Flowers started to bloom everywhere. Humahalimuyak ang napakabangong amoy niyon sa buong paligid. Aside from making the whole place beautiful, it also gave colors and life to the whole city. Idagdag pa ang napakasarap na simoy ng hangin. It’s cold but not chilly in Cordoba, Spain. A good time to spend some time outside with a book and good music.“Spring. . .” Huminga nang malalim si Mhia, pagkuwa’y napangiti. Naroon siya sa may bintana at pinanonood ang napakagandang tanawin sa labas.“Hola, preciosa!” (Hello, beautiful!) anang may-edad na lalaking naka-bike at padaan sa kinaroroonan niya.“Buenos días, Augusto! Hoy llegas temprano.” (Good morning, Augusto. You’re early today.) Nginitian ito ni Mhia. Sanay na siya rito na laging bumabati sa kaniya sa umaga. Ilang blocks lang ang layo nito sa tinutuluyan nila sa Cordoba.“Sí. Sí.” (Yes. Yes.) Tumango-tango ito. “I need to go to market early. I. . . I need to buy fresh milk and queso,” dagdag nito na medyo namimilipit pa ang dila sa pa
Mhia was smiling ear to ear while watching Kaia playing on the park. Katatapos lang nilang magsimba at doon nila naisipang magpunta kagaya ng dati. Ang Lola Gloria naman niya ay dumeretso ng palengke pero sinabi nitong antayin nila ito roon.Her daughter was never afraid to strangers. Isa sa mga bagay na ikinababahala niya. Hindi ito ilag sa mga tao, lalo na sa mga batang kagaya nito. Kaia is friendly and lovable. Kaya marami ang natutuwa rito. Palabati rin ito at laging nakangiti. Madaldal na rin kahit madalas ay bulol.“Mama!” tawag nito sa kaniya. May pinulot itong kung ano sa lupa.“Yes, baby.” Mabilis siyang napalapit dito.Ipinakita nito sa kaniya ang pinulot. “Iwan ’to?”Kinuha niya ang nasa kamay nito. Isa iyong blue na wallet na may tatak na Boss. “Yes, baby. Naiwan siguro ng may-ari o baka nahulog niya.” Luminga siya sa paligid. Walang ibang tao roon kun’di sila at ilang mga bata. Ang mga magulang ng mga ito ay nasa isang kainan sa gilid.“Nino ’yan?” tanong ni Kaia sabay ti
Nanlalaki ang mga mata ni Mhia habang titig na titig sa kaharap. Halos hindi rin siya huminga.“Mama. . . Mama. . .”Ang tinig na iyon ni Kaia ang nagpabalik sa kaniyang wisyo.“Huh?” Nilingon niya ang anak na nakatingala sa kaniya.“’Kay lang po ’kaw, Mama?” tanong nito.Natampal niya ang noo. “Yes, baby. Mama is fine,” sagot niya sabay lingon sa nakabangga sa kaniya. Ito naman ngayon ang titig na titig na sa kaniya.Mabilis siyang tumalikod at itinulak ang stroller. Gusto na niya kaagad na makalayo sa lugar na iyon.“Who’s that?” tanong ng kaniyang Lola Gloria nang makalapit sa kanila ni Kaia.Nagkibit siya ng mga balikat. “I don’t know. Let’s go?” yaya niya rito.Tumango ito at kumapit sa braso niya. Kinuha naman niya ang mga pinamili nito at inilagay sa handle ng stroller, saka sila marahang naglakad pauwi. Pagtawid nila sa kabilang lane ay nilingon niyang muli ang lalaking nakabangga. Naroroon pa rin ito at sinusundan sila ng tingin.Mabilis niyang binawi ang mga mata rito.There
Mhia was busy looking on her list while walking on the hallway of the supermarket inside the mall. Araw ng kaniyang pamamalengke kaya naiwan sa kanila sina Lola Gloria at Kaia. Mahirap kasi isama si Kaia aat medyo may kalikutan.“Cheese, pasta, olive oil, tomato sauce, basil. . .” basa niya sa notes na nasa cell phone niya, pagkuwa’y sandaling tumigil at iginala ang mga mata sa paligid.“Hygiene section muna,” aniya sa sarili. Tahimik siyang naglakad papunta roon.Kumuha siya ng tissue, nappies, wipes, at kung ano-ano pang kailangan nilang tatlo. Hindi rin niya nakalimutang kumuha ng alcohol. Pagkatapos doon ay dumeretso naman siya pasta section. Pinili niya ang produktong organic at child friendly. Mahilig kasi si Kaia sa pasta and she wanted the best and healthy food for her daughter.Sunod niyang pinuntahan ang section ng olive oil at tomato sauce. Kumuha siya ng sapat na supply nila bago muling naglakad papunta naman sa meat section.She chose the freshest meat. Iyon ang turo sa k
“Cheers!” malakas na hiyawan ng mga kaibigan ni Skyler habang nakataas ang mga basong may lamang alak. Pumuno ang nilikhang tunog ng mga iyon sa buong paligid.He and his friends were at the Club Zeus, owned by Zhione Vergel. It was located at the fifteenth floor at one of the most prestigious hotels in the Metro. Zhione meticulously chose that kind of place like his any other club. Dahil hindi naman pangmasa ang club na iyon. It was only meant for the high-class people in the society.“Bray, pare, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Lucas Antonio Alvarez Monte Bello sa kaibigan nilang si Brayden Eice Salviejo Fontanilla. Anak ito nina Dra. Eiryhn Salviejo at Dr. Aaron Fontanilla, pamangkin ni Attorney Ethan Salviejo.Brayden was about to get married three days from now. It was his bachelor’s party. At puro mga kaibigan nila ang naroroon.“I’ve never been sure in my life, Lucas,” sagot nito at iginala ang mga mata sa paligid. “Look at our friends, their happily married
“Yes, Jace. I want you to dig more. Pakiramdam ko may hindi pa sinasabi sa akin si Adreianne,” ani Skyler sa kausap sa telepono habang nagmamaneho.“What do you mean, pare? Hindi ba malinaw naman na tama lahat ng sinabi niya sa iyo? She lived like a rat before. Sila ng anak mo. And I couldn’t even imagine how hard that for her knowing she had to took care of your son,” anito.“I know. Pero iba ang pakiramdam ko ngayon.” Sinabayan niya iyin ng paghinga nang malalim.Natahimik ito sa kabila linya.“I just wanted to make sure that she’s not hiding anything from me,” he added.“Hindi sa ganoon, pare. Baka naman isa lang ito sa excuse mo? You know, your marriage is in a verged of falling out. Hindi kaya ginagawa mo lang itong dahilan?”“No!” Mariin siyang umiling. “Alam kong hindi mo ako maiintindihan. But I know what I am doing.”Napabuntonghininga si Jace. “Hindi sa hindi kita naiintindihan. Ang sa akin lang, bakit yata sa halip na ayusin mo ang relasyon ninyo, ganito pa ang ginagawa mo.
Sandaling tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Mhia, kasabay ng pagbagsak ng lug wrench na kaniyang hawak. Ito na ang kinatatakutan niya, ang magkrus muli ang landas nila ni Skyler.Walang makapagsalita sa kanila. Ni ang paghinga nga yata ay hindi nila magawa. They just stared to each other for a long while. Tanging ang malalaking patak ng ulan lamang ang maririnig sa buong paligid. It was as if they were stuck in time, at that very moment. Wala ring gumagalaw kahit isa sa kanila.She quickly surveyed him. Wala pa ring pinagbago. Gaya ng dati, matikas pa rin ang dating nito. At napuna niyang bumalik na ang dati nitong itsura. May bigote, may balbas at may kahabaan na ulit ang buhok. Pero sakto lang ang lahat ng iyon at alam niya kung bakit.His added age never affects him that much. He was still the same man who could take her breath away and made her heart stop beating.Ito pa rin iyon. Si Skyler pa rin ang nananatiling nagmamay-ari ng kaniyang puso.Akala niya matagal pa bago mangyari a
Mariing nagdikit ang mga labi ni Mhia habang nakatingin kay Skyler. “Ano pa nga ba’ng aasahan ko sa iyo? You’ve never really change,” iiling-iling niyang wika. May halong pait ang kaniyang tinig.Kitang-kita niya ang paglabas ng mga ugat nito sa leeg sanhi ng pinipigil nitong galit. “And what do you mean by that?”“You know already what I mean. I don’t need to explain that to you.” Tumingin siya sa labas ng bintana. Mukhang wala na talagang pag-asa pa na tumila ang malakas na ulan. And she didn’t want to be trapped with Skyler. Ni ang lumanghap ng hangin na hinihinga nito ay ayaw niyang mangyari. But she didn’t have any choice.“Really, Mhia? I don’t know what you are talking about,” sarkastikong wika nito.“Yeah! Tell that to marines!” She grabbed the door handle, but Skyler quickly held her hand. Napatingin siya roon. “Let go of me!” Pumiksi siya nang malakas pero mahigpit itong nakahawak sa kaniya. Ang init na nagmumula sa palad nito ay nanulay sa kaniyang mga ugat hanggang sa kani
“Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano
Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat
“Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa
“Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-
“Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi
Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang
Ilang araw ng hindi na halos umuuwi sa kanilang bahay si Skyler. Sinigurado niyang naroon siya lagi sa tabi ni Noah kapag kailangan siya nito.Kinausap siya ni Adreianne. Hindi pa raw nito masabi sa anak nila na siya ang ama nito dahil ayaw raw nitong mabigla si Noah at baka mas lalo lang daw lumala ang sakit nito. At kahit labag sa loob niya ay pumayag naman siya sa kagustuhan ng babae. Subalit binigyan niya lang ito ng isang buwan para itama ang lahat.May asthma kasi si Noah at kapag na-e-excite o nabibigla ito ay na-tr-trigger iyon hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Walang lunas ang sakit na iyon ayon sa mga doktor inirekomenda sa kaniya ni Brayden pero maaari naman daw makontrol. Kakailanganin nga lang daw talaga ng pag-inom ng gamot araw-araw at dapat laging may handang inhaler just in case na bigla itong atakihin. Ibinilin din ng mga doktor na hindi pwedeng sumali sa kahit na anong pangmalakasang sports si Noah. At marami pang iba na hindi naman niya kinalimutan.Nang ar
Skyler drove like a madman. Hindi niya alintana ang malalakas na busina ng mga commuter na nilalagpasan niya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabilis na makarating sa ospital na kinaroroonan ng isa pa niyang anak.Akala niya away babae lang ang magaganap kanina nang sundan niya si Adreianne sa flower shop ni Mhia. Hindi niya alam na marami pala siyang matutuklasan. Para tuloy sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nakapaloob doon. All this time, isang malaking lihim pala ang pilit na itinatago ni Adreianne sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung bakit madalas itong lumabas nitong mga nakaraang buwan. Dahil kung nasa ospital nga ang isa niyang anak, malamang ay roon nagpupunta ang babae.Ang hindi niya makayang tanggapin sa lahat ng ginawa nito ay ang hindi nito nakuhang pagkatiwalaan siya. Na mas ninais nitong ipaubaya ang kapakanan ng kaniyang sariling anak sa ibang lalaki. Ipinamukha nito sa kaniya na isa siyang walang k
Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.“Adreianne!” Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.“Skyler, calm down. . .” awat niya rito. Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.Nag