Sa isang masikip na lugar kung saan napapalibutan ng mga bakal na rehas, ang lugar kung saan umiikot ang mga buhay ng mga taong nahatulan ng ilang buwan o taong kaparusahan sa mga krimen na kanilang nagawa, naroon ang isang babaeng may katandaan na na nababalot ng mga tattoo ang katawan. Si Mercedes Verdejo, ang tiyahin ni Rose. Ang taong nagmanipula ng buhay niya. Matalim ang tinging ipinukol nito sa mga nagtutumpukang mga prisoners sa bawat sulok ng seldang iyon. Walang nangahas na salubungin ang mga mata niya sa kadahalinang may kalakip iyon na pagdurusa. Kahit gaano kabigat ang kaso ng lahat ng mga naroon ay hindi sila umuubra sa kanya. "Verdejo, may bisita ka!" Nabaling ang atensyon niya sa pinanggalingan ng boses. Pagkuwa'y tinabig niya ang kamay ng inmate niyang nagmamasahe ng kanyang balikat at tinungo ang pintuan. Lahat ng mga madaraanan niya ay agad na nagsitabihan sa takot na mapagdiskitahan nito. "Sino raw?" "Puntahan mo na lang," iyon lamang ang naging sagot ng puli
Nagising si Rose sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya, napaungol siya habang hinaharang ang kanyang kamay sa tapat ng mukha niya. Gusto niya pa na matulog pero hindi na siya muling dinapuan ng antok. Huminga siya ng malalim habang pinipilit niyang iniinda ang pagdapo ng pagod sa kanyang katawan. Hindi nga talaga biro ang magdala ng triplets sa sinapupunan. Halos hindi ka makakagalaw ng maayos kung hindi mo tutulungan ang sarili mo. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, determinado siya na maging malakas para sa kanyang mga anak. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kanyang kama, hinahabol ang bawat hininga habang inaangat ang kanyang katawan. Eksaktong pag-upo niya ay siyang pagbukas ng pinto ng silid, pumasok si Xavion. May dala itong tray na may lamang... pagkain? "Good morning..." Ang aliwalas ng mukha nito at halatang gumising ng maaga. Ito ang unang beses na gumawa ito ng ganoong bagay. Syempre, nagulat siya. Pero nanatili siyang kalmado. "Ano 'yan?" tanong niya habang inaayo
Hindi maiwasan ni Rose na mapangiti habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa harapan niya habang si Xavion ay nakaalalay sa kanya sa bawat kilos niya. Napakahalimuyak ang simoy ng hangin na pumapalantik sa kanyang mahabang buhok. "Breath in, breath out..." wika ni Xavion sa tabi niya. Sinunod niya naman iyon at mas gumaan ang pakiramdam niya. Halos palagi na lang din kasi siyang nasa loob lang ng bahay at minsan niya lang maramdaman ang ganito kahit pa sa terrace siya. Iba pa rin na nasa labas siya at nakakapaglakad-lakad ng maayos. "How's your feeling?" "Okay na ako, mas gumaan na ang pakiramdam ko. Siguro dala na lang din siguro ng kabagutan sa loob ng bahay. Normal lang din ata 'yon." Xavion nooded. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong sitwasyon, dahan-dahang naglalakad, ang mga kamay ni Xavion ay nakahawak sa magkabilaang braso niya para magsilbing lakas niya. Hindi niya mapigilan ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. Something tells her that Xavion isn't the
"I'm sorry" paghingi ni Xavion ng paumanhin, "but I didn't realize you perceived it like that. My concern for you stems from my desire to prevent any suffering for my kids. If my actions could bring you comfort, then I'm glad. That's the reality. Please consider the bigger picture, Rose, and avoid selfishness." Nasaktan siya sa mga salitang binitawan nito. Hindi niya maitatangging ang katotohanan sa mga sinabi nito, but it still stung to hear him dismiss her feelings so callously. "Kaya ko na ang sarili ko, Xavion. Ang presensya mo sa paligid ko ang mas lalong nagpapahirap sa akin para makausad. Sabihin mo nang makasarili ako pero iyon ang totoo. Sa bawat sandaling nandyan ka, mas lalo akong nasasaktan. Sinubukan ko na namang pigilan e, pero hindi madali." Xavion's expression softened. Inabot niya ang kamay ni Rose at marahan iyong pinisil. Agad namang iniwas ni Rose ang kanyang tingin rito. A tear fell from her eyes. "I didn't mean to hurt you, Rose," malumaanay na saad ni Xavion
As Nikolas led Xavion to a secluded spot where they could talk privately, nakasunod lang si Xavion nang walang pag-aalinlangan, walang kamalay-malay sa kung ano ang gusto nitong pag-usapan. Nang sila ay nakarating sa isang tahimik na espasyo, humarap si Nikolas kay Xavion, ang kanyang mukha'y nanggagalaiti sa galit. Umiigting ang panga nito habang nakatingin sa kanya. Without warning, sinugod ni Nikolas si Xavion, ang kanyang kamao ay sumalaksak sa panga ni Xavion ng isang matinding suntok. Nagulantang si Xavion, taken aback by the sudden assault, but he quickly regained his composure, his eyes narrowing in confusion and disbelief. "What the hell, Nikolas?" bulalas ni Xavion, rubbing his jaw where Nikolas's punch had landed. "What's gotten into you?" Nikolas glared at him, his fists clenched at his sides as he struggled to contain his anger. "Talagang sinamantala mo ang pagkakataon na matali si Rose sa isang responsibilidad para sa kagustuhan mong makapaghiganti. Huh, Xavion?" Nana
"Nagday-off?" ulit na tanong ni Rose kay Yanna nang banggitin nito ang pagday-off nina Renalyn at Colet. Tumango si Yanna, "Opo, kaya mag-isa akong mamamalengke ngayon." Huminga na lamang siya ng malalim habang sapo-sapo ang malaking tiyan niya. Medyo nagtatampo siya sa parte na hindi man lang nagawang magpaalam ng dalawa sa kanya ng maaayos at sa puntong nagugulat na lang siya. Balak niya pa naman sanang magpasama sa kanila sa pagbisita sa farm dahil gusto niyang lubusin na wala si Xavion ng ilang araw. Maging ang mga magulang nito ay wala sa bansa kaya talagang nakahinga siya ng maluwag. Iyon nga lang ay pinabantayan naman siya sa napakaraming bodyguards at nagdagdag pa ng ilang maids na pupuna sa absence nina Colet. "Hindi mo ba nakita si Nikolas?" muling tanong niya. "Hindi po, e. Rinig ko, lumuwas daw po." Bumagsak ang balikat niya, bakit ba napakabusy ng mga tao ngayon? "Sasamahan na lang kita sa bayan," aniya na ikinagulat ng isa. "Po? Hindi po pwede!" nanlalaki ang mga
"Wala na po sila..." Namayani ang simpatya sa sistema ni Rose nang mga oras na iyon. They both had no parents pero kung ikukumpara rito ay masyado pa itong bata para maulila. She must be thankful because despite having an evil aunt who raised them, may pamilya pa rin siya at may kapatid pa siya. Nang yumuko na ang bata at sinunggaban ang mga pagkain na ibinigay niya ay hindi niya namalayan na tumulo na ang butil ng luha sa kanyang mga mata at agad niya namang pinalis iyon bago pa iyon mapansin ng mga bodyguards sa tabi niya. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago binalingan ang dalawa sa tabi niya. "Pwede ba natin siyang dalhin sa Hacienda?" nagsusumaong aniya. Nagkatinginan naman ang dalawa. "Pero, Ma'am. Hindi po pwede," wika ni Lester. "Opo, hindi rin po ito magugustuhan ni Sir Xavion," sang-ayon naman ni Troy. Kumunot ang noo niya. "At bakit? Mas maaalagaan siya sa Hacienda. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" Bumuntonghininga ang dalawa. Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan
Naningkit ang mata ni Xavion habang pinapakinggan ang bawat sinasabi ng mga empleyado niya tungkol sa pamimilit ni Rose na lumabas ng bahay para sumama sa kanila. Umigting ang panga niya sa galit dahil sa mga rason nila. "So you're telling me," Nagbabadya ang panganib sa kanyang boses. "that Rose forced you to let her come with you?" Nagpalitan ng mga tinginan sila Yanna sa sobrang kaba, inaasahan na ang magiging kahihinatnan nila sa pagkakataong ito. Mukhang hindi na talaga mahuhupa pa ang galit ng ganoon kadali. "Totoo po iyon, Sir," nagsalita na si Yanna matapos ang ilang minutong pananahimik. "Mapilit po talaga si Ma'am Rose at... at hindi po siya ganoon kadaling tanggihan." Xavion's nostrils flared with frustration. "And you just let her?" Tumaas na ang boses nito. The bodyguards shifted uncomfortably, knowing they had failed in their duty to protect their employer's wishes. "Makulit po talaga siya, Sir," wika naman ni Troy na nakayuko pa rin. "Sinubukan namin siyang pigila
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Marahang sumilip ang liwanag sa manipis na kurtina ng kwarto ni Rose, na naging dahilan para magising siya sa kanyang masarap na pagkakahimbing. She heard giggles and little feet running around. Isa lang ang ibig sabihin no'n, mapapangaralan na naman siya. "Mommy, wake up! It's time to get ready for our big day!" masiglang umakyat si Lily sa kama niya at pilit siyang pabangunin. Napangiti siya. "Hmm..." pagbibiro niya. "Mommy, tayo na po ikaw dyan!" si Dahlia naman ang nagsalita. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magmulat na at sumalubong sa kanya ang maliliit nilang mga mukha. Lahat sila ay mukhang nakaligo na at nakaayos na. Pero hindi na siya nagulat doon, they independently take good care of themselves. Kahit pa na magrepresenta siya, mas prefer nila kumilos ng kanila. "Good morning, Mommy!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita niya. "Good morning, mga mahal ko..." As she swung her legs over the edge of the bed, napansin niyang may
Anim na taon... anim na taong sinubukan ni Rose na mamuhay ng payapa. Sa loob ng mga taong iyon ay natuto siyang tumayo mag-isa at magsikap na buhayin ang kanyang apat na supling. Sa mga panahong hinang-hina na siya at gusto na niyang sumuko ay naging inspirasyon niya ang mga ito para magpatuloy at huwag paghinaan ng loob. Sila ang nagsilbing liwanag niya sa madilim at magulong mundo na pinasok niya. Marami na rin ang nangyari sa loob ng anim na taon. Napagtagumpayan niya ang hamon ng pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan, pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanila nang mag-isa. Sa bawat araw na lumipas, hindi nawala sa kanyang alaala si Xavion. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya ito magawang kamuhian dahil kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakaroon ng pag-asa para magsimula ulit. Hindi na rin niya inalam pa kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. Kung anuman, alam niyang wala na siyang kinalaman pa doon. Ayaw na niyang idawit an