Isinawalang bahala ko ang agwat ng edad naming dalawa, alam kong mas matanda siya saakin at dapat akong gumalang sakaniya... Pero bakit ko naman gagalangin ang taong' hindi karapat-dapat ng pag-galang?"Pasensiya na po Ma'am. Laura! Sorry po talaga, hindi na po
Alam kong pinangako ko na gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Eugene pero lumipas lang ng mabilis ang tatlong taon ay wala paring pagbabago sa relasyon namin.Hindi ko alam kung wala ba siyang nararamdaman para saakin, dahil kung pagbabasehan ko ang kilos at malalambing niyang salita ay parang meron. Hindi ko alam, kahit gaano pa kami ka-sweet sa isat'-isa kung wala naman kaming label, wala rin.Siguro sa loob ng ilang taon, nasanay nalang kami sa set up naming dalawa. Maayos naman kami, pero lately parang may kakaiba akong napapansin kay Eugene."Oh Ma'am nakapag-luto ka na po pala, pasensiya na at na-late ako." hinging paumanhin ni Nay Perla nang maabutan akong nasa kusina."Opo, maaga rin kasi ako nagising." tipid akong ngumiti at sumimsim ng kape. Nakita ko ang tingin ni Nay Perla saakin kaya napaiwas nalang ako ng tingin sakaniya."Hindi na naman umuwi si Sir kagabi? Ayos ka lang ba Ma'am?" umiling ako at hindi ko n
"Daddy!" magakasabay na sigaw ng kambal habang nakatingala sa ama.Dumampot ako ng tissue at pinunasan ang bibig ni Loki ganon narin si Thor na pati ang maliit na bangs ay nalagyan na ng sauce ng spaghetti."Hello mga pogi. How's your day? Wow Jollibee!" umatras ako palayo sa pwesto ng kambal ng lumapit siya sa mga ito at bigyan ng halik sa pisngi."Mommy gave this to me and Loki, Daddy." paliwanag ni Thor na itinuro pa ako at ang kambal niya."Oh wow, did you say thank you?" he asked and wipe the remaining sauce on Loki's cheeks."Did we bwo?" clueless na tanong ni Loki kay Thor na nakakunot na ang kilay, napangiti ako habang pinapanuod silang nag-iisip. Ang cute cute, sa huli ay di rin nila maalala at bigla nalang tumayo."Wah!" gulat na sigaw ko matapos nila ako yakaping dalawa. Napatili pa ako nang madikit na saakin ang sauce na nasa kamay ni Loki."Thank you sa Jabee Mama!" Loki said at hinalikan ako sa il
Bitbit ko ang dalawang bag kong malaki na naglalaman ng gamit ko nang lumabas ako ng kwarto. Nagkatinginan pa kami nang makita ko siyang nakaupo sa Sala pero agad ring lumipat ang paningin niya sa mga bitbit ko."You're leaving." he coldly said while looking at me, bigla siyang napangiti at nagkibit balikat."Well, it's been a years. Just close the door when you leave, thank you for your service?" diretso ang mukha niyang pagkakasabi, walang mababakas na emosyon sa mukha o maging sa tono ng boses niya.Napahigpig ang hawak ko sa bag ko at mabigat na humakbang paalis sa harap niya. Dumiretso ako sa kwarto ng kambal, pero nang makita ko sila ay naibagsak ko ang bag ko pagkasara ko palang ng pinto. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at nakitang magkayakap silang natutulog.Napatakip ako ng bibig ko nang kumawala ang mahina kong hikbi. Nanghihina narin ang tuhod ko dahil sa halo-halong emosyon lalo pa nang mapagmasdan ko sila at maisip na iiwanan k
"Hindi ko maaatim na umalis at iwan sa puder mo ang mga bata ngayon pa at nakikita kong nagkakaganito ka. Alam kong wala akong karapatang isama ang mga bata pero nakikiusap ako sayo, alang-alang nalang sa kambal at sa pangakong iniwan ko kay Gail na aalagaan ko sila, parang-awa mo na... payagan mo kong isama sa pag-alis ko si Thor at Loki." Nakaluhod ako habang binabanggit ang bawat pagmamakaawa na maari kong sabihin.Hindi ko kayang iwan ang kambal sa pangangalaga niya. Paano ako makakatulog ng mapayapa kung alam kong iniwan niya yung kambal para makasama ang babae niya? Paano ako makakapag-isip ng tama sa malayo kung bawat oras na maiisip ko sila ay naiisip kong makakakita sila ng mga bagay' na hindi pa wasto para sa edad nila kung pupunta nga dito yung babae ni Eugene.Ayokong, ayokong lumaki si Thor at Loki na pinapanuod ang Ama nila na ganito. Ayokong lumaki silang may sama ng loob sakaniya, o kung hindi sama ng loob ay baka isipin ni
Pagod kong ibinagsak sa sofa ng hotel ang katawan ko. Naisip kong mahihirapan ang kambal kung tutuloy-tuloy kami sa biyahe papunta ng Siargao. Sa Siargao ko balak pumunta dahil naroon ang isa sa mga naipundar kong mga ari-arian. Hindi naman namin kailangang lumabas ng bansa para makalayo kay Eugene. All we have to do is to distant ourselves for a while."Bwisit kang isip bata ka" mahina kong bulong habang nakatulala sa glass window , tanaw ko ang napakaraming ilaw ng sasakyan. Sapat na tanawin para makapahinga ang utak at puso ko.Sa totoo lang wala akong balak na iwan si Eugene ng matagal. Hindi ako ganoon ka-sama para ilayo sakaniya ang sarili niyang mga anak. Pipilitin ko paring ayusin ang buhay naming apat. Katulad ng ipinangako ko kay Gail, hindi ko basta-basta iiwan si Eugene.At alam ko rin sa sarili ko na hindi ko kayang malayo sakaniya, kulang ang pamilyang meron ako kung wala siya.Ewan ko ba, kung bakit ganito nalang ako ka-ta
Malalaki ang mga katawan, bawat isa sakanila ay armado ng malalaking mga armas pamaril. Nakapalibot sila sa isang lamesa at nakatingin sa mga larawang nakalatag. Nahagip ng paningin ko ang larawan ni Gail at ng isang matandang babae at lalaki, pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita ko ang larawan ko kasama ng kambal."A–ano... Eugene, Anong ibig-sabihin nito?" nanginginig ang boses ko, takot na takot sa mga nakikita ko.Nakita kong sumenyas siya sa mga lalaking nakaitim na iwan muna kami. Napapikit pa ako nang dumaan sila sa gilid ko, nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na silang makalayo."Bakit ka nandito? Hindi ba aalis kayo? Bakit ka bumalik?" nakahawak siya sa ulo niya Ng sabihin yon, parang problemadong-problemado na bumalik ako."Ano bang nangyayari? Kaya mo ba kami pinaalis dahil dito? Pero ano to? Ano bang nangyayari Eugene?" marring sigaw ko sakaniya.Tumingala siya ng matagal na tila sumasagap ng lakas s
"Sleep some more," ungot niya at hinila ang katawan ko pabalik ng higa."Sira, iniwan ko lang saglit yung mga bata sa bahay nila Anica. Dadaan pa kami ng grocery, bitaw na" mahina kong hampas sa braso niya.Nang makaupo na ako ng maayos ay nakaramdam ako ng hapdi sa gitna ko. Napayuko ako at tahimik na ininda ang hapdi."I'm sorry, pinanggigilan kita masyado" hingi niya ng tawad, lumingon ako sakaniya at kinirot ang tagiliran niya."May humihingi ba ng sorry na naka-ngisi?" tanong ko sakaniya, pilit niya paring itinatago ang ngisi niya, tuwang-tuwa sa sariling kalokohan."I'm serious okay, I'm really sorry. I'll help you wash up, warm water can help to ease the pain." he said at binuhat ako papunta ng banyo.Nahirapan pa akong maligo ng maayos dahil sa likot ng kamay at labi niyang kung saan-saan napupunta. Nang sa wakas ay matapos na ako ay uminom lang ako ng pain killer, kailangan ko pang mag-drive. Paglabas ko ng k
[ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a
"She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u
[ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I
"Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"
"Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan
[ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang. 
[ Laura ]Pagmulat ng mga mata ko ay kaagad kong nakita ang papalubog na araw. Kulay kahel ang langit, tahimik ang buong paligid. Ramdam ko rin ang presensiya ni Eugene sa likod ko, napapikit akong muli at mahigpit na napahawak sa bibig ko, pinipigilang makagawa ng ingay nang biglang bumuhos ang mga luha ko.Naaalala ko na lahat.Nanginginig ang buong katawan ko habang bumabalik lahat ng sakit na sandaling panahon ay nakalimutan ng utak ko.Dahan-dahang akong tumayo sa kama para mag-ayos ng sarili. Nang makarating sa banyo ay saglit kong natitigan ang sarili ko, bagsak ang katawan, matang punong-puno ng sakit, all I can see is a broken version of myself."You tried so hard to be happy..." mapait kong ani habang nakatitig sa lumuluhang repleksiyon ko sa salamin."Naalagaan mo ng maayos ang anak ng Iba, pero sarili mo sanang a–anak..
[ Laura ]Halos madapa kami sa pag-akyat sa hagdan, nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ay walang kasing bilis niya yung nabuksan at nahila ako papasok."Ah!" daing ko nang isandal niya ako sa pinto at sugurin ng halik ang leeg ko.Nakakakiliti ang paraan niya pag paghalik sa balat ko, ang mainit at mapaglaro nitong labi ay talagang nagdudulot ng malakas na kuryente sa buong katawan ko. Wala akong magawa kundi ang mapatingala at kumapit sa buhok niya, dinadama ang bawat halik niya sa leeg at punong tainga ko."This is not right" bulong niya, bago halikan ang labi ko. "You're still recovering..." pilit niyang bigkas sa pagitan ng malalim at sabik na sabik na tagpo ng mga labi namin.&nb
"Thank you Doctora Loyzaga."Paalam ni Laura sa Doctora na nasa bungad ng Hospital. Payak na ngumiti ang Doctora na lingid sa kaalaman ni Laura ay inabangan talaga siya."You're welcome Lau—Mrs. Ibañez." nasapo niya ang bibig nang muntikan ng matawag sa pangalan ang kaibigan na sa kasamaang palad ay kasama sa mga nawala sa ala-ala nito.Pinanuod lamang niya ang mag-asawa umalis ng Hospital, May lumbay sa loob nito dahil kaunting panahon lang ang ibinigay sakanila para maging mabuting magkaibigan."Doc, Okay lang po ba kayo?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makitang emosyonal paring nakatanaw sa sasakyan ng mga Ibañez ang Doctor.