Home / Romance / Ghosting You / CHAPTER ONE: CASA DE ADAN

Share

CHAPTER ONE: CASA DE ADAN

Author: Writer_of_yourstory
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Ma’am Jeva, kumain na po ka-yo. Parang awa niyo na po Ma’am.” Tanging tingin lamang ang iginawad ko sa matandang nasa aking harapan. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at mahaba ang kanyang bestida.

Halata sa nanginginig niyang mga kamay na siya ay matagal na ritong naninilbihan. Takot na takot itong nakatingin sa akin habang pinipilit akong kainin ang niluto niya. Inilapag agad niya sa aking harapan ang dala dala niyang isang tray ng pagkain at dali-daling bumalik sa kanina'y kinatatayuan niya. Ngumiti ulit ito sa akin. Iyon pa rin ang ngiting iginawad niya sa akin simula noong una akong tumapak rito sa Isla.

Dalawang linggo na akong naririto at tandang tanda ko pa na siya lamang ang nagkusang lumapit at makipag-usap sa akin.

She’s Nanay Selya, ang nag-iisang nag-alaga noon kay Aidan. Naikwento na niya agad ang pinagmulan ng Isla na ito at kung bakit pa siya rito nakatira. At kahit pinapahalata kong wala akong pakealam ay wala lamang iyon sa kanya. Mas lalo pa siyang pursigidong makuha ang loob ko.

“Iwan niyo na lang po muna ako rito. Gusto kong mapag-isa”, tinalikuran ko agad siya at saka nagtalukbong agad sa hawak kong kumot.

“Gusto niyo na po bang kausapin ang ginoo? Nasa labas po siya Ma'am. Inaantay po kayo.” Pahabol pa niya sa sobrang kakulitan.

“Hayaan niyo na po siya Nanay, ako na po bahala,”Natigilan agad ako sa aking narinig isang baritonong boses ang pumasok. Napabalikwas agad ako sa aking kinahihigaan at doon ko napagtantong nasa loob na ng kwarto si Aidan.

“Anong ginagawa mo rito? Umalis ka! You kidnapped me! Bat ganyan ka ha? How dare you! You know what? I HATE YOU!”

Nung gabing dinala ako ng lalaking iyan sa presinto nila ay doon na nagsimulang magkanda letche ang mga plano ko. Na-late ako sa flight ko at ang pinakamasakit pa doon ay pati ang mga gamit, cellphone at pera ko ay tinago na nito. How dare him! Tapos ngayon, magigising na lamang akong naririto na sa pesteng Isla na ito? Para saan?

“Don’t look at me like that, hindi mo ko madadala sa ganyan mo.” Umigting ang panga ko sa mga sinabi nito. Bumuhos agad ang mga luha sa mga mata ko at hindi ko napigilang pahirin ang mga iyon. Nag-aalab ang mga mata nitong nakatingin , nanlilisik sa galit nang itapon ko bigla ang tubig sa mukha niya.

Ang kapal ng mukha!

“Sir Aidan!!!! Hayaan mo po muna kami. Ako na po bahala.”

Pumagitna kaagad sa amin si Nanay Selya. Kaagad niyang pinalabas ito habang nanlilisik pa rin ang mga mata sakin.

Gaya nung una kong pagtataboy sa kaniya noong naririto ako ay ganoon na ganoon pa din ang trato at kung paano niya ako tignan.

Nandidiri at naawa? Hindi ko matukoy pero isa lang ang alam ko, ayoko dito. Sigurado ako pinaghahanap na ako ni Papa. Kailangan ko makaalis rito.

Halos isang linggo na naman ang lumipas na nasa kwarto lamang ako. Kinulong ko ang sarili ko sa lungkot at pagsisisi. Kung sana ay pumayag na lamang ako sa gusto ni Papa ay hindi siguro ako mapupunta rito. Halos wala akong makuhang impormasyon kay Aidan sa tuwing pumupunta siya rito. At kagaya ng nakasanayan, laging nasa tabi ko si Nanay Selya. Pero ngayon ay sa wakas nagtagumpay si Nanay Selya na mapaamo ako.

“Iha, kumain ka nito. Niluto ni Sir Aidan.,” nagulat ako sa aking nalaman at kaagad na nilingon ang kinaroroonan ni Aidan. Nahuli kong nakatingin ito sa Amin at nang makita ako ay agad itong binalik ang atensyon sa iniihaw na bangus. I guess it’s a lie. Hindi iyan marunong magluto. Hindi nga iyan marunong sa gawaing bahay, pagluluto pa kaya?

Hello?

Hindi ko kakainin yan!

Kaarawan kasi ngayon ni Nanay Selya at napagpasyahan nilang idaos ito sa tabing dagat. Gabi na at luto na rin sa wakas ang mga pagkain. Halos mga trabahador na lalaki ang nagtulong tulong magluto at para itayo ang simple at malaking silungan na ito. Parang nagdebut nga si Nanay sa galing nila magdecorate.

Ayoko man kunin ay kinuha ko na lamang.

“Salamat po Nanay Selya.”

“Wag kang mag-alala, binantayan ko ang ginoo noong niluluto niya iyan.”, tumawa si Nanay ng bahagya habang kinukwento sa akin kung paano mapaso ang Sir Aidan niya.

So it’s not a lie? Siya talaga? Nilingon kong muli ang kinaroroonan niya. Siya na ngayon ang nag-iihaw ng mga nilambat na isda kanina.

“Natutuwa nga ako at pinagbigyan niya akong lutuin ang karekare. Ako kasi ang nagturo niyan sa kaniya simula pa noong bata siya.”

Ngumiti ako at niyakap muli si Nanay. Hindi ang isang karekare ang magpapawala sa matinding galit ko sa kaniya.

“Happy 50th birthday po ulit Nanay Selya”.

Nakabestida ng maroon si Nanay Selya at nababakas sa mga mata at pisngi nito ang gandang tinatago niya. Bukod sa ganda ay ang mabuti niyang puso at kahit hindi man ako naging mabuti sa kaniya noong una ay palihim akong nagpapasalamat sa presensiya niya.

Kaya siguro nagsiuwian ang mga anak at apo niya rito sa Isla ay para samahan siyang ipagdiwang ang kaarawan niya. Sobrang saya naman.

Kahit nahihiya man ay nagpadala ako sa aya ni Nanay Selya. Gusto niya raw ako ipakilala sa mga anak niya.

“Hello po.” tipid na bati ko sa mga taong nakatingin na ngayon sa akin. Parang nahiya ako konti sa aking suot. Masyado ko yata pinaghandaan ang kaarawan ni Nanay Selya dahil naka dress pa ako at nasa kanang kamay ko ang sandals kong 2 inches pa ang heels. Samantalang nakashort, pants at t-shirts lamang ang mga bisita ni Nanay. Worst, naka-tsinelas pa sila. What an embarrassment!

O' lupa kunin mo na ako!

“Ang ganda mo naman po Ma’am .”, bati sa akin ni ate Cynthia, ang panganay ni Nanay.

“Hindi po ako ang boss ni Nanay Selya hehehe. Okay na po ko sa “Jeva”.

Bumalot ang isang nagtatakang reaksyon ang mukha ni Cynthia pati na din ang mga nakarinig sa sinabi ko. Saka ito biglang ngumiti na halatang hindi alam kung sasabihin pa ba ang gustong sabihin.

Alas otso na noong nagsimula ang masayang tugtugan at sayawan. Tapos na kasi lahat ng mga kakain at ang sabi ay may kaunting palaro. Ayoko sanang sumali pa noon pero wala akong nagawa.

“Uhm… ano ginagawa mo?”, masungit kong sabi at saka tumingin agad sa paligid. Nahuli kong nakatingin at nakikiusyoso ang mga Apo ni Nanay Selya. Parang kanina ay tuwang tuwa ang mga bubwit na ito sa akin ah. Ginawa ba naman akong monster sa laro!

“Hayaan mo na. Mga bata iyan or kung gusto mo, gumawa na din tayo?”, tumaas agad ang labiat kilay ko sa narinig. Halos maasiwa ako.

Tumawa lamang ang bulto nito habang nakatayo sa aking harapan. Nang mahalata na niyang nakatingin lamang ako sa kaniya ay tumingin ito sa akin at inilahad ang kamay.

“Tara sayaw.”

Bumaling ang mga mata ko sa kamay niyang nag-aantay. After years of break up namin ngayon lang niya ulit ako isasayaw. Medyo matagal tagal na din pala mula noon.

Nagsasayawan na ang lahat. Kami na lamang ang naririto at nanonood lamang. Kahit na ang itim itim ng taong ito ay kahit papaano ay bumawi naman siya sa maputing ngipin.

Tumayo ako at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari. Ang sarap pa ng simoy ng hangin at pati ang tugtog ni Westlife ay sumasabay sa kuryenteng dumadaloy sa mga braso ko ngayon. Ang sabi sa akin ni Nanay Selya, ang gabing ito ay para sa kaniya. At hinihiling niyang magkausap kaming dalawa ni Aidan. Maayos na usap.

“So, ano nagustuhan mo ba rito sa Isla?”

Wala sa ere niyang sabi habang Nagsasayawan kami. Naiisip ko pa lamang na magkakaroon kami ng matinong usapan ay kinikilabutan na ako. Gusto ko nanag matapos agad ang kanta.

“Ayos naman. Masaya naman…. Pero wag mo ibahin ang usapan. Ibalik mo na ako ng Maynila. Hinahanap na ako ni Papa.”

“Oh, really? The last time I checked e naging walk away bride ka.”

Sa inis ko ay naitulak ko agad siya. How dare him to say that! Nagulat siya roon ngunit ngumiti lamang ito at hindi nagpahalata at saka ako muling hinawakan ng mas mahigpit pa.

“I hate you! Ibalik mo na ako kung ayaw mong mademanda.”

Para akong batang mahinang boses lang ang marirnig habang nagrereklamo sa nanay. Habang ay nakatingin lamang sa akin. Walang reaksyon.

“Kiss mo muna ako.” , ngumuso agad siya habang kunwaring nagmamakaawa pa.

Natigilan ako sa emosyong nararamdaman at napalitan ng isang nakakaliting pakiramdam, four years ago ko pa huling naramdaman. Parang bumalik ang kahapong kami pa. Yung wala pa kaming problema.

“Mwuah!”

Sa iglap ay nagbago ang lahat. Kuling bumalik ang kuryenteng iyon sa aking katawan.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hinalikan ako nj Aidan!

Kaugnay na kabanata

  • Ghosting You   PROLOGUE

    Aabot sa sobrang inis ang aking sistema habang paulit-ulit na pinapakinggan ang recorded audio ng usapan nina Papa at ng isang di kilalang lalaki.How dare this guy suggest such stupidity to my father? Huh? How dare him! At sino ba siya para sabihin iyon ha?“Ma’am, o-okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba tubig?” Natatarantang tanong ni Alfonso habang nakatayo sa harap ko.“E-eto na po ma’am,” ani ni Teodoro sa natatakot na boses. Inilapag nito sa mesa ang aking cellphone. Kanina ko pa iyon hinahanap!Kumunot ang noo ko at tinignan lamang silang dalawa habang natatarantang kinuha ang tig iisang basong tubig sa kalapit na mesa. What seriously? These two have no sense! Hindi ba nila alam na hindi ako natutuwa sa narinig ko? What the heck!“Nakita niyo ba ang itsura ng lalaking iyon?” Tinignan ko pa sila parehas ngunit parehas lamang silang umiling sa akin.“Sino siya?” Sunod

  • Ghosting You   GY1: Nightmare

    “Usog doon!” Malakas na sigaw niya na siyang nagpasunod agad sa akin. Those eyes are intimidating, hindi na ito kagaya ng dati. Umusog ako sa pinakagilid ng van at saka pasimpleng pinahid ang luhang tumakas kanina. Sumakay naman agad sina Teodoro at Alfonso sa loob ng sasakyan na siyang kinagulat ko. Hinuhuli ko pa ang mga mata nilang dalawa, umaasang makikipagtitigan sa akin ngunit wala. Natigil ang paghuli ko nang tumunog ang cellphone ng taong katabi ko. “Hello. Yes. Nasa akin na,” ani nito saka masamang tumingin sa akin. Tinanggal niya agad ang suot niyang facemask at lumitaw roon ang gwapo niyang mukha. Binawi agad nito ang mga tingin sa akin at seryoso itong tumingin sa harapan habang kinakausap ang taong nasa telepono. “Yes. Secure the place and even those cars na papunta roon. Diretso na tayo roon,” matapang niyang sagot sa kausap sa telepono. Pinatay niya agad ang tawag at agad na tinapon ang cellphone at iyong papel na hawak niya k

Pinakabagong kabanata

  • Ghosting You   CHAPTER ONE: CASA DE ADAN

    “Ma’am Jeva, kumain na po ka-yo. Parang awa niyo na po Ma’am.” Tanging tingin lamang ang iginawad ko sa matandang nasa aking harapan. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at mahaba ang kanyang bestida. Halata sa nanginginig niyang mga kamay na siya ay matagal na ritong naninilbihan. Takot na takot itong nakatingin sa akin habang pinipilit akong kainin ang niluto niya. Inilapag agad niya sa aking harapan ang dala dala niyang isang tray ng pagkain at dali-daling bumalik sa kanina'y kinatatayuan niya. Ngumiti ulit ito sa akin. Iyon pa rin ang ngiting iginawad niya sa akin simula noong una akong tumapak rito sa Isla. Dalawang linggo na akong naririto at tandang tanda ko pa na siya lamang ang nagkusang lumapit at makipag-usap sa akin. She’s Nanay Selya, ang nag-iisang nag-alaga noon kay Aidan. Naikwento na niya agad ang pinagmulan ng Isla na ito at kung bakit pa siya rito nakatira. At kahit pinapahalata kong wala akong pakealam ay wala lamang iyon sa kanya. Mas lalo pa siyang pursigidong m

  • Ghosting You   GY1: Nightmare

    “Usog doon!” Malakas na sigaw niya na siyang nagpasunod agad sa akin. Those eyes are intimidating, hindi na ito kagaya ng dati. Umusog ako sa pinakagilid ng van at saka pasimpleng pinahid ang luhang tumakas kanina. Sumakay naman agad sina Teodoro at Alfonso sa loob ng sasakyan na siyang kinagulat ko. Hinuhuli ko pa ang mga mata nilang dalawa, umaasang makikipagtitigan sa akin ngunit wala. Natigil ang paghuli ko nang tumunog ang cellphone ng taong katabi ko. “Hello. Yes. Nasa akin na,” ani nito saka masamang tumingin sa akin. Tinanggal niya agad ang suot niyang facemask at lumitaw roon ang gwapo niyang mukha. Binawi agad nito ang mga tingin sa akin at seryoso itong tumingin sa harapan habang kinakausap ang taong nasa telepono. “Yes. Secure the place and even those cars na papunta roon. Diretso na tayo roon,” matapang niyang sagot sa kausap sa telepono. Pinatay niya agad ang tawag at agad na tinapon ang cellphone at iyong papel na hawak niya k

  • Ghosting You   PROLOGUE

    Aabot sa sobrang inis ang aking sistema habang paulit-ulit na pinapakinggan ang recorded audio ng usapan nina Papa at ng isang di kilalang lalaki.How dare this guy suggest such stupidity to my father? Huh? How dare him! At sino ba siya para sabihin iyon ha?“Ma’am, o-okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba tubig?” Natatarantang tanong ni Alfonso habang nakatayo sa harap ko.“E-eto na po ma’am,” ani ni Teodoro sa natatakot na boses. Inilapag nito sa mesa ang aking cellphone. Kanina ko pa iyon hinahanap!Kumunot ang noo ko at tinignan lamang silang dalawa habang natatarantang kinuha ang tig iisang basong tubig sa kalapit na mesa. What seriously? These two have no sense! Hindi ba nila alam na hindi ako natutuwa sa narinig ko? What the heck!“Nakita niyo ba ang itsura ng lalaking iyon?” Tinignan ko pa sila parehas ngunit parehas lamang silang umiling sa akin.“Sino siya?” Sunod

DMCA.com Protection Status