Share

Babala

“Akala ko ba ay susubukan mo, ha? Umaasa kaya yong tao na makakausap ka niya.” Panay ang panenermon sa akin ni Zusie pagdating sa Botique. Sinabi ko kasi rito na baka hindi ko mapagbigyan si Jeriko sa gusto niya. Una ay sinabihan na ako ng asawa ko na ‘wag makikipag-usap rito dahil baka mamaya ay kung ano pa ang magawa raw nito sa akin. At pangalawa, naguguilty na agad ako sa gagawin ko na ‘yon kung itutuloy ko man.

“May importante nga raw siyang sasabihin sa ‘yo,” dugtong niya pa.

Napaisip ako, gaano ba kasi ka importante ‘yon?

“Hindi niya ba puwedeng sabihin sa tawag na lang, o di kaya ay text?”

“Bakla naman eh, kung puwede siguro ay gano’n na lang ang ginawa niya. Ang kaso ay hindi kasii gusto ka nga niyang makaharap.”

“Bakit ba, atat na atat ka na magkita kami? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin niya?” Nahihiwagahan din kasi ako sa kaniya eh. Panay niyang pamimilit sa akin, na para bang may nalalaman siya na hindi ko alam.

“H-hindi, concern lang ako do’n sa tao,” aniya.

“E
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status