KABANATA 3
••••••
"Ouen" seryosong banggit ni Ryan sa pangalan ko habang nakatingin sa labas.
"Hmm? Seryoso mo naman ata" tanong ko sa kaniya at biglang napangiwi ng makitang ang seryosong mukha niya ay napalitan ng natatawang mukha.
"Wala, nga pala HAHAHA"
"Oh, bakit?"
"Ano 'yong nilalagay mo sa dibdib mo?" tanong niya, nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang dibdib ko gamit ang dalawa niyang kamay.
"Ano ba 'yang paghawak mo! Parang may kasamang kalandian. Naalala mo 'yong natusok ako ng bakal? Hindi pa magaling"
"Ahh, tanga ka kasi" aba't papansin talaga 'tong hampas tiles.
"Tekaaaaaa, 'wag mo sabihing sinisilip mo ko? Ikaw ah, dapat sinabi mo nalang para sabay tayong naligo yieeee HAHAHA"
"Kadiri ka"
"Tara, gala tayo!" Aya ko sa kanya at hinila. Tinignan namin ang mga nag eexam sa kabilang room, ang iba sa kanila ay napapatingin sa amin kaya kumaway ako at nginitian sila ng malaki.
"Hoy, Ouen!" Sigaw ni Ryan sa tainga ko.
"Ano ba?!"
"Pumunta na kaya muna tayo sa kwarto natin, inaantok pa ako" halata nga sa kanya ang pagka antok, kinuha ko sa bulsa ng pantalon ang susi. Eh? Kinapa ko ulit ang bulsa ko pero wala akong nakapa na kahit ano.
"Na kay Marshall pala 'yung susi. Binigay ko sa kanya 'yun kanina e'. Tara puntahan natin sa room baka tapos na rin siya" naglakad na kami papunta sa room namin ng makita ang mga bago kong kaklase na nakangaga, ang iba naman ay kinakagat ang ballpen at 'yung iba naman nakatulog na.
"Oh, Ouen and Ryan. Are you waiting for me?" nakangiting tanong sa amin ni Marshall.
"Hindi, yung susi sana kukunin namin" iritang sagot ni Ryan. Ba't kaya iritang irita 'to.
(-,-) <- mukha niya, diba mukha talaga s'yang bibeng naglilihi.
"Wait" sabi niya at may hinugot sa bulsa n'ya na tatlong susi.
"Teka, ba't tatlong susi 'yan?"
"Hindi ko pa pala nasabi sa inyo, new student rin ako. Room mate niyo ako at tag iisa tayo ng susi" paliwanag n'ya sa amin habang nakatingin lang kay Ryan. Ano kayang mayroon sa kanila, I smell something isda.
"Gano'n ba? Sige tara na, naaantok na kasi si Ryan"
"Sige" nauna nang maglakad si Marshall kaya naman sinundan na namin sya. Hindi ko na nagawang ilibot ang paningin ko at diniretso nalang ang tingin ko sa daan dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
"Hoy, Ouen"
"O-oh? Bakit?" Tanong ko kay Ryan na kanina pa nakabusangot.
"Mas antok ka pa ata kaysa sa akin eh, pumasok na tayo sa loob" taas talaga ng dugo nito sa akin e'.
"Huwag kang masyadong highblood kaya ampanget mo e' " pag asar ko sa kanya at tumawa ng malakas para mas maasar sya.
"Dalian mo na nga, andami pang sinasabi!" Sigaw niya sakin at tinulak ako papasok sa silid namin.
"Ano ba, teka lang kase!" Pagkapasok ko sa loob ay hinanap ko na agad kung nasaan si Marshall, teka asan na ba yun?
Biglang kumalabog ng malakas ang pinto at bumukas, kitang kita ko si Marshall na kumikinang. Ayaw ko mang aminin pero aamin na ako, gwapo rin sya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, pinkish na labi at kulay hazel ang mata at bumagay rin sa kanya ang haircut niya na nakaside, pero mas gwapo pa rin ako. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya at nagtaka ako nang magbilang sya.
"1"
"2"
"3"
"Gora na dis! Baklang Marshall is out!" Nakangiting sigaw ni Marshall kaya agad nanlaki ang mata ko nang pakendeng siyang lumapit sa akin habang nag lilipbite b-bakla!?
"T-teka, b-baka pwede pang pag-usapan 'to" takot na takot na pakiusap ko sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang pakiusap ko at nilapit niya ang labi niya sa leeg ko at sigurado akong hahalikan nya ako, AHHHHH TULONGGG!!!
"You're not my type, I prefer that fafable" bulong niya sa akin, napalunok nalang ako ng matindi at nag isip. Tinignan ko si Ryan na nanlalaki na rin ang mata dahil sa narinig n'ya.
Aha! What a great idea I have!
Tumakbo ako nang mabilis at lumapit kay Ryan. Nakita kong medyo nawala ang kaba sa itsura ni Ryan kaya naman napangisi ako. Pagkalapit ko sa kan'iya ay agad ko s'yang tinulak para mapalapit kay Marshall.
"AHHHH!!! PUNYAWA KA OUEN, LAGOT KA SAKEN MAMAYA!!! TULONGGG!!! YAMETEE!! AHHH" pumasok nalang ako sa kwarto ko at 'di pinansin ang nagagawa nilang ingay sa labas. Parang niyayaya ako ng kama na mahiga sa kanya, napakasarap naman ng nakikita ko.
"OUEN, TULUNGAN MO KO!!"
May naririnig ba kayo? Ako rin wala e'. Hinubad ko na ang slocks na suot ko at nagdive sa kama, kinuha ko ang kumot na nakatupi at nagtalukbong. Zzzzzzz
_____
Grabe, sobrang sarap ng tulog ko. Nakakatawa yung panaginip ko, bakla raw si Marshall HAHAHA. Naghanap ako ng masusuot sa cabinet dito at may nakita akong kulay pink na damit at short. Agad ko itong kinuha at pumunta sa cr para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si Ryan na nakahiga sa sahig at gutay gutay ang school uniform, Hala ka, anong nangyari dito.
"Ryan! Hoy!" Inuyog uyog ko ang balikat niya pero hindi pa rin nagising. Kumuha ako ng kaldero at pinatunog malapit sa tainga niya pero hindi pa rin siya nagigising.
"Patay na ata 'to" may binulong ako sa kaniya at nagulat ako ng bigla itong bumangon.
"Papatayin mo ba ako?!" sigaw ko sa kaniya habang ang kamay ko ay nakalagay sa dibdib ko. Sinamaan niya lang ako nang tingin at sumagot.
"Kung pwede lang" sabi niya at tumayo na papunta sa kwarto niya. Problema non? Nagalit ata kasi hindi ko tinulungan kanina.
Maganda naman dito sa Leiven. Kaso puro lalaki ang estudyante pero okay na rin kaysa naman hindi ko maranasan ang ganito. Kaya laking pasasalamat ko talaga dahil nakapasok na ako sa loob ng paaralan. Simula bata ay sa bahay lang ako nag aaral. Naiinggit ako sa mga batang may suot suot na uniporme at nagtatawanan sa labas.
Alam kong ayaw ni lolo ang pag aralin ako sa loob ng paaralan, pero bakit napapayag siya agad hmm..
"Hoy, tutunganga ka nalang ba dyan?"
"Ay, panty mo nahulog!"
"Ha ha ha"
"Oo, tutunganga nalang ako dito, ta's titignan ko ang napaka gwapo mong mukha" ngisi ko sa kanya at tinaas baba ang dalawang kilay. Kailangan kong bumawi mukhang nabadtrip 'to kanina sakin. Hays, alam kong masama magsinungaling pero kailangan natin siyang sabihang gwapo.
Pagkatapos kong magsinungaling, hindi manlang niya ako pinansin at tumalikod lang. Problema nito? Lumapit ako sa kan'ya para silipin ang mukha niya at nakita ko siyang nakangiti, kaya naman napangiti na rin ako.
"Feel na feel mo naman? Minsan sinungaling ako HAHAHA" sigaw ko sa tainga n'ya sabay takbo palabas ng room.
"Ouen! Nakakailan ka na! Mapapatay na talaga kita kapag nahuli kita!" sigaw niya at hinabol ako, may napapatingin sa amin pero 'di nalang namin sila pinansin at pinagpatuloy ang pagtakbo. Lumingon ako kay Ryan na pagod na pagod na pagharap ko ay hindi ko napansing may tao na sa harap ko.
"Asa ka namang mahuh---aray" napaupo ako sa lakas ng impact nang pagkabangga ko sa kaniya, potek ang tigas naman ata ng katawan ng nakabungguan ko. Inis kong tinignan ang nakabungguan ko at nakita si Koshiro na namumula na sa galit.
"What the? Are you blind? Para kayong bata! Alis!" wao, pwede manapak?
"Edi ikaw umalis, nyenye" pag make face ko sa kanya at tumayo. Ngumisi ako at tinignan si Ryan hinawakan ko ang kamay n'ya at lumingon ulit kay Koshiro.
"Iyak ka muna, blehh HAHAHA" pag asar ko sa kanya at tumakbo kasama si Ryan. Sa kakamadali ko ay natisod ulit ako.
'Pesteng bato 'to, ba't nagkaroon ng bato dito'
"Oh, tanga"
"May sinasabi ka ba, Ryan?" Tanong ko sa kaniya at tumayo, grabeng kamalasan 'to mukha ko lagi pinupuntirya.
"Ako? Wala ah" sabi niya at winasiwas pa ang kamay na para talagang nagsasabi ng totoo, parang may sinabi talaga 'to eh, nevermind.
"Uso kase magtutuli minsan, tara na nagugutom na ako" napasama nalang ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi nya.
Maglalakad na sana siya papuntang canteen nang mapansin niyang nakatayo lang ako at walang balak na umalis. Sinamaan niya lang ako ng tingin at tinulak ako papunta sa cafeteria. Pagpasok namin sa cafeteria ay pumunta agad kami sa ale na nagbibigay ng pagkain.
"Salamat po" pagpapasalamat namin ni Ryan ng mabigyan na kami ng pagkain. Naghanap ako ng upuan at may nakitang upuan malapit sa entrance ng canteen.
Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa mga narinig ko.
"Sila 'yung transferee diba?"
"Oo ata"
"Lakas ng appeal nila"
"Baka lakas ng apog"
"Ogag, 'yan 'yung sumayaw sa room"
"Oo nga no', HAHAHA"
"Hindi siguro tinuruan ng maayos ng magulang nila, HAHAHAHA"
"Mga ignorante ampots"
Alam kong masyado akong ignorante. Naignorante ako e' first time ko lang kasi makapasok sa loob ng paaralan.
Pabagsak kong binaba ang kutsara ko at nilagay ang paa sa taas ng lamesa.
"Tapos na ba kayo?"
"Ouen, huwag ka muna manghamon ng away. Bago palang tayo dito"
"Ha? Sige sige" umupo na ako ng maayos. Tinignan ko ang mukha ni Ryan na parang nabawasan ang alalahanin sa mundo.
"Jk lang pala!" sigaw ko at binato ng nadampot kong chicken ang nagsalita tungkol sa magulang namin.
"Patay"
"Oh, shet"
"Alam mo ba kung gaano na ako nabibwisit sa'yo ngayong araw?" mahinahon ngunit may diin sa pagkakasabi ni Koshiro habang sinusubukang pakalmahin ang sarili niya.
"B-bat kasi paharang-harang diyan? O.ro.ka.de o.ro.ka" pag insulto ko sa kanya para mas lalo s'yang inisin.
"Ano raw sabi niya?"
"Otokare? Hanuraw?"
"Bobo at tanga raw si Koshiro"
"Hoy Quen, feeling ko kailangan na nating umalis" bulong sa akin ni Ryan habang hinihila-hila ako.
"Nagsisimula palang tayo, Ryan. Huwag mo naman sirain ang napakagandang mood natin" bulong ko rin sa kan'ya at lumingon kay Koshiro, tila nagslowmo ang lahat ng sumigaw s'ya sa akin at may ibabato.
"Anata wa kon'ya shinu tsumorida, rokudenashi!" sigaw n'ya at binato ako ng noodles sa mukha. Nakita ko naman s'yang tumawa nang nakita n'yang sumapol sa mukha ko ang binato nya. Mas lalo akong nainis nang narinig kong tumawa ng malakas si Ryan habang nakaturo sa mukha ko.
'Kanino ba talaga 'to kakampi' napahawak ako sa mukha kong hinagisan n'ya.
'Sa lahat ng ibabato n'ya bakit noodles pa'
"Ima kara chikara o nuku! kage bun-shin tekunikku!" gagawin ko na sana ang ginagawa ni Naruto ng bigla akong batukan ni Ryan.
"Tanga, ano ka nasa Naruto"
'Aray naman'
"Ano ba 'yan mga alien"
"I don't understand their language either"
"Unsay ilang giingon?"
"Phwk k̄heā kảlạng phūd xarị?"
"Tāmen zài shuō shénme"
"Panira ka talaga kahit kailan, tara na nga napahiya na ako dito" irita kong tinignan si Koshiro at umalis.
"Ang astig, iba't ibang lengguwahe ang sinabi nila diba?" Namamanghang pagkakasabi n'ya at pumalakpak pa at sumunod sa akin. Palabas na sana kami ng may nakita akong bagay na agad nagpakinang sa napakagwapo kong mata.
__________
"Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to at ang malala pa kasali ang mga transferee at pasimuno pa?! Shinjirarenai!" galit na galit na sigaw sa amin ni Ms. Principal. Itong matandang hukluban na 'to kaya ang pangit e'. Dada nang dada.
[Shinjirarenai!- Unbelievable!]
"P-pero" itutuloy ko sana ang sasabihin ko ng samaan ako ng tingin ni Koshiro.
"May sinasabi ka ba, Mr. Callanta?" Tanong sa akin ni Ms. Principal at naglakad papalapit sa akin. Nakakatakot s'ya, tunog palang ng sandals n'ya nakakapanindig balahibo na geez.
"N-nako, HAHAHA" pagsasalita ko at tumawa, nagulat ata sila ng tumawa ako, isip Ouen, isip, isip, lingon, lingon.
"Ahhhhhhhh, ito kasing uod na alaga ko gusto akong kausapin, e' kinakausap n'yo po kami ngayon kaya bawal, hehe" nagpekeng ngiti ako at nagkunwaring nagpagpag ng balikat.
"Okay na, Ms. Principal. Pinaalis ko muna s'ya"
"Pfft, ano raw haha---"
"Silence!"
"Ms. Principal, nadamay lang talaga kami sa away ni Koshiro at ng dalawang transferee na 'yan" pagmamakaawa ng lalaking pandak, pumunta sya sa harapan ni Ms. Principal at lumuhod. Agad nanlaki ang mata ko nang makitang sumunod ang iba sa kanya at lumuhod rin.
'Ano 'to, may mga sapak ba mga tao rito?'
"Hindi n'yo ako madadaan sa mga luhod luhod ninyo!" sigaw n'ya sa amin at napahilot nalang sa sintido n'ya. Napayuko nalang ako dahil sa hiyang naramdaman ko.
"That's enough" napaangat nalang ako ng tingin nang magsalita si Koshiro habang nakatingin sa akin at tumingin kay Ms. Principal.
KABANATA 4••••••"Sikapin mong hindi malalaman ni Lolo ang nangyari" utos n'ya kay Ms. Principal at umalis na."Bumalik na kayo sa mga dorm niyo, bukas niyo malalaman ang punishment" sabi ni Ms. Principal kaya lumingon na ako kay Ryan na diretso lang ang tingin sa principal. May kakaiba talaga dito kay Ryan e'."Ano pa ang hinihintay niyo?! Go back to your dorm N.O.W!" Sigaw ni Ms. Principal, napatalon pa kami bago tumakbo papalabas ng office dahil sa gulat.____"Ryan.." tawag ko sa pangalan ni Ryan nang makalabas kami sa silid at kasalukuyang naglalakad papunta sa dorm."Hmm?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Ryan. Napatigil rin siya
KABANATA 5••••••Nandito na kami sa gymnasium. Kasama namin ang mga nakisali kahapon. Mga pakialamero kasi, kaya nadadamay. Mga bunganga pa, walang filter. Sarap nilang banatan sa paa."Hoy, natahimik ka. May naiisip ka na namang kademonyohan no?" umakbay sakin si Leiyh habang tumatawa.Ang napansin ko kay leiyh para siyang astig medyo matured mag isip ng konti pero mas lamang pa rin ang kalokohan sa isipan. Ano kayang ipapunishment ng matandang hukluban na 'yon, sanay na rin naman akong maparusahan. Tinatakasan ko kasi lagi nagtuturo sa'kin no'ng homeschooled pa ako."Chillax ka lang, hindi mahirap magparusa ang matandang hukluban na iniisip mo ngayon""Ba't ka ba nandito,
KABANATA 6••••••"Ano ba 'yon? Teka, Ouen. Okay ka lang ba?" Dali daling pumunta sa tabi ko si Ryan at pinulot ang mga parte ng babasaging baso na nabasag ko ngayon ngayon lang."R-ryan, sino naglagay ng ganito dito, hahaha." Nanghihinang sambit ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko."Alangan, ilalagay talaga 'yan dito. Clinic kaya 'tong pinasukan mo""W-what i mean is, t-totoo ba ang nakasulat at n-nakaguhit dyan?" nauutal kong tanong sa kaniya."Oo naman no', bata palang tayo tinuro na 'yan. Ano ka ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Ryan. Nakita kong nagsimulang lumikot ang mata n'ya at parang kinakabahan.Hindi pa tin
KABANATA 7••••••"Hmm, apo may alam ka na ba?" tanong ni lolo. Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa naging tanong niya."Alam po saan?" Sinubukan kong siglahan ang boses ko kahit na gulong gulo na ang isipan ko ngayon."Wala apo. Huwag mo nang alamin. Sige na at marami pa akong gagawin. Mag iingat ka palagi""Sige po..." Pinatay na ni lolo ang tawag habang ako ay nanatiling nakatulala.Tungkol ba 'yon sa nakita ko kanina. Hindi pa naman ako sigurado sa nakita ko kanina, baka hindi 'yon ang tinutukoy ni lolo."I wanna feel your skin, your lips so close to me~" narinig kong tumunog ulit ang selpon ko. Sinagot ko ang tawag na pinagsisihan ko.&nbs
KABANATA 8••••••Ouen POV"Sorry sa mga nasabi ko kanina, pre" ani ni Leiyh at tinapik ang balikat ni Ryan.Napansin ko na kanina pa tahimik si Ryan at Koshiro. Ramdam ko rin ang nabubuong tensyon sa kanilang dalawa. Base sa narinig ko kanina, inahas daw ni Ryan ang girlfriend ni Koshiro. Ito si Koshiro nanununtok agad hindi man lang muna pinakinggan ang paliwanag ni Ryan at ito namang si Ryan bakit kasi kung ano ano pinag gagawa nito.Hindi ko pa alam ang tunay na nangyari, siguro kapag narinig ko mismo sa bibig nila ay malalaman ko ang totoo."Wala ba talagang magsasalita?" napatingin ako kay Leiyh na burdong burdo na kahihintay kung sino ang unang magsasalita."Nakipaghiwalay na siya, may mahal na raw siyang iba""Bakit ako agad sinugod mo?"
KABANATA 9 •••••• "Hmm, let's find her" nakangising sabi ni Koshiro at tumingin sakin. "O-okay, aalis na ako. Magsisimula na ang klase" sabi ko at dali daling naglakad papuntang classroom. "Good day, class. Pumunta kayong lahat sa swimming area. May P. E tayo" utos sa amin ng teacher. Sumunod ako kela Koshiro at kinuha ang swimming attire na susuotin namin. Buti nalang sakop nito ang buong katawan. Napakurap ako ng mabilis nang makita kong sabay sabay silang naghubad at nagbihis. "Tsk, magbihis ka na Ouen" "Ha? Naiihi kasi ako, cr lang ako" pagpapaalam ko at tumakbo papunta sa loob ng cr. Pumasok ako sa isa sa cubicle at naghubad. "Ouen? Nasaan ka?" boses palang alam ko ng si Ryan ang nagsalita. "Nandito ako sa pinakadulo!" may
KABANATA 10••••••Ouen POV"Huwag niyong sabihing narape ako?" kinakabahang tanong ko sa kanila at tinakpan ang katawan ko. Napatawa naman sila dahil sa sinabi ko.'May nakakatawa ba? Seryoso kaya ako'"Ikaw nagtanggal ng pagkakabutones niyan" sabi ni Leiyh "tapos tumingin ka sa amin, kinagat mo ang labi mo ta's kinandatan mo kami habang sumasayaw ka" pagdugtong ni Jaleb sa sinabi ni Leiyh."Kadiri naman" agad kong sabi."S-sobra" sabay sabay nilang sabi at napatigil na para bang may inaalala."Maliligo na ako" sabi ko pagkatapos kong kumain."Nasa cr yung uniform mo, kinuha ko na kanina." tumango nalang ako at pumasok na sa cr.Pagkapasok ko sa cr ay naghubad na ako at tinanggal ang mahabang nakalagay sa dibdib ko. 
KABANATA 11 •••••• Ouen POV Bumaba na kaming lahat at pumila ng maayos sa gymnasium. "Good day, students! Sport Festival na sa susunod na buwan. Kailangan sa sport ang mga may talentadong kagaya ninyo. Here are the list ng mga nasamang sports ngayong taon. Basketball, table tennis, swimming, volleyball, chess, bowling, taekwando, billiards, soccer and archery. Kapag may napili na kayo ay mag register na agad kayo at mag try out. Exempted sa lahat ng quizzes and activities ang mga mag eensayo sa darating na sport fest. " Saan kaya ako sasali? Mukhang exciting ang isang 'to. Bowling.. Hindi pala ako marunong mag bowling. Hindi nalang ako sasali. Umalis nalang ako sa gym at pumuntang likod ng school para matulog. Koshiro POV "Wait
KABANATA 21••••••Ouen POVLimang araw na rin ang lumipas at sa mga araw na 'yun ay talagang napakaboring at nakakabwisit. Bantayan ba naman ako ni Ryan para hindi raw ako mambabae, boiset.Nagsisimula palang akong baguhin ang sarili ko, alam kong marami pa akong pagdadaanan para maitino ang sarili ko, pero ang mokong na yun ay gustong agad agaran.Flashback"Hi, Ouen" agad akong napalingon sa likod ko ng may kumalabit sa akin. Napakamot ako sa batok ko ng makita ko ulit yung isa sa babae na nakausap namin ni Marshall, which is tinakasan ko sa pakana ni Ryan."Hi" nahihiya kong pagbati."Hmm, wala kasi akong kasama. Baka gusto mong samahan ako, maglibot libot tayo""Ahh, gano'n ba? Kasi ano....""I will take that as
KABANATA 20••••••Marshall POV"WOOOHH, PARTEHHH PEOPLE! GUMISING KA NG HINAYUPAK KA!"Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa gulat nang marinig ang malakas na sigaw. Sisigawan ko sana si Ryan ng pigilan niya ako."Oopsss, master mo ako. Kaya dapat hindi ka magagalit sa akin. Ang word of the day natin ngayon ay hinayupak!" aniya habang nakataas ang hintuturo na parang isa siyang henyo."Hinayupak? What's that?" bugnot na tanong ko at napakamot sa batok."Uhmm, Your animal? Basta!"Tumayo na ako at nagpalit ng damit sa harap niya."What are you doing here?""Actually dalawa kami. Ayun si Jaleb oh" turo niya kay Jaleb na tinitira ang yakee na nasa bag ko."at nandito kami para isupport kayo!WOOOHHH GO LEIVEN! GO LEIVEN! AJA!
KABANATA 19••••••Marshall POVI was eating alone while walking when I saw Koshiro and Ouen. Hindi sila magkalayo, hindi rin sila gano'n kalapit, alam mo 'yung sakto lang.Makakasalubong ko sila kaya agad akong nakihalubilo sa mga estudyante. I don't know, but something deep inside me urging na sundan ko sila.I'd never experience being a stalker, but yeah so we'll fck this mess.Pasimple akong sumusunod sa kanila. Gusto ko mang lumapit para marinig ang pinag uusapan nila ay hindi ko magawa, baka mahuli pa ako.Nanlaki ang mata ko nang makitang nagtatawanan silang dalawa. Knowing Koshiro, bihira lang siya magpakita ng mga ganyang reaksyon.Susundan ko pa sana sila ng tumigil silang dalawa at hinubad ni Koshiro ang jacket niya at ipinatong sa balikat ni Ouen.
Ouen Preston Callanta - Owen Preston Kalyanta Koshiro Kazan Takeuchi - Koshiro Kazan Ta-ke-u-chi Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Adryan/Ryan Xaivery - Eydriyan-Rayan Seyveri Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Leiyh Hoo - Ley Hu Jaleb Park - Dyaleb Park Akhira Sara Takeuchi - Akira Sara Ta-ke-u-chi Kiyoshi Takeuchi - Kiyoshi Ta-ke-u-chi Solomon Takeuchi - Solomon Ta-ke-u-chi Victor Callanta - Viktor Kalyanta Ericka Xaivery - Erika Seyveri Patricia Mitsu - Patricia Mitsu Kyros Park - Kyros Park Dandy Kalix Shawn Henry Jeshua Jencen Lucas Dadagdagan ko pa 'to, pero sa ngayon ito na muna. Sana may nagbabasa, hehe. Still hoping. Sapat na sa akin na ako palang ang reader nito, pero kung magkakaroon man thank you so much po.
KABANATA 18 •••••• Ouen POV "Ang sos---yal n--aman ng mga pa-gkain dit-o" nahihirapang pagsasalita ko habang isinusuksok pa sa bunganga ko ang mga kaya ko pang ipasok na pagkain. "Huwag ka magsalita kapag may laman bibig mo" napapeace sign nalang ako kay Koshiro dahil hindi ko na talaga kaya magsalita. Nginuya ko muna ang ang lahat ng pagkain na nasa bunganga ko at nagsalita. "Grabe naman kasi, ang aga aga nating umalis kanina kaya wala pa akong kain ng ilang oras 'no. Kawawa mga alaga ko sa tyan" pag explain ko. "Oo nga, ang pangit pa nang nagsasalita. I'm on a diet pero tangina gutom na talaga ako" aniya ni Marshall "Don't cuss kapag kaharap mo ang pagkain" "Okay, fafa Koshiro" he said and winked at him. Natawa kaming dalawa ni Marshall nang makita ang diring diring mukha ni Koshiro
KABANATA 17••••••Ouen POVMaaga akong nagising para mag ayos ng dadalhin ko papunta sa school na pupuntahan namin. Napadapo ang tingin ko kay Ryan na hanggang ngayon ay tulog na, palibhasa naayos niya na ang gamit niya bago siya matulog. Gisingin ko nalang daw siya kapag aalis na.Ilang buwan na rin kaming nandito sa Leiven University. Oo, ilang buwan na rin! Ang bilis ng panahon, dito ko nalaman kung ano ang kasarian ko. Basta ang tanga tanga ko, sariling kasarian hindi alam, napakabobo. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa sarili ko. Lalo na ngayon na, nagsisimula akong ma attract sa mga lalaki. Huhu help, what is happening to me!Idagdag mo pa na napapalibutan ako ng mga lalaki dahil all boys school 'tong napasukan ko. Bakit ba naman kasi kung kailan pumayag si lolo ay dito pa sa puro lalaki ang mga tao sa eskwelahan. Kinakabahan tu
KABANATA 16••••••Ouen POV"Ouen!" niliitan ko ang mata ko para makita kung sino ang tumawag sa akin sa entrance.Nakita ko ang dalawang mokong na kumakaway na parang bata at nangunguna si Jaleb na ang laki ng ngiti."Oh? Bakit kayo nandito?""Bibili kami ng panghanda sa celebration, diba nga magaling na kapatid ni Leiyh" sagot ni Ryan"Ahh, sama muna kayo sa amin. Sasama ako sa inyo mamaya sa pagbili, ililibre tayo ni Koshiro""Wait what, you're the only one I'll tr----" pinutol ko na kaagad ang sasabihin ni Koshiro at sumingit."Payag siya, tara na! Saan ba Jollibee dito?" nauna na kaming maglakad nila Ryan at Jaleb. Naiwang mag isa doon si Koshiro, hindi ko alam kung sumunod siya, pero alam kong susunod siya dahil siya ang manlilibre
Marshall POV"Ouen!" pagkarating na pagkarating ko sa gymnasium ay kiniwelyuhan ko kaagad siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makagalaw."T-teka, ano bang ginagawa mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko para tanggalin ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Para akong nakuryente sa paghawak niya kaya agad ko yung nabitawan at tulalang napatingin sa kaniya.What the..What was that"Ano bang problema mo?" natameme ako at hindi ko magawang makapagsalita. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko para magsalita pero di ko alam kung bakit ganito 'to kahirap ngayon.What's happening!"Para kang tanga" malumanay na ani niya at hinawakan ulit ang kamay ko at sinuri ito."Bakit puro dugo 'to" kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga natuyo
KABANATA 14••••••Ouen POV"Is he practicing his lines in talent portion?" bulong sa akin ni Jaleb. Bumulong pa rinig naman naming lahat ang sinabi niya."I don't know.""It's a prank?" hintay na tanong ni Marshall kay Leiyh."No, no, no. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ng bomba sa loob ng Leiven.""Kanonood mo 'yan ng action movies. Kumain ka na nga. Ako na nagluto kanina""Kagabi, may pumasok na hindi kilalang tao sa Leiven. Muntikan na silang mahuli ng guard kaso nakatakas.""Ahh! Baka sila yung nakita ko kagabi. Tinanong nila ako kung anong daan papunta sa kung saan saan at itinanong din kung ilan ang buil---" napatigil siya sa pagsasalita ng may naalala siya. Pati kami ay napaisip sa sinabi niya. Kung tinanong kung saan at ilan ang