"N-No. Hindi ako papayag."Nangilid ang luha sa mga mata ni Hexy sa sinabi ni Maverick. Umiling pa si Maverick nang hindi siya pumayag."Pero, Mavs—""Akala ko ba naiintindihan mo ang sitwasyon natin, Hexy? I thought you wouldn't leave me?" Naiiyak na sambit ni Maverick."P-Pansamantala lang naman 'to, Mavs. Kailangan natin ng oras para sa mga sarili natin. Ayokong isakripisyo mo 'yong oras mo sa'kin, na dapat ay sa trabaho mo. Napapagod na rin kasi ako kakahintay," gumagaralgal ang boses na saad ni Hexy. Napaiwas naman ng tingin si Maverick at mabilis na pinunasan ang kaniyang mga luha saka ibinalik ang paningin kay Hexy.Nanikip naman ang dibdib ni Hexy nang makitang naluluha pa rin ito."Is that how you really feel? Na napapagod ka na sa'kin?" Tanong ni Maverick at pilit na pinapakalma ang sarili."H-Hindi. Hindi ako napapagod sa'yo. Napapagod lang ako sa sitwasyon natin. Marami na akong hindi nasasabi sa'yo. Ayokong madagdagan ang iniisip mo dahil lang sa nararamdaman ko."Tumang
"A-Ano po'ng ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong nang makita ang kaniyang ama."Nasaan si Harold?" Tanong naman nito.Napalunok naman si Hexy saka umayos ng tayo."N-Nasa loob po. Si Joaquin po pala, kaibigan namin ni Harold," pagpapakilala niya. Tumayo naman si Joaquin at tumabi kay Hexy.Tumingin naman si Avian sa kaniya."Oo. Sinabi na ni Harold sa akin na may kaibigan kayo," saad nito.Ngumiti naman si Joaquin saka inayos ang mga kalat nila sa lamesa.Hindi naman alam ni Hexy ang kaniyang sasabihin kaya napatingin na lang siya sa kaniyang ama na may bitbit na backpack."Puwede ba kitang makausap?" Sambit nito.Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy nang maalala ang sinabi niya kanina. Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang unti-unting nawala ang kaniyang kalasingan."S-Sige po."Naupo naman sila kaya nag-excuse naman si Joaquin na pupuntahan si Harold sa loob."Ayoko sanang makiusap sa'yo," panimula ng kaniyang ama.Tumango naman siya. Nakaramdam siya ng hiya nang m
Napalunok si Hexy nang makitang seryoso si Maverick kahit hindi magkasalubong ang mga kilay nito.Dumating siya kasama ni Donna at tatlo pang tauhan nila.Halata namang nagulat si Donna sa sinabi ni Maverick. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kina Maverick at Hexy.Napangisi naman si Joaquin sa hindi kalayuan habang tinitignan ang reaksyon ni Donna pati na ang mga nakikinig.Luminga-linga si Hexy at napansing lahat ng mga guests nila ay nakasuot ng office attire."Ibig sabihin..."Hindi niya naituloy ang sasabihin at namasa na naman ang kaniyang mga palad nang ma-realize na mga empleyado iyon nina Maverick."What are you waiting for? Tapusin mo na ang kinakain mo, dahil tapos ka na rin sa trabaho mo. Kayo rin," turo ni Maverick sa kasama ng lalake.Napanganga naman si Hexy."And you," baling ni Maverick sa babaeng nanulak kay Hexy kanina.Nanlaki naman lalo ang mga mata nito nang ituro siya ni Maverick."P-Po?""I know what you did to my girlfriend. The four of you, arrange your things
Bago magpakita ni Maverick kay Hexy ay hindi naging madali sa kaniya iyon, lalo na ang pansamantalang paghihiwalay nila."I'm sorry, son. If I hadn't had problems with my health, hindi ka sana pupunta sa Australia," wika ni Maximus habang nakaupo sila sa kanilang sasakyan papunta sa airport."Okay lang, 'Pa. Just watch your health. Ilang araw lang naman ako ro'n. Wala naman akong masyadong gagawin. I will also look for someone to help the person you appointed so that he will not have difficulty in his work," sabi ni Maverick."Nagpaalam ka ba kay Hexy?" Hindi naman nakaimik si Maverick at napatingin sa labas ng bintana."I called Joaquin and Harold. Alam kong hindi pa siya okay. I don't want to disturb her. She was right when she said that we need time for ourselves," sabi ni Maverick."I feel guilty. I feel like it's my fault that she broke up with you. Sa trabaho mo na lang kasi ang buong atensyon mo," saad ni Maximus.Napalingon naman si Maverick sa kaniya."Okay lang, 'Pa. Alam k
Napakunot-noo si Hexy at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Hannah."Ano 'yon?" Tanong niya.Naglakad naman ang kaniyang ate papunta sa upuan sa gilid ng kanilang bahay kaya sumunod naman siya."M-May kasalanan ako," panimula ni Hannah at hindi makatingin sa mga mata ni Hexy."Ano na naman ba ang ginawa mo, ate? Sa'kin ba?" Hindi naman nagbago ang magkasalubong na kilay niya."H-Hindi sa'yo. Kay Mama. Walang-wala kasi ako noon. K-Kumuha ako ng pera sa puwesto niya. Bago pa siya magkasakit, kaya wala siyang nagamit sa hospital," nahihiyang sambit ni Hannah."Ano? Bakit? Para saan?" Pigil-galit na tanong ni Hexy at napakuyom ang kaniyang mga palad."Naghanap ako ng trabaho. K-Kaso hindi rin naman ako nakuha kahit madami na akong gastos, tsaka binayaran ko ang mga utang ko," sagot ng kaniyang ate saka napatingin sa kaniya.Bumuntong-hininga naman si Hexy."Nahihiya kasi ako sa'yo," dagdag pa ni Hannah. Nagbago naman ang ekspresyon ni Hexy sa kaniyang mukha."Baliw! Sa'
Nanlaki ang mga mata ni Joaquin sa gulat sa sinabi ni Hexy at agad na tumingin doon sa tinitignan niya kanina.Hindi na siya napigilan ni Hexy nang patakbo siyang lumapit sa gawing iyon at sinuri ang paligid."Wala namang tao rito," sabi ni Joaquin.Hindi naman umalis si Hexy sa kaniyang kinatatayuan habang nanginginig ang mga kamay at tuhod."H-Hindi. Parang nakita ko siya. Hindi ako nagkakamali," sambit niya. Agad namang lumapit sa kaniya si Joaquin."What's happening?"Napatigil sila nang dumating sina Maverick at Harold.Hindi naman nakasagot si Hexy."She said she saw Brix earlier," sagot naman ni Joaquin."What?"Agad na tumabi si Maverick kay Hexy at mahigpit na inakbayan ito."P-Pakiramdam ko ay siya 'yon. Nagkatitigan pa nga kami, eh," kinakabahang saad ni Hexy."Hindi ba ay nasa kulungan na siya, ate?" Tanong ni Harold.Tumango naman si Hexy."Kailangan nating makasigurado. We need to call Joyce," wika ni Maverick. Napalunok si Hexy at paulit-ulit na inisip ang mukha ng nak
Ilang segundong nagkatitigan sina Hexy at Maverick habang nakaluhod ito sa harapan niya. Hindi napigilan ni Hexy ang panginginig ng kaniyang mga kamay at pilit na iniisip kung totoo bang nangyayari ito.Nag-flashback sa kaniyang isipan iyong unang araw na nakita niya si Maverick noong high school pa lamang sila. Napangiti siya agad noon at biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Sigurado na siyang si Maverick na ang kaniyang mamahalin sa tagpong iyon kahit imposibleng magustuhan siya nito.Tumulo ang luha ni Hexy saka dahan-dahang tumango."Y-Yes, Maverick."Naluha naman si Maverick saka hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay bago inilagay ang singsing.Agad na tumayo si Maverick at niyakap si Hexy. Mas lalo namang napaiyak si Hexy."I love you, babe. I love you so much," lumuluhang sambit ni Maverick.Hinigpitan naman ni Hexy ang pagkakayakap sa kaniya."I-I love you more, babe. Mahal na mahal kita," sagot niya."M-Magiging asawa na kita," wika ni Maverick saka tinignan ang mukh
Matapos ang ilang segundo nilang pagtititigan ay napangiti si Hexy at naluha.Napangiti naman si Aldrin sa kaniya saka iniabot ang bouquet."B-Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ni Hexy saka mabilis na kinuha ang bulaklak at niyakap siya nang mahigpit."Nahihiya akong magpakita sa'yo," sagot ni Aldrin nang bumitaw ito sa kaniya.Pinunasan naman ni Hexy ang kaniyang luha."Okay na ang lahat, Aldrin.""Sinabi sa akin ni Joyce na okay na kayo. I planned to talk to you before, kaso baka kung ano pa ang gawin ni Maverick sa akin. Ngayon pa na kayong dalawa na talaga," nakangiting sambit ni Aldrin."Madami siyang naitulong sa amin. Lalo na 'yong mga tungkol kay Brix. Tsaka huwag kang mag-alala kay Mavs," sagot ni Hexy.Tumango-tango naman si Aldrin."Pumasok ka na. Nandiyan din sa loob sina Shantal at Rio," aya ni Hexy sa kaniya.Binalikan naman ni Aldrin sa kaniyang sasakyan ang dala niyang mga pagkain saka sumunod kay Hexy. "Oh my God! Is that you, Aldrin?" Eksaheradang sabi ni Shan