“GOOD NEWS! May posibilidad na maibaba natin ang sentensya ng Papa ng dalawang taon!” Masayang balita ni Randell kay Gabriel nang tawagan niya ito, “Matibay ang mga ebedensya na ipinagtanggol lamang ng father mo ang sarili niya laban kay Diego at hindi niya plinano ang pagpatay dito. May nakuha na ang tetestigo para sa kanya.”
“Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel.
“Oo. Iyong pinsan mismo ni Diego ang nakasaksi. Gusto niyang makipagkita sa ating dalawa mamaya.”
“Mabuti.”
“Magkita tayo sa dating lugar.” Aniya kay Gabriel. Pagkatapos na pagkatapos niyang makipag-usap dito ay tumunog
“MABUTI naman at unti-unti nang nagkakalinaw ang lahat,” Masayang sabi ni Olivia nang tawagan siya ni Gabriel at iupdate siya sa tungkol sa kaso ng Papa nito, “At masaya rin ako na kumpleto na ang lahat ng mga ebedensya para sa Ninong Jaypee mo. Nga pala, wala pa rin bang balita tungkol kay Arlyn?” “Lahat ng lugar na tinuluyan ni Ninong Jaypee, binabalikan ngayon ng mga pulis at isa-isang tinatanong lahat ng mga kapit bahay.” Sabi ni Gabtiel sa kanya. “Magaling talaga ang babaeng iyon,” aniya dito, “Hindi ako makapaniwalang isang babae lang, hindi pa nila mahanap-hanap. Hindi kaya may kasabwat na pulis ang Arlyn na iyon?” Tanong niya dito. “Wala naman siguro. Nagkataon lang na sinus
HINDI NA MATIIS pa ni Arlyn na hindi man lamang mahawakan ang anak. Nang matiyak na natutulog na ang mga magulang niya at ang maid nito ay dahan-dahan niyang pinasok ang bahay. Kabisado na niya kung papaano bubuksan ang pinto niyon dahil madalas niya iyong ginagawa sa tuwing umuuwi siya ng dis oras ng gabi nuon. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam ng sekreto niyang iyon. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kanyang kuwarto. Nakita niya sa crib ang kanyang anak na mahimbing na natutulog habang ang maid ay nakahiga sa kama niya. Mabuti pa itong maid, ang sarap ng tinutulugan. Air-con at malambot na kama habang ako, nagtitiyaga sa papag, sa maliit at malamok na kwarto. Pumuwesto siya sa tapat ng crib at umiiyak na tin
“GABRIEL, gusto ko talagang magkausap tayo para magkaroon na ng closure lahat ng nangyari nuon. Gusto kong himingi ng sorry saiyo sa mga nagawa ko kay Olivia. Actually, nagawa ko lang iyon sa sobrang galit ko kay Samantha.” Nakikinig lang si Gabriel kay Edward. Gusto niya itong unawain at bigyan ng pagkakataon afterall, matagal na rin ang kanilang pinagsamahan. “Sana maging maayos muli tayo gaya ng dati.” “Hindi pa siguro ngayon pero darating rin tayo dyan,” Sabi niya. Ayaw naman niyang pagsarhan ito ng pinto lalo pa at nakikita niyang sincere naman ito sa paghingi ng sorry sa kanya. “At least, may pag-asang bumalik pa sa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa