“Akala ko ba ay susubukan mo, ha? Umaasa kaya yong tao na makakausap ka niya.” Panay ang panenermon sa akin ni Zusie pagdating sa Botique. Sinabi ko kasi rito na baka hindi ko mapagbigyan si Jeriko sa gusto niya. Una ay sinabihan na ako ng asawa ko na ‘wag makikipag-usap rito dahil baka mamaya ay kung ano pa ang magawa raw nito sa akin. At pangalawa, naguguilty na agad ako sa gagawin ko na ‘yon kung itutuloy ko man. “May importante nga raw siyang sasabihin sa ‘yo,” dugtong niya pa. Napaisip ako, gaano ba kasi ka importante ‘yon? “Hindi niya ba puwedeng sabihin sa tawag na lang, o di kaya ay text?” “Bakla naman eh, kung puwede siguro ay gano’n na lang ang ginawa niya. Ang kaso ay hindi kasii gusto ka nga niyang makaharap.” “Bakit ba, atat na atat ka na magkita kami? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin niya?” Nahihiwagahan din kasi ako sa kaniya eh. Panay niyang pamimilit sa akin, na para bang may nalalaman siya na hindi ko alam. “H-hindi, concern lang ako do’n sa tao,” aniya.“E
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Leon, ano rin ang nalalaman niya? At ano ang sinasabi niya sa patungkol sa alam ng asawa ko at ni Jeriko? Imbes na tatayo na ako at iiwan siya ay naintriga pa ako sa huli nyang binitiwan na salita. Kaya naman muli akong bumalik sa aking pagkakaupo at nagsalita, “Hindi ko na alam kung ano ang iisipin sa ‘yo, Leon. Napakarami mong sinasabi gayong hindi mo naman ako personal na kakilala, kami.” “Alam ko, hindi ka agad maniniwala sa akin, pero bakit hindi mo subukan na pagbigyan ang hiling ko, Selene, para makita na mapagkakatiwalaan mo ‘ko.” Nanatili akong tahimik sa loob ng dalawang minuto, nakapaskil ang mga mata ko sa kalsada, sa labas ng coffee shop. Wala nga namang mawawala kung susubukan ko, kaso… “Kung maging buo ang isipan mo tungkol sa sinabi ko ay tawagan mo ‘ko. Puwede kitang tulungan. Magagawan ko ng paraan na hindi malaman ng asawa mo kung ano man ang nais mong gawin, katulad niya ay marami din akong koneksyon Selene,” anito. Nakatitig
“Wife, kanina ka pa ba riyan?” Kabang-kaba si Dreyk sa biglang pagsulpot ng kaniyang asawa sa kanilang silid. Ni wala man lang siyang narinig na kahit anong ingay sa pagdating nito. Kung hindi pa siya tinawag ni Selene ay hindi pa siya magtitino sa katuliruan niya. “Huh? Hindi naman, kakapasok ko lang din,” sagot ni Selene. “Dinalhan lang kita ng kape, mukhang magpupuyat ka na naman kasi eh,” Dugtong pa nito. Tila nabunutan naman ng tinik ang lalaki ng malaman ang pakay ng asawa, mabuti na lang at wala itong narinig na kung ano dahil panigurado hindi magiging maganda ang outcome ng lahat. “T-thank you, wife,” sabi naman din niya. Kinuha nito ang baso sa kamay ng asawa t ipinatong ang mainit pa ngang kape sa kaniyang lamesa. Ngayon lang si Dreyk nakaramdam ng labis na pagkakaba sa dibdib niya. Iba kasi ang tama niya kay Selene, ang babae ay hindi katulad ng iba na nakilala niya. Mayroon talagang tinatawag na Love factor sa pagitan nila. “Welcome, hubby. Basta kapag may kailangan k
Dahil kilala na rin ako sa Opisina ni Dreyk bilang asawa niya ay hindi na ako nahirapan na makapasok sa kumpaniya. Sa lahat ng nakakilala sa akin, panay pag Good morning at pagbow ang ginawa nila. Ayaw ko namang magmukhang snob kahit pa nagmamadali ako na mapuntahan si Dreyk at malaman kung ano ang kalokohan na ginagawa nito, kaya naman binalikan ko na lang sila ng pag ngiti. “Good Morning ma’am, gusto niyo po bang tawagan ko si Sir at sabihin na narito kayo?” Pagkarating sa elevator ay nakasabay ko ang Marketing manager na si Ms. Karen. “Huh? No, hindi na. Hindi kasi niya alam na pupunta nga ako rito, gusto ko kasi siyang isorpresa.” sabi ko, mabuti na lang at nagbitbit ako ng lunch box, pang alibi pa. Tumango-tango si Ms. Karen sa ‘kin, “Gano’n po ba, ma’am? Naku, ang sweet niyo naman po.” Hindi na ako sumagot, nginitian ko na lang siya at naghintay na makarating ako sa Opisina ni Dreyk. Ngunit ilang sandali lang ay may naisip ako na itanong sa kaniya. “Excuse me, puwede ba ‘
“So, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” Matapos kong makausap si Tiffany sa cellphone ay saka ko lang nlaman ang nangyari sa kaniya. Nang madala si Jeriko sa presinto ay wala na pa lang nag-alaga sa kaniya. Kaya naman ngayon ay sinusubukan niyang kausapin si Dreyk upang makahingi ng pabor dito. Kinuwestiyon ko siya kung bakit hindi niya pinaalam na lang sa pamilya niya ang nangyari, ngunit umiyak lang ito at sinabi na natatakot siya. Ngayon ay ang asawa ko na ang binalingan ko ulit upang mapakinggan ang isasagot niya sa akin. “Ahm, Wife…” “Bakit ba nahihirapan kang umamin ha?” “U-umamin na ano?” tanong niya sa akin. “Na ano pa ba? Na tinutulungan mo siya lalo na at wala si Jeriko. Alam mo hubby, wala namang magiging kaso sa akin ‘yon. Naging kaibigan mo pa rin naman siya, lalo na no’ng wala pa ako sa buhay mo. Oo, nainis ako sa kaniya dati, pero ibang usapan naman kasi ito. Wala siyang mapupuntahan at mas lalo na walang mag-aalaga sa kaniya. Siguro nga may mali na nagawa s
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pinaggagawa ni Selene. I already told her na lumayo na siya sa asawa niya kung ayaw niyang mas masaktan pa. Marami na itong itinatago sa kaniya. Ngayon naman, she still refused to talk to Jeriko, which is her chance na malaman ang sikreto ng asawa niya for having a baby to someone else. At ang pinaka masaklap pa ngayon ay ang pagpapabalik-balik niya sa Ospital at pag-aalaga sa babae na naanakan ng kaniyang asawa. Does she know the truth, at ngayon ay nagpapakabayani siya para i-save ang babaeng iyon? “Good afternoon, sir Hernandez.” “Hi. Good afternoon,” pagbati ko rin sa mga nurses na nakasalubong ko sa hallway. Pabalik na ako sa Duty, kagagaling ko lang sa lunch kasama ay ilan sa mga may matataas na katungkulan din sa Ospital nang matanaw ang pigura ng mag-asawang Sebastian. For the third time this week ay napaka consistent nila sa pagdalaw sa Ospital, na para bang ang pasyente nila ay isang malapit na kamag-anak. Naghintay ako sa pagbuka
“Oh, hubby? Bakit ang tagal mo?” bungad ko kay Dreyk. Ipinark lang naman niya ang sasakyan pero inabot na siya ng halos 20 minutes bago nakarating sa silid ni Tiffany. Narito na naman nga ulit kami sa Ospital para sa daily dalawa kay Tiffany. Hindi naman kami nagtatagal kapag napupunta rito. Two hours ang pinakamatagal na stay ko para lang matulungan si Tiffany. Hindi naman sa hindi niya kaya pero gusto ko kasi ang ginagawa ko. Isa pa, naging mabuti rin naman si Jeriko kahit na ano pa ang nangyari. “Ah, sorry wife, dumaan lang din kasi ako sa nurse station para i-settle ang bills. Mamaya ay puwede nang makauwi si Tiffany,” aniya. Napangiti ako, pero hindi si Tiffany. “Huh? Uuwi ako? Pero saan?” tanong naman niya. Nangunot ang noo ko. Wala ba siyang matitirhan talaga As in? “Sa dati niyong tinutuluyan ni Jeriko-” “NO, Dreyk! Ayaw ko do’n, paano kung bigla na lang siyang mapunta doon? Tapos ay saktan na naman niya ako? No, paano naman ang anak ko?” Nakaramdam ako ng awa sa kaniy
Tahimik lang ako sa loob ng kotse habang pauwi kami ni Dreyk. Mula ng pagtaasan niya ako ng boses hindi na rin naalis ang pagkainis ko sa kaniya. Ano’t bigla na lang akong naechapwera? “Wife? Hey, any problem?” nagtatanong ito pero hindi ko man lang siya sinulyapan, nanatili lang na deretso ang tingin ko sa daan. “Wife?” Hinawakan niya pa ang kamay ko, pero dahil sa galit nga ako ay inilayo ko sa kaniya ang aking palad. “Ano’ng problema?” At talagang natatawa-tawa pa siya sa tanong niyang ‘yan? “Ano nga ba?” pag-iinarte ko. Inilayo ko pa nga ang mukha at sa may windshield nanghingi ng suporta? “You’re acting weird, wife. Just tell me kung ano ang problema mo hindi ‘yong pinaghuhula mo ako riyan.” aniya pa. “Well, you shouted on me.” “Where? When?” he chuckled. “Wow, limot mo agad? Doon sa Condo, no’ng inaalalayan mo si Tiffany. Ang rude kaya ng asal mo sa akin. Hindi ka ba puwedeng mag-ask lang ng maayos? You even cursed.” Wala, nagtatampo talaga ko sa ginawa niyang ‘yon. I