Home / Romance / Ghosting You / GY1: Nightmare

Share

GY1: Nightmare

last update Last Updated: 2022-03-21 17:39:00

“Usog doon!” Malakas na sigaw niya na siyang nagpasunod agad sa akin. Those eyes are intimidating, hindi na ito kagaya ng dati. Umusog ako sa pinakagilid ng van at saka pasimpleng pinahid ang luhang tumakas kanina. 

Sumakay naman agad sina Teodoro at Alfonso sa loob ng sasakyan na siyang kinagulat ko. Hinuhuli ko pa ang mga mata nilang dalawa, umaasang makikipagtitigan sa akin ngunit wala. Natigil ang paghuli ko nang tumunog ang cellphone ng taong katabi ko.

“Hello. Yes. Nasa akin na,” ani nito saka masamang tumingin sa akin. Tinanggal niya agad ang suot niyang facemask at lumitaw roon ang gwapo niyang mukha. Binawi agad nito ang mga tingin sa akin at seryoso itong tumingin sa harapan habang kinakausap ang taong nasa telepono.

“Yes. Secure the place and even those cars na papunta roon. Diretso na tayo roon,” matapang niyang sagot sa kausap sa telepono.

Pinatay niya agad ang tawag at agad na tinapon ang cellphone at iyong papel na hawak niya kanina. Gumulong iyon sa gitna namin. Tila galing ito sa matinding engkwentro na pati labi niya ay may sugat pa. Pagod na pagod nitong isinandal ang katawan saka pumikit ng mariin. Nagmumukha tuloy kaming mag-asawang magkatabi rito. 

Idinatay niya agad ang kaniyang mga braso sa kaniyang ulo at nahiga. This time ay nasa gitna namin ang kaniyang sumbrero. Iniwas ko agad ang aking tingin. What the? Ano to? 

Paano na ang London ko? Tinakpan ko agad ng aking mga kamay ang aking mukha. Naiiyak na naman ako. Yung flight ko! 

“Psst. Psst. Alfonso,” mahinang tawag ko rito na prenteng nagmamaneho. Magaan lamang ang pagmamaneho nito hindi kagaya kaninang mabilis at humaharurot. Mukhang hindi iyon okay sa akin dahil kailangang mabilis dahil mahuhuli na ako sa flight. 

“Ibaba mo ko sa Airport.” Nilambingan ko na ang boses ko para sa akin pa din sila sumunod. Sakto at lumingon si Teodoro na nasa passenger seat. Bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Sa wakas! 

“Rinig ko yan, Jeva!”

Gulat akong napatingin sa nakahigang bulto niya. After two years, ngayon ko lang ulit narinig ang pagbanggit niya ng aking pangalan. Medyo hindi ako sanay roon pero iba pala talaga pag galing sa kaniya. 

Hindi ko siya pinansin at muling nilingon si Teodoro. Hindi niya ako kinausap bagkus nilihis lamang nito ang tingin na para bang hindi narinig ang aking sinabi.

“Bilisan mo Alfonso, kailangang makadating na tayo agad roon,” mabilis na sabat nitong taong katabi ko. 

“Masusunod po boss Aidan,” mabilis na sagot ni Alfonso. Gulat pa akong napatingin sa kaniya habang prinoproseso pa ang narinig ko Mula sa kaniya.

“Whattt? What is this huh? What do you mean?” Halos naghysterical na ako sa sobrang gulat. Boss Aidan? Paanong boss? E ako ang amo?

“Hahahahaha!!!!! Ang galing naman ng acting niyo! Ang galing mo talaga umarte Alfonso! Ikaw din Teodoro!” Malakas pa ang tawa ko at tuwang - tuwa pa ako habang tinuturo ko silang dalawa sa harapan. Ngunit nahinto iyon nang marealize kong ako lang pala ang tumatawa sa sarili kong joke. 

“What? Di kayo natatawa?,” kinakabahan kong tanong habang pabalik – balik ang tingin ko sa kanilang tatlo.

Muli ko pa silang pinakatitigang dalawa na halos hindi na ako kilala sa pang-iisnob na ginagawa nila sa akin. Nilipat ko agad ang aking tingin sa lalaking nasa tabi ko lamang at halos ma out of balance ako ng mahuling nakatigtig ito sa akin. 

“Tell me, ilang taon niyo nang ginagawa iyon ng jowa mo?” Seryoso itong nakatingin sa akin. Itinaas agad nito ang kamay at pinidot ang isang bagay na nasa gilid.  Controller ko iyon ah! Bakit alam niya password? 

“Nooo!!! What are you doing to my van?!,” hysterical na tanong ko habang nagbabago na ng anyo ang kotse ko. May lumabas sa harapan na siyang tinakpan ang gawi nila Alfonso. Hindi ko na sila makita at kahit anong sigaw ko rito ay hindi na nila ako maririnig.

“What are you doing?! Paano mo nalaman ang password ko? Stalker ka noh?!,” nagwawala na ang diwa ko na halos hindi ko na kayanin ang nangyayari sa gabing ito. 

“Tsk. Just answer my question. As if naman na may gagawin akong masama sayo,” masungit nitong sagot. 

What? Seriously? Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis. He’s so unpredictable! Walang gagawing masama? E ano to? He’s kidnapping me. Ni nga halos wala na iyong mga kasama niya kaninang nagcorner sa akin. 

“Don’t look out! Nariyan lamang silang nakasunod. Don’t ever think na gagahasahin kita dito. I wouldn’t risk my life for this bullshit!”

Ouch. That hurts. 

“Owkay…” Wala sa sarili kong sabi. Doon pa lamang ay nakikita ko na ang distansyang ibinibigay niya mula sa akin. Napatingin lamang ito sa akin at agad na tumalikod nang marealize na kanina pa pala kami nagtititigan.

Halos ilang minuto lamang ang lumipas nang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng police station. 

Wala sa sarili akong bumaba sa aking sasakyan at nagsimulang pumasok roon habang nakahawak lamang ito sa akin. Nilingon ko pang muli ang aking pinakamamahal na van habang ibinigay ni Aidan ang susi sa kasamahang pulis. Halos maiyak na ako sa aking sarili  Naroroon ang mga gamit ko. Lahat ng kung anong meron ako. 

“Ahem!”

Bumulaga sa aming likuran ang isang matangkad at kayumangging pulis. Sa tindig pa lamang nito ay halata na ang taas ng ranggo nito bilang pulis. Tinignan pa niyang muli si Aidan na parehas ko ay napaatras sa gulat. Sa gulat ko ay iniwas nito ang tingin sa katrabaho saka lamang bumaba ang mga tinging iyon sa beywang ko. Balisa akong nakatitig sa kaniya habang ginagantihan lamang ako ng mga tinging hindi ko mabasa. 

“Good evening po, Police General Del Rio,” mabilis na pagbati ni Aidan saka pa ito sinaluduhan. 

Ngunit hindi iyon pinansin ng General Del Rio na iyon bagkus ay tuloy – tuloy lamang Ito sa loob ng kaniyang opisina. 

Umupo agad ito sa kaniyang upuan habang naupo kaming magkakatabi nila Alfonso at Teodoro sa mismong bakanteng upuang nasa harap nung General Del Rio na iyon.

“Makakaalis na kayo,” tamad nitong nilingon ang mga pulis na nakasunod sa amin kanina. Nakatayo silang lahat sa harapan namin at sabay na sabay na sumaludo sa General Del Rio nila saka lumabas na.  Nalipat ang mga tingin niyang iyon sa taong nasa likod ko.

“Maiwan ka, Police Lieutenant General.”

Nilingon ko ang taong tinutukoy nito at nagulat ako nang umupo ito sa bakanteng upuang nasa harap ko.

Lumihis agad ang mga mata ko nang tanggalin nito ang kaniyang sumbrero. I don’t want to stare those eyes. 

Nagkunwari akong walang pakealam sa kaniya at ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa sasabihin ng Del Rio na ito.

“Ms. Samaniego, alam mo ba kung bakit ka naririto?,” matapang na tanong niya na nagsimulang magpakaba lalo sa akin. Halos tumalon na ako sa takot sa sobrang tapang ng boses nito. Hindi lang iyon, malakas pa iyon.

“Actually, hindi po. We were on our way to airport dahil may fli-flight ako.. papuntang Lo-london. Nagulat na lang kami nang harangin kami,” inis akong tumingin kay Aidan. Gusto kong marealize niya na hindi nakakatuwa ang pagbibintang niya. 

Mahinahon ko iyong sinabi at halata ang pagkabalisa ko pati na rin ang boses ko. Mabusisi lang akong tinapunan ng tingin ng General Del Rio ngunit mas nakakakaba pala pag alam kong nanginginig na ang mga daliri ko sa takot at nakatingin lamang si Aidan doon. 

“London? So you’re going there because your boyfriend is ----,” naputol sa pagsasalita si General Del Rio.

“EX boyfriend, General.”

Parehas kaming napatingin ni General Del Rio sa lalaking nasa harap ko. Sa sobrang tangos ng ilong nito ay kahit anong side ay gwapo pa din ito. Diretso lamang ang tingin niya habang tuwid ang pagkakaupo. 

“EX boyfriend, I should say. Nice, Mr. Guevarra, so you’re paying attention on this?,” sarkastikong tanong nito na tila naiinis sa pagkokorek ng kaniyang tauhan. 

“It’s my task Sir!,” mabilis na pagsagot ni Aidan. Kumurap pa ng ilang beses ang mga mata ko sa sagutang nagaganap. Buong boses niya lamang ang nagpapawala ng antok at pagkabalisa ko. Ano bang nangyayari sa akin? 

“IT’S MY TASK, HUH?!”pangaggaya pa ng General Del Rio na iyon na siyang nagpagalaw ng panga ni Aidan. 

Hinarap agad ako ng General na iyon saka ipinagpatuloy ang pagtatanong. 

“Ms. Samaniego, alam mo bang kumakailan lamang ay nasangkot sa droga ang EX boyfriend mo? At isa sa mga sinabi niyang kasabwat niya ay walang iba kung hindi ikaw mismo. Do you have an idea on that?” Confident na tanong ng General na ito sa akin. Tiniklop pa nito ang kaniyang mga palad sa aking harapan saka mariing akong pinakatitigan. 

“What? No! Of course not! Matagal na kaming wala at hindi na kami nag-uusap pa! Sir, nagsisinungaling siya!,” halos mangiyak iyak na ang boses ko sa pagpapaliwanag.

Sa sobrang inis ay naihampas ko pa ang aking kamay sa mesa. How dare him drag me on his mess! It’s been months since we broke up!

Ang totoo niyan ay nalaman kong gumagamit siya, kaya nga hiniwalayan ko. I should have known better. Kung alam ko lang gaganituhin niya ko edi sana hindi ko na lang siyang binigyan ng chance! 

“So, you’re denying it? How about the proofs here?” 

May kinuha ito sa drawer at inilapag ang mga iyon sa mesa. Kuha sa larawan ang mga pictures naming dalawa na nasa bar at nag-iinuman. I remember it, sa L.A iyan. May mga taong nasa likod namin pero may tanging iisang lalaki ang nakatingin sa akin mula sa likod.

“I’m the one in charge during those times.” Mabilis nitong depensa nang sandaling tumingin ako sa kaniya. 

“Last year, we caught the drug dealer here in the Philippines, nasa Valenzuela ang bodega nito at nahuli rin namin ang isang babaeng nagngangalang Rosefina Villaruz. Good thing, napaamin namin siya at itinuro nito ang utak sa negosyo nila. It’s none other than, Mr. Axelle Roz,” nakatingin lamang ito sa akin habang sinasabi ang mga iyon. Para bang may kung anong mga salita ang gusto niyang iparating ngunit hindi ko masabi kung ano iyon. 

Dirediretso ang mga tingin niya sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga mata niya. Naaawa ba siya?  O kinamumuhian na niya ako?

“Based on our research, nasa Los Angeles daw ang lalaking iyon at may katransaksyon na banyaga. May bentahang magaganap at may kasama itong nagngangalang Jeva Samaniego. I’m pretty sure it’s you. Hindi nga ako nagkamali,” ngumisi pa ito saka masungit akong iniwasang tignan. 

Tama nga ako. Kinamumuhian na niya ako. But I didn’t know what they are saying!

Wala akong ginagawang masama. 

“You sure? How dare you to suspect me of those things? Ano ka ba dito?”

Kitang – kita ko ang pagkabanas sa itsura nito na halos gumalaw na ang panga sa inis. Kinalabit pa ako ni Teodoro hudyat na tigilan ko kung ano ang sinasabi ko pero hindi. Wala akong pakealam roon. Tsaka isa pa, may kasalanan pa silang dalawa sa akin.

 “I’m very certain na you didn’t scrutinize information about me and my ex. I was there. I wouldn’t deny it but I wasn’t part of his doings! Nagkita lamang kami roon!,” galit kong sabi habang pumasa ere na ang kanang kamay ko sa sobrang inis. 

Ngunit tanging ngisi lamang ang isinumbat nito na lalo pang nagpainis sa akin. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero alam kong hindi na mapipigilan ang mga luhang nagbabadya nang lumabas mula sa mga mata ko. Lalo't alam ko na ngayong, mag-isa na lamang ako. 

Related chapters

  • Ghosting You   CHAPTER ONE: CASA DE ADAN

    “Ma’am Jeva, kumain na po ka-yo. Parang awa niyo na po Ma’am.” Tanging tingin lamang ang iginawad ko sa matandang nasa aking harapan. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at mahaba ang kanyang bestida. Halata sa nanginginig niyang mga kamay na siya ay matagal na ritong naninilbihan. Takot na takot itong nakatingin sa akin habang pinipilit akong kainin ang niluto niya. Inilapag agad niya sa aking harapan ang dala dala niyang isang tray ng pagkain at dali-daling bumalik sa kanina'y kinatatayuan niya. Ngumiti ulit ito sa akin. Iyon pa rin ang ngiting iginawad niya sa akin simula noong una akong tumapak rito sa Isla. Dalawang linggo na akong naririto at tandang tanda ko pa na siya lamang ang nagkusang lumapit at makipag-usap sa akin. She’s Nanay Selya, ang nag-iisang nag-alaga noon kay Aidan. Naikwento na niya agad ang pinagmulan ng Isla na ito at kung bakit pa siya rito nakatira. At kahit pinapahalata kong wala akong pakealam ay wala lamang iyon sa kanya. Mas lalo pa siyang pursigidong m

    Last Updated : 2023-12-17
  • Ghosting You   PROLOGUE

    Aabot sa sobrang inis ang aking sistema habang paulit-ulit na pinapakinggan ang recorded audio ng usapan nina Papa at ng isang di kilalang lalaki.How dare this guy suggest such stupidity to my father? Huh? How dare him! At sino ba siya para sabihin iyon ha?“Ma’am, o-okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba tubig?” Natatarantang tanong ni Alfonso habang nakatayo sa harap ko.“E-eto na po ma’am,” ani ni Teodoro sa natatakot na boses. Inilapag nito sa mesa ang aking cellphone. Kanina ko pa iyon hinahanap!Kumunot ang noo ko at tinignan lamang silang dalawa habang natatarantang kinuha ang tig iisang basong tubig sa kalapit na mesa. What seriously? These two have no sense! Hindi ba nila alam na hindi ako natutuwa sa narinig ko? What the heck!“Nakita niyo ba ang itsura ng lalaking iyon?” Tinignan ko pa sila parehas ngunit parehas lamang silang umiling sa akin.“Sino siya?” Sunod

    Last Updated : 2022-03-21

Latest chapter

  • Ghosting You   CHAPTER ONE: CASA DE ADAN

    “Ma’am Jeva, kumain na po ka-yo. Parang awa niyo na po Ma’am.” Tanging tingin lamang ang iginawad ko sa matandang nasa aking harapan. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at mahaba ang kanyang bestida. Halata sa nanginginig niyang mga kamay na siya ay matagal na ritong naninilbihan. Takot na takot itong nakatingin sa akin habang pinipilit akong kainin ang niluto niya. Inilapag agad niya sa aking harapan ang dala dala niyang isang tray ng pagkain at dali-daling bumalik sa kanina'y kinatatayuan niya. Ngumiti ulit ito sa akin. Iyon pa rin ang ngiting iginawad niya sa akin simula noong una akong tumapak rito sa Isla. Dalawang linggo na akong naririto at tandang tanda ko pa na siya lamang ang nagkusang lumapit at makipag-usap sa akin. She’s Nanay Selya, ang nag-iisang nag-alaga noon kay Aidan. Naikwento na niya agad ang pinagmulan ng Isla na ito at kung bakit pa siya rito nakatira. At kahit pinapahalata kong wala akong pakealam ay wala lamang iyon sa kanya. Mas lalo pa siyang pursigidong m

  • Ghosting You   GY1: Nightmare

    “Usog doon!” Malakas na sigaw niya na siyang nagpasunod agad sa akin. Those eyes are intimidating, hindi na ito kagaya ng dati. Umusog ako sa pinakagilid ng van at saka pasimpleng pinahid ang luhang tumakas kanina. Sumakay naman agad sina Teodoro at Alfonso sa loob ng sasakyan na siyang kinagulat ko. Hinuhuli ko pa ang mga mata nilang dalawa, umaasang makikipagtitigan sa akin ngunit wala. Natigil ang paghuli ko nang tumunog ang cellphone ng taong katabi ko. “Hello. Yes. Nasa akin na,” ani nito saka masamang tumingin sa akin. Tinanggal niya agad ang suot niyang facemask at lumitaw roon ang gwapo niyang mukha. Binawi agad nito ang mga tingin sa akin at seryoso itong tumingin sa harapan habang kinakausap ang taong nasa telepono. “Yes. Secure the place and even those cars na papunta roon. Diretso na tayo roon,” matapang niyang sagot sa kausap sa telepono. Pinatay niya agad ang tawag at agad na tinapon ang cellphone at iyong papel na hawak niya k

  • Ghosting You   PROLOGUE

    Aabot sa sobrang inis ang aking sistema habang paulit-ulit na pinapakinggan ang recorded audio ng usapan nina Papa at ng isang di kilalang lalaki.How dare this guy suggest such stupidity to my father? Huh? How dare him! At sino ba siya para sabihin iyon ha?“Ma’am, o-okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba tubig?” Natatarantang tanong ni Alfonso habang nakatayo sa harap ko.“E-eto na po ma’am,” ani ni Teodoro sa natatakot na boses. Inilapag nito sa mesa ang aking cellphone. Kanina ko pa iyon hinahanap!Kumunot ang noo ko at tinignan lamang silang dalawa habang natatarantang kinuha ang tig iisang basong tubig sa kalapit na mesa. What seriously? These two have no sense! Hindi ba nila alam na hindi ako natutuwa sa narinig ko? What the heck!“Nakita niyo ba ang itsura ng lalaking iyon?” Tinignan ko pa sila parehas ngunit parehas lamang silang umiling sa akin.“Sino siya?” Sunod

DMCA.com Protection Status