Nalaman ko na isinama pala nila Loida si Christian at pumunta sila sa shopping mall. Siguro inisip niya na baka hanapin ako ng bata at mag tanong kung bakit wala pa ako. Minabuti na lang niyang libangin ito. Naisip ko rin na, sabagay, mabuti na rin kung ganoon dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Minabuti ko na lang na tawagan ang appointment ko at ipaalam na paparating na ako. Kailangang tapusin ko na ang pakay ko sa Pilipinas at ng maka uwi na kaming mag ina, bago pa makita ni Captain Lim ang anak namin. Mahirap na, baka malaman niya na anak niya ito at pag awayan pa namin sa korte. Dahil nunka na ibigay ko sa kanya ang aming anak.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa lugar kung saan ang appointment ko. Kung hindi ilang beses na sinabi ng taxi driver na nakarating na kami, nasa malayo pa rin ang aking pag iisip.
"Maraming salamat po!" Aniya ko sa driver habang inaabot ko ang bayad. Nang susuklian na sana ako ng driver, "keep the chang
"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin habang kami ay naglalakad hawak hawak pa rin niya ng aking kamay. Pilit kong tinatanggal, pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Ilang empleyado niya ang aming nakasalubong at bumati sa amin habang ang mga mata at sa aming kamay nakatingin. Lalo akong naalangan at ginamitan ko na nang isa pang kamay at pilit na tinanggal ang kanyang pagka kahawak. Tumingin siya sa akin na magkasalubong ang kilay, "ano ang problema at pilit kang bumitaw sa pagkakahawak ko?" Pabulong niyang tanong, na halos nakadikit na ang kanyang mukha sa mukha ko. "C-Cap... I mean Mr. Lim, kung hindi mo napapansin, lahat ng empleyado mong nakasalubong natin ay sa kamay natin nakatingin at panay ang lingon' habang naglalakad. Malay kung ano ano ang nasa isipan nila ngayon?" Sagot ko habang umaatras ako papalayo sa kanya at hindi makatingin ng diretso. Sa kakaatras ko, muntik na akong matumba at na out of balance. Mabuti na lang at mabilis niya akong
Nang lalapitan ko na sana siya, bigla namang tumunog ang telepono ko. Napatingin muna ako sa kanya at nag isip kung sasagutin ko ba or hindi... Sa kalaunan ay nagpasya akong sagutin ito dahil baka emergency.Nang kunin ko ang cellphone ko nakita ko na ang pinsan kong si Loida ang tumatawag. Tumayo muna ako at lumayo ng konti sa sa kanya. Minabuti kung pumunta sa may glass pane at tumingin na rin sa labas habang makikipagusap sa pinsan ko.I slide my finger sa screen ng cellphone, "hello! Napatawag ka?" Ewan ko ba? Bigla na lang akong kinabahan ng hindi ko alam kung bakit. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang inaantay ko ang sagot ni Loida."Insan, nasaan ka? Si Christian bigla na lang nagsuka at mukhang nilalagnat. Nandito kami ngayon sa Makati Medical Center. Iyon lang ang narinig, bigla na lang akong nawala sa sarili ko at mabilis kung kinuha ang bag ko na nasa sofa."CEO Lim, I'm sorry! But, I need to go... I have an emergency." Sabay papalabas
Imbes na sumagot siya, hiwakan niya ang aking kamay at pinatayo sa aking kinauupuan. Nagulat ako sa kanyang ginawa, pero wala akong lakas na tumutol habang halos haltakin niya ako papalabas sa ng restaurant. Nang dumaan kami sa may host stand, inabutan niya ng pera ang host. "Bayad sa kapeng inorder namin, we have to go." Aniya niya sa host na nakanganga at nabigla sa paglapit namin. Tumango' lang ang host at sinundan kami ng tingin habang mabilis naman akong hinila papalabas ng pintuan. Dire-diretso lang ang lakad namin, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nang tumigil kami sa paglalakad, nasa harapan na kami ng hospital at sa tabi namin ay ang kotse niya. Hindi pa rin niya ako binibitawan habang binubuksan niya ang pintuan ng kotse. "Get in!" Malakas ang kanyang boses habang ang kanyang noo ay naka kunot habang nagsasalita. Ayaw ko sanang sumama sa kanyan, pero ng makita ko ang itsura ng kanyang mukha... Minabuti ko na lang na pagbigyan si
Isang masiil na halik ang lumapat sa aking labi. Noong una ay pumalag ako at pilit ko siyang itinutulak. Hindi maari ang kanyang ginagawa. Pilit sinasabi ng utak ko na huwag ko siyang pabayaang gawin ito, pero ang puso ko ay iba ang sinasabi. Mali ang aming ginagawa at hindi dapat na mangyari. Hindi na siya malaya at ayokong maging dahilan upang masira ang pagsasama nilang mag asawa. Alam ito ng utak ko... Pero kahit anong gawin ko, mas malakas siya at parang wala na siya sa kanyang isipan. Iisa lamang ang naisip kong paraan upang tumigil siya at bitawan ako. "PAK! PAK!" Sabay, tadyak ko sa kanyang maselang parte ng katawan. "THUD!" "Roman! Huminahon ka, anong nangyayari sa iyo?" Sigaw ko habang nanginginig ako. Hindi ko alam kung sa galit ba or nerbiyos sa kanyang ginawa. Hindi ko akalain na magagawa ko ito sa kanya. Naawa tuloy ako sa kanyang itsura na hawak hawak niya ang kanyang mukha habang namimilipit sa sakit galing sa pag tadyak ko sa
Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang nilalakbay naming ang haba ng Roxas Blvd. Sa labas ako ng bintana nakatingin habang napakalayo ng aking isipan. Hindi ko alam na panay pala ang sulyap niya sa akin at kadahilanan na muntik na tuloy kaming makabangga ng sasakyan sa unahan ng bilgang mag preno ang driver nito. "Screetch!!!!" Malasak kung narinig sa pabigla niyang pag tapak sa preno. Mabuti na lang at mabilis ang kanyang kamay at naharangan niya ako, ang masaklap lang... Sa kanang parte ng dibdib ko tumama ang kamao niya at salong salo ang kanang bundok ko. Nuong una ay hindi namin parehong napansin, pero ng mahimasmasan kaming pareho, para siyang napaso na hinaltak ang kanyang kamao at hindi malaman kung saan ilalagay. "I'm s-sorry! Hindi ko sinasadya." Aniya niya sa akin na hindi makatingin ng diretso. Iniisip ko naman kung aling ang hinihingian niya ng sorry, iyon bang pag hawak niya sa bundok ko or ang muntik na kaming maka banga? Oh,
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa labas, ayoko rin namang tingnan dahil baka nandoon pa siya. Ibinaba ko si Christian sa ibabaw ng kama bago umupo ako sa tabi niya. Habang hinihimas ko ang kanyang buhok, " baby, do you love mommy?" tanong ko habang nakatingin ako sa kanya ng puno ng pagmamahal. Inilagay niya ang dalawa niyang maliliit na braso sa aking leeg bago," Christian loves mommy very very very much!" Aniya sabay binigyan niya ako ng halik aking dalawang pisngi. Niyapos ko naman siy ang mahigpit pabalik. "Si mommy rin, love for all eternity. Kaya kung sakali na tanungin ka ni daddy mo kung kanino mo gustong tumira, ano ang isasagot mo?" Kinakabahan akong nagaantay sa sagot niya. Takot na marinig na doon siya sa daddy niya titira. Pero ng sumagot siya, biglang tumulo ang luha ko at nakahinga ako ng maluwang. Pero hindi ko alam kung papaano sasabihin na hindi pwede na kasama ang daddy nya. "Mommy, of course sa iyo! Mommy naman, kanino pa a
Minabuti ko na lang na isangtabi ang aking iniisip. Baka mawalan lang ako ng ng ganang kumain. Pinabayaan ko na lang si Roman ang mag pakain kay Christian. Kahit limang taon na siya, binabantayan ko pa rin kung kumakain siya dahil minsan ay naglalaro at hindi kumakain ng matino. Sa gitna namin ni Roman naka upo si Christian para mabantayan ko rin kahit papano. Masarap ang putaheng inihanda ng kusinera para sa hapunan namin. Masaya kaming kumain na akala mo isang buong pamilya. Lahat ng attention ni Roman ay kay Christian, pakiramdam ko ay naiingit ako sa anak namin, pero hindi ko ito ipinahalata. Konting ngiti dito, konging ngiti doon ang ginawa ko habang sige ang subo ng pagkain na akala mo ay wala ng bukas. Hay! Sa awa ng diyos ay natapos din kami at lumipat na kami sa living room upang mag dessert at kape. Si Christian ay sa tabi pa rin ng ama umupo habang ako ay katabi ni Loida sa isang sofa. Si Jim naman ay sa nakaharap kay Roman na single sofa umupo upa
Nagiinit na kaming dalawa at nasa point na kami ng no return ng... "Mommy, daddy, what are you doing?" Narinig kong sinabi ng naalimpungatang si Christian. Nakaupo na siya sa kama habang nagpupungas ng kanyang mga mata. Biglang tigil namin sa aming ginagawa at dahil nabigla ako na nakita ng aming anak ang aming ginagawa, natulak ko si Roman ng malakas. Sa sobrang laka, na out of balance siya at bumalandra ang kanyang pwetan sa lapag ng sahig. "Ay! diyos mio!" Napasigaw ako sabay takip ng bibig ko. Medyo malakas ang sigaw ko at natakot akong baka narinig ako as labas kung may tao pa doon. "Hahaha! Hahaha! Hahaha!" Lakas ng tawa ni Roman habang tumatayo. Nanliliit tuloy ang pakiramdam ko sa aking ginawa at hindi ko malaman kung paano ako hihingi ng pasensya. "Roman.... I-I'm s-sorry! Hindi ko talaga sinasadya." Aniya ko habang nakalahad ang kamay ko upang tulungan siyang makatayo. Tuloy pa rin ang kanyang pagtawa kahit nakatayo na siya.