Dahil nagmamadali ako’y hindi na ko na natawag pa ang akig driver upang ipagdrive ako patungong Condo Unit na tinutuluyan ni Tiffany. Nagpara na nga lang ako ng taxi para mas madali. “Ano naman kaya ang nangyari kay Manang Myrna? Hindi pa siya nag-iisang araw sa poder ni Tiffany ha,” sambit ko sa sarili habang nasa loob ng taxi. Sinubukan kong i-dial ang numero ni Manang pero hindi na ito sumagot pa. Kaya naman nakiusap ako sa driver na baka puwedeng pakibilasan dahil may emergency lang ako na kailangang mahabol. “Ano ba ‘yan.” Napapatagsik ako sa inis dahil sa unreachable na tawag. Sa pagkataranta ko nga’y napatuwid na ako ng upo’t tumutok sa kalsada, panay ay pagkilos ng tuhod ko hanggang sa makarating kami sa Condo. Dali-dali akong nagtungo sa elevator nang makalagpas na sa guwardiya. Panay ang pagbilang ko ng numerong nagf-flash sa itaas na bahagi ng elevator upang medyo malibang. Ting! Buti naman. Ilang minuto din ang itinagal bago ako makarating sa harapan ng Uni
Lumabas ako ng Veranda para sundan ang pag-alis ni Selene, ngunit dahil sa nasa mataas na palapag ako’y halos hindi ko na nga maaniag pa kung nasaan na ito. Tinandaan ko lang ang kulay ng suot niya, para kapag may lumabas na sa Exit ay malaman ko na siya na ‘yon. Narinig ko kanina ang sinabi niya sa katulong na ibinigay niya sa akin, pinipa-una na niiya ito kasama ang driver nila, at siya ay magco-commute na lang. Tamang oras na ito upang isagawa ang plano ko para pag-awayin ang mag-asawa. Kaagad kong tinawagan ang aking kontak upang abangan ang pag-alis ni Selene sa Hewington. Ang balak ko ay ipadampot ang babae at saka dalhin sa kung saan, gusto kong pag-away nila ako. Dahil once na kidnapin nila si Selene ay tatawagan ko naman si Dreyk upang mag-inarte sa kaniya. Alam ko naman na hindi matitiis ni Dreyk kapag usaping tungkol na sa pinagbubuntis ko na. “Kayo na ang bahala sa kaniya, gawin niyo kung ano’ng gusto niyo. Basta ang akin lang ay abutin siya ng kinaumagahan na bago m
Nangangatal ang katawan ko sa mga oras na ito. Tatlong armadong kalalakihan lang namana ang biglang humila sa akin papasok sa isang kotse. Hindi ko sila kakilala at mas lalong ayaw ko silang makilala pa. Nagwawala nga ako at pilit na sumisigaw kahit na alam kong wala namang makakarinig sa akin mula sa loob ng kulob na puting kotse. Ang isa sa kanila’y ang driver, nasa 40’s na ito, ayon sa pagkagaspang ng kaniyang mukha. Habang ang dalawa naman sa kanila ay napapagitnaan ako, tahimik lang sa umpisa angn mga ito hanggang sa may tumawag sa isa sa kanila. “Hello? Boss? Oho, nakuha na namin siya. Sige kami na ang bahala sa kaniya. May ipapadala pala kaming litrato sa ‘yo, Boss. Send ko na lang ho.” Pagkatapos ay agad din naman nitong ibinaba ang cellphone na hawak. “Alam niyo na ang gagawin ha?” Hindi ko gano’n ka-gets kung para saan ang usapan nila, hind ako makapagreact masyado gawa ng takot ko nga. Bigla kong naalala ang senaryo noon, ganitong-ganito rin ‘yon. Dinampot ako ng ilang
‘The number you are calling is under un-attended or out of coverage area, please try your call later’ Hindi na naman ako mapakali. Halos mapudpod na kasi ang daliri ko kakadial sa numero ni Dreyk ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Kailangan ko siyang makausap para makaalis na kaagad ako sa madilim ay nakakasulasok na warehouse na pinagdalhan nila sa akin. Sinipat ko ang oras sa cellphone na hawak ko, nine pm na, almost three hours na ako sa kako-kontak sa kaniya’y hindi pa rin siya sumasagot. Hindi man lang ba siya nag-aalala sa akin? Hindi man lang niya ba ako hinahanap sa ganitong oras? Dreyk, please, answer the phone. “Ano, ilang oras ka na sa ginagawa mo pero hindi mo pa rin makontak ang sinasabi mong mayaman mong asawa? Kami ba pinagloloko mo ha?” Napapikit na lang ako sa boses ng isa sa mga goons na kumidap sa akin, nasa likuran ko lang siya kanina pa. Binabantayan niya ang mga numerong idina-dial ko sa kanilang cellphone dahil baka iba naman daw ang tawagan ko. Matata
Inabot na ako ng umaga pero hindi ko pa rin mahagilap ang asawa ko, isa itong cellphone ko na kahapon ko pa hinahanap. Suki na nga kami ng Ospital, kung hindi dahil kay Selene ay dahil naman kay Tiffany. Ngayon sa isang malapit na private Hospital sa Hweington ko na dinala si Tiffany, ang sabi ng Doktor ay okay naman siya. Ngunit si Tiffany pa rin ang nagpursigi na magstay nga siya sa Ospital at baka raw sumakit pa rin ang tiyan niya. What a clingy. “Have you not really saw my phone?” For a hundred times I asked her. “I didn’t saw it, Dreyk. Maybe, you left it somewhere,” she replied. Siguro nga, kaso sa kakaisip ko kung saan ay hindi ko nga malaman. “Hindi kaya sa Condo mo, naiwanan?” sabi niya. Nilingon ko siya’t tinitigan, busy ito sa pagbabalat ng oranges para sa sarili niya. “You think so?” “I am not sure, but maybe you can check it out. I did not answer back at her, instead I got out of the room and hurriedly go bact to the Condo. And Tiffany’s assumptions are correct
“Sir Dreyk, nandito na po si Ma’am Selene.” Nagmamadali ako sa pagbaba mula sa kuwarto ng malaman na nakauwi na siya. Alas onse na nang tanghali at halos apat na oras na akong naghihintay sa kaniya. Sinubukan ko nang ireport ang pagkawala niya pero sinabihan lang ako na hindi pa raw 24 hours kaya hindi ko pa siya maide-declare na missing. “Selene? Where have you been?” Kamuntik na nga akong madapa pa sa pagdudumali na makalapit sa kaniya. Mabilis ko siyang sinapo sa magkabilang pisngi niya’t tinanong kung saan ba siya nagpunta. Ngunit hindi pa man nagtatagal ang kamay ko sa kaniyang mukha ay agad na siyang umiwas sa akin. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako sa nakita ko, pero nangatal ang kaniyang labi at kamay na animo’y natatakot siya sa ginawa ko. “Wife, is there any problem? You are not answering any of my calls,” sabi ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayon. Alam ko kasi na may mali akong ginawa kaya naman hindi kong magawang magtaas ng boses o di kaya’y magalit sa
Lumapag na ang plane na sinasakyan ng bagong mag-asawa na Liset at Patrick. Nakabalik na sila sa Pilipinas sa loob ng halos magtatlong linggo na honeymoon sa France. Hindi na blonde ang buhok ni Liset. Balik itim na iyon at hindi na rin gano’n kahaba tulad ng dati, pinaputulan niya na abot hanggang balikat lang at medyo wavy ang datingan. Pinaghahandaan niya ang pagbabalik sa Ospital, nakuha na niya ang recommendation na hinihintay upang makapasok sa Saint Luke’s Hospital, kung nasaan ang kaniyang tunay na kapatid. Tunay na kapatid dahil umpisa pa lang ay alam naman niya na hindi siya birth child ng kaniyang pinakamamahal na ama. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman na ampon siya, naaalala pa naman niya ang lahat noong four years old siya at kunin ng tinuring na ama sa ampunan. Nahanap niya ang kapatid mag-aapat na taon pa lang ang nakakaraan. Namukhaan niya ito nang makita ang news all about a hero doctor who save many lives in an accident of a falling bridge. Kaya magmula no’n a
Wala ako sa huwisyo habang nagd-drive galing sa Hewington, napanood ko na ang CCTV mula sa loob ng Condominium. Lumabas si Selene bandang five-thirty pm at hindi na siya muling bumalik pa nang mga oras na tinawagan ko siya upang sabihin na papunta nga ako’t ‘wag na siyang umalis pa. Wala na ‘kong ibang nakitang kahina-hinala pa sa footage kaya umalis na lang din ako. Ngunit hindi maalis ang pagdududa ko sa nangyari magdamag sa kaniya, pero hindi ko rin naman magawang magreact ng hindi maganda dahil may mali naman ako sa nangyari, unreachable ako nang mga oras na ‘yon. Ring… Sinulyapan ko kung sino ang tumatawag, si Mom. “Yes, mom?” bungad ko. “Where are you, Dreyk?” iyon agad ang tanong sa akin ni Mama. “Pauwi po ng bahay, mom, why?” “Your dad want you to come in our house, right now to discuss some reports from the Company.” Nangunot ang noo ko sa sinabing iyon ng aking ina, what reports is she talking about? “What do you mean mom?” Bumuntong-hininga si Mama mula sa kabil
“Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.
Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay
Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k
Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng
Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in
Napatulog ko na sina Fiel at Sera kaya sinumulan ko naman ang aking night routine bago matulog. Maghapon akong nakipaghabulan sa dalawang batang makukulit, sobrang nagkapalagayan ng loob ang dalawa siguro ay dahil sa magkapatid sila. Naayos na rin ang transfer papers ng anak ko for his schooling dito sa Maynila at bukas ay magsisimula na siyang puamsok. Ako ang umako sa paghahatid sa kanila sa eskwela, maaga rin iyon kaya kailangan na maaga rin ako sa pagising. Iba na ang routine ko ngayon, hindi katulad dati na si Leon ang naghahatid at sundo kay Fiel, na kahit na busy ito ay gagawan niya talaga ng paraan. Natigilan ako sa tapat ng salamin nang maalala na naman ang lalaki, hindi na kami nagkausap pang muli, hindi ko rin siya magawang tawagan lalopa’t ako naman ang lumayo sa kaniya. I even asked Liset pero wala rin siyang maibalita sa akin, hindi rin daw sila nagkakausap ng kapatid niya. “Ano na kayang nangyari sa kaniya?’ I asked myself. Ngunit kalaunan ay napailing-iling na ang
I was fine.Or maybe I thought I was fine.Tinunga ko ang isa shot ng brandy, nakauwi na ako sa probinsiya kanina lang pero dito na ako dumiretso sa isang Bar. Gano’n din naman dahil wala akong uuwian sa bahay namin. Umalis ako na kasama ang mag-ina ko pero heto ako’t mag-isa na lang na bumalik. I was a fool.Hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong narito, hangga’t kaya kong lumunok ng alak ay gagawin ko kahit panandalian lang na makalimutan ang pangungulila sa kanila. Sinensyasan ko ang bartender na bigyan pa ulit ako ng isang shot.Medyo nahihilo na ako, pero sige pa.Pumunta ako sa tinitirahan bago ako umuwi, una’y gusto ko lang naman na ibigay sa tunay na asawa nito ang USB na nakuha ko habang nag-iimbestiga sa nangyari kay Selene. I’ve found a concrete evidence to point Tiffany Andres sa mga ginawa niyia. And I am hoping na makatuloy ‘yon para mas matahimik ang buhay nila roon. Good thing na naroon si Fiel, I good say goodbye for the last time for him.I’ve missed my s
“Bitiwan niyo ‘ko sabi eh! Ano ba!”“Aray! Nasasaktan ako!”Matapos kong mapakinggan ang call recording na ibinigay ni Leon ay kaagad kong pinadampot si Tiffany sa Condo na tinutuluyan niya. Ang mga pictures ang naging ebidensiya na siya ang maysala sa pagkakakidnap kay Selene four years ago na siyang naging dahilan din kung bakit siya nagah*sa sa ikalawang pagkakataon. Iyon lang ang maisasampa ko sa kaniya, hindi na nakasama iyong pang-nine years ago dahil wala kaming makuhang ebidensiya laban sa kaniya.“Hey! Ano ba!”“Pasensiya na kayo, ma’am. Pero kailangan niyo talagang sumama sa amin sa presinto, nakita niyo na naman ang warrant hindi ho ba?” Hindi ako tuluyang pumasok sa loob, nanatili lang ako sa labas dahil panigurado na didikit lang sa akin si Tiffany kapag nagkataon. Nasabi ko rin ito sa asawa ko’t wala naman naging kaso sa kaniya. Hinayaan niya akong kumilos para sa ganitong mga sitwasyon. Ang sabi pa nga niyang hindi naman daw na kailangan pa ang may makulong, past is pa