Share

CHAPTER 60

"N-No. Hindi ako papayag."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Hexy sa sinabi ni Maverick. Umiling pa si Maverick nang hindi siya pumayag.

"Pero, Mavs—"

"Akala ko ba naiintindihan mo ang sitwasyon natin, Hexy? I thought you wouldn't leave me?" Naiiyak na sambit ni Maverick.

"P-Pansamantala lang naman 'to, Mavs. Kailangan natin ng oras para sa mga sarili natin. Ayokong isakripisyo mo 'yong oras mo sa'kin, na dapat ay sa trabaho mo. Napapagod na rin kasi ako kakahintay," gumagaralgal ang boses na saad ni Hexy.

Napaiwas naman ng tingin si Maverick at mabilis na pinunasan ang kaniyang mga luha saka ibinalik ang paningin kay Hexy.

Nanikip naman ang dibdib ni Hexy nang makitang naluluha pa rin ito.

"Is that how you really feel? Na napapagod ka na sa'kin?" Tanong ni Maverick at pilit na pinapakalma ang sarili.

"H-Hindi. Hindi ako napapagod sa'yo. Napapagod lang ako sa sitwasyon natin. Marami na akong hindi nasasabi sa'yo. Ayokong madagdagan ang iniisip mo dahil lang sa nararamdaman ko."

Tumang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status