Walang tao sa pinaka office ng makapasok ako, tumingin ako sa may bandang kaliwa at napansin na meroong pintuan na bahagyang nakasarado. Pumasok sa isipan ko na baka iyon ang kanyang tulugan, first time pa lang kasi akong nakapasok sa loob ng kabina niya.
Maraming beses na rin akong naka akyat sa barko nila, pero ito ang kauna unahang pagkakataon na nakapasok ako sa loob ng kanyang kabina. Palagi niyang dahilan sa akin noon ay, baka raw hindi siya makapag pigil eh kung ano ang mangyari. Naintidihan ko naman at hindi ako nagpumilit kahit minsan na dalhin niya ako kabina upang makita kung ano ang itsura sa loob.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa nakabukas ng konti na pintuan at itinulak ito pabukas. Tama nga ang hinala ko at tulugan niya ito at nakita ko na nakahiga siya sa kama at tulog na tulog.
Kinakabahan akong lumapit upang tingnan kung ok lang siya...
Nang makalapit na ako at tinititigan ko ang kanyang napaka among mukha, bigla na lang may humatak
Sa kadulu-duluhan ay sinabi ko rin ang totoo sa aking magulang. Hindi ko inaasahan na imbis na magalit ang sila sa akin, sila ay naging maintidihin dahil pinli kong ipagpatuloy ang aking pagbubuntis imbis na ito ay ay aking ipatangal. Dahil sa takot ko sa panginoong diyos, hindi ko ito magawa at siya namang ikinatuwa ng aking magulang kahit na ako ay nagkamali. Ipinangako sa aking ng aking magulang na tutulungan nila ako sa pagpapalaki sa aking magiging anak at wala akong aalalahanin dahil hindi nila ako ikahihiya kahit ako man ay isang dalagang ina. "Mom, Dad… I'm really sorry!" Aniya ko sa aking magulang habang ang luha ko ay tumutulo sa aking mga mata habang yakap yakap ko ang aking ama at ina. Isang hagod sa aking likod ang aking naramdaman mula sa aking ama, habang ang akig ina naman ay sa aking buhok. Doon ko naramandaman kung gaano ako kamahal ng aking magulang. Dahilan upang ipangako ko sa aking sarli na uunahin ko ang aking magiging anak bago
Nakalipas ang anim na taon, kinailangan kung umuwi ng pilipinas sa kadahilanang pang business. Isang kumpanya na nag mamay-ari ng mga barko na aming sinusuplayan ang kailangan kong puntahan upang kausapin patungkol sa business.Naisipan ko na isama ang aking anak na kasalukuyang limang taon na upang makita naman niya ang bansang aming pinang galingan. Nuong una ay ayaw pumayag ng magulang ko na isama ko ang bata at baka raw magkasakit, pero sa kadulu-duluhan ay pumayag rin sila.===Mainit ang araw at pakiramdam ko ay sinisilaban ako habang nakatayo kami ng anak ko sa labas ng pintuan ng Ninoy Intl. Airport kung saan ay inaantay namin ang aming sundo.Matagal tagal din akong hindi naka uwi sa Pilipinas at nasanay na ang katawan ko sa malamig na klema sa America. Kaya naman para akong sinisilaban sa init na aking nararamdaman habang ang mata ko ay nakatingin sa kaliwat kanan upang tingnan kung nandoon na ang susundo sa amin.Habang panay ang p
Sa sobrang nerbiyos ko at nagkita kaming muli, 'hello captain!' lang ang naisagot ko....Sa wakas! pagkaraan ng maraming taon, narinig ko na rin ang matagal ko ng pinapangarap. Ito ay ang bigkasin niya ang, 'kumusta ka?' Ilang libo kong nilaro ang eksenang ito sa aking isipan. Nakahanda na ang dapat kong isagot, mga katanungan na matagal ng bumabagabag sa aking isipan. Pero bakit ayaw bumukas ng aking mga labi at hindi ko mabigkas ang isang kasagutan sa simple niyang tanong?*Thud-thud-thud-thud....* Aniya ng aking puso. Sa sobrang lakas ng kabog, kinailangan kong umatras pa upang hindi niya ito marinig.Nang handa na akong sumagot sa kanyang pangungumusta..."Tita!!!! Over here!"Boses ng pamangkin kong lalaki ay bigla kong narinig. Sabay kaming napatingin kung saan nanggaling ang boses. Nang makita ko na galing ito sa pamangkin ko sa pinsan, kumaway ako upang ipaalam na narinig ko siya at naki
Nakaraan ang ilang araw na wala akong ginawa kundi ang mag swimming kasama ang anak ko at pamangkin, habang si Loida at ang kanyang asawa ay busy sa kung ano ano. Maaga silang umaalis at gabi na kung umuwi, munting ang anak lang nila at mga katulong sa bahay ang kasama naming mag-ina. Siya namang nagustuhan ko dahil tahimik at walang nag istorbo sa akin in the first couple of days. I made sure that I was too busy, para hindi ko siya naiisip, nag work naman sa awa ng diyos. However, that did not last long, nang malaman ng iba naming kamag anak, na dumating ako at may kasamang bata, of course curios ang mga ito at halos araw araw na ginawa ng diyos, meron akong bisita. Kaya naman pag dating ng gabi, sa sobrang pagod ko... bagsak ako agad at tulog. Pagkaraan ng isang linggo, finally nag slow down na rin ang mg
Kahit anong tangi' ko, pinilit talaga ako ni Loida. Wala tuloy akong magawa kundi ang sumama with the plan that I'm only staying for a little while since I have to get up early the next day.Mukhang marami ng bisita ng pumasok ang kotse namin sa gate ng bahay kung saan ang party ginaganap. Surprise ako sa rangya ng buong kapaligiran. Isang mala mansion ang bahay at ang mga taong dumalo ay puro naka pang sosyal na kasuotan. Mabuti na lang ay nakinig ako sa pinsan ko na mag suot ng evening gown na knee length, at nag pa parlor pa kami, kung hindi ay ma out of place ako.Ipinara ng driver ang kotse sa harapan mismo ng higanteng pintuan ng bahay, bago lumabas ito at binuksan ang pintuan upang kami ay makalabas.Nauna na ang hipag ko at kuya, bago ako ang huling bumaba. Hangang hanga ako sa rangya ng buong kapaligiran. Nagmukha tuloy akong 'promdi.' samantalang sa America ako nang galing. Sinalubong kami ng isang naka u
Nanlalamig ang aking mga kamay habang ang mga tuhod ko ay nanlalambot sa nerbiyos. Panay ang lingon' ko sa kaliwat kanan to see kung meron bang tao na papalapit sa amin, namely... ang asawa niya. Hindi ko namalayan ay nasa dancing floor na pala kami. Isang slow music ang tumutugtog ng kami ay makarating sa dance floor. Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa kanyang leeg, habang ang dalawa niyang kamay ay ibinigkis niya sa aking bewang. Sobra ang dikit namin na halos magkapalit na kami ng mukha sa sobrang lapit. Naiilang tuloy ako at lalong nini nerbiyos dahilan upang kumabog ng mabilis ang aking puso. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko, hindi lang para sa akin kundi para din sa kanya. 'Ano ba ito? Hoy, puso... tumigil ka! Wag mong kalimutan na may asawa na siya at...' Nagmumuni-muni pa ako ng maramdaman ko na hinihimas niya ang likuran ko. Diyos ko po!!! Ano ba ito, himas lang ng likod eh, nagiinit na ang katawan ko.&
"Mabuti naman at nandito ka, saan ang palabas ng bahay?" Mabuti na lang at hindi pala umalis ang katulong at nag antay sya sa akin sa labas ng pintuan. "Ma'am? Inaantay po kayo sa dining room ni sir." Nag tatakang sagot sa akin ng katulong. Kitang kita sa kanyang mga mata ang pag aalala, pero wala akong panahon upang intindihin. I need to get out of here as soon as possible. "I have an important meeting today, paki sabi mo na lang sa sir mo na pasensya na. Sa uulitin na lang." Bigla akong napatigil ng mapag isip ko ang sinagot ko. 'Sa uulitin? Ganoon? May balak pa pala akong ulitin.' "Saan ang daan papuntang labas?" Inulit ko ang tanong ko habang nag simula na akong tumingin sa kaliwa at sa kanan ng hallway. Napakamot ng ulo ang katulong bago ito sumagot. "Dito po ma'am, samahan ko na po kayo." Malapit na kami sa pintuan ng bumukas ito may pumasok na tao. Nang maaninaw ko
Nalaman ko na isinama pala nila Loida si Christian at pumunta sila sa shopping mall. Siguro inisip niya na baka hanapin ako ng bata at mag tanong kung bakit wala pa ako. Minabuti na lang niyang libangin ito. Naisip ko rin na, sabagay, mabuti na rin kung ganoon dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.Minabuti ko na lang na tawagan ang appointment ko at ipaalam na paparating na ako. Kailangang tapusin ko na ang pakay ko sa Pilipinas at ng maka uwi na kaming mag ina, bago pa makita ni Captain Lim ang anak namin. Mahirap na, baka malaman niya na anak niya ito at pag awayan pa namin sa korte. Dahil nunka na ibigay ko sa kanya ang aming anak.Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa lugar kung saan ang appointment ko. Kung hindi ilang beses na sinabi ng taxi driver na nakarating na kami, nasa malayo pa rin ang aking pag iisip."Maraming salamat po!" Aniya ko sa driver habang inaabot ko ang bayad. Nang susuklian na sana ako ng driver, "keep the chang