Share

Ghosting You
Ghosting You
Author: Writer_of_yourstory

PROLOGUE

Author: Writer_of_yourstory
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Aabot sa sobrang inis ang aking sistema habang paulit-ulit na pinapakinggan ang recorded audio ng usapan nina Papa at ng isang di kilalang lalaki. 

How dare this guy suggest such stupidity to my father? Huh? How dare him! At sino ba siya para sabihin iyon ha?

“Ma’am, o-okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba tubig?” Natatarantang tanong ni Alfonso habang nakatayo sa harap ko.

“E-eto na po ma’am,” ani ni Teodoro sa natatakot na boses. Inilapag nito sa mesa ang aking cellphone. Kanina ko pa iyon hinahanap!

Kumunot ang noo ko at tinignan lamang silang dalawa habang natatarantang kinuha ang tig iisang basong tubig sa kalapit na mesa. What seriously? These two have no sense! Hindi ba nila alam na hindi ako natutuwa sa narinig ko? What the heck!

“Nakita niyo ba ang itsura ng lalaking iyon?” Tinignan ko pa sila parehas ngunit parehas lamang silang umiling sa akin. 

“Sino siya?” Sunod sunod kong tanong ngunit parehas lamang silang nakatungo sa aking harapan at saka nagtitinginan. 

What? 

“Napakawalang kwenta! Ano bang klaseng bodyguards kayo ha?! Di ba sabi ko, wag ako ang bantayan kundi si Papa?” Punong – puno ng iritasyon ang aking boses. Umagang – umaga, ito ang maaabutan ko! 

“Sorry po Ma'am!” Sabay nilang banat na siyang nagpakulo lalo sa ulo ko. Sinapo ko agad iyon at tamad na naupo sa aking swivel chair saka sila tinalikuran.

I need to compose myself. Kahit ang dalawang ito ay walang silbi, ni hindi ako sinusunod! 

Alam ko namang matapat silang alagad ko ngunit hindi lang dapat ganon. Kailangang hindi lang ako ang binabantayan. Dapat ay pati na rin ang pinaggagawa ng aking ama. 

“Good morning!” -Papa

“Good day, Mr. Samaniego!”

“I’m pleased to have you! Please sit down.”-Papa

“Sa palagay ko ay nakapag-isip ka na. Inaasahan ko ang positibong pagsang-ayon mo ayon sa ating napag-usapan.”. -Papa

“Sa tingin ko ay hindi ganoon kadali ang iyong hinihiling. Hahaha. Alam mo namang hindi ang isang gaya ng anak mo ang magugustuhan ko. She’s not my type. At kung pupwede ay iba na lang.”

 

“And why? This is all you want after all diba? Ang pag-iisang dibdib ninyong dalawa ang magpapatuloy sa nasimulan ng iyong Papa at ng business namin.  Since, may gusto ka naman sa kaniya. Hindi ba? ” -Papa

Rinig ko ang malakas na pagtawa ng lalaking iyon na pinapamukhang mali sa akala si Papa. Kung kanina ay parang naiipit ang boses nito ay ngayon parang natural na ang boses niyang iyon.

“Mr. Samaniego, I’m very certain that your daughter is someone to be taken serious. At hindi ako ang lalaking gagawin iyon. I’m not the “into this relationship” guy. I’m more on playing women's heart.”

“What? So why are you here then?” – Papa

“To give you an option! What if Mr. Daniel Guevarra can do this better? Sa tingin ko naman ay may gusto iyon sa iyong pinakamamahal na hiredera.”

Inantay ko pang muli ang kasunod ng usapang iyon at ang sagot ni papa sa sinabi ng lalaking iyon ngunit WALA! Naputol ang recorded audio!

Lintek na iyan! 

Anyways! Hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Papa.  Ano ako? Pusa ? Na kapag lumaki na, ibebenta na lang niya ng wala man lang akong kaalam – alam? Ni hindi nga niya ako binigyan ng kalayaan since high school at college na magboyfriend. Ni ligawan sa bahay, ayaw! Umalis kasama ang barkada at magliwaliw sa Cebu at iba pang lugar, ayaw! 

So what is this now? He’s deciding for my future? Future ko ang pinag-uusapan dito!

How could he? How could he do this to me? Tangina! 

“Ma'am!!!! “ Sabay nilang diskusyon nang ibato ko sa bintana ang aking cellphone. Naglikha iyon ng malakas na ingay sa loob ng office ko. Kinagat ko pa ang labi ko nang makitang nagkawatak-watak sa sahig ang parts niyon. Sa sobrang galit at disappointment ko sa sarili ko ay nagawa kong ibato ang pinakaiingatan kong cellphone. My ex boyfriend gave it to me. Kaso ay wala naman na siya kaya dapat lamang iyon sa cellphone na iyon.

“Don’t come near me! Or else, I'll fire you both!”

Malakas ang aking pagkakasabi dahilan para tumigil sila pareho sa paglapit sa akin. Tinakpan ko agad ang aking mukha at saka pinahid ang lumabas na luha. I hate being this weak. 

I hate it! 

Buong buhay ko ay wala akong ginawa kung hindi ialay ang buong atensyon ko kay Papa. Ginawa ko ang lahat para lang mapansin niya ako. I always do my best to be always on top sa klase. Even choosing a course to study, sinunod ko ang gusto niya. Kahit fine arts talaga ang gusto ko at hindi business course.

Kahit pagboboyfriend ay pinigilan niya ko. Makakasira raw iyon sa performance ko sa klase at tiyak na mawawala ako sa wisyo sa business world pag iyong paglalandi ang inatupag ko. Tiniis ko lahat. Lahat lahat.

Even the scar left in my heart after that year is still here.

 I hate it being a puppy all my life!

Hindi ako papayag na masusunod na naman si Papa sa gusto niya. Hindi na. Hinding – hindi na.

Pinahid ko pang muli ang natitira kong luha saka ko hinarap ang aking personal bodyguards.

“Tatakas tayo.”Namilog agad ang kanilang mga mata sa gulat. Alam kong ganoon nga ang magiging reaksyon nila. Maging ako ay hindi ko maisip kung bakit iyon na lamang ang natitirang pag-asang nakikita ko. Pag-asang sa wakas ay makakalaya na ako sa aking ama.

“Sigurado po ba kayo riyan Ms. Samaniego?” Naguguluhang tanong ni Alfonso. Sa kanilang dalawa ni Teodoro ay masasabi kong mas may itsura itong si Alfonso ngunit hindi naman siya kagaya ni Teodoro na medyo may pagkastrikto ang ugali. Mas maluwag ng konti si Alfonso. 

The heck is that! Iniisip ba nitong hindi ko kayang mabuhay kung wala si Papa? Of course not! Kaya kong mabuhay ng ako lang.

Nanirahan nga ako sa London ng dalawang taon at mag-isa pa ako roon iyon nga lang ay kasa kasama ko na silang dalawa. 

“Minamaliit mo ba ako Alfonso?,” ani ko saka ako naglalakad papalapit sa kaniya.

Tinaasan ko pa ito ng kilay at ginawang kapani- paniwala ang reaksyon ng aking mukha. Parehas pa din silang nakatayo sa aking harapan habang parehas na nakasuot sa kanilang tenga ang isang bagay na sa tingin ko ay sinisimulan na nilang isecure ang lugar. 

Nagtinginan pa silang dalawa at saka tumango. Waring napag-usapan na ang isang bagay.

“Okay po. We will secure every place na dadaanan po natin papalabas.” Si Teodoro na ang sumagot na siyang ikinatango ko. Inabot niya sa akin ang cellphone na laman ng recorded video. Kinuha ko ang cellphone na iyon at nilagay sa Hermes bag ko. 

“No. You’re not gonna do anything. Instead, hayaan niyo akong mauna sa inyong dalawa. I mean…”

Hindi ko makuha ang planonh gusto kong mangyari. Sinulyapan ko agad sila at parehas silang nakakunot noo sa akin. 

“Okay. Since, hindi niyo masabi sa akin kung sino ang pangahas na lalaking iyon ay ako na ang gagawa. But for now, kailangan kong makalabas ng Pinas. Mamaya na ang flight ko at kailangang makaabot ako sa flight.”, ngumuso pa ako at naalalang iiwan ko na ang Pinas.

Nagtinginan silang parehas sa akin. Kapwa naguguluhan at nadadalian sa pangyayari.

“Pero Ms. Samaniego, kaarawan po ng iyong Ama,” pagpupumilit ni Alfonso.

“Oo nga po, ibinilin ka po sa amin ni Mr. Samaniego. Kailangan daw pong makadalo kayo,” dagdag pa ni Teodoro.

Pinakatitigan kong maigi sina Alfonso at Teodoro. Bilin? Wala akong naaalalang kailangan kong umattend ng party at mismong party pa ni Papa.

“What are you saying? Hindi nagcecelebrate si Papa ng kaniyang kaarawan,” di makapaniwala kong sabi.

Walang sinasabi sa akin si Papa at wala ito sa aming napag-usapan. 

Nagsimula kong ihakbang pakanan ang aking mga paa. Mas lalo akong nabuhayan nang makita ko ang Hermes kong sandals. Six inches iyon na siyang mas lalong nagpatangkad sa akin. Bagay na bagay iyon sa malaporselana kong kutis. I'm actually 5’6 pero I look 5’9 or higher than that. 

Hawak hawak ko pa ang aking labi habang iniisip kong anong pinaplano ni Papa. Last week kase ay kinausap niya ako sa isang bagay. Ngunit tungkol lamang iyon sa mamanahin ko. Walang konek iyon sa party na gaganapin mamaya.

“Okay, I'll attend. Pero wag niyong sasabihing aalis ako. Understood?,” pinanlakihan ko pa sila ng mata habang pabalik – balik ng lakad.

“Yes Ma'am!,” magkasabay pa nilang sabi. 

“Ahy ma’am,” napatigil ako sa paglalakad at saka hinarap si Teodoro. Ngumiti ito sa akin at halata namang may gusto itong sabihin.

“Ma’am nahihilo na po kase kami. Hindi po ba pwedeng pag-usapan na lamang habang nakaupo kayo?” Nakalabas pa parehas ang mapuputi nilang ngipin.

“What seriously?!” Hysterical kong tanong. Inuutusan ba nila ako? 

“Here is what we gonna have to do.”, mahinahong panimula ko.

Parehas pa silang nakatutok ang mga mata sa akin habang ang kanya - kanyang kamay ay nasa isang lalagyanan ng chicharon. 

“Mamayang party ay mala-late tayo. Aabot tayo sa engrandeng speech ko at pagtapos nun ay magpapanggap akong masakit ang tiyan at nahihilo. O kaya naman ay may meeting basta kahit anong pag-arte. Yun na ang hudyat para dumating kayong dalawa at iuwi niyo na ko,” mahabang hininga ko. Ang haba ng sinabi ko feeling napagod ang buong sistema ko. 

“Iuuwi? Diba tatakas?” Napakamot ng ulo si Alfonso habang nilakihan ko naman ito ng mata. Tumawa naman sa tabi niya si Teodoro at agad na pinigilan iyon nang panlakihan ko ito ng mata. 

Tumango lamang silang dalawa at saka parehas na kinuha ang malaking chicharon. Sa tagal naming magkakasama ay nakuha ko na rin ang mga loob nila. Hindi mahirap iyon lalo at pursigido sila. Hindi din kase ako madaling magtiwala well simula noong mangyare iyon. Well, erase that. 

Doon ko din nalamang pare - parehas naming paborito ang chicharon ng Bulacan. 

“Pero bago tayo dapat makaalis ay nailagay niyo na sa kotse ang lahat ng gamit ko. Alam niyong wala akong oras para ilagay lahat iyon sa kotse kaya naman, Teodoro, inuutusan kitang gawan mo ng paraang maibaba lahat ng gamit ko nang hindi nila nalalaman. Hindi siya pwedeng malaman ni Papa lalo pa at alam nitong sa susunod na buwan pa ang aking flight patungong London.”

“No problem Ms. Samaniego, kaya ko iyan!,” masayang anunsiyo niya. 

“Well, make sure of it dahil hindi ako dapat mahuli o mapanghinalaan. Kung pumalpak ka rito, yare ka sa akin,” mariing Sabi ko saka ko siya dinuro ng hawak kong chicharon.

Gayon nga ang nangyari. Nahuli kami ng dating at sakto na rin iyon sa oras ng aking speech. Iniklian ko na lamang iyon dahil mas gusto ko talagang sinasabi ang lahat ng personal sa aking Papa. Maganda ang pagkaka-ayos dito sa mansyon at madaming mga bisita. Lahat ay engrande ang mga kasuotan. Black and brown ang tema ng okasyon dahil paboritong kulay iyon ni Papa. Makaluma at masaya ang bawat musika at lalo na ang mga taong enjoy na enjoy sa sayawan. Tinignan ko pa ang lahat ng naririto. Nginitian ko ang iba at ang iba ay plastik na ngiti ang aking ibinigay. Alam ko kung anong klaseng tao sila. Mga uhaw sa kapangyarihan tulad ng aking mga pinsan. 

I sighed. Eto na ang huling gabing makikita ko sila.

“Tara na!”

Mahinang bulong ko sa earpiece na nakalagay sa aking tenga. 

“Ma'am, ako lang po muna ang sasabay sa inyo. Si Teodoro po kase ay nasa hotel mo pa. Iniimpake ang mga gamit mo,” garagal na sabi ni Alfonso. Rinig na rinig ko pa ang mabibigat nitong paghinga. Tumakbo ba siya?

Kumunot agad ang noo ko sa narinig hudyat na magclick ang mga nakaabang na camerang nasa harapan ko. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang bumaba mula sa stage at mabilisang binati ang mga bisita ni Papa. 

“Anak, what's the sudden look? May problema ba?,” nababakas ko roon ang pag-aalala.

Dalawang braso ang mahigpit na sumalubong  sa akin. Pinasadahan pa ako ng tingin bago ako hinalikan sa pisngi. 

“You’re so beautiful, anak! Bagay na bagay sayo ang short black backless dress na ito!,” aniya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. 

He's all too handsome for this event. Ang kulay ng kaniyang buhok ay bumagay sa kaniyang golden tuxedo. Kahit nasa 45 anyos na siya ay para pa din siya iyong Papa ko na dati rati ay karga karga pa ako. Hindi tumatanda. Mas lalo siyang ngumiti nang ngitian ko siya bagay na mas lalong nagpapawala ng inis ko.

Pero this is too much. Ayokong matali sa mga kondisyon at plano ni Papa na para lang naman sa kaniya. 

“Happy birthday, Papa. Can I go home na? Medyo masakit kase tiyan ko ih,” pag-aarte ko.

Tinignan lamang niya ako na para bang bago sa kaniya ang sinabi ko.

“Kakadating mo lang ah. Why not meet first the one I want you to marry,” mabilis niyang sabi saka lumihis ang mga mata sa likuran ko. 

Napauwang ang aking labi sa gulat bagay na hindi ko na nasabi ang susunod na script sa aking linya. Mabilis ang mga pangyayari lalo pa at nang may tumawag ng pansin namin mula sa aking likuran.

“Good evening and Happy birthday, Mr. Samaniego!,” masayang bati ni Daniel na agad akong hinalikan sa pisngi. 

Napatuwid agad ako ng tayo nang may brasong humawak sa aking beywang. Nagkamayan pa sila ng Papa ko na tila wala siyang ginagawang masama sa likod ko.

“Good evening, Ms. Samaniego. Gladly to meet you,” malawak ang kaniyang ngiti. Tanging mga ngiping mapuputi lamang ni Daniel ang nakakasilaw. Hindi ko alam kung bakit natutulala ako kapag ang lalaki ay maganda at mapuputi ang ngipin. He’s all handsome for tonight! 

“Good evening, Daniel,” tipid kong sabi.

Gumanti lamang ito ng ngiti ngunit agad na napawi nang biglang lumapit sa tabi ko ang dalawang bodyguards ko. 

“Ma’am, alis na po tayo.” Bulong ni Teodoro. Napatingin sila Papa at Daniel sa ginawang pagbulong ni Teodoro. Bigla akong nabuhusan ng ulirat nang tanggalin ni Alfonso ang kamay ni Daniel sa aking likuran. 

“What the!,” galit na tugon ni Daniel na pati din siya ay nagulat.

“Papa, I’m going home na. I’m sorry bawi ako,” pagpapaalam ko. 

Mabilis kong hinalikan ang Papa kong gulat pa din sa mga kinikilos ko. Hindi ko na ito inantay na magsalita at agad ko nang inihakbang papalayo ang aking mga paa. Rinig ko pang tinawag ako ni Daniel ngunit kumuway na lamang ako sa kanila. Nakaalalay lamang sila Teodoro at Alfonso sa akin.

Mahaba ang biyahe at kailangang makadating ako sa airport bago ang mismong oras ng flight ko. Nilingon ko pa ang lugar na nadaanan namin. Wala na ang malaking mansyon ni Papa at syempre makakalaya na ako. Wala na din akong ibang nakita pa kung hindi ang isang Black Montero na nasa likuran namin.

Binalik ko na ulit ang aking tingin sa harapan, this time, I will be free. Free from my father's control, utos at mga gustong ipagawa sa akin.

“Malayo pa ba tayo?,” nababagot kong tanong. Chineck ko agad ang oras sa aking relo. Dalawang oras na pala ako nakatulog at naririto pa din kami sa daan.

“Malapit na po Ms. Samaniego,” mabilis na tugon ni Alfonso.

Tumango lamang ako sa kaniyang nakatingin sa mirror. Parehas silang nasa harapan ni Teodoro at ako lamang ang naririto sa likod. Tinignan ko pa ang ilang sasakyan sa aming tabi. Hindi siya ganoong ka traffic. 

“Ano ka ba Alfonso at ikaw Teodoro, kayong dalawa dapat tinatawag niyo na lang ako sa first name!,” pagrereklamo ko. Ilang beses ko na sinabihan, hindi nakikinig.

“Hehe sorry po Ma'am, nasanay na po kami sa Ms. at Ma’am,” nahihiyang singit ni Teodoro na nilingon pa ako mula rito sa likod. 

Pinaupo ko silang dalawa sa harapan habang ako ay prenteng nakahiga sa likuran. Pinagsuot ko rin pala sila ng tuxedong black kaya nagmumukha na tuloy silang men in Black ng America hahaha char. Shades na lang ang kulang. I preffered to ride in a van dahil pina- customized ko ito, kaya eto, komportable ako kahit malayo pa ang byahe.

Nagsimula nilang palitan ang musikang lumulukob sa loob ng sasakyan.  Hindi ko raw kase magugutuhan ang mga iyon dahil alam nilang mas gusto ko ang love songs na kanta.

“Ihinto mo nga Alfonso.” Mabilis kong utos.

“Po?” Parehas at gulat nilang sabi. Agad namang itinabi nito ang sasakyan at saka dali- dali kong kinuha ang bag na nasa secret box ko.

“Oh, sandwich and drinks. Gawa ko iyan.” Proud ko pang sabi sa kanila. 

Parehas silang nagulat sa inabot kong pagkain. Oy pinaghirapan ko iyon. Pero gusto ko talaga matikman nila iyon since sila ang first taster ng gawa ko.

“Thank you po Ma'am, masarap siya!,” ani ni Alfonso. Napangiti ako roon at saka pinanood silang kinakain at iniinom ang gawa ko. Alam ko kaseng mahilig sila sa magulay na pagkain kaya ayon, I prepared a sandwich, Italian sandwich to be exact. Pagkatapos niyon ay nagsimula na agad na umandar ang sasakyan. 

Bigla kong naalala ang cellphone ko. Nilagay ko iyon sa maliit kong red na tote bag. 

“Teodoro, nasaan iyong pro max ko?,” mahinang tawag ko rito.

Natigil agad sa mumunting pagkanta si Teodoro at agad na nilingon ako.

“Nilagay ko po iyon sa likuran niyo mismo Ma’am,” ngumuso pa ito sa aking likuran. 

Tinaasan ko pa ito ng kilay. Bakit sa likod? Hays. Agad akong bumalikwas at kinuha sa likod ang aking bag.  

Ngunit nang aabutin ko na ito ay naagaw ng pansin ko ang isang pamilyar na sasakyan. Iyon ba iyong Montero kanina? 

“Ang dami palang mahilig sa Montero noh?” Wala sa sariling sabi ko. Lumingon agad ako sa harapan at sa biglang humawak sa aking paa. 

“Teodoro? Why?”, napansin ko roon ang kakaibang ekspresyon sa mga ni Teodoro. Nakaramdam ako bigla ng takot roon. Kinagat nito ang kaniyang labi at agad akong sinenyasang maging kalmado.

“Maam, kanina pa tayo sinusundan niyan!,” natatarantang sagot ni Alfonso. Saka mas lalong binilisan ang pagmamaneho. 

What? 

“Sino sila? Bakit nila tayo sinusundan?” Natataranta kong tanong. 

“Ma’am, kumalma po muna kayo. Humiga na lang po kayo para makasigurado tayo,” pagpapakalma ni Teodoro. Nariyan na naman ang mga kamay ni Teodoro. 

“Halaaa!!!!! Andami nila!,” malakas n pagkakasabi ni Alfonso. Gulat na gulat ito. Nilingon ko naman sa harapan ang tinutukoy nito at naroon nga ang mga naglalakihang kotse at nakaharang sa daanan ang Black Montero na iyon.

Inihinto agad ni Alfonso ang kotse at kinakabahan akong ganoon din ang ginawa ng dalawa pang kotse sa harapan. Inilibot ko pa ang aking mga mata sa paligid. Malas! Dito pa talaga sa mga wala man lang ka-ilaw ilaw? Sobrang dilim! 

Biglang bumaba roon ang isang lalaki, nakaitim na cap ito. Matangkad iyon at matipuno ang pangangatawan. Ang ilaw na nagmumula sa pinagsamang apat na sasakyan kabilang na ang amin ay nagmimistulang nagbibigay ng magandang exposure sa kaniya. 

Nang makalapit ito sa amin ay doon ko lamang napagtantong pulis nga iyon dahil sa uniporme niya. Pero bakit? Ano namang nagawa namin?

Kagaya nito ay bumaba naman sa mga kotseng iyon ang dalawa pang lalaki. Di gaya ng dalawang lalaking nasa tabi ng kanilang mga sasakyan, ang lalaking nasa labas ng pintuan ko ay nakafacemask. Kahit ganon pa man, halata sa kaniya ang pagkatangos ng kaniyang ilong. Diretso lamang ang tingin na tila nakikita ako sa loob. Mas lalo akong kinakabahan. Sa itsura pa lamang ay halata na ang tindig at pagkaseryoso. 

Ang dalawang pulis na iyon ay naroroon lamang sa tabi ng kanilang sasakyan, nakatingin sa aming kinaroroonan.

Kapwa na matatangkad ang mga iyon at mapuputi di gaya ng lalaking ito na nakakatakot pati mga tingin.

Kumatok agad ito na siyang ikinagulat ko.  Maging sila Alfonso at Teodoro ay nagkatinginan. 

Binaba agad nila Alfonso ang window shield ng sasakyan sa tabi ni Teodoro. Sumilip roon ang lalaking iyon at saka nakipag-usap.

Mula rito ay rinig na rinig ko ang pagkamanly ng boses na iyon. Nagbigay iyon ng matinding kaba sa akin. Naroon sa isip ko ang isang bagay ngunit hindi ito ang oras para intindihin ko iyon.

“Bumaba kayong tatlo,” buo at may awtoridad na boses ng naturang lalaki.

Sa boses pa lamang niyon ay naalarma na kaming tatlo. Nagkatinginan ngunit nasa mga mata pa din nila ang pangungumbinsi sa aking walang mangyayaring masama.

Parehas silang bumaba at hindi ko alam kung bubuksan ko na din ba ang pintuang kaharap ko. Agad akong naalarma nang tumutunog at gumagalaw na ang pintuan at sumalubong sa akin ang isang pamilyar na lalaki.

“Aidan?” Napauwang agad ang aking labi sa gulat. He’s here! He’s here! Natigil agad ito sa sasabihin. Maging siya ay gulat ngunit agad ring nakabawi.

“Are you related to Mr. Axelle Roz?,” aniya sa seryoso at manly na boses. Di pa din ako nakakarecover sa gulat. Habang tinititigan ko siya ay unti-unting bumabalik ang mga alaalang hindi na dapat ibinabalik pa.

“Yes. He’s my ex.” Wala sa sarili kong sabi. 

“So, you’re going also to London?” May pagtaas sa kaniyang boses at hindi ko iyon maintindihan.

“Yes. Why?” Wala sa sarili kong tugon habang marrin pa rin niya akong tinitigan saka kinuha ang papel na nasa bulsa niya. Tinignan ko sila Alfonso at Teodoro na pawang nakatayo sa likuran, nakatingin at nakikinig lamang. 

Wala ba silang gagawin kundi titigan lang ako? What? 

“Inaaresto kita sa salang Drug Trafficking kasama ang iyong EX na si Axelle Roz. Sumama ka sa akin,”mabilis niyang anunsiyo na tila di na iyon bago sa kaniya. 

Namilog agad ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko alam kung maiiyak ba ko sa mga bintang nito o dahil sa pagkalipas ng ilang taon ay nakita ko ulit siya. Kinurap ko pa ang mga mata ko para mag sink in sa utak ko ang narinig ko. What? 

“What are you saying? No! Walang akong alam diyan!”, pagtatanggi ko.

Kinuha agad niya ang kamay ko at inilabas ang posas. 

“Alfonso! Teodoro! Help!,” sigaw ko habang nakatingin kila Alfonso ngunit iniwas lamang nilang parehas ang mga tingin sa akin. What? Seriously?

“Sumama ka na,”pang-aagaw nito ng atensyon sa akin. 

“Noooo!! I didn’t do it! Ano bang sinasabi mo? Do you have evidence huh?! Kakasuhan kita!” Malakas na sigaw iyon na may kasamang kaba at takot. Is he out of his mind? Seriously? Walang kahirap hirap niyang nahuli ang dalawang kamay ko at pinosasan. At kahit ano pang pilit kong pagpigil ay nagsimula nang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang pinilit na sinusulyapan sila Alfonso at Teodoro sa likuran ni Aidan ngunit kapwa nila ako iniiwasan. 

“Sa presinto ka na magpaliwanag.”

Kaugnay na kabanata

  • Ghosting You   GY1: Nightmare

    “Usog doon!” Malakas na sigaw niya na siyang nagpasunod agad sa akin. Those eyes are intimidating, hindi na ito kagaya ng dati. Umusog ako sa pinakagilid ng van at saka pasimpleng pinahid ang luhang tumakas kanina. Sumakay naman agad sina Teodoro at Alfonso sa loob ng sasakyan na siyang kinagulat ko. Hinuhuli ko pa ang mga mata nilang dalawa, umaasang makikipagtitigan sa akin ngunit wala. Natigil ang paghuli ko nang tumunog ang cellphone ng taong katabi ko. “Hello. Yes. Nasa akin na,” ani nito saka masamang tumingin sa akin. Tinanggal niya agad ang suot niyang facemask at lumitaw roon ang gwapo niyang mukha. Binawi agad nito ang mga tingin sa akin at seryoso itong tumingin sa harapan habang kinakausap ang taong nasa telepono. “Yes. Secure the place and even those cars na papunta roon. Diretso na tayo roon,” matapang niyang sagot sa kausap sa telepono. Pinatay niya agad ang tawag at agad na tinapon ang cellphone at iyong papel na hawak niya k

  • Ghosting You   CHAPTER ONE: CASA DE ADAN

    “Ma’am Jeva, kumain na po ka-yo. Parang awa niyo na po Ma’am.” Tanging tingin lamang ang iginawad ko sa matandang nasa aking harapan. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at mahaba ang kanyang bestida. Halata sa nanginginig niyang mga kamay na siya ay matagal na ritong naninilbihan. Takot na takot itong nakatingin sa akin habang pinipilit akong kainin ang niluto niya. Inilapag agad niya sa aking harapan ang dala dala niyang isang tray ng pagkain at dali-daling bumalik sa kanina'y kinatatayuan niya. Ngumiti ulit ito sa akin. Iyon pa rin ang ngiting iginawad niya sa akin simula noong una akong tumapak rito sa Isla. Dalawang linggo na akong naririto at tandang tanda ko pa na siya lamang ang nagkusang lumapit at makipag-usap sa akin. She’s Nanay Selya, ang nag-iisang nag-alaga noon kay Aidan. Naikwento na niya agad ang pinagmulan ng Isla na ito at kung bakit pa siya rito nakatira. At kahit pinapahalata kong wala akong pakealam ay wala lamang iyon sa kanya. Mas lalo pa siyang pursigidong m

Pinakabagong kabanata

  • Ghosting You   CHAPTER ONE: CASA DE ADAN

    “Ma’am Jeva, kumain na po ka-yo. Parang awa niyo na po Ma’am.” Tanging tingin lamang ang iginawad ko sa matandang nasa aking harapan. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at mahaba ang kanyang bestida. Halata sa nanginginig niyang mga kamay na siya ay matagal na ritong naninilbihan. Takot na takot itong nakatingin sa akin habang pinipilit akong kainin ang niluto niya. Inilapag agad niya sa aking harapan ang dala dala niyang isang tray ng pagkain at dali-daling bumalik sa kanina'y kinatatayuan niya. Ngumiti ulit ito sa akin. Iyon pa rin ang ngiting iginawad niya sa akin simula noong una akong tumapak rito sa Isla. Dalawang linggo na akong naririto at tandang tanda ko pa na siya lamang ang nagkusang lumapit at makipag-usap sa akin. She’s Nanay Selya, ang nag-iisang nag-alaga noon kay Aidan. Naikwento na niya agad ang pinagmulan ng Isla na ito at kung bakit pa siya rito nakatira. At kahit pinapahalata kong wala akong pakealam ay wala lamang iyon sa kanya. Mas lalo pa siyang pursigidong m

  • Ghosting You   GY1: Nightmare

    “Usog doon!” Malakas na sigaw niya na siyang nagpasunod agad sa akin. Those eyes are intimidating, hindi na ito kagaya ng dati. Umusog ako sa pinakagilid ng van at saka pasimpleng pinahid ang luhang tumakas kanina. Sumakay naman agad sina Teodoro at Alfonso sa loob ng sasakyan na siyang kinagulat ko. Hinuhuli ko pa ang mga mata nilang dalawa, umaasang makikipagtitigan sa akin ngunit wala. Natigil ang paghuli ko nang tumunog ang cellphone ng taong katabi ko. “Hello. Yes. Nasa akin na,” ani nito saka masamang tumingin sa akin. Tinanggal niya agad ang suot niyang facemask at lumitaw roon ang gwapo niyang mukha. Binawi agad nito ang mga tingin sa akin at seryoso itong tumingin sa harapan habang kinakausap ang taong nasa telepono. “Yes. Secure the place and even those cars na papunta roon. Diretso na tayo roon,” matapang niyang sagot sa kausap sa telepono. Pinatay niya agad ang tawag at agad na tinapon ang cellphone at iyong papel na hawak niya k

  • Ghosting You   PROLOGUE

    Aabot sa sobrang inis ang aking sistema habang paulit-ulit na pinapakinggan ang recorded audio ng usapan nina Papa at ng isang di kilalang lalaki.How dare this guy suggest such stupidity to my father? Huh? How dare him! At sino ba siya para sabihin iyon ha?“Ma’am, o-okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba tubig?” Natatarantang tanong ni Alfonso habang nakatayo sa harap ko.“E-eto na po ma’am,” ani ni Teodoro sa natatakot na boses. Inilapag nito sa mesa ang aking cellphone. Kanina ko pa iyon hinahanap!Kumunot ang noo ko at tinignan lamang silang dalawa habang natatarantang kinuha ang tig iisang basong tubig sa kalapit na mesa. What seriously? These two have no sense! Hindi ba nila alam na hindi ako natutuwa sa narinig ko? What the heck!“Nakita niyo ba ang itsura ng lalaking iyon?” Tinignan ko pa sila parehas ngunit parehas lamang silang umiling sa akin.“Sino siya?” Sunod

DMCA.com Protection Status