Agad na pumunta sina Hexy sa hospital kung saan naroon ang kanilang ama. Habang naglalakad sila papasok ay hindi maiwasan ni Hexy ang hindi makahinga dahil sa kakaiyak. Inakbayan naman siya ni Harold habang papunta sila sa gawi ng kanilang inang naghihintay. Napatakip si Hexy sa kaniyang bibig nang makitang nakaupo ang kaniyang ina at hindi umiimik. Duguan ang damit nito habang nakatingin sa kawalan. "M-Mama," sambit ni Harold. Agad naman itong napatingin sa kanila. Nasa tabi nito si Hannah na patuloy ang pagbuhos ng mga luha. Tumayo ang kanilang ina at mabilis na yumakap sa kanila. Doon lang ito napaiyak at nanginginig ang mga kamay na humawak sa kanila. "A-Ano'ng nangyari, Mama?" Tanong ni Hexy nang bumitaw ito sa kanila. "N-Nakita ko na lang siyang nakahandusay. Nasa harap kami ng puwesto. Hindi siya hinintuan ng nakasagasa sa kaniya. Hanggang ngayon ay h-hindi ko pa alam kung kumusta na ang ama ninyo," sagot nito at bahagyang naupo. Hindi naman sila nakapagsalita. Mas lal
Bago pa man makalapit si Hexy sa lalake ay nauna na si Hannah. Agad niya itong sinampal, dahilan upang hawakan siya ng mga pulis na nandoon.Binata pa ang lalake at may mga sugat sa katawan."Pinatay mo si Papa! Walang-hiya ka!" Sigaw ni Hannah habang itinuturo ang lalake. Hindi naman umimik ang lalake. Umiiyak ito at humihikbing nakatingin sa kanila."Hindi kita mapapatawad!"Patuloy naman sa pag-iyak sina Harold at Hexy habang patuloy na dinuduro ni Hannah ang suspek sa pagpatay sa kanilang ama.Nang matapos si Hannah ay lumapit si Hexy, pinigilan siya ni Maverick ngunit tinanggal lang niya ang pagkakahawak nito sa kaniya."B-Bakit mo pinatay si Papa? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Tanong ni Hexy nang makalapit siya sa lalake.Umiling naman ang lalake."P-Pasensya na po. Lasing lang po ako noon. Hindi ko po siya kilala.""Hindi ka ba nakonsensya na baka may uuwian pa ang nabangga mo? Hindi mo ba naisip 'yon?" Humihikbing tanong ni Hexy.Hindi naman umimik ang lalake at patuloy
Nanlaki ang mga mata ni Hexy at hindi agad nakapagsalita dahil sa sinabi ni Joyce sa kaniya.Biglang nanginig ang kaniyang mga kamay at naalala ang mga ginawa ni Brix sa kaniya.Bumilis ang tibok ng puso niya at nanginginig ang mga tuhod na tumayo."Hello, Hexy? Are you still there?" Tanong ni Joyce mula sa kabilang linya.Napalunok si Hexy bago sumagot."K-Kailan pa siya nakalabas? Paano?" Kabadong tanong niya."Ang sinabi nila sa'kin ay noong isang araw pa. It was late at night when he left the jail. Hindi ko alam kung paano siya nakalabas. Wala rin daw alam si Tito," sagot ni Joyce. Umiling-iling si Hexy at naalala si Maverick."Hindi ko agad nasabi sa'yo kanina, baka kasi magulat ka. Your father just died," dagdag pa ni Joyce."S-Salamat at sinabi mo sa akin. Natatakot lang ako ngayon na baka kung ano ang gawin niya sa amin," wika ni Hexy."Don't worry, magpapadala ako ng security hanggang sa mailibing ang Papa mo," saad ni Joyce.Nang matapos ang pag-uusap nina Joyce at Hexy ay
Nagpumiglas si Hexy at agad na itinulak si Brix. Napaatras siya nang bahagya nang makumpirmang si Brix nga iyon.Bagong gupit ito at nakasuot lang ng t-shirt at pantalon."L-Lumayo ka sa'kin," natatakot na sambit ni Hexy at tinakpan ang kaniyang sarili. Humakbang palapit si Brix sa kaniya kaya agad niyang kinapa ang kaniyang bag ngunit bigo siyang mahanap ang kaniyang self-defense kit.Napalunok siya at tumingin sa mga mata ni Brix."I have no bad intentions towards you, Hexy. The things I did before, I regret all of those. Nagbago na ako," wika nito.Umiling-iling naman si Hexy."Wala na akong tiwala sa'yo, Brix. Baka nga hindi ko alam na ikaw ang nag-utos sa lalakeng nasa kulungan para sagasaan ang Papa ko," naluluhang sambit ni Hexy.Napakunot-noo naman ito."No! Hindi ako mamamatay-tao.""Ano'ng hindi? Hindi ba't binaril mo si Maverick? Marami ka nang ginawang masama sa'kin, sa tingin mo ay maniniwala pa ako sa'yo? Lalo na 'yong tangkang pagpapa-kidnap sa'kin, para saan 'yon? Pa
Nanlaki ang mga mata nina Hexy nang marinig ang sinabi ni Brix. Napatakip si Hexy sa kaniyang bibig at namuo ang kaniyang mga luha dahil hindi niya inakalang kayang gawin iyon ni Vanessa."N-No. Hindi niya kayang gawin—""She already did! We have been looking for justice for what happened to Mommy for a long time, and all these time, she's the murderer!" Sigaw ni Brix saka bumuhos ang kaniyang mga luha.Hindi naman nakaimik si Aldrin dahil sa pagkabigla."Sh*t. Nakakatakot si Vanessa," mahinang sabi ni Shantal.Umiling-iling naman si Hexy at pilit kinukumbinsi ang sariling hindi iyon totoo.Ilang minuto silang natahimik at pilit na iniintindi pa rin ang mga nangyayari."P-Paanong...Paano niya nagawa iyon?" Tanong ni Aldrin habang naluluha ito.Napalunok naman si Brix saka kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang mga nalaman."M-Matagal na kaming magkakilala ni Vanessa. Ipinakilala ko siya nang palihim kay Mommy. They weren't close, but I thought she accepted my Mom. Before she died,
Hindi nakaimik si Hexy at naramdaman niya ang sariling nanghina.Napatili si Shantal saka siya niyakap nang mahigpit. Nang kumalas ito sa kaniya ay abot-tainga ang ngiti nito habang tinitignan ang pregnancy test ni Hexy.Napaupo naman si Hexy sa kama at biglang namuo ang kaniyang mga luha.Napansin naman ni Shantal ang pananahimik niya kaya agad niyang ibinaba ang pregnancy test at pumunta sa harap nito."Congratulations! Magiging Mommy ka na," sambit ni Shantal habang naluluha.Hindi naman nagsalita si Hexy at tumingin lang sa kaniya."Hoy! Ano ba? Aren't you happy? Kasi ako, sobrang excited ako para sa'yo," nakangiting dagdag pa ni Shantal saka hinawakan ang mga kamay ni Hexy.Ngumiti naman si Hexy saka bumitaw sa kaniya at hinawakan ang kaniyang tiyan. "N-Nagulat lang ako. Masayang-masaya ako. Kaso parang natatakot ako."Napakunot-noo naman si Shantal."Why?""Hindi ko alam kung kaya ko ba ang maging ina. Kung magiging mabuti ba akong ina. H-Hindi ko rin alam kung paano sasabihin
"Hexy? Are you awake?" Napakunot-noo si Hexy habang nagmumulat ng kaniyang mga mata.Ilang segundo siyang natulala bago tumingin kay Joaquin na nasa kaniyang tabi."Yeah, you're home," sambit nito. Naupo naman si Hexy sa kaniyang kama saka napahawak sa kaniyang ulo."Paano ako nakarating dito?" Takang tanong niya.Huminga naman nang malalim si Joaquin saka tumayo at sinuri ang loob ng kuwarto ni Hexy."Habang nag-seserve ako ay bigla akong tinawag ni Brix," saad niya."A-Ano? May sasabihin nga dapat siya sa'kin, pero hinatak niya kasi ako," wika ni Hexy habang inaalala ang nangyari."That's true. Then suddenly you lost consciousness. Brix put you in his car, tapos tinawagan niya ako. Sinabi niyang iuwi na kita kasi mukhang masama raw ang pakiramdam mo. And don't worry, si Tita ang nagpalit ng damit mo," sambit ni Joaquin saka tumingin sa kaniya."G-Ginawa niya 'yon?"Tumango naman si Joaquin."I was also surprised, because that was a perfect time for him to kidnap you."Hindi naman
Umiling-iling si Hexy dahil hindi ito naniniwala. Napaluha siya nang ipinakita nila sa balita ang sasakyan ni Brandon. Sa upuan nito ay kitang-kita nila ang dugong kumalat mula roon."H-Hexy," tawag ni Shantal sa kaniya.Agad namang tinabihan ni Hannah ang kaniyang kapatid."Kumalma ka, Avory, baka kung ano'ng mangyari sa bata," saad nito saka hinawakan ang likod ni Hexy."N-Nakausap pa lang namin siya ni Mavs kahapon," nanginginig na sambit ni Hexy habang umiiyak."Walang mangyayaring masama, Hexy," pagpapakalma naman ni Rio sa kaniya ngunit hindi pa rin nito napigilan ang kaniyang pag-iyak.Napatigil naman sila nang marinig nilang bumukas ang pintuan."Hexy, let's go," tawag ni Maverick sa kaniya. Nagpunas naman agad ng luha si Hexy saka siya tumayo.Agad siya nitong niyakap nang makalapit siya. Hinaplos ni Maverick ang likod ni Hexy habang umiiyak ito."N-Napanuod namin sa balita. Nakita mo na ba?" Tanong ni Hexy nang kumalas siya sa kanilang yakapan."Yeah. Katatapos lang ng meeti