Nang makita nila ang doktor na nakaupo sa isa sa mga sofa, Rose greeted her with a warm smile. Xavion stood by the doorway, his arms crossed over his chest, a stoic expression on his face. "Good afternoon, Doc," bati niya rito habang pababa sila ng hagdan. Maingat naman siyang inaalalayan ni Nikolas sa bawat paghakbang niya. "Good afternoon, Rose. How have you been feeling?" nakangiting lumapit ito sa kanya at inalalayan na rin siya. Huminga siya ng malalim, ang kanyang kamay ay nakahawak sa kanyang malaking tiyan. "Okay lang naman po ako, Doctor. Medyo exhausted lang," Habang patuloy na chinicheck ng doctor ang kalusugan ni Rose at ng baby niya, nakaagapay lang si Nikolas sa tabi niya, offering words of encouragement her. Samantalang si Xavion ay nanatili ang distansya habang matalim na nakamasid sa eksena sa harapan niya. After a thorough check-up, ngumiti ng matamis ang doctor sa kanya. "Sa nakikita ko, you're doing good naman, Rose. Just make sure na kumain ka ng mga pagkaing
Sa loob ng ospital, while waiting for their turn for the ultrasound procedure, ramdam ni Rose ang kaba sa kanyang dibdib. Ito ang unang pagkakataon na makapasok siya sa lugar na ganito, at hindi maiwasang maramdaman siya ng takot. Mabuti na lamang at hindi madami ang nakapila roon. Katabi niya si Xavion, "Xavion, kinakabahan ako," sambit ni Rose, habang naglalakad sila patungo sa waiting area. "Relax, Rose. Nothing's gonna happen to you," walang emosyong sagot nito sa kanya. Naglakad sila papunta sa upuan, at pumwesto sila sa dulo. Ramdam niya ang pamamasa ng kanyang palad. Samantala, habang naghihintay sila, pinagmamasdan ni Xavion si Rose, na hindi mapakali sa kanyang upuan. "Are you really that nervous? I told you we shouldn't have gone here." giit nito. Marahas siyang umiling, "Hindi, okay lang ako. Isa pa, nandito naman na tayo," sagot niya, pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang kaba. "Just calm down, everything will be fine. I'll be accompanying you inside, okay?" Hinawaka
Habang papalabas ng hospital, hindi pa rin mabitaw-bitawan ni Xavion ang sonogram kung saan naka-imprenta ang imahe ng mga sanggol nila. Hindi pa rin mabasa ni Rose ang kanyang ekspresyon, a rare moment of vulnerability flickering in his eyes habang sinusuri ito ng maigi. Pinagmasdan niya ito mula sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang maliit na ngiti sa labi nito. She reached out and gently touched his arm, offering him a reassuring smile. "Okay ka lang?" mahinahong tanong niya. Xavion glanced at her, his features softening slightly at her touch. "I'm fine," maikling tugon nito saka itinago ang litrato sa kanyang bulsa. Tumango na lamang si Rose, naiintindihan niyang hirap si Xavion na ipakita ang tunay nitong nararamdaman. She knew that beneath his stoic exterior, he was just as thrilled about his babies as she was. Rose clutched onto Xavion's arm, hirap na hirap pa rin sa paglalakad. Napansin ni Xavion ang discomfort sa kanyang ekspresyon. Lumambot ang emosyon niya sa naki
Inilibot ni Xavion ang paningin sa isa sa mga aisle ng baby store, kumunot ang noo niya habang pinopokus ang stensyon sa bawat shelves na madaraanan niya. "Excuse me, miss," tawag niya sa isa sa mga saleslady na malapit sa kanya, "I'm looking for some baby essentials." Agad namang lumapit ang babae sa kanya, "Yes, Sir?" nakangiting tanong nito. Xavion wasted no time in listing off their requirements, his tone brisk and businesslike. "I'm looking for a crib, a stroller, diapers, bottles, and anything else you think we might need for newborns. For triplets." Tumango na lamang ito, taking note of his requests. "Absolutely, sir. Let me show you some options," tugon nito saka siya iginiya papunta sa section mg mga cribs at bassinets. Napalingon si Xavion sa babae at agad itong pinaulanan ng sunod-sunod ng tanong, ang atensyon ay nakatuon sa mga kung ano ang best para sa mga anak niya. "Are these cribs sturdy? Do they meet safety standards? And what about the mattresses—are they hypoal
"Grabe, Ma'am Rose, tatlong baby agad! Baka triplets na agad ang magiging pambato natin sa fiesta!" pabirong bulalas ni Yanna. Hindi niya mapigilang matawa sa mga reaksyon ng tatlo nang malaman ng mga ito na triplets ang dinadala niya. Hindi sila magkamaling ang mga ito sa paghawak sa tiyan niya. Maski si Nikolas ay hindi rin maipaliwanag ang saya na nararamdaman sa paparating na mga sanggol. "Oo nga! Baka magsimula na tayo ng sarili nating baby daycare dito sa mansion!" hirit pa ni Colet. "Parang nandito na ang pista sa loob ng tiyan niyo, Ma'am!" si Renalyn naman ang nagsalita. "Baka mamaya lumabas ang mga baby, piñata ang peg!" dagdag niya pa. "Oo nga, baka mamaya biglang may lumabas na candy sa tiyan niyo, Ma'am Rose!" "At least, siguradong magkakaroon tayo ng instant supply ng candy para sa mga bata dito sa Hacienda," "Kung gano'n, dapat na nating simulan ang paghahanda para sa baby shower! Kailangan natin ng maraming balloons at party hats!" "Sabi nga nila, the more, the m
Marahang itinabig ni Rose ang kurtina sa bintana ng kwarto ng mga bata, napangiti siya ng makita ang maliwanag na buwan sa kalangitan na pinapalibutan ng mga kumikislap na bituin. Humaplos ang kanyang kamay sa kanyang tiyan. Sa likod, marahan at mahinang tugtugin ang naririnig, nagdadala ng romantikong atmospera sa silong ng gabi. Kumawala siya ng malalim na buntonghininga. "Ang ganda ng mga bituin, mga anak. Kapag lumabas na kayo, makikita niyo rin 'to." malumanay at malambing ang tono ng boses. Muli niyang naramdaman ang mahinang pagsipa sa kanyang tiyan. Hindi niya maipagkailang masakit nga iyon, at mukhang malalakas ang mga ito. Dagdag pang hindi lang isa ang nasa tiyan niya, na madalas nagiging dahilan para hindi siya makatulog ng maayos dahil dito. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Sinubukan niyang iwaksi muna ang mga bagay na nagpapalungkot sa kanya. Advice ng doktor na iwasan niya ang mga ganoong bagay. Limang buwan... limang buwan na lamang ang natitira. Mukhang matagal
Sa isang masikip na lugar kung saan napapalibutan ng mga bakal na rehas, ang lugar kung saan umiikot ang mga buhay ng mga taong nahatulan ng ilang buwan o taong kaparusahan sa mga krimen na kanilang nagawa, naroon ang isang babaeng may katandaan na na nababalot ng mga tattoo ang katawan. Si Mercedes Verdejo, ang tiyahin ni Rose. Ang taong nagmanipula ng buhay niya. Matalim ang tinging ipinukol nito sa mga nagtutumpukang mga prisoners sa bawat sulok ng seldang iyon. Walang nangahas na salubungin ang mga mata niya sa kadahalinang may kalakip iyon na pagdurusa. Kahit gaano kabigat ang kaso ng lahat ng mga naroon ay hindi sila umuubra sa kanya. "Verdejo, may bisita ka!" Nabaling ang atensyon niya sa pinanggalingan ng boses. Pagkuwa'y tinabig niya ang kamay ng inmate niyang nagmamasahe ng kanyang balikat at tinungo ang pintuan. Lahat ng mga madaraanan niya ay agad na nagsitabihan sa takot na mapagdiskitahan nito. "Sino raw?" "Puntahan mo na lang," iyon lamang ang naging sagot ng puli
Nagising si Rose sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya, napaungol siya habang hinaharang ang kanyang kamay sa tapat ng mukha niya. Gusto niya pa na matulog pero hindi na siya muling dinapuan ng antok. Huminga siya ng malalim habang pinipilit niyang iniinda ang pagdapo ng pagod sa kanyang katawan. Hindi nga talaga biro ang magdala ng triplets sa sinapupunan. Halos hindi ka makakagalaw ng maayos kung hindi mo tutulungan ang sarili mo. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, determinado siya na maging malakas para sa kanyang mga anak. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kanyang kama, hinahabol ang bawat hininga habang inaangat ang kanyang katawan. Eksaktong pag-upo niya ay siyang pagbukas ng pinto ng silid, pumasok si Xavion. May dala itong tray na may lamang... pagkain? "Good morning..." Ang aliwalas ng mukha nito at halatang gumising ng maaga. Ito ang unang beses na gumawa ito ng ganoong bagay. Syempre, nagulat siya. Pero nanatili siyang kalmado. "Ano 'yan?" tanong niya habang inaayo
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya. Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit. Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an