Napad*ing sa sakit si Hexy at nakaramdam ng pagkahilo. Agad niyang hinawakan ang kaniyang ulo at naramdamang dumudugo iyon.Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang tabi at nakitang walang malay ang lalakeng nakahawak sa kaniya kanina, pati na rin ang driver na parehas niyang ginamitan ng stun gun. Parehas silang may mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan.Naalala niya ang cellphone ng lalake sa harapan dahil tumatawag ang boss nila kanina. Ngunit nakita niyang sira na ito habang nakalagay sa harap ng driver. Kaya lakas-loob niyang kinuha sa katabi niyang lalake ang cellphone nito sa kaniyang bulsa.Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang kinukuha ang cellphone ng lalake. Nakatungo ang ulo nito sa pintuan ng sasakyan habang duguan at walang malay.Inilagay niya 'yon sa kaniyang bulsa at napahawak na naman sa kaniyang ulo. Nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig siya ng wangwang ng mga sasakyan ng ambulansya.Nang mabuksan ni
"What's the meaning of this?" Pag-uulit ni Brix habang nakakunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin kina Hexy at Maverick."Alam naming pinapasundan mo kami. Kaya nakipaglaro kami sa'yo," sagot ni Hexy at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Maverick ngunit nanginginig ito."We just need strong evidence to be sure that you are the mastermind behind all this. At tama nga kami. Nagpanggap kaming wala na kami, para makarating sa'yo ang balita," sabi naman ni Maverick.Halata namang nagulat si Brix at dahan-dahang umiling."Pina-kidnap mo ako, dahil akala mo ay papabayaan ako ni Maverick, 'di ba?" Tanong ni Hexy."I-I don't know what you're talking about," sagot naman ni Brix. Umiling-iling naman si Hex."Ngayon ka pa mag-dedeny? Umamin na ang mga lalakeng binayaran mo."Lumapit naman doon ang mga pulis at hawak nila ang dalawang lalakeng kumidnap kay Hexy. Parehas silang may gasa sa iba't ibang bahagi ng katawan nila. Ang driver ay mayroong cast ang kanang kamay. Parehas sila
"N-No. Hindi ako papayag."Nangilid ang luha sa mga mata ni Hexy sa sinabi ni Maverick. Umiling pa si Maverick nang hindi siya pumayag."Pero, Mavs—""Akala ko ba naiintindihan mo ang sitwasyon natin, Hexy? I thought you wouldn't leave me?" Naiiyak na sambit ni Maverick."P-Pansamantala lang naman 'to, Mavs. Kailangan natin ng oras para sa mga sarili natin. Ayokong isakripisyo mo 'yong oras mo sa'kin, na dapat ay sa trabaho mo. Napapagod na rin kasi ako kakahintay," gumagaralgal ang boses na saad ni Hexy. Napaiwas naman ng tingin si Maverick at mabilis na pinunasan ang kaniyang mga luha saka ibinalik ang paningin kay Hexy.Nanikip naman ang dibdib ni Hexy nang makitang naluluha pa rin ito."Is that how you really feel? Na napapagod ka na sa'kin?" Tanong ni Maverick at pilit na pinapakalma ang sarili."H-Hindi. Hindi ako napapagod sa'yo. Napapagod lang ako sa sitwasyon natin. Marami na akong hindi nasasabi sa'yo. Ayokong madagdagan ang iniisip mo dahil lang sa nararamdaman ko."Tumang
"A-Ano po'ng ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong nang makita ang kaniyang ama."Nasaan si Harold?" Tanong naman nito.Napalunok naman si Hexy saka umayos ng tayo."N-Nasa loob po. Si Joaquin po pala, kaibigan namin ni Harold," pagpapakilala niya. Tumayo naman si Joaquin at tumabi kay Hexy.Tumingin naman si Avian sa kaniya."Oo. Sinabi na ni Harold sa akin na may kaibigan kayo," saad nito.Ngumiti naman si Joaquin saka inayos ang mga kalat nila sa lamesa.Hindi naman alam ni Hexy ang kaniyang sasabihin kaya napatingin na lang siya sa kaniyang ama na may bitbit na backpack."Puwede ba kitang makausap?" Sambit nito.Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy nang maalala ang sinabi niya kanina. Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang unti-unting nawala ang kaniyang kalasingan."S-Sige po."Naupo naman sila kaya nag-excuse naman si Joaquin na pupuntahan si Harold sa loob."Ayoko sanang makiusap sa'yo," panimula ng kaniyang ama.Tumango naman siya. Nakaramdam siya ng hiya nang m
Napalunok si Hexy nang makitang seryoso si Maverick kahit hindi magkasalubong ang mga kilay nito.Dumating siya kasama ni Donna at tatlo pang tauhan nila.Halata namang nagulat si Donna sa sinabi ni Maverick. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kina Maverick at Hexy.Napangisi naman si Joaquin sa hindi kalayuan habang tinitignan ang reaksyon ni Donna pati na ang mga nakikinig.Luminga-linga si Hexy at napansing lahat ng mga guests nila ay nakasuot ng office attire."Ibig sabihin..."Hindi niya naituloy ang sasabihin at namasa na naman ang kaniyang mga palad nang ma-realize na mga empleyado iyon nina Maverick."What are you waiting for? Tapusin mo na ang kinakain mo, dahil tapos ka na rin sa trabaho mo. Kayo rin," turo ni Maverick sa kasama ng lalake.Napanganga naman si Hexy."And you," baling ni Maverick sa babaeng nanulak kay Hexy kanina.Nanlaki naman lalo ang mga mata nito nang ituro siya ni Maverick."P-Po?""I know what you did to my girlfriend. The four of you, arrange your things
Bago magpakita ni Maverick kay Hexy ay hindi naging madali sa kaniya iyon, lalo na ang pansamantalang paghihiwalay nila."I'm sorry, son. If I hadn't had problems with my health, hindi ka sana pupunta sa Australia," wika ni Maximus habang nakaupo sila sa kanilang sasakyan papunta sa airport."Okay lang, 'Pa. Just watch your health. Ilang araw lang naman ako ro'n. Wala naman akong masyadong gagawin. I will also look for someone to help the person you appointed so that he will not have difficulty in his work," sabi ni Maverick."Nagpaalam ka ba kay Hexy?" Hindi naman nakaimik si Maverick at napatingin sa labas ng bintana."I called Joaquin and Harold. Alam kong hindi pa siya okay. I don't want to disturb her. She was right when she said that we need time for ourselves," sabi ni Maverick."I feel guilty. I feel like it's my fault that she broke up with you. Sa trabaho mo na lang kasi ang buong atensyon mo," saad ni Maximus.Napalingon naman si Maverick sa kaniya."Okay lang, 'Pa. Alam k
Napakunot-noo si Hexy at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Hannah."Ano 'yon?" Tanong niya.Naglakad naman ang kaniyang ate papunta sa upuan sa gilid ng kanilang bahay kaya sumunod naman siya."M-May kasalanan ako," panimula ni Hannah at hindi makatingin sa mga mata ni Hexy."Ano na naman ba ang ginawa mo, ate? Sa'kin ba?" Hindi naman nagbago ang magkasalubong na kilay niya."H-Hindi sa'yo. Kay Mama. Walang-wala kasi ako noon. K-Kumuha ako ng pera sa puwesto niya. Bago pa siya magkasakit, kaya wala siyang nagamit sa hospital," nahihiyang sambit ni Hannah."Ano? Bakit? Para saan?" Pigil-galit na tanong ni Hexy at napakuyom ang kaniyang mga palad."Naghanap ako ng trabaho. K-Kaso hindi rin naman ako nakuha kahit madami na akong gastos, tsaka binayaran ko ang mga utang ko," sagot ng kaniyang ate saka napatingin sa kaniya.Bumuntong-hininga naman si Hexy."Nahihiya kasi ako sa'yo," dagdag pa ni Hannah. Nagbago naman ang ekspresyon ni Hexy sa kaniyang mukha."Baliw! Sa'
Nanlaki ang mga mata ni Joaquin sa gulat sa sinabi ni Hexy at agad na tumingin doon sa tinitignan niya kanina.Hindi na siya napigilan ni Hexy nang patakbo siyang lumapit sa gawing iyon at sinuri ang paligid."Wala namang tao rito," sabi ni Joaquin.Hindi naman umalis si Hexy sa kaniyang kinatatayuan habang nanginginig ang mga kamay at tuhod."H-Hindi. Parang nakita ko siya. Hindi ako nagkakamali," sambit niya. Agad namang lumapit sa kaniya si Joaquin."What's happening?"Napatigil sila nang dumating sina Maverick at Harold.Hindi naman nakasagot si Hexy."She said she saw Brix earlier," sagot naman ni Joaquin."What?"Agad na tumabi si Maverick kay Hexy at mahigpit na inakbayan ito."P-Pakiramdam ko ay siya 'yon. Nagkatitigan pa nga kami, eh," kinakabahang saad ni Hexy."Hindi ba ay nasa kulungan na siya, ate?" Tanong ni Harold.Tumango naman si Hexy."Kailangan nating makasigurado. We need to call Joyce," wika ni Maverick. Napalunok si Hexy at paulit-ulit na inisip ang mukha ng nak