“The stars are in favor to you today. You can possibly meet the person that's been fated to you by the fate itself. Take care of yourself from every ill-fated things just like accidents.”
Napahinto ako sa paglalakad. My eyes grew wider when the realization hits me.
“Oh my gosh!” Impit na tili ko. “Hindi kaya...?”
A smile appeared on my lips as Kiel's image flooded on my mind. Wala na akong pakialam sa kakaibang tingin na ibinibigay ng mga tao sa akin. Nang magsimula ulit ako sa paglalakad ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Mukhang pabor nga ang mga bituin sa akin ngayong araw.
“Mabuti naman at nandito ka na. We only have ten minutes to prepare.”
Tumango ako sa sinabing iyon ni Katie at tsaka nagsimulang tumulong sa pagse-set-up ng mga gagamitin namin sa presentation.
“Sorry talaga at late ako Katie.” Sabi ko.
“Huwag mo ng isipin pa iyon. Ang isipin mo ngayon ay ito. Kailangan na nating matapos ito bago dumating ang huling bisita ni boss.” Sagot ni Katie habang naglalagay ng folder sa tapat ng mga upuan.
“Pabor nga siguro sa akin ang mga bituin ngayong araw. Come to think of it. Akala ko ako na talaga ang pinakahuli na dadating dito pero akalain mo iyon mahuhuli pa palang dadating ang isa sa mga bisita ni boss. Am I lucky or what?”
“Maybe. Dahil kung nagkataon na naunang dumating kaysa sayo ang isa sa mga bisita ni boss, I'm sure na hindi ka uuwi nang hindi pinapatawag ni boss sa office niya. Alam mo naman kung gaano ka-importante ang meeting na ito, hindi ba? Kailangan natin silang mapa-impress sa presentation natin for our sake and our boss' sake.” Sinapo ni Katie ang ulo niya gamit ang dalawang kamay niya. “Para na akong mababaliw dahil sa stress!”
Sabay kaming napalingon ni Katie sa may pinto nang marinig namin na bumukas iyon. Isang lalaking nakacorporate attire ang pumasok at kaagad na lumapit sa amin.
“Good morning ladies!” Nakangiting bati nito sa amin. “Marie, I heard na na-late kang dumating ngayon. Hmm. Nanood ka na naman ba ng K-dramas mo kagabi?”
Busted!
“Kailangan pa bang sabihin iyan boss?”
“Just as I thought. Hinay-hinay sa pagpupuyat, okay? Ayokong magkasakit ang isa sa mga elite employees ng company ko.”
Sumaludo naman ako kay boss.
“Yes boss!”
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa ipinapakita nitong concern sa mga employee niya.
Isaiah Kaiden Pierre, owner of PGC Productions, was the nicest boss that I had ever met in my entire corporate life. Sa lahat ng kompanyang napasukan ko, kay Sir Kaiden ko lang nadama ang kagustuhan kong magtrabaho ng matagal. Bukod kasi sa sahod at benefits na binibigay ng PGC Productions ay isa din sa mga dahilan ang paraan ng pakikitungo ni Sir Kaiden sa amin kung bakit gusto ko siya bilang boss ko. Tinatrato niyang parang sarili niyang pamilya ang mga employees niya. Nakikipagbiruan din siya sa amin minsan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi pa rin nawawala ang pagiging strict niya bilang boss namin. He dealt with his work professionally. He followed his own company rules and instructed us the way a true leader should do.
“You what?! Akala ko ba excited ka lang masyado kaya hindi ka nakatulog kaagad kagabi?”
Lagot!
Nakalimutan ko na nandito nga rin pala si Katie. Napangiwi ako nang makita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
“Huwag ka ng magalit Katie.” Sabi ni Sir Kaiden. “The most important thing is that she came here before the meeting starts.” Lumapit si Sir Kaiden kay Katie at inakbayan niya ito. “And one more thing. Marie won't like it if she sees you frowning like that. You know already what I mean.”
“Yah! What's the meaning of this Kaiden?”
Kaagad kaming napalingon kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Mabilis na lumapit sa amin ang taong iyon at pilit na tinatanggal ang kamay ni Sir Kaiden na naka-akbay sa balikat ni Katie at nang matanggal niya iyon ay masama itong tumingin kay Sir Kaiden.
“Bakit ka naka-akbay kay Katie? Don't you know that according to United Nations document, ang pang-aakbay ay consider na as sexual harassment? That you can be put behind the bars within one to six months and pay the penalty of more than twenty thousand pesos?” Sunod-sunod na tanong ni Sir Drake kay Sir Kaiden.
Itinaas ni Sir Kaiden ang dalawa niyang kamay at sumusuko na parang isang kriminal. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.
“I am very much aware of that Drake. And for your information, I'm not harassing my employee. And between the two of us, it seems like you're the one who will be charged with sexual harassment.”
“And why?”
“Kung makayakap ka kasi kay Katie parang wala ng bukas.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na matawa nang makita ko kung paanong pasimpleng itinulak ni Katie si Sir Drake. Nakita ko rin ang ginawang pag-iling ni Sir Kaiden dahil doon.
“Anyway, why are you here? You left Ashton in my office?” Tanong ni Sir Kaiden kay Sir Drake.
“They are coming here anyway. Umuna lang ako kasi naririndi na ako sa pangungulit ni Ashton sa akin.” Sagot ni Sir Drake pagkatapos niyang kunin at buklatin ang isang folder na nilagay namin kanina sa tapat ng mga upuan.
“Dumating na si Hiro? At teka, pangungulit?”
Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto at nasaksihan namin ang sinasabi ni Sir Drake na “pangungulit” ni Sir Ashton.
“Sana sinabi mo sa akin na magha-happy-happy ka para nakasama ako. You know that I'm already bored in my house.”
“How many times should I have to tell you that I'm late because I didn't get off from the jeep at the exact waiting shed. Sa ibang babaan pa ako nakababa.”
“Hindi ka sumasakay ng jeep Hiro.”
“And I already did which is useless pa din kasi late na akong nakarating dito.”
“Masama ang magsinungaling. Nasa polo mo ang ebidensiya.”
“I already told you that I got this lipstick stain accidentally. And could you please stop grinning? It's annoying.”
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I knew that face. I even recognized his voice! At nang magtama ang mga tingin namin ay muli ko na namang naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.
“Oh my gosh! What are you doing Marie?!”
Ang malakas na sigaw ni Katie ang gumising sa akin mula sa pagkatulala. Dahil doon ay kaagad kong napansin ang mabilis na pagkabura ng mga letra at salita sa ginawa naming presentation. I pressed the delete button unconsciously!
Oh my god!
Inilapat ko ang likod ko sa sandalan at tsaka bumuntong-hininga. Pagod na pagod ang pakiramdam ko pagkatapos ng presentation. At dahil sa mga nangyari sa presentation ay gusto ko na lang na pagdudahan kung pabor nga ba sa akin ang mga bituin ngayong araw na ito. Napangiwi ako nang maalala ko ang aksidenteng pagbura ko ng mga letra at salita sa presentation. Hanggang sa mga sandaling ito ay naaalala ko pa rin ang naging reaksiyon ng mga kasama ko nang makitang halos naubos ang lahat ng pinaghirapan naming i-encode sa presentation na gagamitin namin. I did admit that I was clumsy, but not at work. Sa tagal ko ng nagtatrabaho ay iyon ang kauna-unahang kapalpakan na nagawa ko. Ang malala pa ay sa mismong presentation day ko nagawa. Kung hindi lang dahil kay Katie at sa back up copy niya ng presentation namin ay 100% sure na may “Trip to Sir Kaiden's office” ako bago umuwi.
Bukod sa pangyayaring iyon ay hindi rin naging maganda ang kinalabasan ng presentation namin. Isa sa mga concepts na ipinakita namin ay hindi pumasa kay Sir Kaiden pati sa mga client. Hindi na ako nabigla nang marinig ko ang bagay na iyon dahil kahit ako ay nag-expect na talaga na ganoon ang makukuha naming results. At ang pinakamalala sa lahat, si Hiro Noah Zadkiel. I didn't expect that the handsome guy at the jeep is one of Sir Kaiden's friends. At kagaya nina Sir Ashton at Sir Drake ay hindi rin basta-bastang tao iyon. Hiro Noah Zadkiel, one of the greatest composer and lyricist slash singer-songwriter worldwide. Siya ang may gawa ng mga kantang ginawan namin ng video concept.
Muli akong bumuntong-hininga.
“Come to think of it. Napagkamalan ko pa talaga siyang twin flame ko. As if naman, ano? Like hello? Hiro Noah Zadkiel iyon Marie. Nasa tuktok iyon. Nasa highest peak, high level! Cannot be reached!” I said to myself as I turned my attention back to my laptop and click some buttons. “Well, better luck next time. Let's move on!”
I opened my VLC media player and clicked Play. Ilang sandali pa ay napuno na ng napakagandang tunog ng piano ang buong silid.
~In a world filled with words, I found my muse,
Every syllable you speak, I can't refuse.
Lines intertwine like our hearts in the night,
With every beat, you turn darkness to light.
Lyrical love, it's a rhythm divine,
Let's dance to the beat, your heart next to mine.~
The song playing was entitled “Lyrical Love”. Ito ang kantang na-assign sa akin para gawan ko ng video concept. Na-inlove kaagad ako sa kanta matapos ko iyong pakinggan. Kaya naman walang kahirap-hirap na nakabuo kaagad ako ng concept para dito.
~Lyrical love, a story untold,
With every heartbeat, it's more precious than gold.
In the rhythm of life, our hearts are the drums,
Together forever, as this melody hums.~
Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi na ako nagtaka nang pagkalipas ng ilang sandali ay tuluyan na akong umiyak. Iyon din ang naging una kong reaksiyon nang mapakinggan ko ang kanta. I could feel the happiness that the song conveyed yet I was crying. I don't know why. Pinahid ko ang mukha ko gamit ang isa kong kamay bago ko kunin ang bag ko. Busy ako sa paghahanap sa panyo ko nang maalala ko na ibinigay ko pala iyon kay Kiel.
“Ano ba yan? Wala rin akong dala na tissue. Kung minamalas ka nga naman oh. Next time talaga na pakikinggan ko itong kanta na ito ay sisiguraduhin ko talaga na may dala akong pamunas.” Sabi ko sa sarili ko.
Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kiel. Nagulat pa siya nang makita niya ako.
“Where's Kaiden? Did he went here?” Tanong niya.
Umiling ako.
“Hindi pa siya bumabalik dito mula noong natapos ang presentation.”
Nang tumango siya sa sinabi ko ay inakala ko na aalis na siya pero nagulat na lang ako nang sinarado niya ang pinto at lumapit siya sa akin. Habang papalapit siya ay nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.
“You. Are you crying?”
“Ah...” Pasimple kong iniwas ang mukha ko at mabilis kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang isa kong kamay. “Hindi Ki—I mean, Sir Hiro.”
Nang tingnan niya ulit ako ay mas lalo pang kumunot ang noo niya.
“As far as I remember, I told you to call me Kiel. Am I right?”
Nataranta ako nang makita ko ang ekspresiyon sa mukha niya.
“A-ano kasi Sir. Papagalitan kasi ako ni Sir Kaiden kapag hindi ko kayo inaddress ng tama. Client namin kayo. Company policy lang po.”
Nakita ko kung paano siya humalukipkip.
“If you don't call me Kiel, I won't continue my contract with your company anymore. I will let the other production company to do the music videos of my songs instead.”
“Eh?!” Reklamo ko. “But Sir, sesesantihin ako ni Sir Kaiden kapag—”
Nakita kong sumulyap siya saglit doon sa nakasaradong pinto.
“If I walk out at that door, I'll immediately go to Kaiden's office to pull out the contract.”
Oh no!
“Huwag! O-oo na. Sige na. A-ano, sorry K-Kiel.”
May ilang sandali na nakatingin lang siya sa akin. I was about to say sorry again when he suddenly grinned.
“Okay.” He said with his eyes full of amusement.
Nakahinga ako ng maluwag. Natakot talaga ako doon sa banta niya. Hindi ko ma-imagine ang mukha ni boss at ni Katie if ever na mawala sa amin ang contract ng dahil lang sa hindi ko pagtawag ng Kiel kay Sir Hiro. I mean, Kiel na nga pala. Bigla akong natigilan.
Teka.....ako lang ba o naisahan talaga ako ng gwapong nilalang na ito?
Pinigilan ko ang sarili ko na simangutan si Kiel. Napatingin siya sa laptop ko. Parang ngayon niya lang napansin ang tunog na nanggagaling doon.
“That's my song playing.”
Tumango ako.
“I was listening to it when you came. In fact, iyan ang reason kung bakit ako umiiyak.”
“I see. I thought you're crying because Kaiden got mad at you and because your presentation about my other songs didn't passed.”
“Mabait si Sir Kaiden. Hindi siya basta-basta nagagalit sa amin kahit pa alam namin na na-disappoint namin siya.”
“I know. Sa sobrang bait ng isang iyon ay may mga pagkakataon na natatakot kami sa kaniya kapag nagagalit siya. Sabi nga ng karamihan, masamang magalit ang mga mababait na tao. But let's come back to it....” Hinila ni Kiel ang isang upuan at kaagad siyang umupo. “You're crying because you are listening to my song?”
Tumango naman ako.
“I am really moved by the song. Kaya nga hindi ako nahirapan sa pag-iisip ng video concept para diyan. Madali kong na-visualize kasi ramdam na ramdam ko iyong emosyon ng kanta. The sweetness and happiness. Yet, I cried. Maybe tears of joy ganun.”
“I was really impressed with your concepts of my other songs. You portrayed the meaning and message of the song very well. I'm really impressed.”
“Thank you.” Unti-unting nanlabo ang paningin ko dahil muli na namang namuo ang luha sa mga mata ko. “Sorry. Hindi ko lang kasi talaga maiwasan na hindi maiyak kapag naririnig ko iyong kanta.” Sabi ko pa at tsaka ko pinahid ang luha ko.
Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na huwag maiyak sa harapan ni Kiel pero wala akong nagawa. Habang patuloy na tumutunog iyong kanta ay patuloy rin sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko. Panay pahid tuloy ako sa pisngi ko gamit ang isa kong kamay.
“Here.”Isang pamilyar na bagay ang nakita kong iniaabot ni Kiel sa akin nang mag-angat ako ng tingin. It was my handkerchief.“Don't worry. That's still clean so you can use it.”Kaagad na nalipat ang tingin ko sa suot niya. He was wearing his coat kaya naman hindi ko makita ang lipstick stain na naging resulta ng pagkabangga namin sa jeep.“Sorry ulit about doon sa nangyari kanina sa jeep.” Sabi ko nang abutin ko ang panyo.“It was an accident. And just like what I've said earlier, my coat will do the trick. Except kina Kaiden ay wala ng iba pang nakakita sa mantsa.”Ngumiti ako at tsaka ko pinunasan ang mukha ko.“I'm just curious though.” Sabi ni Kiel.“About what?”“About doon sa concept na hindi pumasa sa amin. I was truly amazed with the other other concepts. They were really something extravagant, to be honest. But what happened to “You and I”? Is there something wrong with that song? Didn't you and your team liked it?”“Walang mali sa kanta mo na iyon. In fact, ine-expect na
Busy sa pakikipag-usap sina Katie at Stacey sa isang grupo ng cosplayers nang mahagip ng paningin ko ang isang cosplayer na nakaupo sa may gilid.Ang cute niya naman!Sabi ko sa isip ko habang patuloy na pinagmamasdan ang dalagita. She was wearing a black dress na kagaya ng sinuot ni Kim Yoo Jung sa K-drama na My Demon. Her long black hair was not tied. Nakalugay lamang iyon. She also wore an earrings and a necklace that matched her outfit. All in all, her appearance was very similar to Do Do Hee, which is portrayed by Kim Yoo Jung in the K-drama My Demon. Determinado ako na kuhanan ng litrato ang cosplayer na iyon kaya naman nagdecide ako na lapitan siya. Pero habang papalapit ako sa kaniya ay napansin ko na parang hindi siya mapakali. Para siyang may problema.“Excuse me.” Tawag-pansin ko sa kaniya. Nang mag-angat siya ng tingin ay kaagad kong napansin ang mga mata niya. Namumula ang mga iyon. “Why are you crying? May problema ka ba?” Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong. H
“Are you sure that it's really okay to look for a gift here? Pwede kitang samahan na maglibot dito sa mall. I know some good places here that sells the best gift items. Besides, I think Kia will take some time in buying certain stuffs.”Mabilis akong umiling kay Kiel.“Okay na dito. Mahilig din naman sa Korean stuffs yung kaibigan ko eh.” Sabi ko bago luminga-linga.Napako ang tingin ko sa isang bahagi ng mall kung saan nandoon ang mga arcade games. Babalewalain ko na lang sana iyon pero nakita ko ang laman ng isang claw machine. Wala sa sariling humakbang ako para maglakad papunta sa puwesto ng claw machine.“Marie? Why? Hey, where are you going?!” Narinig kong tanong ni Kiel sa akin pero hindi ko iyon pinansin at nakapako lang talaga ang tingin ko sa claw machine.“Bear.”“What?”“Bear!” Mula sa paghakbang ay kaagad akong tumakbo papalapit sa claw machine. My jaw literally drops in awe as I continue to look at the bear plushies sitting cutely inside the claw machine's cabinet. “Oh m
Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakaupo sa bahaging ito ng cafeteria. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko ang nakabukas na box ng Hershey's at Ferrero Rocher na binili ko. During my normal days, kanina ko pa dapat kinain ang chocolates. Pero ngayon ay walang epekto sa akin ang mabangong amoy at nakakatakam na hitsura ng chocolates. Bumuntong-hininga ako at tsaka nangalumbaba sa lamesa.“Hindi siya naniniwala sa twin flame.” Pagkausap ko sa sarili ko. Ilang araw na ang nakalipas mula noong nagkita kami ni Kiel sa convention event sa mall. Pagkatapos kong marinig na hindi siya naniniwala sa twin flame ay hindi na nawala pa ang pagkalungkot na nararamdaman ko.Paano pa magiging kami as twin flame kung hindi siya naniniwala? We're supposed to be connected with each other, diba?Muli akong bumuntong-hininga.“That one on a heart-shaped container looks really good.”Mabilis akong napatingin sa likuran ko.“Sir Kaiden! Good morning.” But my lively greeting started to fall of
Hindi ko magawang magsalita habang isa-isang inilalapag ng waiter sa harapan namin ang mga dala nitong mga pagkain. Nang ilapag ng waiter ang huling plato ay halos hindi ko na makita ang lamesa. Tiningnan ko si Kiel na nakaupo lang sa tapat ko. He's currently reading something on his phone. Maybe a message or something else. Kanina bago pa kami tuluyang makalabas ng building ng PGC Productions ay panay na ang pagtunog ng cellphone ni Kiel at sa bawat pagtunog ay kaagad siyang nagre-reply.“Okay. Let's eat!” Masiglang sabi niya. Kinuha niya ang isang sa mga plato. “Ako na ang maglalagay sa plato mo, okay?”Hindi kaagad nag-register sa isip ko ang sinabi niya kaya hindi rin ako nakasagot kaagad.“O-okay. Thank you.”Tumigil siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko at tsaka siya tumingin sa akin.“Is there a problem?” Tanong niya pagkatapos niyang ilapag ulit sa lamesa ang hawak niya na plato.Mabilis akong umiling.“Nothing. Ano, dalawa lang ba tayong kakain?”“Yes. Why?”“Eh, kasi....
“We're a little bit far from each other. And since the cable of my earphones is not that long, we'll really gonna pull each others earphone. I guess this time it won't fall off from our ears.” Paliwanag ni Kiel.Kahit na lutang ako ay nagawa ko pang makita ang bahagyang pag-iling niya. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa niya. Kung hindi pa nito maingat na hinawakan ang chin ko ay hindi ko mamamalayan na nakaawang na pala ang bibig ko.“Let's go.” Pag-aaya niya sa akin maya-maya pa. “Male-late ka na talaga kapag hindi pa tayo maglalakad ngayon.”Automatic naman na naglakad ang mga paa ko nang magsimula ng maglakad si Kiel. While he was quitely looking the song that he wants me to listen to at his cellphone, I can't maintain my composure. Hindi talaga ako mapakali. I felt tiny sparks or some kind of electrical shock feeling that runs throughout my body whenever our arms brush each other. Kiel was my twin flame as far as I was concerned. Kaya naman ine-expect ko na talaga ang mga ganit
“She's beautiful, isn't she?”Mabilis akong napalingon sa lalaking tumabi sa akin habang nakatayo ako.“Good evening Sir Drake.” Bati ko.“Just call me Drake. Wala naman tayo sa office and besides, hindi naman ako ang boss mo.” Gamit ang hawak na wine glass ay itinuro ni Sir Drake ang isang bahagi ng hall. “So, sumasang-ayon ka ba sa sinabi ko?”“Ano po ulit iyong sinabi niyo?”“Khiara. She's beautiful, right?”Ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng sinasabi ni Sir Drake.So, Khiara pala ang name niya.The woman was still with Kiel. They were sitting near the makeshift stage talking about God-knows-what-it-is. Nang iwanan ako ni Kiel kanina para sumama siya sa babae na ang pangalan pala ay Khiara ay nagdesisyon ako na manatili na lang sa kinatatayuan ko. Oo. Hinayaan kong sumama si Kiel kay Khiara nang magpaalam ang babae sa akin kung pwede ba niyang hiramin ito. Bagay na gusto kong pagsisihan.As if naman pwede akong tumutol. Hindi ko naman pag-aari si Kiel. Ni hindi ko nga siya boyfr
“It was my gift for you Marie. Kaya nga kahit gabi iyon ng birthday party ni Kia ay pinilit kong magset-up ng event para maiparinig sayo ang kanta. I don't want to play it at Kia's birthday party because I want you to be the first person to hear it. And I was so excited to see your reaction about the song.”“Why?” Sa wakas ay nagawa ko na ring magsalita. “What do you mean?” Nakakunot-noong tanong ni Kiel pabalik sa akin.“Why me? Bakit ako? Hindi ba regalo mo ang kantang iyan para kay Khiara?” Halos madurog ang puso ko dahil sa sinabi ko.“Khiara? Why would I give her a song as a gift?”“Because she's your inspiration in every song you make.”Nadagdagan ang kunot sa noo ni Kiel.“Wait. Who told you that she's my inspiration in every song that I make? Is it Drake?” Nang tumango ako ay bumuntong-hininga siya. “That bastard! Sinasabi ko na nga ba't may sinabi siya sayo noong gabing iyon?”Mabilis akong nagbaba ng tingin bago pa makita ni Kiel ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinip
Pagkatapos ng nangyari ay ilang araw kong hindi pinansin si Kiel. Sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa sa loob ng bahay niya ay kaagad akong umiiwas sa kaniya. Ganun din ang ginagawa ko kapag nasa loob kami ng kompanya. Isang beses ay sinubukan niya akong kausapin pagkalabas ko ng banyo pero binalewala ko lang siya at kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Weekend ngayon kaya naman nagpasya ako na maglinis ng buong bahay niya. Habang nagva-vacuum ako sa kusina ay bigla siyang tumayo sa harapan ko. Kaagad naman akong tumalikod sa kaniya at sa ibang parte ng kusina ako nagpatuloy sa pagva-vacuum. Mabuti nga at hindi niya na ako kinulit pa."Aray!"Kaagad akong napalingon at napalapit sa kaniya nang marinig ko na sumigaw siya. "Bakit, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.Nakita ko naman na hinahawakan niya yung isang daliri niya. "Nasugatan ko ang daliri ko.""Ano?!""I have a gauge in my room.""Sige, dito ka lang. Kukunin ko muna ang gauge sa kwarto mo."Matapos ko
Nang makabalik ako sa opisina namin ay kaagad akong nilapitan ng mga kasama ko. They all comforted me in different ways that they know.“This all happened because of me. I should’ve expected that this would happen and prepared a contingency plan.” Paninisi ko sa sarili ko.“Ay naku, huwag mong sabihin iyan.” Sabi naman ni Zye sa akin.“Nagtataka lang ako. Noong sinubukan nating mag-upload ng file sa server, hindi naman iyon nawala. Maliban na lang kung i-delete natin iyon ng manually.” Sabi ni Katie na ikinatingin ko sa kaniya.“Marie, ano na ang gagawin mo niyan?” Tanong ni Luke sa akin.“May mga clips pa ako para sa music video. I-edit ko na lang ulit.” Sagot ko naman.“I’m afraid that it’s too late now.” Sabi naman ni Yuno.“Iyan din ang sinabi ni Kiel sa akin.” Nakayukong sabi ko.“Sir Hiro.”Kaagad akong nag-angat ng tingin ko nang marinig ko iyon galing sa mga kasama ko. Ngayon ay nasa harapan naming lahat si Kiel.“The competition is due next, next day at 8 AM.” Anunsiyo niya n
Hindi na ako nakauwi sa bahay ni Kiel kagabi at sa bahay ni Stacey na lang ako natulog. Pinahiram na lang ako ng kaibigan ko ng masusuot ko papunta sa trabaho. Pagkarating ko sa kompanya ay kaagad akong pinatawag ni Sir Kaiden sa opisina niya.“I didn’t make coffee for you today. Have some honey water to cure your hangover.” Sabi ni Sir Kaiden sa akin bago niya inilapag sa harapan ko ang isang tasa na may lamang honey water.“Thank you Sir.” Pasasalamat ko naman sa kaniya. “Do I smell like alcohol?” Nahihiyang tanong ko pa. “I didn’t wash my hair last night.”“Hindi ka nakauwi kagabi sa bahay ni Hiro diba?” Tanong niya naman na ikinatango ko. “So, you haven’t got the chance to talk with him. Actually, before this, Hiro and I had a reason for you to quit Silent Hill and join the music video competition.” Sabi pa niya habang ang tinutukoy niya ay yung nangyari kahapon bago ako pumunta sa bahay ni Stacey.“It’s because of Khiara, right?” Tanong ko naman.“That’s right. But it’s not what
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Kiel sa trabaho. Busy ako sa kakatype sa keyboard ng PC ko nang bigla siyang kumatok sa bahagyang nakabukas na pinto ng office namin. Lahat kami na nasa loob ng office ay kaagad na napalingon sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagkatok.“Marie, come out for a second.” Pagtawag niya sa akin. Kaagad naman akong tumayo at naglakad palabas ng office.“Did Tita asked you to pass a message to me?” Tanong ko sa kaniya nang makalabas na ako sa office namin.“Paano mo naman nasabi na iyon ang pakay ko sayo?” Tanong din niya sa akin.“If it’s related to work, there’s no need for you to call me here. If ayaw mo naman na marinig ng mga kasama ko ang sasabihin mo, that means it’s a family affair.” I concluded.“It’s not a family affair. You were the one who told me to bring you along when I’m going to meet Khiara, right?” Tanong niya na ikinatango ko. “This afternoon, I need to attend an industry summit on Kaiden’s behalf. Khiara will be there as well. As for y
Months have passed and my relationship with Kiel became much stronger. I already left my apartment and now I’m living with him in his own house. Hindi pa nga sana ako papayag na magsama na kami sa iisang bahay pero ang mga magulang na namin mismo ang nagsabi na mas mabuti na ganun ang gawin naming dalawa. Kahit na magkasama kami ni Kiel na nakatira sa bahay niya ay magkahiwalay pa rin naman ang mga kwarto namin.Pupungas-pungas pa akong lumabas sa kwarto ko habang papunta ako sa banyo para maghilamos nang makasalubong ko si Kiel. “Morning.” Bati ko sa kaniya.“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?” Tanong niya naman sa akin. “Look at your dark circles.”Kaagad ko namang hinawakan ang ilalim ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Binuhat mo ba ako papunta sa kwarto ko kagabi?” Tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalala ko kasi ay umidlip ako saglit kagabi sa may sofa habang nagtatype ako sa laptop ko.“Yes. I don’t want you to sleep on the sofa.” Sagot niya naman.“Thanks. But you broke the
Maaga pa lang ay nagising na ako. Kaagad akong bumangon at inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto ko para maghilamos. Matapos kong maghilamos ay kaagad akong naglakad sa may pintuan ng apartment ko para buksan ang pinto ng sa ganun ay makapasok ang preskong hangin sa loob. Pero nang buksan ko ang pinto ay kaagad na bumungad si Kiel sa harapan ko.“I bought you breakfast and medicine for your allergy. The doctor advised you to eat healthy and light food.” Sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.Tinalikuran ko lang siya at naglakad na ako papunta sa kusina. Kaagad naman siyang sumunod sa akin at nang makarating kami sa kusina ay siya na mismo ang naghain ng binili niyang pagkain. Dahil hindi pa ako nakakapagluto ay kinain ko na lang ang pagkain na binili niya. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa natapos akong kumain at maligo.Nang maihanda ko na ang sarili ko papunta sa trabaho ay dire-diretso akong naglakad palabas ng apartment ko. Sumunod naman si Kiel
“I’ve long heard about your company’s rising reputation in the music industry. I’m here to observe and learn from the makings of Mr. Pierre’s company. Hopefully, we’ll get to work together.” Nakangiting sabi ng investor.Ayaw ko siyang tawagin sa pangalan niya dahil parang may kung ano sa loob ko na parang sasabog anumang oras kapag binanggit ko ang pangalan niya.“I don’t want to waste your time. We won’t work with you.” Diretsong sabi ni Sir Kaiden na ikinabigla ng ibang empleyado.Hindi na ako nabigla dahil sa sinabi ng boss namin dahil nasabi na sa akin ni Sir Drake noong nakaraan na may kaunting galit silang magkakaibigan sa ex ni Kiel dahil nga sa ginawa nitong pang-iiwan noon sa kaibigan nila. Na mas pinili nito ang trabaho niya kaysa kay Kiel.“Sir Kaiden, anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Katie kay Sir Kaiden.“Mr. Pierre, can we talk in private?” Sabi naman ng investor sa boss namin.Tiningnan muna kami ni Sir Kaiden bago siya nagsalita. “Sure. We’ll talk there.” Sagot niy
Maaga pa lang ay napaka-energetic ko na habang papasok ako sa opisina. Ang init ng araw ay nagre-reflect sa ngiti ko habang naglalakad ako sa sidewalk. Habang naglalakad ko papunta sa office namin ay bumungad kaagad sa akin ang lobby ng kompanya na punong-puno ng mga bagong mukha o mas mabuting sabihin ko na mga bagong empleyado dito sa kompanya ni Sir Kaiden. Napansin ko naman na abala yung iba sa mga gawain nila. Sa kakatingin ko sa mga bagong empleyado ay isang tao ang kaagad na nakakuha ng atensiyon ko. Isang lalaking pamilyar ang tindig at ngiti habang busy ito sa pakikipag-usap kay Sir Kaiden. Natigilan ako at halos mahulog ang mga dala ko na folder nang makilala ko na kung sino ang lalaki na kausap ngayon ng boss ko.“Kiel?” Bulong ko sa sarili ko.Hindi ako pwedeng magkamali. Si Kiel nga.Naramdaman siguro ni Kiel ang presensiya ko dahil nakita ko na lumingon siya at kaagad siyang tumingin sa direksiyon ko. Napalitan ng malawak na ngiti ang pagkagulat ko nang gawin niya iyon.
Bigla akong nagising mula sa pagkakatulog ko nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Senyales na may tumatawag. Kaagad akong bumangon para sagutin ang tawag na iyon. Nang makuha ko na ang cellphone ko na nakalagay sa may bedside table ay pangalan kaagad ni Kiel ang nakita ko.“Hello?” Sabi ko nang sagutin ko ang tawag.[Good morning pretty! Hey, are you up? Did you sleep well?] Sunod-sunod na tanong ni Kiel sa akin.“Oo. How about you?” Tanong ko naman pabalik.[I didn’t sleep well.]“Bakit naman?”[Because I missed you so much.]Nang sabihin niya iyon ay napangiti kaagad ako at naihampas ko pa ang kamay ko sa hangin. “Ang aga-aga gumaganiyan ka na.” Nakangiting sabi ko.[Nasa labas ako ng apartment mo. Let’s go on a date before you go to work.]“Ano?” Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. “Pero kakagising ko lang. Ni hindi pa nga ako nakakapaghilamos ng mukha ko. Matatagalan pa ako.”[It’s okay. I’ll wait for you. Take your time.]“Sige, hintayin mo na