HMH-34"May problema ba?" "B-Boss, ito kasing tatanga-tangang driver na 'to, eh! Biglang humarang sa daraanan namin!" "Malinaw naman siguro ang dahilan n'ya, 'di ba? Nagkaproblema ang sasakyan n'ya at hindi rin naman niya sinasadya!" "Hindi ba s'ya 'yung imbitado nina boss sa party lastday, si Mr. Montero?" biglang bulong ng kalalapit na tauhan sa lider ng mga ito.Pasimpleng sinamaan ito ng tingin ng lider at muling hinarap si Xander."Alam ko naman iyon, boss," malumanay na sagot nito. "Kaya lang sana kung may problema pala ang sasakyan n'ya hindi na sana niya inilabas para hindi nakakaperhuwisyo ng iba!" matalim na tinitigan nito ang driver ng humarang na sasakyan sa mga ito."Pasensya na po talaga, mga boss," mahinang sagot nito habang nakayuko."Sige na," ani Xander. Sinenyasan niya ang mga kasunod niyang tauhan para tulungan ang kawawang driver na maaalis ang nakaharang nitong sasakyan. Ilang minuto lang at muling nakaalis ang mga armado."Mga tauhan sila ni Castro, tama ba?"
HMH-35"Mabuti na lang talaga at hindi nila tayo naabutan," ani Ella. "Sabi ko na naman sa inyo, ako talaga ang pakay nila!" singit na sagot ni Kate. Maingat na inaayos ito ni Trisha nang higa. Bahagya pa itong napapangiwi, dahil sa masakit na katawan dala ng mga pasa nito."May dahilan kung bakit ka nila pilit na hinahanap, 'di ba?" ani Ella.Tumango si Kate, bago tumingin kay Yanna."Kung gan'on pwede mong sabihin sa amin kung ano?" muling tanong ni Ella."Huwag na muna natin s'ya pwersahin na magkwento. Kailangan pa niya nang sapat na pahinga," ani Yanna."It's okay! Hindi naman ibig sabihin na ganito na ako ay hindi na tayo pwedeng kumilos. Mas mabuting habang maaga pa makilala na natin sila para hindi tayo nangangapa," sagot ni Kate."So, you will say then?" si Ella muli. "Oo naman! Nangako tayo kay Yanna na tutulungan natin s'ya hanggang sa huli. Hindi tayo pwedeng huminto, ngayon pa ba na may mga lead na tayo?" ani Kate."What do you mean?" kunot-noong tanong ni Dina."Confir
HMH-36Katatapos lang ni Yanna maghanda para makauwi nang biglang sumulpot si Xander sa kanyang shop. May isang linggo na rin na hindi sila nito nagkita mula ng dumalo sila sa isang party. Hindi rin ito tumawag at nangumusta kung ayos lang ba s'ya matapos ang araw na 'yon. "Hi! Pauwi ka na ba?" kaswal na tanong nito na hindi man lang ngumingiti sa kanya. Diretso lang itong nakatitig sa kanyang mga mata kaya kaagad din siyang nag-iwas ng tingin dito. "May importante akong lakad sa ngayon!" Dinampot niya ang kanyang handbag bago muling bumaling dito. "Napadaan ka yata? I'm sorry, pero hindi kita mae-estima ngayon. Isa pa, magsasara na rin ang shop!" ani Yanna saka humakbang palabas."Ganun ba? Kung hindi naman nakaka-abala sa 'yo at sa lakad mo, pwede naman siguro ako'ng sumama, since, maaga pa naman! Kung ayos lang sa 'yo?" muling sabi ni Xander."Ah, siguro sa ibang araw na lang muna! Since, baka hindi rin kumportable 'yung taong kausap ko kung may kasama ako.""Umm, okay! Siguro fr
HMH-37"Shall we?" nakangiting tanong ni Xander pagbungad nito sa shop ni Yanna. Kasalukuyan pa lamang nagsisinop ng gamit niya ang dalaga.Napasimangot at napairap dito si Yanna. Talagang mukhang inagahan yata nito ang pagpunta para asarin na naman s'ya. "Masyado naman yatang napa-aga ang dating mo?" Sumulyap siya sa relong nakapatong sa ibabaw ng mesa niya. Halos dalawampu't tatlong minuto pa bago mag-alas-sais ng hapon."Baka lang kasi biglang magbago ang isip mo at indyanin mo ang usapan natin," Kibitbalikat na sagot nito at inikot ang tingin sa paligid."Gan'on na lang ba kababaw ang tingin mo sa 'kin, walang isang salita?" nadismayang tanong niya at ipinagpatuloy ang pagsisinop."Ofcourse not! Alam ko naman na maayos kang kausap. At hindi mo matitiis na tikisin ako!" nakakalokong ngumiti at kumindat pa ito sa kanya.Napangangang napailing si Yanna, "Hindi ka rin naman presko, ano? Ngayon ko lang nalaman na mapagbuhat ka rin pala ng sariling bangko!" nang-aasar niyang tugon. K
HMH-38Napabaling ang tingin nina Xander at Yanna rito. Mayamaya ay kibitbalikat na tumugon si Yanna habang sandaling tinapunan ng tingin si Xander."Sure you can! It's nice to see you here!" At muling bumaling kay Xander, "Since, mag-isa lang naman s'ya, hindi naman siguro-""Actually, I'm with someone!" putol nito sa sinasabi ni Yanna."Aliza!" tawag ng lalaking palapit dito. Ngunit sandali rin natigilan nang mapansin si Yanna. "Yes, honey! Come on! Look who's here! We can dine with them!" Tawag dito ni Aliza, saka muling binalingan si Yanna, "Yanna, invite us, 'di ba?"Walang salitang nginitian lang ito ni Yanna. Sandaling tumayo si Xander at walang imik na muling naupo sa tabi ni Yanna. Napansin tuloy ni Yanna ang biglang pagsimangot ni Aliza at mabilis na naupo.Alanganin naman na lumapit si Carl at humila ng sariling upuan. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang apat. Panay ang pailalim na sulyap ni Carl kay Xander.Kaagad na tumawag ng waiter si Aliza at um-order."Long tim
HMH-39"WHAT did you say?" ulit na tanong ni Yanna. Gusto niyang makasigurado na tama ang kanyang narinig mula rito."Hindi pa ba sapat na proof sa 'yo na makitang nakaka-usap niya ang mga taong nanloob mismo sa shop mo? They have a conversation, so, hindi rin malayo na may sabwatang naganap sa kanila. Do you really know them?""Bakit mo naman naitanong? Natural na kaibigan ko s'ya kaya kilala ko!" Sagot ni Yanna na pinag-krus ang braso sa harapan ng niya."Maybe? But not that much?"Natawa ng pagak si Yanna, "Parang sinabi mo na rin na kaibigan ko nga s'ya pero wala akong alam sa real life niya! At ikaw na hindi naman related sa kanya ang mas may higit na nalalaman sa kung sino s'ya? Nakakatawa! Are you investigating her? Or undermining our friendship?" nang-uuyam na tanong niya rito. "Why should I do that? I don't care who your friends are! All I must say is check them first or where they come from a-""Is that also you did to me? Have you checked my background?"Biglang kumunot an
HMH-40NAPAPIKIT nang mariin si Yanna. Naramdaman na lamang niya ang biglang pagtapon ng katawan niya sa kung saan habang may mahigpit na nakapulupot sa kanyang buong katawan. Kasunod ang pagbagsak niya, hindi sa lupa kundi sa malambot na bagay. Sunod-sunod na busina ang tila nakapagpabalik sa kanya sa tamang huwisyo. At saka pa lamang na-realize na nakadapa siya sa malapad na katawan ng kung sino. Dama niya ang malakas at mabilis na tibok ng puso nito. Pamilyar din sa kanya ang amoy ng gamit nitong pabango."Oh, God, thanks your safe! Nasaktan ka ba?" anas nito.Mabilis na napa-angat siya para bumangon ng makilala kung sino ito."Thank you!" ani Yanna na kaagad pinagpag ang sarili."Ouch!" Daing ni Xander nang akmang babangon ito at makaramdam ng sakit sa katawan. May mga bahagyang galos din ito na natamo, dahil sa magaspang na semento. Kaagad itong napansin ni Yanna kaya mabilis na dinaluhan ito, "Are you hurt?" nag-aalalang tanong niya."Hindi naman gaano, basta ang mahalaga hindi
HMH-41Halos isang linggo na mula ng ihatid si Yanna ni Xander sa kanyang tahanan at hindi pa rin ito nagpapakita. Palaisipan pa rin sa kanya ang inakto nito nang huli silang magkita. At dahil palaging abala ay nawala rin ito sa kanyang isip at inabala ang sarili sa ibang bagay.Habang naghahanda papasok sa kanyang shop, nag-ring ang kanyang phone.["Malapit na ang party sa mansyon ng mga Castro. Sigurado ka na ba na matutuloy ang plano? They are preparing now for the event."] ani Trisha sa kabilang linya."Yes, tuloy ang plano natin. Make sure na nakahanda ang lahat ng kakailanganin natin para makapasok sa kanila," pinal na sagot ni Yanna.["Nakausap mo na ba si Xander?"]"Not yet! Hindi pa nagpapakita ang kumag na 'yon sa akin," aniya.["May nangyari ba na hindi namin alam?"] "I'm not sure, kung may dapat ba ako'ng ipagduda sa kilos n'ya sa huling pagkikita namin. Pero sisiguraduhin ko na malalaman ko rin,"["Be careful, hindi basta-basta si Xander."]"I know that, but anyway, than