Napaawang ang bibig ni Hexy at napatingin sa bahid ng dugo malapit sa pintuan. "Paanong nawawala? Nandito lang siya kanina. Kumain pa nga kami, eh," wika ni Hexy saka naglakad patungo sa lamesang kinainan nila kanina. Napakunot-noo si Hexy saka sinuri ang inupuan ni Brix. "They said na walang nagbantay sa kaniya kanina kasi ni-request daw niyang mapag-isa habang hinihintay ka. Hinahanap na siya ng mga tauhan nila. Was he fine when you talked to him?" Tanong ni Maverick habang nakatingin sa kaniya. "Oo. Marami pa nga siyang nakain. Hindi kaya lumabas lang siya para magpahangin?" "At walang nakapansin? And they said na biglang hindi nag-wowork ang mga CCTV dito. Baka may pumasok," sambit ni Maverick. Napatingin naman si Hexy sa paligid. "Gano'n naman ang mga evidence kung kailan kailangan nila," komento ni Hexy. "Nakita na ba nila 'yong dugo sa may pintuan? Paniguradong sa kaniya 'yon. Baka nasugat siya tapos tumakbo siya palabas," tanong pa niya. "If he has a wound, bakit hindi
Napatakip si Hexy sa kaniyang bibig at iniwasang gumawa ng ingay matapos marinig ang sinabi ni Maverick. Patuloy na bumuhos ang kaniyang mga luha. Umiling-iling siya saka inisip nang paulit-ulit ang kaniyang mga narinig at kung paanong seryosong nakipag-usap si Maverick. Ilang segundo lang ang nakalipas ay huminga siya nang malalim saka pinunasan ang kaniyang mga luha. Pinilit niyang nilakasan ang kaniyang loob saka naglakad papasok sa loob. Nadatnan naman niyang mag-isa si Brix sa gilid at nakatingin sa mga tao ro'n. "B-Brix, mauna na ako," wika niya nang makalapit siya saka niya pinilit ang ngumiti. Tumingin naman si Brix sa kaniya at napakunot-noo ito."Are you okay?" Tanong ni Brix. "O-Oo, medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Stressed lang sa trabaho," pagpapalusot ni Hexy. "What about Maverick? Where is he?" Tanong ni Brix saka tumingin sa likod ni Hexy. Hindi naman nakaimik si Hexy saka umiwas ng tingin. "M-Maiiwan muna siya. May...M-May kausap kasi siya." Pinigilan na
"Mavs, ano? Saan ka nanggaling?" Pag-uulit ni Hexy nang hindi ito sumagot sa kaniya.Kitang-kita naman niya mula sa ilaw sa labas ang paglunok ni Maverick.Nagulat siya nang bigla siyang hatakin ni Maverick papasok sa loob ng bahay."H-Hexy, ayusin mo ang mga gamit niyo nina Tita. We need to go," biglaang sambit ni Maverick habang papunta sila sa hagdanan.Napakunot-noo naman si Hexy at napatingin sa likod ni Maverick."A-Ano'ng nangyayari?""Basta, sige na—"Hindi natapos ni Maverick ang sasabihin nang huminto si Hexy sa paglalakad at napatigil din siya."Ano ngang nangyayari?" May halong irita sa boses ni Hexy dahil hindi ito sumasagot."We need to live far away," sagot ni Maverick saka ito lumingon sa kaniya habang nakahawak pa rin sa kaniyang kamay."May nagawa ka ba? Kailangan mo bang magtago kaya pati kami ay lalayo?" Tanong ni Hexy. Hindi naman umimik si Maverick at patuloy lang itong nakatingin sa kaniya.Sinuri naman ni Hexy ang mukha ni Maverick at ang katawan nito.Napatak
"Excuse me, Miss. Nandiyan ba si Maverick?" Tanong ni Joaquin nang makapasok sila sa building na pagmamay-ari nina Maximus. Nakatayo silang dalawa ni Hexy sa labas ng office ni Maverick kung saan nakapuwesto ang table ng secretary nito ngunit wala ito roon. "I'm sorry, Sir. Pero lumabas po silang dalawa ng secretary niya," sagot ng babae. Tumango naman si Joaquin kaya umalis na ito sa harapan nila. "W-Wala raw siya, Hex," baling ni Joaquin kay Hexy. Nakakuyom naman ang mga palad nito ngunit mukha pa rin itong kalmado. "Alam kong lalake ang secretary niya, pero bakit may kasama siyang babae kaninang nakita mo?" Kalmadong saad ni Hexy habang nakatingin sa pintuan ng opisina ni Maverick. Napalunok naman si Joaquin."Baka katrabaho niya?" Nag-aalangang saad nito. "Katrabaho? Hindi ba sinabi mo kaninang nakahawak ang babae sa baywang ni Maverick? Ang sweet naman ng katrabaho niyang iyon," wika ni Hexy. "S-Sana pala ay—" Hindi na naituloy ni Joaquin ang sasabihin nang umalis na sa ta
Natulala si Hexy at pinunasan ang kaniyang mga mata saka umiwas ng tingin. "Why are you here all alone? And you're pregnant? Hindi ka dapat mag-isang umaalis," wika ni Brix saka niya inabutan ng panyo si Hexy. Nagdalawang-isip naman ito, ngunit kinuha niya rin at ipinangpunas sa kaniyang luha. Hindi pa rin siya nagsasalita saka pinigilan ang kaniyang paghikbi. "Bibisitahin ko si Mommy. Why are you here? Mukhang hindi mo naman kakilala ang nasa puntod," dagdag pa ni Brix saka napatingin sa puntod sa harapan ni Hexy. Napatingin naman doon si Hexy saka siya dahan-dahang tumayo. "A-Aalis na ako," saad ni Hexy. Tumalikod na siya agad at tinakpan ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi. Muntik pa siyang matumba habang naglalakad kaya agad siyang nilapitan ni Brix. "Are you okay? I'll take you home," sambit nito saka hinawakan ang kaliwang braso nito at nagpunta sa kaniyang harapan. Binawi naman ni Hexy ang kaniyang braso saka siya umiling. "A-Ayoko. Hindi ako sigurad
Nanginginig ang mga kamay ni Hexy habang nakahawak sa kaniyang bibig. Lakad-takbo ang ginagawa nila ni Joaquin habang papunta sa kuwarto kung nasaan si Maverick."I just found out this morning, pero ang sinabi ni Tito ay kaninang madaling-araw siyang nadisgrasya. His car crashed into a concrete barrier. M-May kasama raw siya, pero sa ibang hospital daw dinala. Tito doesn't know," wika ni Joaquin nang makarating sila sa harap ng kuwarto.Napalunok si Hexy at ilang beses na pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi.Umiling-iling siya at hinawakan ang kaniyang ulo."And no, it's not your fault, Hex," pagpapakalma sa kaniya ni Joaquin at hinaplos ang likod nito."N-Nagkasagutan kasi kami kagabi," saad ni Hexy."You can talk to him again. Maaari mo na raw siyang makausap," sambit ni Joaquin.Tumango naman si Hexy. Huminga siya nang malalim saka pumasok sa loob. Naiwan naman si Joaquin sa labas.Napalunok siya nang makitang nakahiga si Maverick at may benda ang balikat nito. May mga sugat
Biglang pumatak ang luha ni Hexy at napalunok. Napayuko siya saka pinunasan ang kaniyang luha gamit ang panyong ibinigay ni Joaquin."Wait. If that's true, baka nagkakamali ka ng hinala, Hex?" Baling ni Shantal sa kaniya habang nakakunot-noo.Umiling naman si Hexy saka inayos ang sarili at tumingin sa kanila."N-Nakita ko rin siyang may kayakap sa harap ng puntod ni Tita, at may mga ebidensya rin na may babae siya. K-Kaya naisip kong ako na lang mag-isa ang bahala sa anak ko."Napabuntong-hininga naman sila saka umiling-iling."For now, you need to stay away from Maverick. Hindi na rin namin siya nakakausap. Akala namin ay busy lang siya sa work," sambit ni Aldrin."Busy from other woman," dagdag naman ni Shantal saka nag-roll eyes.Nagprisinta naman sina Hannah ang kanilang ina na magligpit na roon.Lumipat naman sila sa gilid ng bahay kung saan may maliit na garden."Sobrang painful ng mga nangyayari sa'yo. I feel like lagi kang niloloko. I'm guilty, too. I'm sorry, Hex," saad ni Sh
"A-Avory?"Nagmulat ng mga mata si Hexy at agad niyang nakita sa tabi niya ang kaniyang ate.Ilang segundo niyang inalala kung ano'ng nangyari at biglang tumulo ang kaniyang luha saka hinawakan ang kaniyang tiyan."'Y-Yong baby ko," umiiyak niyang sambit."Ligtas ang baby mo, Hex," sambit ni Joaquin. Napatingin naman si Hexy sa kaniya."How are you feeling?" Tanong nito habang nakatayo sa gilid ng kaniyang kama. "O-Okay lang ako. Sina Shantal, nasaan?""Sinamahan niya sina Tita na bumili ng pagkain kasama si Rio," sagot naman ni Aldrin.Napahawak si Hexy sa kaniyang ulo at napapikit."Nahuli niyo ba ang mga lalakeng 'yon?"Umiling naman si Joaquin."Hindi pa sa ngayon. Pero hindi pwedeng hindi natin malaman kung sino sila.""Eh, kayo, ayos lang ba kayo?" Tanong ni Hexy saka niya pinilit maupo kaya siya inalalayan ni Hannah."Binigyan na nila kami ng first aid kanina. Sana nga ay hindi na maulit 'to. We need to make sure you are safe at all times," saad ni Aldrin. "Nandito na ang foo