Share

Chapter 01

KINAUMAGAHAN, sa malaking building ng Valenzuela law firm ay abala ang lahat ng empleyado sa kanilang mga trabaho. Kilala ang kanilang firm sa buong pilipinas dahil sa achievements na nakukuha nito dahil narin sa CEO nila na magaling at kinakatakutang lawyer sa loob ng korte dahil sa talino at husay nitong magpanalo ng isang kasong nagiging pabor dito.

At dahil maganda ang reputasyon ng Valenzuela law firm ay maraming kliyente ang napunta sa kanila, kaya hinuhusayan at sinasabayan ng mga abagodong nagtatrabaho dito ang galing at husay na meron ang boss ang nila.

"Investigate this for me, De Vega. He's the last person that was seen with Mr. Caballero before he gets missing. Ask him questions, he can be used as an evidence to claim Mr. Juarez innocence." seryosong paglapag ni Ezekiel sa isang folder na naglalaman ng information about sa potential evidence nila para sa kaniyang kliyente.

Ezekiel Nehemiah Riego, isa sa magaling at hinahangaang abogado ng Valenzuela law firm. Mayaman hindi lang dahil sa propesyon niya, he was born rich dahil sa kaniyang mga magulang na may malaking kumpanya na kilala hindi lang sa Asia, kundi kinikilala din sa buong Europa.

"Teka lang Riego, baka nakakalimutan mong abogado din ako. Sinamahan na nga kita sa pag meet up mo sa kliyente mo kahapon tapos sa akin mo parin ibibigay ang ganitong trabaho. Bakit kasi hindi ka pa kumuha ng personal litigation team mo para may nauutusan ka." reklamo ni Kaiser De Vega na isa ring magaling na abogado ng Valenzuela law firm.

"That will be nuisance for me, De Vega."

"Anong nuisance? Having your own team is necessity Riego. Gusto mo bang ipahiram ko ang team ko sayo para hindi ako ang inuutusan mo? May mga case din ako na dapat kong aralin." ani ni Kaiser.

"Then i will ask him myself." pahayag ni Ezekiel ng damputin niya ang folder na dala niya ng mapansin niya ang pamilyar na papel na nasa ibabae ng mesa ni Kaiser.

"I thought you throw that fvcking piece of paper?"

Agad na ibinaba ng tingin ni Kaiser ang mga mata niya sa pinulot niyang resume na hindi nito tinapon at dinala pabalik kahapon sa kaniyang mesa.

"Oh these? I'm thinking of hiring her as part of my legal theme. Besides, i can see my little brat in her. For sure magkakasundo sila ng baby ko." ngiting ani ni Kaiser na ikinaalis na ng tingin ni Ezekiel sa resume ni Sofia.

Walang imik na umalis na si Ezekiel sa mesa ni Kaiser at dere-deretsong naglakad palabas. Napasandal si Kaiser sa kinauupuan niya ng mapalingon siya sa kakalabas lang na si Tork Valenzuela, and CEO ng Valenzuela firm at kilalang abogado sa buong pilipinas at happy in love sa asawa nitong naging kliyente nito noon.

"Ikaw na ang bahala sa iba kong schedule Sandra, make sure na hindi ako maiistorbo this week. I'm busy and cannot be disturbed." pahayag ni ToV na ikinatayo ni Ezekiel at agad lumapit sa kanilang boss.

"Valenzuela, mukhang may importanteng lakad ka na naman ah." ani ni Kaiser na ikinalingon ni ToV sa kaniya.

"Busy akong tao De Vega."

"I know that, pero pag may time ka baka naman gusto kong kausapin si Riego at mag suggest kang humanap na siya mg sarili niyang litigation team. Dinadagdagan niya na kasi trabaho ko, iniistorbo pa niya ako. Maybe he will listen to your suggestion." pahayag ni Kaiser.

"Riego can do what he wants, kung hindi niya trip magkaroon ng sariling team let him be. Besides, kasalanan mong gago ka bakit ikaw ang iniistorbo ni Riego, you let him do that from several months kaya kasalanan mo." singhal ni ToV na naglakad na at iniwan na sina Kaiser.

"Ikaw kasi Atty. De Vega, sinanay mo si Atty. Riego eh." ani pa ni Sandra na iniwan na si Kaiser.

"I'm just acting like a good co-employee here, it's just Riego take advantage of it." angal ni Kaiser na tinitingnan pero dinadaan-daanan lang siya ng ibang mga employee.

PABAGSAK NA humiga si Sofia sa kaniyang kama matapos ang maghapon niyang pag gawaa lahat ng gawaing bahay at ilang pinag-uutos ng kaniyang tiyahin. Sa tahanan na kaniyang tinutuluyan, hindi kamag-anak ang trato sa kaniya kundi katulong, and she is enduring it up until now dahil wala siyang choice.

Until now ay mabigat parin sa loob ni Sofia ang panibagong rejection na natanggap niya kahapon just because she was short of height. Kung pagbabasehan sa credentials niya at hindi sa height niya, Sofia can assure that she can excel in his job that a tall person can do.

"I hate discrimination, just because of my height ay hindi ko maipapakita ang kakayahan ko. Secretarial posotion ang ina-apply ko and not a beauty queen." pahayag na reklamo ni Sofia na pinipigilan ang sarili na maiyak sa mga nangyayari sa buhay niya.

"Kung iiyak ako mas sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko na talaga magagawa ang mga pangarap ko. Hindi dapat ako panghinaan ng loob, kung gusto kong makaalis sa bahay na ito ay kailangan hindi ako sumuko. Kaya mo 'yan Sofia, i'm sure may ibang kumpanya na tatanggap sa akin because of my credentials and won't reject me just because of my height. Be positive lang Sofi---"

Hindi natapos ni Sofia ang pag e-encourage niya sa kaniyang sarili ng may kumatok sa pintuan kuwarto niya. Napakunot ang noo ni Sofia dahil sa pagkakaalam niya ay umalis si Helen habang naglilinis siya kanina sa sala, at hindi pa uuwi ang tiyahin niya mula sa tindahan na pagmamay-ari nito sa palengke, dahil ginagabi ito sa puwesto nito.

"Sofia hija, puwede mo bang buksan ang pintuan?" ani nito na bahagyang ikinakabog ng dibdib ni Sofia ng kinakasama ng kaniyang tiyahin ang nasa labas ng kaniyang kuwarto.

"Ba-bakit ho? Tapos na po ang gawing bahay, nakapagluto na rin ako para sa panghapunan tiyo. Magpapahinga na po ako at maghahanap pa po ako ng trabaho bukas."

"Saglit lang naman, may ibibigay lang ako sayo. Baka kasi wala ka ng ginagastos sa mga pag-aapply mo kaya bibigyan kita ng pera para may magamit ka kahit papaano." ani nito na alam ni Sofia na may ibang agenda ang alok nito sa kaniya.

"May pera pa po ako tiyo, salamat nalang p--"

"---bakit lagi mo nalang tinatanggihan ang alok ko sayo? Hindi ba mas mabuting tanggapin mo ang mga binibigay ko, hindi ka nga nagpapasalamat sa tuwing pinipigilan ko ang tiyahin mo na saktan ka. Isa lang naman ang gusto ko, at kung papayag ka hindi ka na masasaktan ng tiyahin mo at ni Helen. Iaalis din kita rito, bibigyan kita ng ibang matutuluyan. Magpapakalayo tayo para mamuhay ng isang pamil---"

"Naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo? Ang tanda niyo na po para diyan at respetuhin niyo naman si tiya na nagpapakahirap sa palengke para may maibigay sayong pera. Lahat naman ng inaalok mo sa akin ay galing sa tiyahin ko ah! At kung inaakala niyo na papayag ako sa gusto niyo, nagkakamali po kayo. Sa inyo na ang pera niyo at makakalipat ako ng sarili ko ng hindi humihingi ng tulong sa inyo. Tigilan niyo na po ako kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa baranggay!" singhal na banta ni Sofia na magitla siya ng malakas na hampasin ng tiyuhin niya ang kaniyang pintuan.

"Bakit ba nagpapakipot ka pa? Alam ko naman na nagpapaakit ka lang para habulin kita, maganda ka at maganda ang hubog ng katawan mo kahit maliit ka. Pasalamat ka nga pinagkaka interesan kita, at sa tingin mo pag nagsumbong ka ay paniniwalaan ka nila? Masasaktan ka lang ng tiyahin mo kaya buksan mo nalang ang pintuan at pagbigyan ako!" ani nito na napahiyaw sa gulat si Sofia ng malakas na sipain nito ang pintuan niya dahilan upang masira ito at bumagsak sa sahig.

Pabagsak na napaupo si Sofia sa gulat, at ng marealize niyang nakapasok na ang maniyak niyang tiyuhin, akmang tatakbo siya palabas pero agad siyang nahawakan sa braso ng tiyuhin niya. Abo't-abot na kaba at takot ang nararamdaman ni Sofia sa mga oras na 'yun. Alam niyang wala siyang magiging laban sa tuyuhin niya dahil malaki ito, at kahit humingi siya ng tulong ay walang tutulong sa kaniya dahil takot ang mga kapitbahay nila na mangialam.

"Tiyo bitawan mo ako!" angal ni Sofia na pilit inaalis ang pagkakahawak ng tiyuhin niya sa braso niya ng malakas siyang itilapon sa kama dahilan upang mapahiga siya.

"Ang dami mong arte, bakit hindi ka nalang maki-cooperate sa akin." singhal ng tiyuhin niya na kung sa mga nagdaang linggo ay pagnanasang paninitig lang ang ginagawa nito sa kaniya at sa tingin ni Sofia ay may balak na itong gawin sa kaniya.

"Bitawan mo ko! Isusumbong kita sa pulis pag tinuloy mo ang binabalak mo!" ani ni Sofia kahit takot na takot na siya sa puwedeng gawin ng tiyuhin niya sa kaniya ng lapitan na siya nito at ipinid sa kama niya.

"Get off me! Ano ba tiyo!" singhal ni Sofia habang pilit siyang pumapalag ng manlaki ang mga mata niya ng maramdaman nkyang nakahawak na sa balat niya sa kaniyang bewang ang tiyuhin niya.

"Huwag! Bitawan mo ko, huwag mong gawin 'to parang awa mo na, huwag!" sigaw na pagmamakaawa ni Sofia na walang magawa dahil hindi siya makawala sa pagkakapinid sa kaniya ng kaniyang tiyuhin.

Naiiyak na si Sofia sa mga oras na 'yin dahil anumang oras ay puwedeng magawa ng tiyuhin niya ang binabalak nitom Mas gugustuhin pa ni Sofia ang masampal at masabunutan ng tiyahin niya kaysa magalaw siya ng tiyuhin niyang parang asong anumang segundo ay lalapain siya.

"Parang awa mo na tiyo bitawan mo ko!? Tulong! Tulungan niyo ko mga kapitbahay, tulong!" lumuluha ng sigaw ni Sofia na ikinangisi ng tiyuhin niya.

"Kahit magsisigaw ka diyan ay hindi ka nila tutulungan, magbibingihan sila at hindi mangingiealam. Matagal ko ng gustong gawin nito, pinagtiyagaan kong hintayin ang araw na magalaw kita. At para hindi ka mahirapan, huwag ka nalang pumalag Sofia. Bumigay ka na, hindi na masamang maging parausan ko hindi ba?"

"Hayop ka! Gago! Hindi ako mababang babae para maging parausan lang ng katulad mong pabigat lang! Tulong!" pahayag na pagmamakaawa ni Sofia na kahit mapaos siya kakasigaw ay wala siyang pakialam.

Sigaw lang ng sigaw si Sofia at humihingi ng tulong habang ang tiyuhin niya ay nakangisi lang na ginagapang na pataas sa dibdib ni Sofia ang magaspang nitong kamay. Naiiyak nalang si Sofia dahil wala siyang magawa, pakiramdam niya ay nasalo na niya lahat ng malas sa buhay niya.

Umiiyak na napapikit nalang si Sofia dahil pakiramdam niya ay lalong masisira ang buhay niya sa oras na magawa ng tiyuhin niya ang gusto nito. Pero napamulat nalang si Sofia ng mawala sa pagkakaubabaw sa kaniya ang tiyuhin niya at tumilapon ito sa lawanet na dingding ng kuwarto ni Sofia, dahilan upang masira iyon.

Mabilis na tumayo si Sofia at napatingala sa isang matangkad na lalaking nakasuit na nakatalikod sa kaniya.

"Tangna sino ka?!" galit na sigaw ng tiyuhin ni Sofia na agad ng tumayo sa pagkakasalampak nito sa sahig.

"You're hired." ani ng matangkad na lalaking bahagyang ikinakunot ng noo ni Sofia habang hindi parin mapalis ang paglandas ng mga luha niya, ng matigilan siya ng bahagya siyang lingunin ng matangkad na lalaking agad niyang namukhaan.

"I-ikaw..."

"Did you heard me? Ang sabi ko tanggap ka na sa trabaho, I hired you as my legal secretary. But for now, do you want to file an attempted rape case against that asshole." pahayag nito na hindi maisip at sukat akalain ni Sofia na ito ang tutulong sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status