Home / All / He's a She / Chapter 18

Share

Chapter 18

Author: Skileiven
last update Last Updated: 2021-10-31 18:08:08

KABANATA 18

••••••

Ouen POV

"Ang sos---yal n--aman ng mga pa-gkain dit-o"  nahihirapang pagsasalita ko habang isinusuksok pa sa bunganga ko ang mga kaya ko pang ipasok na pagkain.

"Huwag ka magsalita kapag may laman bibig mo" napapeace sign nalang ako kay Koshiro dahil hindi ko na talaga kaya magsalita. Nginuya ko muna ang ang lahat ng pagkain na nasa bunganga ko at nagsalita. 

"Grabe naman kasi, ang aga aga nating umalis kanina kaya wala pa akong kain ng ilang oras 'no. Kawawa mga alaga ko sa tyan" pag explain ko.

"Oo nga, ang pangit pa nang nagsasalita. I'm on a diet pero tangina gutom na talaga ako" aniya ni Marshall

"Don't cuss kapag kaharap mo ang pagkain" 

"Okay, fafa Koshiro" he said and winked at him. Natawa kaming dalawa ni Marshall nang makita ang diring diring mukha ni Koshiro.

"Btw, where's Leiyh?" 

"Hindi ko rin alam" 

"Tangina talaga no'n pa special" 

"Hoy Marshall, pagmumura ata inaaral mo. Ang lutong lutong mong magmura" 

"Sorry, i couldn't help it, HAHAHA" 

"Hey guys!" inaya ko si Leiyh sa tabi ko nang dumating siya. Kanina ko pa siya hinahanap, siya lang naman kasi matino kausap dito. 

"Nagugutom na ako, hahaha" hinandaan ko siya ng pagkain sa plato niya. Nagpasalamat naman siya at kumain na. Habang kumakain kami ay pansin kong may nakatitig sa akin-- oo titig talaga. Ang magaling na masungit lang naman ang nakatitig sa akin at ang sama pa ng pagkatitig niya na para bang may ginawa akong masama. Arghh, nagsisisi talaga ako na hindi ko nilubos kabaitan niya kahapon. 

"Where have you been, bro?" 

"May kinausap lang ako about pageant" 

"Kailan ba ang pageant, leiyh?" napatingin sa akin si Leiyh nang nagtataka. Potek! Huling huli na hindi ako nakikinig. Kasalanan mo talaga 'to Marshall. 

"Next week, sa Thursday " 

"Edi anong gagawin natin dito?"

"Mambababae! Buti talaga at sa friday pa ang laban namin sa billiards" gulat akong napatingin nang malaman na kasali siya sa billiards. Seryoso? May talent naman pala ang mokong na' to. 

"Kasali ka talaga? Mamaya saling ketket kalang" 

"Mukha ba akong noob? Kayang kaya ko isupalpal sa kanila ang mga bola gamit lang ang cue stick ko" pagmamayabang niya

"Yabang" 

"Ako naman kasali sa volleyball" banggit ni Leiyh. Tuluyan na talagang nanlaki ang mata ko. Ako lang ba walang talent dito? Boiset, feeling ko bigla akong nanliit. 

"Paano mo napagsasabay yun?" 

"Ha? Halfday lang naman lagi ang pagpractice sa pageant at sanay na rin ako kaya nasisingit ko ang oras ko sa pag practice ng volleyball" 

Ang tanging nagawa ko nalang ay mamangha sa mga ito. Tandaan mo Ouen hindi ka nag iisa. Si Ryan at Jaleb wala rin silang talent sa mga sports. Matagal sigurong naging okupado ang utak ko sa mga pinag iisip ko noong nakaraan at hindi ko sila masyadong napapansin sa pagpapractice nila.

"You're good in swimming" aniya ni Koshiro na para bang nabasa ang nasa isip ko. Napangiti nalang ako, bakit ba nakalilimutan ang swinming. Doon pa naman ako may ginawang kalokohan. 

"Swimming?!" sabay na sigaw nilang dalawa. 

"Tangina ako nga halos hindi makagalaw sa pwesto ko kapag lumalangoy, t-tapos doon ka magaling?!" histerikal na pagkakasabi ng amerikanong hilaw na si Marshall. 

"Ang oa oa mo naman magreact, kaya siguro naagaw mo atensyon ng lahat kanina sa gymnasium" sinupalpal ni Leiyh si Marshall ng pechay sa mukha sa pagreact nito. Grabe naman kasi mag react, mukha ba talaga akong walang talent sa paningin niya? 

"Kuha lang ako ng hotdog ah. Naubos na kasi 'yung hotdog dito" pagpapaalam ko

"Ako nalang kukuha" 

"Hindi. Ako nalang Koshiro" sabi ko at ngumiti. Hinayaan niya nalang ako at bumalik sa pagkakaupo. Pumunta na kaagad ako sa counter at naghanap ng pagkain, parang may buffet ang dami talagang pagkain. Naglagay ako ng limang hotdog sa plato ko at kumuha na rin ako ng kanin. 

Pagkaharap ko ay nagulat ako ng may nabangga ako, pero mas nagulat ako nang makita ang mga hotdog ko na nahulog. Iyong hotdog ko. Wala na yung hotdog ko! Dadamputin ko sana ang hotdog nang mapatigil ko. 

"Sorry, sorry!" paghingi ko nang paumanhin sa nabunggo. Puro nalang ba kahihiyan ang gagawin ko sa lugar na ito. 

"No, it's okay" tinignan ko siya. Matangkad siya kaya halos nakatingala ako. May hitsura pero halata mong masungit din ang isang 'to

He grin at me not just a grin but an evil grin that turned into smirked. 

"P-pasensya na talaga, una na a-ako" nauutal kong pagpaalam. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa presensya niya. 

"Ouen Callanta" bulong niya pero dahil hindi pa ako masyadong nakakalayo ay narinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Dali dali nalang akong pumunta sa mga kaibigan ko at naupo. 

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang naramdaman ko.

Alam niya ang pangalan ko. 

Pati pagbanggit niya sa pangalan ko ay naramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko. 

"Pati ba naman dito tatanga tanga ka" nakakunot na noo na sabi ni Koshiro at uminom ng tubig. 

"Huwag mo nalang pansinin si Koshiro. Okay ka lang ba?" 

"Okay lang ako, L-leiyh" 

"Ayan ba ang okay?" napatingin kaming dalawa sa kamay kong nanginginig ngayon. Bakit ganitong kaba ang nararamdaman ko? Nabigla ako nang hilahin ni Koshiro ang kamay ko at hinila ako palabas ng cafeteria. Dumiretso kami sa field at umupo sa bench. 

"Are you nervous?" 

"Ako? Nenerbyusin? Asa!" 

"Says by the boy whose hand is still shaking" 

Hindi ko napansin na hawak niya pa rin ang kamay ko. H-hawak niya? Medyo malaki ang kamay niya kaya kasyang kasya ang kamay niya. 

Bigla akong namula sa iniisip ko. 

"Tsk, ano na namang tumatakbo sa malikot mong utak" hinila ko pabalik ang kamay ko ngunit hinila niya lang ito pabalik at hinapit ang bewang ko papalapit sa kaniya. When I looked at him, I noticed that his eyes were filled with emotion.

"Don't go near him, he's dangerous" 

"O-okay" binitawan niya naman na ako at naglakad na palayo. 

"Koshiro!" 

Daig pa niya babaeng nireregla. Pabago bago ng mood. Ang hirap niya intindihin. Tinignan ko nalang ulit ang kamay ko at napangiti ng hindi na ito nanginginig at ang pakiramdam ko ay umokay na. 

"Is there anything that bothers you?" tanong ni Leiyh nang tumabi siya sa akin. 

"Wala naman. Namiss ko lang si lolo" hindi naman siguro masama magsinungaling, totoo rin naman ang sinabi ko. Kanina ko pa kasi iniisip kung bakit kinabahan ako kanina. Parang nabunggo lang naman ako, dati nga halos makipagpatayan pa ako. 

"Sigurado akong namimiss ka rin ng lolo mo" nakangiti niyang aniya. Napakatamis ng ngiti kaya siguro nahawa na rin ako sa ngiti niya. Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigan, wala naman kasing silbi si Ryan puro sakit lang sa ulo ang pinaggagawa. 

"Hindi pa nagsisimula ang laban pero natatakot na ako sa maaaring mangyari, maging matatag ka sana hanggang dulo" nakangiti siya ngunit malungkot ang mata niya. Parang may iba siyang ibig sabihin sa sinabi niya. 

"Nako naman, Leiyh! Ano ka ba! Promise mag iisip na talaga ako ng talent portion ko" pagpromise ko habang nakataas pa ang kanang kamay. Gustong gusto naming dalawa ang manalo ngunit ako lang ang hindi gumagawa ng paraan para manalo kami. Naguilty na naman tuloy ako, ngayong araw ay ilang beses na akong nagiguilty dahil sa katamaran ko. 

"Sabi ko kasi sumayaw ka nalang" pamimilit niya

"Leiyh naman, alam mo naman kung paano ako sumayaw!" pagprotesta ko, boiset ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay ang pag sayaw. 

"Naalala ko na naman tuloy, HAHAHAHA" 

"Ano ba! Kinakalimutan ko na nga e, HAHAHAHA" 

"Pero seryoso, tatlong bibe---pft kasi sinayaw mo kaya paano ko malalaman kung magaling ka talaga" 

"Ah, basta! Ako nalang bahala" 

"Sige na, please" he pouted

"Tumingin ka nga sa salamin at nang malaman mo kung sino ang mas mukhang bibe sa ating dalawa, HAHAHAHA" sabay kaming napatawa dahil sa sinabi ko. 

"It seems that the two of are having fun, am I interfering?" 

Napatingin kaming dalawa sa likod namin. Nakita namin si Koshiro na para bang binagsakan ng langit at lupa sa ekspresyon ng mukha niya. 

"Hindi naman, tara tabi ka sa amin!" 

"Tinatawag kayo ng instructor niyo" aniya at umalis na kaagad ng hindi man lang kami binabalingan ng tingin. 

Habang naglalakad kami ni Leiyh ay nakipagchismisan na naman ako. 

"Bakla ba si Koshiro?" 

"Huh? Hindi, gano'n lang talaga 'yun" 

"Ahh" 

"Bakit kaya tayo pinapatawag?" nagkibit balikat nalang ako at tumakbo papalapit kay Ericka nangmakita ko siya. 

"Bakit niyo po pala kami pinapatawag?" 

Takang tumingin siya sa aming dalawa. 

"Hindi ko kayo tinawag, 'tsaka pwedeng alis muna kayo? Nag laloving pa kami ni Robert" sabay tingin sa kasama niya

Yaks, PDA. 

Kailangan bang dito pa maglandian! 

"Sige sige" paalam ko at hinila na ang kamay ni Leiyh. 

"Hi!" nataas ang dalawang kilay ko ng may sumalubong sa amin. 

"Ako pala yung nasa kabilang bus, baka makakalimutan mo" nakangiti niyang aniya. Napangiti rin ako nang maalalang siya nga. 

"Ikaw pala yan, Edward" 

"Yez, gurl! By the way, sino yang hot fafa na kasama mo? Boylet mo?" 

"Anong boylet?" 

"Boyfriend koya!" 

"Ahh, hindi. Kaibigan ko. Leiyh si Edward pala. Edward si Leiyh" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nag shake hands silang dalawa at halatang nailang si leiyh sa paraan ng paghawak ni Edward sa kaniya. 

"Pupuntahan ko lang sila Marshall" pagpapaalam ni Leiyh umalis na. 

"Lagot ka mukhang tinakot mo, HAHAHHA" 

"Ugh, nevermind. What's your name pala cutie boy" 

"Ouen Callanta, Grade 12 student sa Leiven" nilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya iyon at nagpakilala. 

"Eddi Racsano, 1st year college sa Sky" 

"Woah, mukhang halo halo ang mga estudyante ah" 

"Parang gano'n perooo, sa pageant lang naman required ang 1st year pati ang grade 12"

"Kaya pala nasali ako sa pageant!" 

"Wattttt?! meaning ikaw ang makakalaban ko?!" 

"Haa?! Kasali ka rin do'n?" 

"Yez gurl, galingan nalang natin sa pageant. Ngayon, maghanap muna tayo ng boylet!" masigla niyang yaya at hinila na ang kamay ko. 

"T-teka, straight ako!" 

Wushu

Tumigil naman siya sa paglalakad at napairap sa hangin. 

"Ang kj mo cutie boy. Sige, samahan mo nalang ako" aniya at hinila ulit ako papalapit sa nagkukumpulang mga lalaki. 

"Hi guys! I'm Eddie ng Sky!" ang gullible naman ni Eddi, hindi ko mareach. 

"Hello, Malt ng Desla" 

"Ay pak, masarap 'to" bulong sa akin ni---sino pa ba? Edi si Edward--ay mali, huwag ko raw siyang tawaging Edward kun'di kakalbuhin niya raw ako. 

"Joaquin ng Manuel" 

"Bet ko 'to" 

Bale mga lima sila. Lumingon lingon nalang ako para hanapin ang mga kaibigan ko. Sayang, wala si Ryan. Aasarin ko sana siya. 

Napatigil ako sa paghahanap ng sikuhin ako ni Eddie. Takang tumingin naman ako sa kaniya at napansing ako nalang pala ang hindi nagpapakilala. 

"Ouen, sa Leiven" maikli kong pagpapakilala. Nagpaalam na rin ako na pupuntahan ko ang mga kaibigan ko. 

Ang dami ko ng kaibigang baliw, huwag na sanang madagdagan pa. Hindi naman sila gano'n ka siraulo, parang pwede mo nang sabihing pwede na sila pagtyagaan. 

"Can you just shut up? I know what I'm doing!" iritableng sigaw ni Marshall. Partida kahit ang malayo palang ako rinig ko na. 

"Bahala ka nga!" tumabi nalang si Leiyh kay Koshiro na nakakunot ang noo na nakatingin sa kanila. Tumabi ako sa kanila. 

"Yo, anong problema?" 

"That guy is stupid. Sabi ko basahin na muna namin kung ano ang instruction para madalian kami" 

"Hayaan mo na, mukhang alam naman niya ginagawa niya"

"Ha! I knew it! I did it. But i know that in the first place i dont need your fcking help, so fck off dude" 

"Hoi, magtino na nga kayong dalawa. Tinuringang mga first year college mga isip bata! Pop up pirate lang naman yan" 

Tinignan ko naman ang laruan na dalawa palang ang nakatusok. Akala ko pa naman marami na ang natusok at ganyan na makareact. They are oa's. 

"Ayaw ko na nga, walang thrill. Kain lang ako ng lasagna" Marshall said and winked to us. Kadiri talaga 'to. 

"Hey, would you like to roam inside the university" with a smile on his face, Koshiro said. 

I was so taken aback by his expression that I didn't even realize I had just nodded.

Related chapters

  • He's a She   CHARACTERS NAME PRONUNCIATION

    Ouen Preston Callanta - Owen Preston Kalyanta Koshiro Kazan Takeuchi - Koshiro Kazan Ta-ke-u-chi Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Adryan/Ryan Xaivery - Eydriyan-Rayan Seyveri Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Leiyh Hoo - Ley Hu Jaleb Park - Dyaleb Park Akhira Sara Takeuchi - Akira Sara Ta-ke-u-chi Kiyoshi Takeuchi - Kiyoshi Ta-ke-u-chi Solomon Takeuchi - Solomon Ta-ke-u-chi Victor Callanta - Viktor Kalyanta Ericka Xaivery - Erika Seyveri Patricia Mitsu - Patricia Mitsu Kyros Park - Kyros Park Dandy Kalix Shawn Henry Jeshua Jencen Lucas Dadagdagan ko pa 'to, pero sa ngayon ito na muna. Sana may nagbabasa, hehe. Still hoping. Sapat na sa akin na ako palang ang reader nito, pero kung magkakaroon man thank you so much po.

    Last Updated : 2021-11-06
  • He's a She   Chapter 19

    KABANATA 19••••••Marshall POVI was eating alone while walking when I saw Koshiro and Ouen. Hindi sila magkalayo, hindi rin sila gano'n kalapit, alam mo 'yung sakto lang.Makakasalubong ko sila kaya agad akong nakihalubilo sa mga estudyante. I don't know, but something deep inside me urging na sundan ko sila.I'd never experience being a stalker, but yeah so we'll fck this mess.Pasimple akong sumusunod sa kanila. Gusto ko mang lumapit para marinig ang pinag uusapan nila ay hindi ko magawa, baka mahuli pa ako.Nanlaki ang mata ko nang makitang nagtatawanan silang dalawa. Knowing Koshiro, bihira lang siya magpakita ng mga ganyang reaksyon.Susundan ko pa sana sila ng tumigil silang dalawa at hinubad ni Koshiro ang jacket niya at ipinatong sa balikat ni Ouen.

    Last Updated : 2021-11-06
  • He's a She   Chapter 20

    KABANATA 20••••••Marshall POV"WOOOHH, PARTEHHH PEOPLE! GUMISING KA NG HINAYUPAK KA!"Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa gulat nang marinig ang malakas na sigaw. Sisigawan ko sana si Ryan ng pigilan niya ako."Oopsss, master mo ako. Kaya dapat hindi ka magagalit sa akin. Ang word of the day natin ngayon ay hinayupak!" aniya habang nakataas ang hintuturo na parang isa siyang henyo."Hinayupak? What's that?" bugnot na tanong ko at napakamot sa batok."Uhmm, Your animal? Basta!"Tumayo na ako at nagpalit ng damit sa harap niya."What are you doing here?""Actually dalawa kami. Ayun si Jaleb oh" turo niya kay Jaleb na tinitira ang yakee na nasa bag ko."at nandito kami para isupport kayo!WOOOHHH GO LEIVEN! GO LEIVEN! AJA!

    Last Updated : 2021-12-17
  • He's a She   Chapter 21

    KABANATA 21••••••Ouen POVLimang araw na rin ang lumipas at sa mga araw na 'yun ay talagang napakaboring at nakakabwisit. Bantayan ba naman ako ni Ryan para hindi raw ako mambabae, boiset.Nagsisimula palang akong baguhin ang sarili ko, alam kong marami pa akong pagdadaanan para maitino ang sarili ko, pero ang mokong na yun ay gustong agad agaran.Flashback"Hi, Ouen" agad akong napalingon sa likod ko ng may kumalabit sa akin. Napakamot ako sa batok ko ng makita ko ulit yung isa sa babae na nakausap namin ni Marshall, which is tinakasan ko sa pakana ni Ryan."Hi" nahihiya kong pagbati."Hmm, wala kasi akong kasama. Baka gusto mong samahan ako, maglibot libot tayo""Ahh, gano'n ba? Kasi ano....""I will take that as

    Last Updated : 2022-01-03
  • He's a She   He's a She

    WRITER'S NOTE••••••This is a fictional work. Any names, characters, businesses, places, events, localities, and occurrences are either made up or used in a fictitious manner by the author. Any likeness to real people, living or dead, or real events is totally coincidental.Plagiarism is a serious offense! Please bear with my typos, grammatical mistakes, incorrect spellings, and punctuation. This story is still unedited. WRITER'S NOTE•••••• This is a fictional work. Any names, characters, businesses, places, events, localities, and occurrences are either made up or used in a fictitious manner by the author. Any likeness to real people, living or dead, or real events is totally coincidental. Plagiarism is a serious offense!

    Last Updated : 2021-09-10
  • He's a She   Introduction

    PANIMULA••••••“Ouen!” napaayos ako sa pagkatatayo ng akbayan ako ni Ryan---Adryan Xaivery, kaibigan ko.Adryan Xaivery, ang sabi ng iba ay gwapo ang isang ito, pero hindi ko makita. Dahil para sa akin, isa lang siyang tuko na pabebe. Since his father is from a different race, his last name is unusual para sa isang Filipino. Matangos ang ilong niya, his lips are heart-shaped and a lil bit pinkish, his complexion is medium, his hair is very black and shines when the sun touches it, he has an oval face, and his eyes are upturned.Bago ko siya pagtuunan ng pansin ay sinagot ko muna ang text ni Maria--chicks ko sa kabilang baranggay at anak ng yorme.“Bakit?” tumingkayad ako ng kaunti at tumingala upang gawing salamin ang mata niya at inayos ang nagulong buhok ko dahil sa hangin. Napakatangkad na niya, dati mas matangkad pa ako dito.

    Last Updated : 2021-09-10
  • He's a She   Chapter 1

    KABANATA 1••••••“Manang, mano po”“Manang, Mag-aaral na po kami ni Ryan sa university”“Kung ganoon ay siguradong masayang-masaya kayong dalawa”“Sinabi mooo paaaa”“Sige po. Punta lang ako sa kwarto ko. Sasabihin ko sa girlfriend ko 'yung balita”“Ano nga ulit pangalan nila?” napakamot ako sa batok at kunot noong tinignan ang mga pangalan ng babae sa inbox ko. Ganito na ba ako kababaero. Lahat ng nasa inbox ko ay itinext ko silang lahat.'Aalis na ako bukas. Mag-aaral na ako sa paaralan. Medyo malayo kaya kailangan na natin mag break, sorry.ʼ text ko sa kanilang lahat. Naglagay na rin ako ng emoji na umiiyak para makatotohanan.'No wayyy!ʼ'Omg, no, no, noʼ'Huhu, babe please don't do thisʼ'I will punta punta dyanʼ'Babyyy, I love you so much. Please don't do th

    Last Updated : 2021-09-10
  • He's a She   Chapter 2

    KABANATA 2••••••“Masarap?” tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. Parang patay gutom kumain.“Aray!” Balahura talaga"Yahhhh, Totemo geretsu!" sigaw ni Kiyoshi nang matalsikan siya ng kinakain ni Ryan.[Totemo geretsu- So gross]"Umupo ka na, Ouen. Waiter, pwede ka bang kumuha ulit ng bago""Yoshi" sabi ng waiter at nag bow[Yoshi- Alright]Umupo ako sa tabi ni Ryan at tinignan si Koshiro na malalim ang iniisip. Gwapo rin naman siya laging mainit lang ang ulo. Ibinaling ko nalang ang tingin kay Ryan at sinamaan siya nang tingin."Nagawa mo 'kong iwan para sa pagkain""Nagugutom na kasi ako kaya nakalimutan kita""Paano kung may mang rape na mga bakla o bab

    Last Updated : 2021-09-10

Latest chapter

  • He's a She   Chapter 21

    KABANATA 21••••••Ouen POVLimang araw na rin ang lumipas at sa mga araw na 'yun ay talagang napakaboring at nakakabwisit. Bantayan ba naman ako ni Ryan para hindi raw ako mambabae, boiset.Nagsisimula palang akong baguhin ang sarili ko, alam kong marami pa akong pagdadaanan para maitino ang sarili ko, pero ang mokong na yun ay gustong agad agaran.Flashback"Hi, Ouen" agad akong napalingon sa likod ko ng may kumalabit sa akin. Napakamot ako sa batok ko ng makita ko ulit yung isa sa babae na nakausap namin ni Marshall, which is tinakasan ko sa pakana ni Ryan."Hi" nahihiya kong pagbati."Hmm, wala kasi akong kasama. Baka gusto mong samahan ako, maglibot libot tayo""Ahh, gano'n ba? Kasi ano....""I will take that as

  • He's a She   Chapter 20

    KABANATA 20••••••Marshall POV"WOOOHH, PARTEHHH PEOPLE! GUMISING KA NG HINAYUPAK KA!"Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa gulat nang marinig ang malakas na sigaw. Sisigawan ko sana si Ryan ng pigilan niya ako."Oopsss, master mo ako. Kaya dapat hindi ka magagalit sa akin. Ang word of the day natin ngayon ay hinayupak!" aniya habang nakataas ang hintuturo na parang isa siyang henyo."Hinayupak? What's that?" bugnot na tanong ko at napakamot sa batok."Uhmm, Your animal? Basta!"Tumayo na ako at nagpalit ng damit sa harap niya."What are you doing here?""Actually dalawa kami. Ayun si Jaleb oh" turo niya kay Jaleb na tinitira ang yakee na nasa bag ko."at nandito kami para isupport kayo!WOOOHHH GO LEIVEN! GO LEIVEN! AJA!

  • He's a She   Chapter 19

    KABANATA 19••••••Marshall POVI was eating alone while walking when I saw Koshiro and Ouen. Hindi sila magkalayo, hindi rin sila gano'n kalapit, alam mo 'yung sakto lang.Makakasalubong ko sila kaya agad akong nakihalubilo sa mga estudyante. I don't know, but something deep inside me urging na sundan ko sila.I'd never experience being a stalker, but yeah so we'll fck this mess.Pasimple akong sumusunod sa kanila. Gusto ko mang lumapit para marinig ang pinag uusapan nila ay hindi ko magawa, baka mahuli pa ako.Nanlaki ang mata ko nang makitang nagtatawanan silang dalawa. Knowing Koshiro, bihira lang siya magpakita ng mga ganyang reaksyon.Susundan ko pa sana sila ng tumigil silang dalawa at hinubad ni Koshiro ang jacket niya at ipinatong sa balikat ni Ouen.

  • He's a She   CHARACTERS NAME PRONUNCIATION

    Ouen Preston Callanta - Owen Preston Kalyanta Koshiro Kazan Takeuchi - Koshiro Kazan Ta-ke-u-chi Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Adryan/Ryan Xaivery - Eydriyan-Rayan Seyveri Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Leiyh Hoo - Ley Hu Jaleb Park - Dyaleb Park Akhira Sara Takeuchi - Akira Sara Ta-ke-u-chi Kiyoshi Takeuchi - Kiyoshi Ta-ke-u-chi Solomon Takeuchi - Solomon Ta-ke-u-chi Victor Callanta - Viktor Kalyanta Ericka Xaivery - Erika Seyveri Patricia Mitsu - Patricia Mitsu Kyros Park - Kyros Park Dandy Kalix Shawn Henry Jeshua Jencen Lucas Dadagdagan ko pa 'to, pero sa ngayon ito na muna. Sana may nagbabasa, hehe. Still hoping. Sapat na sa akin na ako palang ang reader nito, pero kung magkakaroon man thank you so much po.

  • He's a She   Chapter 18

    KABANATA 18 •••••• Ouen POV "Ang sos---yal n--aman ng mga pa-gkain dit-o" nahihirapang pagsasalita ko habang isinusuksok pa sa bunganga ko ang mga kaya ko pang ipasok na pagkain. "Huwag ka magsalita kapag may laman bibig mo" napapeace sign nalang ako kay Koshiro dahil hindi ko na talaga kaya magsalita. Nginuya ko muna ang ang lahat ng pagkain na nasa bunganga ko at nagsalita. "Grabe naman kasi, ang aga aga nating umalis kanina kaya wala pa akong kain ng ilang oras 'no. Kawawa mga alaga ko sa tyan" pag explain ko. "Oo nga, ang pangit pa nang nagsasalita. I'm on a diet pero tangina gutom na talaga ako" aniya ni Marshall "Don't cuss kapag kaharap mo ang pagkain" "Okay, fafa Koshiro" he said and winked at him. Natawa kaming dalawa ni Marshall nang makita ang diring diring mukha ni Koshiro

  • He's a She   Chapter 17

    KABANATA 17••••••Ouen POVMaaga akong nagising para mag ayos ng dadalhin ko papunta sa school na pupuntahan namin. Napadapo ang tingin ko kay Ryan na hanggang ngayon ay tulog na, palibhasa naayos niya na ang gamit niya bago siya matulog. Gisingin ko nalang daw siya kapag aalis na.Ilang buwan na rin kaming nandito sa Leiven University. Oo, ilang buwan na rin! Ang bilis ng panahon, dito ko nalaman kung ano ang kasarian ko. Basta ang tanga tanga ko, sariling kasarian hindi alam, napakabobo. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa sarili ko. Lalo na ngayon na, nagsisimula akong ma attract sa mga lalaki. Huhu help, what is happening to me!Idagdag mo pa na napapalibutan ako ng mga lalaki dahil all boys school 'tong napasukan ko. Bakit ba naman kasi kung kailan pumayag si lolo ay dito pa sa puro lalaki ang mga tao sa eskwelahan. Kinakabahan tu

  • He's a She   Chapter 16

    KABANATA 16••••••Ouen POV"Ouen!" niliitan ko ang mata ko para makita kung sino ang tumawag sa akin sa entrance.Nakita ko ang dalawang mokong na kumakaway na parang bata at nangunguna si Jaleb na ang laki ng ngiti."Oh? Bakit kayo nandito?""Bibili kami ng panghanda sa celebration, diba nga magaling na kapatid ni Leiyh" sagot ni Ryan"Ahh, sama muna kayo sa amin. Sasama ako sa inyo mamaya sa pagbili, ililibre tayo ni Koshiro""Wait what, you're the only one I'll tr----" pinutol ko na kaagad ang sasabihin ni Koshiro at sumingit."Payag siya, tara na! Saan ba Jollibee dito?" nauna na kaming maglakad nila Ryan at Jaleb. Naiwang mag isa doon si Koshiro, hindi ko alam kung sumunod siya, pero alam kong susunod siya dahil siya ang manlilibre

  • He's a She   Chapter 15

    Marshall POV"Ouen!" pagkarating na pagkarating ko sa gymnasium ay kiniwelyuhan ko kaagad siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makagalaw."T-teka, ano bang ginagawa mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko para tanggalin ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Para akong nakuryente sa paghawak niya kaya agad ko yung nabitawan at tulalang napatingin sa kaniya.What the..What was that"Ano bang problema mo?" natameme ako at hindi ko magawang makapagsalita. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko para magsalita pero di ko alam kung bakit ganito 'to kahirap ngayon.What's happening!"Para kang tanga" malumanay na ani niya at hinawakan ulit ang kamay ko at sinuri ito."Bakit puro dugo 'to" kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga natuyo

  • He's a She   Chapter 14

    KABANATA 14••••••Ouen POV"Is he practicing his lines in talent portion?" bulong sa akin ni Jaleb. Bumulong pa rinig naman naming lahat ang sinabi niya."I don't know.""It's a prank?" hintay na tanong ni Marshall kay Leiyh."No, no, no. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ng bomba sa loob ng Leiven.""Kanonood mo 'yan ng action movies. Kumain ka na nga. Ako na nagluto kanina""Kagabi, may pumasok na hindi kilalang tao sa Leiven. Muntikan na silang mahuli ng guard kaso nakatakas.""Ahh! Baka sila yung nakita ko kagabi. Tinanong nila ako kung anong daan papunta sa kung saan saan at itinanong din kung ilan ang buil---" napatigil siya sa pagsasalita ng may naalala siya. Pati kami ay napaisip sa sinabi niya. Kung tinanong kung saan at ilan ang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status