Nagiinit na kaming dalawa at nasa point na kami ng no return ng...
"Mommy, daddy, what are you doing?" Narinig kong sinabi ng naalimpungatang si Christian. Nakaupo na siya sa kama habang nagpupungas ng kanyang mga mata.
Biglang tigil namin sa aming ginagawa at dahil nabigla ako na nakita ng aming anak ang aming ginagawa, natulak ko si Roman ng malakas. Sa sobrang laka, na out of balance siya at bumalandra ang kanyang pwetan sa lapag ng sahig.
"Ay! diyos mio!" Napasigaw ako sabay takip ng bibig ko. Medyo malakas ang sigaw ko at natakot akong baka narinig ako as labas kung may tao pa doon.
"Hahaha! Hahaha! Hahaha!" Lakas ng tawa ni Roman habang tumatayo.
Nanliliit tuloy ang pakiramdam ko sa aking ginawa at hindi ko malaman kung paano ako hihingi ng pasensya. "Roman.... I-I'm s-sorry! Hindi ko talaga sinasadya." Aniya ko habang nakalahad ang kamay ko upang tulungan siyang makatayo.
Tuloy pa rin ang kanyang pagtawa kahit nakatayo na siya.
Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa. Kung hindi maganda ang pagkakasulat ng parteng ito, ipaalam nyo lamang upang hindi ko na ipagpatuloy ang part 2. Wag kalimutan ang jewel diyan, baka gusto ninyong tapunan ang chapter na ito.
Tulog na tulog pa rin si Christian nang lumabas kaming dalawa galing sa loob ng banyo. Munting tuwalya lamang ang nakatakip sa aming mga katawan at habang may hawak akong isang tuwalya na ginagamit kong pang tuyo ng aking buhok. Nagkatinginan kaming dalawa ni Roman, parehong may mga katanungan ang aming mga mata. Isang simpleng ngiti ang lumapat sa kanyang labi, bago " I think, it's better na ipagpaliban na lang muna nating ang ating balak na ipagpatuloy ang alam mo na..." Aniya niya habang sa katawan ko siya nakatingin. Bigla tuloy akong nahiya dahil ako ang nagmungkahi nito sa kanya noong nasa loob pa kami ng banyo. "Yeah! I don't think na appropriate na gawin natin ito habang katabi ang bata." Mabilis akong naghanap ng pangtulog na maisusuot, mahirap na baka hindi makapagpigil si Roman at ako rin, hindi rin ako sigurado sa sarili ko, lalo na at nagiinit pa rin ako habang nakikita ko ang hubad niyang katawan sa itaas. Habang kumukuha ako ng damit pa
Matagal tagal din at malayo layo ang tinahak namin bago kami nakarating sa aming paroroonan. Tumigil kami sa harap ng isang malaking gate. Ilang sandali pa ay bumukas ito at bumungad sa aking mata ang isang marangyang hardin sa paligid ng driveway na aming dinadaanan. Sa harap mismo ng isang magara at malaking pintuan kami tumigil. Nakita ko na merong dalawang matandang tao na nakatayo. Isang babae at isang lalake na mabilis na lumapit sa pintuan naming dalawa at pinagbuksan kami ng pintuan. "Magandang tanghali po! Sir Lim, Ma'am!" Aniya ng may edad ng lalake. Sumunod din naman si babae at binati rin kami. "Magandang hapon din naman sa inyo, ka Ed, ka Elena. Eto pala si Ma'am Sophia nyo. Irespeto ninyo siya katulad ng pag respeto ninyo sa akin." Aniya niya sa dalawa na pakiwari ko ay mag asawang katiwala niya sa bahay bakasyunan nila. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. 'Ma'am Sophia nyo?' Anong ibib sabihin noon? Napansin ko na maganda
Nang dunating ako sa living room, nakita ko na nakasandal si Roman sa sofa na kanyang inuupuan, at nakapikit ang kanyang mga mata. Napatigil ako sa aking kinatatayuan at pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha na halatadong pagod. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. HIndi ko malaman kung lalapitan ko ba siya upang kausapin, o pababayan ko munang makapag pahinga siya kahit kaunti lamang?Sa kaduluduluhan ay naisipan ko na pabayaan siya at umupo ako sa isang bakanteng sofa na nasa bandang kanan kung saan siya nakaupo. Tahimik ko siyang pinagmasdan habang kung ano ano ang pumapasok sa aking isipan.Habang nasa malayo ang aking isip at nagmumuni-muni kung ano ang dapat kong gawin, hindi ko namalayan na imunulat na pala niya ang kanyang mga mata at matagal na niya akong tinititigan. Saka ko lang nalaman ng dumating ang kanyang katiwala."Ahem! Sir, Roman... nakahanda na po ang inyong hapunan, at pati na ang inyong tulugan. Mangyaring mauuna na kaming mag asa
Madaling araw na ng makaramdam ako na para bang merong tumutusok sa akin backside. Madilim ang paligid at wala akong maaninaw. Nang tatayo sana ako, biglang humigpit ang pakakayakap ng brasong naka bigkis sa aking katawan.Doon ko na realized na walang saplot ang buo kong katawan. Pati ang underwear ko wala? Pilit kung iniisip kung ano ang nangyari, pero ang naalala ko laman ay binuksan ko ang TV habang naliligo si Roman, pagkatapos ay bigla akong inantok. Pagkatapos noon wala na."Roman..." Aniya ko. Alam kong gising siya humigpit ang pagkakayakap niya sa akin."Hmmm," Lang ang sagot na narinig ko habang naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking batok. Bago bigla na lang nagtaasan ang balahibo ng buo kong katawan ng maramdaman ko ang kanyang kamay na dumapo sa aking bulubunduking harapan. Habang naninigas ang aking katawan sa kanyang ginagawa, ang kamay ko naman ay dahan dahan kong inaabot ang ilaw sa ibabaw ng nightstand.Nakarandam yata siya n
Hindi makapaniwala si Roman sa kanyang narinig. Para makasigurado siya, hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at habang nagtititigan kami, "ulitin mo nga ang sinabi mo? Ako ang gusto mong almusalin? Hmm, not a bad idea!" Sabay lapat ng kanyang mga labi sa aking nagaantay na labi.Ang ganda ng halikan namin ng meron kaming narinig na, "ahem! Sir, Ma'am lalamig na po ang almusal ninyo." Aniya ni ka Elena na nakatayo sa may pintuan.Bigla kaming napatigil sa aming ginagawa at pareho kaming humarap kay ka Elena na may nakakahiyang ngiti sa aming mga labi. Hindi ako makatingin ng diretso, imbis ay kunwari ay may puwing ako at kinukusot ko ang aking mga mata."Wala na siguro ang pumasok sa mata ko." Pakunwari kung sinabi. I don't think na nakita niya na naghahalikan kami. Ang likod ni Roman ay nakaharap kay ka Elena, so, panatag ako na hindi niya kami nakitang nagtutukaan.Ngumiti lang si ka Elena ng marinig ang sinabi ko. Ibig sabihin ay nakita niya kami at al
Bigla akong napanganga sa aking narinig, pero mabilis ko naman natikom ang aking bibig. Handa na sana akong manahimik at makinig lamang, pero talagang malapit na, so lumapit ako kay Roman at binulungan ko siya. "I really need to go, saan ba ang banyo dito?" Aniya ko habang namimilipit na ako sa sakit ng pantog ko. Hindi makapaniwala si Roman na hindi pa ako nakakagamit ng banyo. Mabilis siyang humingi ng paumanhin sa taong nakapila. "Sir, pasensya na muna kayo. I will be right back, I just need to take my wife to the restroom." Sabay hawak niya sa aking kamay ay hinila niya ako papunta sa banyo. Napanganga ang lahat ng taong nandoon, hindi nila akalain na asawa ako ng mayari. Kahit ako din, hindi makapaniwala na sinabi niya iyon. Pero dahil naiihi na talaga ako, wala akong panahong magtanong. Pagdating namin sa banyo, nakasarado ito at may tao. Sumunod ay hinila niya ako kung saan ang office ng manager at dire-diretso kaming pumasok. May banyo p
Yumuko si Roman bago binuhat niya si Christian at kinarga. Mabilis namang isinukbit ni Christian ang dalawa niyang maliliit na braso sa leeg ng ama bago isinandal ang kanyang ulo sa balikat nito."Daddy, I missed you!" Aniya ni Christian habang ang kanyang ulo ay nakasandal sa balikat ng ama, medyo mahina ang kanyang boses, pero dahil malapit ako sa kanila, narinig ko ang kanyang sinabi.Kumirot ang aking puso dahil mukhang talo na ako ni Roman sa pagmamahal ng anak namin. Papaano na lang kapag bumalik na kami sa Americ? Ano ang gagawin ko kapag hinanap siya ni Christian? Bigla tuloy sumakit ang ulo ko dahil wala akong maiisip na kasagutan.Nagmumuni-muni pa ako habang nakatayo at pinagmamasdan ang mag ama ng makarinig akong boses."Nandito na pala kayo, mabuti naman at kanina pa iyan iyak ng iyak ng malamang wala ka pa." Aniya ni Loida habang naglalakad papalapit sa amin galing sa kusina."Cuz, maraming salamat talaga ha!" Bati ko habang mabilis a
Hangang sa hindi ko na napigilan at tuluyan ng lumagpak ang luha sa aking mga mata. Nagyakapan kaming dalawa ni Loida habang ang mga luha ay tumutulo sa aming mga mata.Naiintidihan ko ang ibig sabihin ni Loida sa akin, pero kailangan ko pa ring isipin ang mga magulang ko at kung ano ang kanilang iisipin. Oo nga at may sarili akong pagiisip at nasa tamang edad na ako upang makapag desisyon sa aking sarili, pero isang malaking kahihiyan ito sa aming pamilya kapag pumayag akong maging pangalawa lamang.HIndi namin namalayan ay nagising na pala si Christian at hinanapa ako. Itinuro sa kanya ng isang kasambahay na nasa hardin ako. Kaya naman naabutan niya kaming umiiyak ni Loida.Mabilis na tumakbo papalapit si Christian sa amin, "Mommy!!! Why are you crying? Did my Dad made you cry?" Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Loida at sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Christian."No, sweetheart! Daddy didn't make me cry. It was something else that Aunt Loida and I