Share

The Call

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Leon, ano rin ang nalalaman niya? At ano ang sinasabi niya sa patungkol sa alam ng asawa ko at ni Jeriko?

Imbes na tatayo na ako at iiwan siya ay naintriga pa ako sa huli nyang binitiwan na salita. Kaya naman muli akong bumalik sa aking pagkakaupo at nagsalita, “Hindi ko na alam kung ano ang iisipin sa ‘yo, Leon. Napakarami mong sinasabi gayong hindi mo naman ako personal na kakilala, kami.”

“Alam ko, hindi ka agad maniniwala sa akin, pero bakit hindi mo subukan na pagbigyan ang hiling ko, Selene, para makita na mapagkakatiwalaan mo ‘ko.”

Nanatili akong tahimik sa loob ng dalawang minuto, nakapaskil ang mga mata ko sa kalsada, sa labas ng coffee shop. Wala nga namang mawawala kung susubukan ko, kaso…

“Kung maging buo ang isipan mo tungkol sa sinabi ko ay tawagan mo ‘ko. Puwede kitang tulungan. Magagawan ko ng paraan na hindi malaman ng asawa mo kung ano man ang nais mong gawin, katulad niya ay marami din akong koneksyon Selene,” anito. Nakatitig
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status