Home / Romance / He’s Not The Father! / Episode 2: Unintentional Accident

Share

Episode 2: Unintentional Accident

NAGISING ako sa loob ng isang kwarto. Napahilot ako sa noo ko dahil kumikirot ito sa sakit. Ang bigat ng pakiramdam ko at sinisipon pa ako.

Sinubukan kong bumangon at hinanap ang pinto papalabas ng silid na ito. Marahan akong naglakad at pinihit ang saraduhan.

Napapikit ako sa liwanag nang tumama ito sa mukha ko. I’m not feeling well baka nga ay nilalagnat ako ngayon buhat ng pagkabasa ko sa ulan.

I looked down to see what I am wearing. Thanks God! Suot ko pa naman ang damit ko but I feel much warmer now kaso medyo basa pa ang buhok at ang damit ko.

Bigla akong napaubo nang makaramdam ako ng kati sa lalamunan ko. I can’t barely breath because of this clogged nose.

Napaatras ako ng isang hakbang nang makita ko sa harapan ko ang isang lalaki. Nakatayo ito at nakatingin sa akin nang walang emosiyon. He is wearing a black apron at may hawak pa siyang isang tong sa kanang kamay niya.

Napatulala ako nang makita ko ang mukha niya. I-Ito ba ang tumulong sa akin sa daan? I think… familiar siya sa akin. Hindi ko lang mahinuha kong saan ko siya nakita.

Napahawak ako sa noo ko at napapikit nang mariin. My head is spinning. Argh! Ang sakit.

“Here. Put this on.”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. As expected, wala pa ring emosiyon sa boses nito. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang mga mata. Tila hinihila ako nito. He’s tall and definitely handsome! Hanggang dibdib niya lang ako.

He has this perfect sculpted face at tila pang-modelo ang peg niya. A tan skin, at visible ang shinave niyang beards sa kaniyang chin. He’s too perfect to be described. Very masculine pati ang boses niya ay napakahusky at deep.

“H-Hey!” paos kong sigaw nang bigla niyang tinapon sa akin ang supot na iniabot niya sa akin kanina.

Hindi niya ako pinansin at agad siyang tumalikod. Pinanood ko na lang siyang pumasok sa nilabasan niya kanina. Maybe iyon ay ang kusina.

Tinignan ko ang hawak ko ngayon. Alam kong damit ito kaya agad akong bumalik sa pinanggalingan kong silid at nagbihis.

Nahihiya akong lumabas sa kwarto dahil sa suot ko ngayon. Bakit ba napaka-iksi nito? Seriously, pambatang damit ito e. Not that pambata talaga pero… gosh! I’m already 22. This dress is color baby pink na hanggang 2-inch above my knee. Sleeveless din. May cartoon pang naka-imprinta sa damit. Well, wala akong choice.

Agad na tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. I smell something good. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ko sa kusina at magpapakapal ng mukha ko para maibsan ang gutom ko ngayon.

The aroma is pulling me, hindi ko na kaya. Gutom na ako lalo pa’t buntis pa ako ngayon. Kailangan kong alisin ang lahat ng hiya sa katawan ko kung gusto kong mabuhay.

Pikit-matang naglakad ako papuntang kusina. My heart is racing, hiyang-hiya ako ngayon. Hindi ko maisip na mangyayari ito sa akin.

“Ano pang hinihintay mo?”

Idinilat ko ang aking mga mata at saktong napatingin ako sa estrangherong ito. Salubong ang kaniyang dalawang kilay habang nakatingin sa akin. Maya-maya ay bumaba ang kaniyang tingin at nakikita kong gumalaw ang kaniyang adam’s apple.

“Ang ikli pala sa’yo.” Bumalik siya sa kaniyang kinakain na parang wala lang.

Naningkit ang mga mata ko sa narinig sa kaniya. Anong akala niya sa akin? Bata o pandak?

Nahihiya akong umupo sa bakanteng upuan na katapat ng kaniya. Marahan kong kinuha ang kutsara’t tinidor na nakalagay sa ibabaw ng putting pinggan.

Nanginginig akong kumuha ng kanin at isang hotdog. Grabeng hiya ko right now pero ano bang magagawa ko sa oras na ito? Nabuhay akong mala-prinsesa at nag-aaral pa ako ng college. Nag-pa-part time din ako bilang isang endorser subalit paano na ako babalik?

“Pagkatapos mong kumain ay ihahatid kita sa inyo.”

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Natigilan ako sa sinabi nito. I-Ibabalik na niya ako?

Agad kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Paano niya ako ibabalik? Pinagtabuyan na ako ng lahat. Wala na akong mapupuntahan pa.

“Please po, huwag n’yo ako ibalik sa amin. Maawa ka!” Tinignan ko siya nang pagmamakaawa habang ang boses ko ay nanginginig na. “Wala na po akong… m-mapupuntahan.”

Kumunot ang kaniyang noo nang tingnan niya ako. Alam kong nagtataka siya subalit ramdam kong napakatigas ng kaniyang puso.

“Hindi kita matutulungan. Ibabalik kita sa inyo.” Napakalamig ng kaniyang boses at tumayo siya’t iniwan akong mag-isa.

Napahagulgol ako ng iyak. Tama naman siya, e. Sino ba naman ako para tulungan niya? Gusto kong sumigaw o ano pa. Napakalamalas ko!

Napahawak ako sa sinapupunan ko. Makakaya ko bang harapin ang lahat? Sa simula pa nga lang ay lunod na lunod na ako, paano pa kaya ang susunod na mga araw?

Makakaya ba kitang buhayin, baby? Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba ayaw kitang ipalaglag? Ano bang meron sa’yo baby? Bakit napakahalaga mo sa akin?

Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa higpit ng pagkagat ko sa aking ibabang labi. Napatingin ako sa itaas, bigyan n’yo po ako ng lakas ng loob. Maging matatag ako sa lahat ng oras. Sarili ko na lang aasahan ko ngayon.

Ang sakit-sakit! Tila humihigpit nang humihigpit ang leeg ko na ramdam ko’y mayroong sumasakal sa akin. Nanghihina ako pati ang kaluluwa ko sa bigat ng pasan ko ngayon.

Kakayanin ko pa bang magpatuloy?

•••

Tahimik ako habang nakatulala sa kinauupuan ko. Nasa backseat ako habang umaandar ang kotse papaunta sa amin.

Blangko ang laman ng isip ko ngayon. Tila ako’y buhay subalit wari’y isang patay rin. Kahit anong pilit ko sa lalaking ito ay tila isa siyang bingi. Walang pakialam at sarado ang puso para maawa sa taong tulad ko.

Biglang tumigil ang kotse. Napatingin ako sa isang napakalaking tarangkahan. Narito na nga ako. Hinatid nga niya ako sa bahay ko—I mean sa bahay ng parents ko. Karapat-dapat ko pa ba silang tawaging magulang?

He didn’t give a word nor he laid an eye on me. Umaasa pa naman akong magbabago ang isip niya. But f*ck? It’s breaking me. Hindi ko siya kilala kahit alam ang pangalan niya pero… siya lang ’yong nag-abalang tulungan ako in the first place kaso…

Pigil ko ang aking sarili na mapaluha habang papalabas ako sa kotse niya. Nang makatapak na ako sa labas ay narinig ko na lang ang pag-andar ng kotse. Gusto ko sanang humabol pero para saan pa? Binalik nga niya ako rito, e. Ibig sabihin no’n ayaw niya akong tulungan pa. Baka nga ay may asawa na iyon at ayaw niyang magkalamat ang kanilang pamilya.

Humugot ako ng lakas ng loob bago ako nagtangkang humakbang papalapit sa tarangkahan. Magdo-doorbell na sana ako nang may marinig akong tunog ng kotse sa likuran ko.

Masaya akong lumingon sa pag-aakalang binalikan ako ng estrangherong iyon pero… gumuho ang mundo ko nang makita ang dalawang taong lumabas sa kotse.

Unti-unting kumawala ang masagana kong luha. Natigilan sila nang makita ako. Tila ako’y naputulan ng dila at hindi ko na alam kong ano ang dapat kong sabihin.

“A-Anong… Bakit kayo m-magkasama?!” halos pabulong kong tanong sa kanila. Ang sakit nang makita kong magkasama ang pinakamamahal kong fiance at ang best friend ko at magkaholding hands pa. “Leo! Anong ibig sabihin ng nakikita ko ngayon?”

“Kailangan pa ba naming ipaliwanag sa’yo, Donna?” Barbie gave me a smirked on her lips. “At isa pa, sino ka ba para kay Leo ngayon?”

Napanganga ako. Hindi totoo ang nakikita ko. Hindi totoo ang naiisip ko. Hindi naman ako tanga pero ayokong manguna at mag-isip nang masama.

“Nakiusap sa akin ang mommy at daddy mo na ako ang papalit sa pwesto mo. Napaka-importante kasi sa kanila ang kompanya n’yo. Alam mo naman ang kalagayan n’yo ngayon, hindi ba?” Her voice seems so apologetic. Walang bahid nang masama roon pero bakit ako nakakaramdam ng pagkakanulo?

“Huwag ka ngang magbiro riyan, Barbie. B-Bakit ganiyan ka? Ano bang nagawa ko sa’yo?” My tears are slowing falling down.

“Pasensiya na. Gusto ko lang makatulong. Para rin naman ito sa parents mo, e. Bakit ka pa kasi nagpabuntis? Hindi mo na ba kayang titiisin ang pangangati mo?”

“Bawiin mo ang sinabi mo! Wala kang alam!” Agad ko siyang sinugod at sinabunutan. “Ang landi mo! Traydor ka!”

“Ahh! Nasasaktan ako. Leo! Leo, help me!”

“Donna, stop it!” Hinatak ako ni Leo palayo kay Barbie at napasalampak ako sa lakas no’n.

“L-Leo?” Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Mas kinampihan niya pa si Barbie kaysa sa akin.

“Tumigil ka na! Ikaw ang sumira ng lahat! Wala kang karapatang sabihan si Barbie ng malandi dahil ikaw iyon! Alam mo sa sarili mo na ikaw ang malandi, Donna. Ikaw!”

Hindi ko maipaliwanag ang matinding sakit ng pinukol na mga salita ni Leo sa akin. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin. Tila wala lang ako sa kaniya. Na wala kaming pinagsamahan.

“H-Hindi ako malandi, Leo. Dapat alam mo ’yon,” halos pabulong kong wika.

Tila naubusan na ako ng boses. Pinipiga ang puso ko. Nanlamig ako sa paraan ng pagtitig ni Leo sa akin. Tila tinatapunan niya ako ng mga patalim.

“Leo! Makinig ka naman sa akin!” pagmamakaawa kong sigaw nang makita kong papaalis na sila.

“Ano na namang kasinungalingan ’yan, Donna? Akala mo ba paniwalaan ko na ang sasabihin mo?” He smirked.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Natatakot akong sabihin sa kaniya ang totoo. Napatingin ako kay Barbie na ngayo’y matalim na nakatingin sa akin. Hindi ko na nakikilala sa kaniya ang kaibigang kilala ko.

“Na-r*pe ako, Leo! Bikitima ako ng r-r*pe!” Napahagulgol ako ng iyak. “Hindi ko sinasadyang mabuntis! Hindi. Hindi ko ginusto ang lahat. Maniwala ka!”

Nagbago ang ekspresiyon ni Leo na ikinasaya ng puso ko. May nakikita pa akong pag-asa.

“D-Donna—”

“Stop it, Leo! Nagpapaniwala ka sa kaniya? I bet she’s just lying.” Barbie stopped Leo na makalapit sa akin.

“Ano bang pinagsasabi mo, Barbie? Totoo ang sinabi ko! Biktima ako ng r*pe! Leo, believe me—”

“Don’t listen to her. Halata namang nagpapaawa lang siya sa’yo, e.” Tinignan ako ni Barbie nang masama. “Alam mo, Donna, malaki ang pagtingin ko sa’yo pero by listening to your invalid reason, nakakaawa ka na. Like, ginagamit mo ang r*pe na ’yan para paniwalaan ka. Ang cheap mo! Bakit ayaw mong sabihin ang totoo!”

Napailing ako. “Nagsasabi ako nang totoo. Bakit ba ayaw n’yong maniwala?”

“Abort it.”

Natigilan ako at napatingin kay Leo. “W-What?”

“Abort that baby… nang sa gayon ay mapaniwala mo kami.”

Totoo ba ang narinig ko mula sa kaniya? Nanglalaki ang mata ko nang tinignan si Leo. “Leo? A-Anong ibig mong sabihin? Baby ko pa rin ito! Bakit g-ganiyan ka? Napaka-insensitive mo naman.”

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin iyon sa akin. Buhay pa rin ang nasa sinapupunan ko. Wala itong kasalanan sa lahat ng mga nangyayari sa akin.

“See? You can’t abort the baby. Paano kita paniniwalaan?” Biglang naging malamig ang kaniyang tingin na ikinatakot ko. “Ang sabihin mo malandi ka lang—”

Agad ko siyang sinampal. Napapailing ako. Tinignan niya ako nang masama.

“Ikaw pa ba ’yan? Ikaw pa ba ang lalaking minahal ko?” Hindi ako makapaniwala. Tila ibang tao na ang nasa harapan ko ngayon.

Agad siyang ngumisi sa akin na tila hindi naapektuhan sa lahat ng nangyayari ngayon. “Sino ba ako? Ako naman ang lalaking hinding-hindi mo na mauuto pa. Kaano-ano ba kita?”

Napa-atras ako sa sinabi niya. Nanigas ako at hindi makagalaw. Natamaan ako sa tanong niya. Kaano-ano ba niya ako? Ang alam ko lang ay fiance ko siya… two days ago.

Ang tanging nagawa ko lang ngayon ay panuorin silang makalayo sa paningin ko hangga’t nagsara na ang tarangkahan. Nagsara na rin ang lahat para sa akin.

Gusto kong isisi sa dinadala ko ang lahat ng mga nangyayari sa akin pero… ano ba ang nagawa ng bata? Biglang lumitaw sa isip ko ang mukha ng kinasusuklaman ko. Justin Lauro.

Napaangat ang ulo ko nang biglang may bumusina malapit sa akin. Napatingin ako sa isang kotseng nakaparada sa tapat ko. Nakaupo ako sa gilid ng kalsada ngayon.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang side view ng estrangherong nagdala sa akin dito.

Labag man sa kalooban ko ay sumakay ako sa kotse niya. Walang imikang nangyari hangga’t makarating kami sa condominium unit kung saan siya nakatira.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang papunta sa elevator hanggang sa makapasok kami sa kaniyang condo.

“Hindi ibig sabihing pinabalik kita rito ay naaawa ako sa’yo.” Napaangat ang ulo ko nang sabihin iyon ng estranghero. Nakatalikod siya sa akin. “Kinakailangan ko lang ng maid—”

“Maaasahan n’yo po ako sa ganiyang bagay!” masigla kong ani.

Wala na akong nakuhang sagot sa kaniya hanggang sa makapasok siya sa kaniyang silid. Napangiti ako nang mapait. Hinimas ko ang tiyan ko sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung bakit nagbago ang isip niya pero maganda na rin ito kaysa sa wala.

Ito na ba ang sign na makakaya kong malagpasan ang lahat?

•••

“Ano bang pagkaluto nito?” sigaw ni Clive sa akin nang makitang sunog na sunog ang mga pagkaing inihain ko.

“S-Sorry,” Nakayuko kong pagpapaumanhin sa kaniya. Ang dami ko nang nagawang kasalanan ngayong araw.

“Tch!” Inis niyang kinuha ang baso na may lamang juice at bigla niya itong napabuga sa mukha ko nang malasahan ito. “F*ck!”

Napatili ako nang bigla niya itong tinapon sa gilid ko. Nanginginig na ako sa takot. Akala ko pa naman okay lang ang lahat. Mas pinalala ko pa ang pagka-bad mood niya. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit galit na galit siya tapos dinagdagan ko pa ngayon.

“Sorry!” Agad akong umupo sa sahig upang pulutin ang nagkalat na mga basag na bubog ng baso. Hindi ko na rin inabala ang sarli kong punasan ang juice na binugahan niya sa mukha ko.

“Lumayas ka sa harapan ko! Layas!” Malakas niyang sigaw na ikinapikit ko nang mariin. Tila naalog ang eardrums ko sa lakas no’n.

It’s been 2 weeks na ang nakalipas at tuwing gabi lang siya umuwi rito. Napakalamig ng pakikitungo niya sa akin pero ngayon lang ako natakot sa kaniya. Tila pinapalibutan siya ng itim na awra at galit na galit siyang nakatingin sa akin.

Nataranta ako at hindi ko nagawa nang mabuti ang trabaho ko. Nasunog ko na ang lahat ng pagkain, asin pa ang ginamit ko sa juice. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

“O-Opo!” Mabilis kong pinulot ang basag na baso at agad akong pumunta sa basurahan na nasa likuran niya.

Dahil sa pagkataranta ko ay nawalan ako ng balanse at nasugatan ko ang kaniyang braso.

“Hala! Patawarin n’yo po ako!” Mas nataranta ako nang makita ko pang tumulo ang dugo roon.

Agad kong dinukot ang panyo ko na nasa aking bulsa at ilalagay ko sana ang sugat nang malakas niyang hinawakan ang kamay ko at tinulak ako palayo. Napaupo ako sa sahig.

“You’re so stupid!” singhal niya sa akin na ikinaiyak ko.

“S-Sorry. H-Hindi ko sinasadya—” Natigilan ako nang may nakita akong pulang likido na dumaloy sa ibabang hita ko. Nakasuot lang ako ng bestida at nalihis ito sa kalahating legs ko.

Agad nanglaki ang mata ko at napasigaw ako ng iyak nang magsink in sa akin ang nangyayari ngayon. “N-No! M-My baby! My baby! Ahhh! Don’t leave me. N-Nooo!”

Agad akong nataranta. Nanikip ang dibdib ko. Napakasakit!

“B-Buntis ka?” Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin at binuhat ako.

Hindi ko siya pinansin. Nangdidilim na ang panigin ko at tila ito na ang katapusan ko. Nauwi sa wala ang lahat ng paghihirap ko.

Baby! Huwag mo namang iwan si mommy. Mahal ka ni mommy. Ikaw na lang ang meron ako. Please!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status