Share

Her Boss Twin Babies
Her Boss Twin Babies
Author: Ms. RED

Chapter One

Author: Ms. RED
last update Last Updated: 2021-08-17 15:58:27

[Laura Daza Caasi]

Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong, mula sa pamamalimos sa lansangan at pagiging tindera ng basahan sa recto ay naging secretary ako ng isa sa pinaka-malaking kumpanya dito sa Pilipinas?

Naulila ako ng mga magulang ko, limang taong gulang pa lamang ako ng mapunta ako sa bahay ampunan, dahil wala rin naman kaming ibang kamag-anak na maaring kumupkup saakin.

Sa ampunan, mga madre ang nakakasama namin. Para saakin ay hindi masaya sa bahay ampunan. Pero wala akong magagawa kailanagan kong makisama at magtiis para mabuhay lalo pa ngayon at mag-isa nalang ako. Ang mahalaga ay sa lugar na ito ay may pagkakataon akong makapag-aral ngunit pagtungtung ko ng ika-labing anim na baitang ay nasunog ang bahay ampunan.

Naging palaboy ako sa lansangan, namamalimos. Pero natuto akong dumiskarte, yung mga limos na baryang binigay ng mga tao saakin ay siyang inipon ko ng paunti-unti.  Nang sa wakas ay makaipon na ako ng sapat, ibinili ko yun ng maraming basahan na bilog at inilako sa mga driver ng jeep. Sa una ay mahirap dahil maraming naging ka-kumpetensiya, marami akong nakaaway na pareho ko ring nagtitinda pero hindi ako nagpatalo at pinapatuloy parin ang trabaho. Disidido akong matakasana ang buhay na to, gagawin ko ang lahat upang hindi dito magpatuloy ang buhay ko.

Sa pagdaan ng maraming araw at buan ay nagpatuloy ang pag-ganda ng aking kinikita na nagawa ko naring makapag-puhunan ng malaki upang makabili ng maraming basahan at ipalako iyon sa ibang mga bata sa lansangan.

Sa ilalim ako ng hagdan ng malaking overpass nagtayo ng barong-barong. Doon napansin kong maraming dumadaan ng tao, kaya naisip kong maglagay ng maliit na lamesa at magtinda ng candy at tubig na mineral. 

Hindi ko na rin kailangan magtinda ng basahan dahil ipinapatinda ko nalang ito sa ibang bata. Piso dalawa ang puhunan sa isang basahan, pwedeng mabenta ng dalawang piso at singkwenta sentimos, limang piso ang dalawa, sa isang basahang mabebenta nila ay may piso at singkwenta sentimos ako at sakanila ang piso. 

Iisipin niyo siguro na ang liit sentimo. Hindi, narinig ko kasi sa isang chinese ang kasabihang quantity over quality. Marami akong nakilalang negosyante dahil sa lugar na to ay talamak ang pagnenegosyo ng mga dayuhang intsik. Marami akong natutunan sakanila dahil minsan ay iba ang kanilang daldal kapag negosyo na ang pina-uusapan nila ng kanilang customer na nangyari namang naririnig ko dahil sa pagtambay ko sa gilid ng kanilang mga tindahan.

Nanatili ako sa barong-barong ko at nagtinda ng candy at sigarilyo. Nung kumikita na ko ng higit sa dalawang daan kada araw, naisipan kong mag-aral. 

Ang ginawa ko, bago ako pumasok sa umaga ipapamahagi ko muna sa mga bata ang basahang ilalako nila. Tapos sa uwian ng tanghali, magbebenta ako ng candy at sigarilyo. Paulit-ulit lang na ganon, pinapaikot ko lang yung maliit na pera ko.

Umabot ako ng huling taon sa Highschool, natuwa pa nga ko dahil naging cumlaude pa ko. Hindi rin ako nahirapan nung may babayaran na para sa graduation dahil unang year palang pinag-ipunan ko na. Ang saya-saya ko nung araw na yun. 

Akala ko tuloy-tuloy na. Akala ko aayon na saakin ang panahon at pagkakataon hanggang sa hindi inaasahang panguayari ang naganap, ipinalinis ang Maynila, inalis ang mga nagtitinda na nakaharang sa daan. Kasama doon ang maliit kong tindahan ng candy, lahat ng basahang itinitinda ko nabasa gawa ng malakas na tubig na ginamit nila para malinis ang kalsada. 

Walang natira sa pinaghirapan ko. Halos manlambot ang tuhod ko sa sobrang panghihinayang at pagkadismaya. Hindi ko alam kung paano ulit magsisimula. 

Bitbit ang ilang pirasong damit at diploma ko. Naglakad-lakad ako sa tirik na raw ay dama ko na ang pagkalam ng sikmura ko at ngalay kong mga braso. Hanggang sa may babaeng lumapit saakin. Tatakbo na nga sana ako dahil nasanay akong kapag may lumalapit sakin ng ganoon, kadalasan niyayaya akong pumasok sa isang club. 

Pero mali ako, mabait siya. Inalok niya ko ng training daw. Call Center Training, Sabi ko non.. Highschool graduate lang po ako. 

Pero sabi niya okay lang daw, tumatanggap sila ng highschool grad, natuwa pa nga siya nung nalaman niyang cumlaude ako. Malaki daw ang pag-asa kong makapasok sa BPO company. 

Sumama ako kay Ate Hasmin, Nagpakilala kasi siya non sakin nung napansin niyang duda parin ako. Ipinakita niya yung ID niya, Siya si Hasmin Enriquez Istudyante siya sa University Of Manila, Ojt niya lang daw yung pagre-recruit ng magte-training. 

Nung nakarating kami sa building sa Ermita kung saan yung Training Center, natuwa ako agad. Mababait silang lahat, yung mga nag-aasikaso saamin mga istudyante ng mga sikat na University sa Manila. Nainggit nga ko dahil pangarap ko ring makapag-kolehiyo. 

Unang araw ng training, madali lang. Katulad sa klase sa school introduce your self lang.

Nasundan ng pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglima. Huling araw, nakatanggap kami ng certificate patunay na dumaan kami sa Call center training. 

May mga sikat na BPO Company ang pumunta sa building kung saan kami nagte-training. Iinterviewhin daw kami, kung sino ang makapasa tanggap na sa trabaho sakanila. 

Syempre nung time ko na, ginalingan ko. Lahat ng natutunan ko ginamit ko, pero fail. 

Nag-try ako sa isa pang BPO Company na nandon rin sa lugar, natanggap ako.

Naalala ko pa, Umiyak ako non. Hinanap ko si Ate Hasmin at niyakap siya, paulit-ulit na nagpasalamat sakanya dahil bukod sa siya ang nagdala saakin dito, pinatuloy niya rin ako sa bahay nila. 

Isang buwan akong nakitira kila Ate Hasmin, wala namang problema sakanila dahil mababait sila. Pero tatlong buwan lang ay nakahanap nako ng maliit na apartment. Bago ako umalis sakanila gusto ko sanang bayaran yung tatlong buwan, pero ayaw nilang tanggapin, basta daw dumalaw nalang ako paminsan -minsan. 

Hindi ko inasahang malaki ang sweldo sa isang Bpo Company. Sa Sales ako na destino kaya unlimited ang kita ko basta galingan kong magbenta. Sa sobrang sanay ko magbenta, maikling panahon lang na-promote ako.

Makalipas ang dalawang taong pakikipagsapalaran ko sa Industriyang iyon ay sa wakas nagkaroon na ako ng sapat na ipon upang makapag-kolehiyo. 

Kumuha ako ng Night Shift sa trabaho at nag-enroll sa PUP, Business Course ang kinuha ko.

Laging puyat at kung minsan nagkakasakit na ko, pero sa tulong ng proper diet at vitamins kinaya!

Habang nag-aaral ako sa umaga hanggang tangahlali, nagdi-deliver ako ng mga damit, make-up at kung ano-ano pa na binibenta ko sa online. Tapos pagsapit ng gabi hanggang madaling araw, CallCenter Agent ako.

Naging ganon ang takbo ng buhay ko hanggang sa makatapos ako ng Koleheyo.

Na-achieve ko na ang goal ko sa pag-aaral. Maganda ang trabaho ko sa CallCenter at Maganda ang takbo ng Online Sales ko. Malaki narin ang ipon ko.

Dalawang taon pagkatapos kong maka-graduate, nanatili ako sa BPO Industry at pinagpatuloy ang Online Selling ko na lumago na dahil sa mga resellers ko. Lumaki ng lumaki ang kinikita ko, kaya nakapag-pundar ako ng Sarili kong tirahan.

Buong magdamag akong umiyak nung matanggap ko yung susi ng Condo ko. Sinong hindi maiiyak? Dati nasa ilalim lang ako ng hagdan sa lansangan nakatira, tapos ngayon Condo na. Nakabili narin ako ng isang sasakyan, kalat na ang savings ko sa bangko. Nakapag-patayo nako ng tatlong negosyo, at palaki ng palaki ang Online Business ko.

Limang taon akong kita ng kita ng pera. Hanggang sa isang gabi, natulala nalang ako sa sobrang pagod.

Naisip ko.

Para saan lahat ng pinaghihirapan ko? Malaki ang perang kinikita ko, May malaki akong tinutuluyan, Sasakyan at Negosyo... Pero bakit parang hindi naman masaya? Bakit wala akong kasama?

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
maganda at saka exciting
goodnovel comment avatar
Adora Miano
Ang sipag naman ng bida ,,,napa wow Ang kwento talaga
goodnovel comment avatar
Patrass Servillon
cumlaude eh high school ka pa lng po..valedictorian siguro..aww cumlaude ist horable mention pala
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Two

    Isang araw na-realize ko na hindi ko na kailangan magpalago ng ari-arian. Hindi ko naman madadala sa hukay ang mga iyon, wala rin akong mapag-iiwanan kung sakaling mamatay ako. Mag-isa lang ako sa buhay, ni Kaibigan nga ay wala ako.Si Ate Hasmin nasa Ibang bansa na nakatira kasama ang buong pamilya niya.Nung gabing yun damang-dama ko ang pagiging mag-isa.Binenta ko ang negosyo ko. Hininto ko ang Online Selling at Nag-resign ako sa pagiging CallCenter Agent.Sa isip ko non, sapat ang perang naipon ko hanggang sa mamatay ako.Isang linggo akong nakahilata sa Condo. Kain, Tulog lang. Nagkasakit ako, hindi ko kayang walang ginagawa. Hindi ako sanay na walang trabaho.Kaya nag-apply ako, cashier sa coffee shop. Pinili ko talaga don kasi chill lang, nakaka-relax, mahilig din kasi ako magbasa ng libro. Kaya tumagal ako don ng Isang taon, nagkaron ako ng mga kaibigan. Sila Rose

    Last Updated : 2021-08-17
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Three

    "Nakakapagod naman." I sighed at yumuko sa lamesa para pumikit at ipahinga ang utak ko. Inaantok narin ako, nakakasawa yung ginagawa ko. Type lang ng type.Bakit ba kasi hindi niya pa ko tanggalin. Bakit kasi naniwala ako at naawa sa dahilan niya kung , bakit ayaw niyang kumuha ng ibang secretary eh."Trauma. My One and Only Secretary Break Up on me. Iniwan niya ko, alam mo naman yun diba? Kaya ngayon, parang hindi ko pa kaya magkaron ng ibang secretary. Ang sakit parin eh." "Oh, bakit ako nandito kung ayaw mo pang kumuha ng secretary?" "Cause' I know, your different. Hindi mo ko papabayaan katulad nung hindi mo pag-iwan sakin nung lasing akong sumugod sa coffee shop."Bakit ba kase nagpadala ako sa cuteness niya? Buset talaga.Ginulo-gulo ko yung buhok ko. Napapagod na talaga ako! Gusto ko nalang umuwi at humiga sa malambot kong kama. Ha

    Last Updated : 2021-08-17
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Four

    Simula nung usapan namin nung gabi tungkol sa magiging Anak ni Eugene. Nag-decide kaming sa iisang Condo nalang tumira. Which is yung Condo sa pinakataas. Penthhouse. Unti-unti rin naming inayos yun. May sarili akong kwarto ganon din siya, hindi naman kasi kami mag-asawa. Kaya hiwalay kami ng tulugan.Ginagawa lang namin to para sa bata. Sasabihin niyo pwede namang hindi ako makisali sa buhay nila.. Pero kasi, gusto ko.Hindi ko kayang isipin na lalaki yung anak ni Eugene na walang nanay. Tapos ano? Pagmalaki na siya, malalaman niyang ayaw sakanya ng tunay niyang nanay? Masakit para sa isang anak ang ganon.Kaya hanggat maaari, tutulungan ko si Eugene. Handa akong akuin ang iniwang responsibilidad ng ex niyang bobo.Nakakatawa lang, Kasi sabi ko dati ayoko mag-anak. Tapoy ngayon, magkakaanak anako. Hindi man siya galing sakin, alam ko sa puso ko ituturing ko siyang sariling akin."

    Last Updated : 2021-08-17
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Five

    Ngayon ko lamang nalaman na masokista pala ako, ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko nang isipin ko pa lamang na magiging buo ulit ang pamilya nila, na magkakabalikan sila para sa mga anak nila. Masamang hilingin na sana hindi na mangyari yon, dahil may mga anak sila na kailangan ng kompletong pamilya. Sino ba ako? Kakapasok ko lang sa eksena, mang-aagaw ng role, a mere substitute. “Thank you for holding my hand habang inilalabas ko ang mga bata.” napatingin ako sa kamay kong hinawakan ng kamay niyang napaka-liit at payat na. “I’m so grateful to know and experience how kindhearted you are Laura. Masayang-masaya ako dahil ikaw ang nasa tabi ni Eugene. Tungkol sa pag-alis ko, a-ayoko naman t-talaga umalis.” gumaralgal ang boses niya matapos sabihin yon kaya nataranta ako. “Gail huwag ka masyado umiyak hindi ka pa masyado magaling, shhh- I’m sorry if I ask you about that. Please calm down.” wala akong magawa kundi ang haplusin ang kamay niya, n

    Last Updated : 2021-09-14
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Six

    Pagkatapos mamaalam ni Eugene kay Gail ay sinubukan naming humanap ng kamag-anak ni Gail pero base sa mga nalaman namin ay matagal narin palang walang kontak si Gail sa kahit sinong kamag-anak niya. Wala rin kaming clue kung saan sila mahahanap kaya nagdesisyon nalang si Eugene na siya na ang maghahatid kay Gail sa huling hantungan. Hindi narin kami nagpa-lamay dahil wala rin namang pupunta kaya ako, si Eugene, isang Pari at dalawang tagabuhat at taga-hukay lang ang nandoon. Naglakad ako papalapit kay Gail at maingat na inilapag ang puting bulaklak. Napangiti ako nang makita ang maaliwalas niyang mukha kasabay ng malamig na hanging yumakap sandali sa katawan ko. “Paalam Gail hindi kita makakalimutan kahit sandaling panahon lang tayo nagkasama. Wag kang mag-alala, ako ng bahala sakanila.” Naging mabilis lang ang mga nangyari at ngayon ay nakatanaw na kami sa Baby ward kung nasaan ang dalawang baby boy ni Eugene. Hinagod ko ang likod niya nang magsimula na siya

    Last Updated : 2021-09-16
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seven

    Halos mag-uumaga narin kami nakauwi ni Eugene. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na nagawa pang tingnan ang oras."Matulog ka muna, aayusin ko lang yung mga dadalhin natin bukas." sabi ko sakaniya at naglakad papalapit sa pintuan ng magiging kwarto ng kambal."I can do it, you can rest first." pilit ang ngiti niya at halatang pinipilit lang labanan ang pagod at antok."Kaya ko na to, wag ka na nga papilit diyan. Sige na magpahinga ka na." isinenyas ko pa gamit ang kamay ko na umalis na siya. Pumasok ako sa kwarto at lumapit sa baby bags."Psh parang gusto lang naman tumu—""May sinasabi ka ba?""Sabi ko okay po, matutulog na po Momma." dali-dali kong inabot ang baby powder na nakita ko at inambang ibabayo sakaniya."Hoy masakit yan! Eto na nga eh, aalis na nga." kabadong sigaw niya, hindi ko inalis ang masama kong titig sakaniya kaya wala siyang magawa kundi ang lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto n

    Last Updated : 2021-09-17
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Eight

    "Kinikilig ka ba? Anong iniisip mo?" natatawa kong tanong habang nakaturo sa tainga niya."Kapal naman ng mukha mo, bakit ako kikiligin sayo." pikon niyang sagot sabay liko ng sasakyan sa parking ng hospital." Sinabi ko bang saakin ka kinilig? Malay ko ba ano iniisip mo." gatong ko pang pang-aasar sakaniya. Tumatawa kong inalis ang seatbelt ko nang maipark na niya ng maayos ang sasakyan."Pa-fall ka pala eh." mabilis akong lumingon sa pwesto ni Eugene na nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Mabilis rin akong bumaba at pumunta sa likuran ng kotse kung nasaan siya. Ano ba kasi sinabi niya? Hindi ko masyadong narinig."Hoy! Anong sinabi mo hindi ko narinig." agad kong tanong sakaniya at tinulungan siyang buhatin yung paglalagyan nila Thor at Loki mamaya. Para siyang basket pero pang pang-baby, isang blue at isang green."Walang ulitan sa bingi." pang-aasar niyang sabi

    Last Updated : 2021-09-18
  • Her Boss Twin Babies    Chapter Nine

    "Nyaah!" napatayo ako sa kama ng marinig ang iyak, pagtingin ko ay si Thor pala."Ow, bakit umiiyak ang baby?" alo ko sakaniya at dahan-dahan siyang kinarga at hinele.Pumasok naman si Eugene sa kwarto na nakapantulog na. Tumaas ang kilay niya ng makita ang sitwasyon naming dalawa ni Thor. Napatalon siya ng biglang umiyak si Loki."Hey... what happen hm? Daddy is here." he sweetly said habang maingat na binuhat si Loki."Maya-maya linisan na natin sila." sabi ko sakaniya, tumango siya at hinele si Loki.Magkaharap kami ngayon at sabay hinehele ang kambal. Napangiti ako nang mapansin na hindi maalis ang mata niya kay Loki, nililingon-lingon niya rin si Thor."I think they're hungry" Eugene said, tumango ako iniayos ang bote ng gatas ng kambal.Pero dahil isang kamay lang ang gamit ko ay nagtulong na kaming dalawa. Kung hindi kami nagdesisyon na mag-aral kung paano mag-alaga ng baby ay siguro ngayon nangang

    Last Updated : 2021-09-21

Latest chapter

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Five

    [ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Four

    "She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Three

    [ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Two

    "Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy One

    "Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy

    [ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang. 

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Sixty Nine

    [ Laura ]Pagmulat ng mga mata ko ay kaagad kong nakita ang papalubog na araw. Kulay kahel ang langit, tahimik ang buong paligid. Ramdam ko rin ang presensiya ni Eugene sa likod ko, napapikit akong muli at mahigpit na napahawak sa bibig ko, pinipigilang makagawa ng ingay nang biglang bumuhos ang mga luha ko.Naaalala ko na lahat.Nanginginig ang buong katawan ko habang bumabalik lahat ng sakit na sandaling panahon ay nakalimutan ng utak ko.Dahan-dahang akong tumayo sa kama para mag-ayos ng sarili. Nang makarating sa banyo ay saglit kong natitigan ang sarili ko, bagsak ang katawan, matang punong-puno ng sakit, all I can see is a broken version of myself."You tried so hard to be happy..." mapait kong ani habang nakatitig sa lumuluhang repleksiyon ko sa salamin."Naalagaan mo ng maayos ang anak ng Iba, pero sarili mo sanang a–anak..

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Sixty Eight

    [ Laura ]Halos madapa kami sa pag-akyat sa hagdan, nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ay walang kasing bilis niya yung nabuksan at nahila ako papasok."Ah!" daing ko nang isandal niya ako sa pinto at sugurin ng halik ang leeg ko.Nakakakiliti ang paraan niya pag paghalik sa balat ko, ang mainit at mapaglaro nitong labi ay talagang nagdudulot ng malakas na kuryente sa buong katawan ko. Wala akong magawa kundi ang mapatingala at kumapit sa buhok niya, dinadama ang bawat halik niya sa leeg at punong tainga ko."This is not right" bulong niya, bago halikan ang labi ko. "You're still recovering..." pilit niyang bigkas sa pagitan ng malalim at sabik na sabik na tagpo ng mga labi namin.&nb

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Sixty Seven

    "Thank you Doctora Loyzaga."Paalam ni Laura sa Doctora na nasa bungad ng Hospital. Payak na ngumiti ang Doctora na lingid sa kaalaman ni Laura ay inabangan talaga siya."You're welcome Lau—Mrs. Ibañez." nasapo niya ang bibig nang muntikan ng matawag sa pangalan ang kaibigan na sa kasamaang palad ay kasama sa mga nawala sa ala-ala nito.Pinanuod lamang niya ang mag-asawa umalis ng Hospital, May lumbay sa loob nito dahil kaunting panahon lang ang ibinigay sakanila para maging mabuting magkaibigan."Doc, Okay lang po ba kayo?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makitang emosyonal paring nakatanaw sa sasakyan ng mga Ibañez ang Doctor.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status