Share

CHAPTER 34

HMH-34

"May problema ba?"

"B-Boss, ito kasing tatanga-tangang driver na 'to, eh! Biglang humarang sa daraanan namin!"

"Malinaw naman siguro ang dahilan n'ya, 'di ba? Nagkaproblema ang sasakyan n'ya at hindi rin naman niya sinasadya!"

"Hindi ba s'ya 'yung imbitado nina boss sa party lastday, si Mr. Montero?" biglang bulong ng kalalapit na tauhan sa lider ng mga ito.

Pasimpleng sinamaan ito ng tingin ng lider at muling hinarap si Xander.

"Alam ko naman iyon, boss," malumanay na sagot nito. "Kaya lang sana kung may problema pala ang sasakyan n'ya hindi na sana niya inilabas para hindi nakakaperhuwisyo ng iba!" matalim na tinitigan nito ang driver ng humarang na sasakyan sa mga ito.

"Pasensya na po talaga, mga boss," mahinang sagot nito habang nakayuko.

"Sige na," ani Xander. Sinenyasan niya ang mga kasunod niyang tauhan para tulungan ang kawawang driver na maaalis ang nakaharang nitong sasakyan. Ilang minuto lang at muling nakaalis ang mga armado.

"Mga tauhan sila ni Castro, tama ba?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Vhean-nel Bandoqui
haisstt Wala parin po update c yanna at Xander???.
goodnovel comment avatar
Vhean-nel Bandoqui
wala pa po update c yanna at Xander????
goodnovel comment avatar
Puriza Andrade
tagal Ng update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status