Biglang pumatak ang luha ni Hexy at napalunok. Napayuko siya saka pinunasan ang kaniyang luha gamit ang panyong ibinigay ni Joaquin."Wait. If that's true, baka nagkakamali ka ng hinala, Hex?" Baling ni Shantal sa kaniya habang nakakunot-noo.Umiling naman si Hexy saka inayos ang sarili at tumingin sa kanila."N-Nakita ko rin siyang may kayakap sa harap ng puntod ni Tita, at may mga ebidensya rin na may babae siya. K-Kaya naisip kong ako na lang mag-isa ang bahala sa anak ko."Napabuntong-hininga naman sila saka umiling-iling."For now, you need to stay away from Maverick. Hindi na rin namin siya nakakausap. Akala namin ay busy lang siya sa work," sambit ni Aldrin."Busy from other woman," dagdag naman ni Shantal saka nag-roll eyes.Nagprisinta naman sina Hannah ang kanilang ina na magligpit na roon.Lumipat naman sila sa gilid ng bahay kung saan may maliit na garden."Sobrang painful ng mga nangyayari sa'yo. I feel like lagi kang niloloko. I'm guilty, too. I'm sorry, Hex," saad ni Sh
"A-Avory?"Nagmulat ng mga mata si Hexy at agad niyang nakita sa tabi niya ang kaniyang ate.Ilang segundo niyang inalala kung ano'ng nangyari at biglang tumulo ang kaniyang luha saka hinawakan ang kaniyang tiyan."'Y-Yong baby ko," umiiyak niyang sambit."Ligtas ang baby mo, Hex," sambit ni Joaquin. Napatingin naman si Hexy sa kaniya."How are you feeling?" Tanong nito habang nakatayo sa gilid ng kaniyang kama. "O-Okay lang ako. Sina Shantal, nasaan?""Sinamahan niya sina Tita na bumili ng pagkain kasama si Rio," sagot naman ni Aldrin.Napahawak si Hexy sa kaniyang ulo at napapikit."Nahuli niyo ba ang mga lalakeng 'yon?"Umiling naman si Joaquin."Hindi pa sa ngayon. Pero hindi pwedeng hindi natin malaman kung sino sila.""Eh, kayo, ayos lang ba kayo?" Tanong ni Hexy saka niya pinilit maupo kaya siya inalalayan ni Hannah."Binigyan na nila kami ng first aid kanina. Sana nga ay hindi na maulit 'to. We need to make sure you are safe at all times," saad ni Aldrin. "Nandito na ang foo
"Wear this. It's still cold outside," wika ni Joaquin saka iniabot kay Hexy ang kulay beige na cardigan.Nakasuot naman ng itim na blouse at trouser si Hexy."Thank you," saad niya saka isinuot iyon."I brought water and pamaypay," dagdag pa ni Joaquin at ipinakita ang hawak niyang itim na tote bag. "Aattend ba kayo ng libing o mag-pipicnic?" Natatawang tanong ni Harold habang nakatingin sa kanilang dalawa.Natawa naman si Hexy."Si Joaquin kasi, akala mo naman ay magtatagal kami ro'n. Hindi na rin kami kakain doon. Paniguradong maraming tao.""Baka mainitan ka ro'n," sambit naman ni Joaquin."Bantayan mong mabuti si Avory. Huwag na huwag mong aalisin ang paningin mo sa kaniya. Baka bigla 'yang hatakin ng kung sinu-sino lang," pagpapaalala ni Hannah habang nakakrus ang mga braso."Ano ka ba, Hannah? Kaya na ni Joaquin 'yan. Siya na ang personal guard ni Avory," natatawang sabi naman ng kanilang ina habang nakaupo sa sofa at nagtutupi ng mga damit nila."Ay, grabe si Tita! Kung magigi
Nanlaki ang mga mata ni Hexy at napatakip sa kaniyang bibig. Hindi niya mapagtanto kung ano ang kaniyang mararamdaman. Kung masaya ba siyang buhay ito, o natatakot siya.Umiling-iling siya at nanuyo ang kaniyang lalamunan habang nakatingin kay Vanessa na nakatutok pa rin ang baril kay Maverick."B-Bakit...Paanong buhay ka? P-Paano..." Hindi alam ni Hexy ang sasabihin.Napangisi naman si Vanessa saka hinatak si Maverick papunta sa gilid habang nakatutok pa rin sa kaniya ang baril."Ano, Hexy? Natakot ka ba?" Sambit ni Vanessa.Napansin ni Hexy na may sugat ang kalahati ng mukha nito, pati na rin ang kaniyang kanang braso.Hindi siya nakaimik at nabibingi siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso.Ibinaling naman ni Vanessa ang kaniyang paningin kay Brix na nasa tabi ni Hexy at nakaharang ang kaliwang kamay nito kay Hexy upang protektahan ito."How are you, my brother?" Nakangising tanong ni Vanessa. Biglang nagbago ang ekspresyon nito sa kaniyang mukha. Bigla itong sumeryoso na siyang
Biglang nabingi si Hexy at nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. Napaatras siya habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na napatakip sa kaniyang bibig.Napahawak si Brix sa kaniyang sikmura at tumulo doon ang kaniyang dugo.Nang kalabitin ni Vanessa ang gatilyo ay agad na hinarangan ni Brix si Maverick upang hindi ito mabaril. Nanlaki ang mga mata nila nang si Brix ang tinamaan.Agad na lumapit sina Maverick habang nakatayo pa rin si Hexy at hindi pa rin makarekobre sa gulat.Napatingin si Brix kay Hexy at bigla itong natumba.Doon lang lumapit si Hexy sa kaniya at hindi makaimik habang naluluha."I-I'm sorry," mahinang wika ni Brix at pupungay-pungay na ang kaniyang mga mata."T-Tumawag na kayo ng tulong. Dali!" Baling ni Hexy kina Shantal. Nanginginig naman silang naglabas ng kanilang mga cellphone."B-Bakit, Brix? Bakit mo ginawa mo 'to?" Tanong ni Hexy saka hinawakan ang braso ni Brix at hindi na mapigilan ang kaniyang luha."K-Kahit hindi na ako ang mamahalin mo sa haban
Bago pa man makalapit si Maverick kay Hexy ay hindi ito naging madali sa kaniya. Lalo na noong nagpakita sa kaniya si Vanessa at hiniling na lumayo na lang silang dalawa roon upang hindi na masaktan pa si Hexy at ang pamilya nito.Nalaman din ni Maximus na hindi na sila maayos ni Hexy at kakaiba ang ikinikilos ni Maverick."Gulong-gulo ka? Saan? Sa pambababae mo? I never cheated on your mother, then you're going to do that to someone who have loved you for a long time?" Sambit ng kaniyang ama.Napatingin naman si Maverick kay Maximus."Everything is not important to me anymore, Papa. Mamatay man ako, heto na 'yon. I have made up my mind. It was not easy for me. I hope you understand me, Papa."Umiling-iling naman ang kaniyang ama saka huminga nang malalim."Hindi ka magiging masaya, Maverick. Hindi ka kailanman sasaya sa iba dahil may sinaktan kang babae," wika ni Maximus.Umiwas naman ng tingin si Maverick at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang restaurant na pinagtrat
Sa video na ginawa ni Joaquin ay makikitang nakaupo siya sa sofa mula sa loob ng kaniyang kuwarto.Umubo pa muna siya saka ngumiti sa camera at nakita na naman ni Hexy ang kaniyang dimple."Hi, Hexy!" Nanginginig pa ang boses na pagbati ni Joaquin.Ilang beses siyang napalunok at kitang-kita sa camera ang panginginig ng kaniyang mga kamay na magkahawak habang nakapatong ang mga iyon sa kaniyang tuhod."Do you remember the first time we met? Bumagay sa'yo ang garden sa restaurant, kaya agad akong lumapit sa'yo para i-assist ka. You were even surprised when I said I was Maverick's cousin. Alam kong wala pang kayo noon, pero mahilig ka kasing mag-assume," natatawang sambit ni Joaquin saka siya umiling-iling."I don't regret saving you from Brix's people before, and even from your friends. Madali ka kasing magtiwala, masyado kang mabait," dagdag pa nito.Huminga ito nang malalim. Napalunok naman si Hexy nang biglang sumeryoso si Joaquin."That's what I hate about you, masyado kang mabait,
Sa loob ng kahong ipinadala ni Vanessa noon ay naglalaman ng iba't ibang liham galing sa kaniya.Sa gitna ng mga nagpatong-patong na sulat ay may mga pictures na silang dalawa ni Hexy.Nanginginig ang mga kamay ni Hexy na kumuha ng isang liham at binasa iyon.Naluha siya nang mabasang nagpapasalamat sa kaniya si Vanessa nang tulungan siya nitong ayusin ang mga papers niya sa kaniyang trabaho.Huminga siya nang malalim at kumuha ulit ng isa.Napakunot-noo siya at napalunok nang makitang iba ang sulat-kamay ni Vanessa roon. Para itong nagmamadali. Isinulat ni Vanessa kung gaano siya kagalit nang makita niyang binilhan siya ni Maverick ng kaniyang paboritong inumin at pagkain, habang si Vanessa ay hindi man lang nito mabilhan.Tumango-tango si Hexy nang maalalang minahal nito si Maverick noon pa man.Sunod niyang binasa ang liham na may kulay itim na papel at kulay puti ang tinta ng ballpen na kaniyang ginamit.Bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pigil-hiningang binasa ang sulat ni Van