HINDI ALAM NI PAMELA kung saan ipapaling ang kanyang tingin. Hindi niya alam kung bakit naco-conscious siya habang tinitingnan siya ni Javier. Mabuti na lang at nakapagdiet siya kaya mas lalo siyang gumanda ngayon.
Always ready siyang humarap kay Javier kahit pa nga ilang beses na nitong tinangkang makipagkita sa kanya pero tinikis niya ang sarili na huwag itong kitain. Natatakot kasi siyang baka mabuhay na naman ang kung anumang feelings niya para ditto.
Actually, hindi naman iyon namatay.
Ang dami nga ng manliligaw niya and yet, ni minsan man ay wala siyang matipuhan dahil palaging si Javier ang laman ng kukute niya. Mabuti na lamang at kahit paano ay nalibang siya sa pag-aaral at sa bisnes na sinisimulan niya ditto kaya kahit paano ay nai
“MASAYA akong nagkalinawan rin kayong dalawa,” Tuwang-tuwang sabi ni Olivia kina Pamela at Javier habang kumakain sila ng dinner. “So, kailan naman ang wedding?” Nakangising tanong ng Mama ni Javier na obviously ay botong-boto kay Pamela. “Ma, huwag nyong takutin si Pam, ngayon pa nga lang kami nagkaayos nito eh,” sabi ni Javier sa ina. “Gusto ko na ring makita kang masaya at may pamilya bago man lang ako mawala.” Anang matanda. “Unahin muna natin ang wedding ni Kuya Gab at Olivia,” sabi ni Javier sa ina. “Sabagay. Gusto ko iyong grand wedding. 
PAKIRAMDAM ni Gabriel ay may mga matang sumusunod sa kanya. Masyado na yata siyang nagiging paranoid ngayon. Ngunit mas mabuti na ang nag-iingat. Dumating ang kanyang mga body guards, alisto ang mga ito habang iginigiya siya papasok sa kotseng naghihintay sa kanya. Inutusan niya ang kanyang driver na dumiretso sa selda na kinaroroonan ng kanyang Ninong Jaypee. Ayaw niyang mag-aksaya ng oras. Ang laki ng inuhulog ng katawan ng Ninong Jaypee niya nang makita niya. Naisip niyang marahil ay sinadya iyon ng kanyang ninong upang hindi kaagad ito makilala. “Gabriel. . .”paanas na sabi nito. Sumama ang kanyang mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ang isa sa mga taong pinagkatiwalaan niya at itinuri
“GOOD NEWS! May posibilidad na maibaba natin ang sentensya ng Papa ng dalawang taon!” Masayang balita ni Randell kay Gabriel nang tawagan niya ito, “Matibay ang mga ebedensya na ipinagtanggol lamang ng father mo ang sarili niya laban kay Diego at hindi niya plinano ang pagpatay dito. May nakuha na ang tetestigo para sa kanya.” “Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel. “Oo. Iyong pinsan mismo ni Diego ang nakasaksi. Gusto niyang makipagkita sa ating dalawa mamaya.” “Mabuti.” “Magkita tayo sa dating lugar.” Aniya kay Gabriel. Pagkatapos na pagkatapos niyang makipag-usap dito ay tumunog
“MABUTI naman at unti-unti nang nagkakalinaw ang lahat,” Masayang sabi ni Olivia nang tawagan siya ni Gabriel at iupdate siya sa tungkol sa kaso ng Papa nito, “At masaya rin ako na kumpleto na ang lahat ng mga ebedensya para sa Ninong Jaypee mo. Nga pala, wala pa rin bang balita tungkol kay Arlyn?” “Lahat ng lugar na tinuluyan ni Ninong Jaypee, binabalikan ngayon ng mga pulis at isa-isang tinatanong lahat ng mga kapit bahay.” Sabi ni Gabtiel sa kanya. “Magaling talaga ang babaeng iyon,” aniya dito, “Hindi ako makapaniwalang isang babae lang, hindi pa nila mahanap-hanap. Hindi kaya may kasabwat na pulis ang Arlyn na iyon?” Tanong niya dito. “Wala naman siguro. Nagkataon lang na sinus
HINDI NA MATIIS pa ni Arlyn na hindi man lamang mahawakan ang anak. Nang matiyak na natutulog na ang mga magulang niya at ang maid nito ay dahan-dahan niyang pinasok ang bahay. Kabisado na niya kung papaano bubuksan ang pinto niyon dahil madalas niya iyong ginagawa sa tuwing umuuwi siya ng dis oras ng gabi nuon. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam ng sekreto niyang iyon. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kanyang kuwarto. Nakita niya sa crib ang kanyang anak na mahimbing na natutulog habang ang maid ay nakahiga sa kama niya. Mabuti pa itong maid, ang sarap ng tinutulugan. Air-con at malambot na kama habang ako, nagtitiyaga sa papag, sa maliit at malamok na kwarto. Pumuwesto siya sa tapat ng crib at umiiyak na tin
“GABRIEL, gusto ko talagang magkausap tayo para magkaroon na ng closure lahat ng nangyari nuon. Gusto kong himingi ng sorry saiyo sa mga nagawa ko kay Olivia. Actually, nagawa ko lang iyon sa sobrang galit ko kay Samantha.” Nakikinig lang si Gabriel kay Edward. Gusto niya itong unawain at bigyan ng pagkakataon afterall, matagal na rin ang kanilang pinagsamahan. “Sana maging maayos muli tayo gaya ng dati.” “Hindi pa siguro ngayon pero darating rin tayo dyan,” Sabi niya. Ayaw naman niyang pagsarhan ito ng pinto lalo pa at nakikita niyang sincere naman ito sa paghingi ng sorry sa kanya. “At least, may pag-asang bumalik pa sa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa