Hindi siya pamilyar sa daan na tinatahak nila. Seryoso nga pala talaga ito nang sabihing pupunta sila sa bahay nito. Nabanggit nga ni Clyde dati na dahil sa kalusugan ng lola nila ay napag-usapan nila ni Kyle na sa bahay ng lola nila muna manirahan.
Katulad ng mansiyon ng lola nito ay dumaan muna sila sa isang post na may guard. Lumapit ang guard sa kanila at nang makita si Kyle ay agad na tinanggal ang harang. Akala niya ay subdivision na may maraming bahay ang makikita pagkapasok nila pero walang bahay siyang nakita na nadaanan kundi isang daan lang na papunta naman sa isang malaking bahay na nakita niyang nakatayo sa dulo. Bago ang bahay ay may nakita pa siyang malaking fountain sa harap nu'n.
Iyon ba ang bahay ni Kyle? Parang mga bahay nga ng mga hari at reyna ang bahay ng mga del Espania. Never pa niyang nakitang nai-feature ang bahay nito at ni Clyde sa magazine. Tanging ang mansiyon ng lola ng mga ito ang palagi niyang nakikita kapag ini-interview ang mga
Inilayo nito uli ang mukha sa kanya dahil natatamaan ang mukha nito ng salamin sa mata niya." You should get rid of this," tinanggal nito ang salamin nang sabihin iyon saka basta na lang iyon inihulog sa sahig. Mabuti na lang at naka-carpet ang sahig ng kwarto nito kaya't hindi nabasag ang salamin niya.Bumaba na uli ang mukha nito sa kanya. Kusa na siyang yumakap sa leeg ni Kyle para salubungin ang halik nito. Dama niya agad ang basang dila nito na pinasadahan ang buong bibig niya. Pagkatapos ay sinisipsip na nito ang pang-ibabang labi niya." Hmmm," lalong humihigpit ang yakap niya sa leeg ng lalaki dahil parang nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan niya.Napaigtad siya nang nasa tiyan na niya ang mga palad nito. Naipasok na pala nito ang mga kamay sa loob ng suot na polo nang hindi niya namamalayan. Ang init ng mga kamay nito na parang minamasahe ang tiyan niya na umakyat pa.Tumigil saglit ang mga iyon sa ilalim ng mga dibdib niya
Napapaungol siya nang parang may kumakagat-kagat sa mga labi niya. Napapangiti siya nang di dumidilat. Ayaw niya kasing maputol ang magandang panaginip na iyon." Tash..."Nakikiliti siya sa mainit na hiningang sumasayad sa tenga niya." As much as I want to stay here forever pero kailangan na nating umuwi."Humalik-halik na sa talukap ng mga mata niya ang mga labi ni Kyle. Napakurap-kurap pa siya nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mga mata. Nakangiting mukha ng lalaki ang nakatunghay sa kanya habang hinahawakan ang pisngi niya." We need to go home now."Parang nananaginip pa siya nang ngumiti rin dito. Dinampian siya nito ng halik sa labi saka siya tinulungang makabangon. Iniiwas niya ang mga mata sa lalaki nang tumayo ito na wala pa ring kahit anong saplot sa katawan. Pinulot nito ang mga damit at isa-isang isinuot. Ibinigay nito sa kanya ang mga damit na ipinasuot nito kanina sa kanya.Nahihiyang kinuha niya iyon habang mahigp
Kahit mag-uumaga na siya nakatulog ay maaga pa rin siyang nagising. Awtomatikong bumalik sa utak niya ang maiinit na eksena nila ni Kyle nang parang may kakaiba siyang nararamdaman sa pagkababae niya nang magising. Uminit na naman ang mga pisngi niya habang napapangiti.Inot-inot pa siyang bumangon nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.Nakita niya uli ang mga markang iniwan ni Kyle sa katawan niya nang maligo siya. Kahit basa ang buong katawan niya ng tubig ay bumabalik ang mainit na sensasyong pinadama ni Kyle sa kanya kagabi.Nahihirapan siyang maimili ng isusuot sa araw na iyon. Napili niyang suotin ang isa sa mga binili ni Kyle para sa kanya sa mall. Peach ang kulay ng straight cut na damit na hanggang tuhod lang niya. Walang manggas iyon kaya't dinoblehan niya ng puting blazer. Nasisiyahan naman siya sa nakikita niyang repleksiyon sa salamin.Hindi na siya nagsuot ng stockings gaya nang nakaugalian niya. Sasanayin na niya ang sarili sa mga
Ilang araw nang hindi nagri-report si Kyle sa office dahil kabi-kabila ang meeting na pinupuntahan nito. Hindi na nila ito nakakasabay lagi sa pagkain. Mas lalo tuloy hindi mapalagay ang pakiramdam niya. Nami-miss niya ito lagi at nahihiya naman siyang tawagan na lang ito basta nang walang dahilan. Gabi-gabi naman ay lagi niyang pinapakiramdam kung dumating na ito at saka matutulog kapag narinig na niyang bumukas na ang pinto ng kwarto nito.Sa susunod na linggo ay sisimulan na ang advertisement video para sa brandy ng The Finest Corporation. Babiyahe sila sa Palawan at kasama nila ang main model na si Chelsea. Biglang sumimangot ang mukha niya nang maalala ang babae.Malapit nang mag-alas dose ng gabi at wala pa si Kyle. Ayaw niyang mag-isip nang kung ano-ano tungkol dito dahil alam niyang sobrang busy ito lately. Si Clyde ay may hawak din kasing iba pang clients kaya't kay Kyle muna pinaubaya ang project ng pinakaimportante nilang kliyente.Hindi na niya
Maaga niyang hinatid sa terminal ang kaibigan kinabukasan. Alas siyete ng umaga siya nakauwi sa bahay ng mga del Espania. Matagal na napatingin siya sa pinto ng kwarto ni Kyle bago siya pumasok sa kwarto niya.Naligo siya agad saka nagbihis ng pambahay. Lumabas siya ng kwarto para pumunta sa hardin. Ayaw na muna niyang magkulong sa loob. Ang totoo niyan ay lumabas talaga siya dahil nagbabakasakaling makasalubong si Kyle. Nami-miss niya kasi talaga ang lalaki. Hindi rin naalis sa isip niya ang sinabi nito kagabi sa phone kaya't umaasa siya na pareho silang nasasabik sa isa't-isa.Natigilan siya nang makita si Mrs. del Espania na nagdidilig ng mga halaman nito. Aatras na sana siya pero nakita na siya ng matanda." Good Morning! Nakauwi ka na pala," nakangiting bati nito.Lumapit na lang din siya rito at ngumiti. Hindi kasama ng babae si Sheila dahil off ng nurse nito kapag Linggo. Ang nasa tabi ay ang isa sa mga katulong ng pamilya." Good Morn
Agad na kinausap niya ang lola niya nang araw ding iyon. Wala naman daw itong sinabi kay Mrs. del Espania na kung ano pa man kahit panay ang tanong ng babae kung dapat ba siyang ipakasal nito sa isa sa mga apo nito.Pinakiusapan niya ang lola niya na huwag nang banggitin ang pagiging "lucky charm" niya sa buhay ng mga del Espania. Nagi-guilty na rin kasi siya at ayaw niyang madamay pati ang kanyang lola.As usual dahil Linggo nu'n ay kailangan niya uling samahan si Kyle sa pakikipag-date nito sa isa sa mga nagki-claim bilang si Mysterious woman. Sising-sisi talaga siya kung bakit pa niya naimungkahi iyon dahil inaamin niya, nagseselos na siya kapag may mga babaing umaaligid sa lalaki. Alam niyang wala pa silang opisyal na usapan tungkol sa relasyon nila pero malaki ang pag-asa sa puso niya.Katatapos lang niyang naligo at naghahanda na siya para sa date ni Kyle. Siya kasi uli ang photographer. Kinuha niya ang pink rubber shoes na suot nu'ng gabi ng party. Iyon k
Hindi na siya nagpakipot pa at agad na nilabanan niya rin ang maiinit na mga labi nito. Hindi na siya nahiya nang ang dila na niya ang naunang lumusob sa loob ng bibig ni Kyle. Nagulat yata ito sa kapangahasan niya kaya't marahas na napaungol ito na ibinuka na rin ang bibig para biglang layang manghimasok ang dila niya sa loob. Pinagdikit niya ang dulo ng mga dila nila na hinayaan lang ng lalaki. Naging mapangahas pa siya at isinubo ang dila ni Kyle para sipsipin." Hmmm... Damn, Tash! I'm so hard now. Feel me," paungol na sabi nito na inilayo pa ang bibig sa kanya para sabihin iyon.Nagulat na lang siya nang hawakan nito ang kamay niya at inilapit sa naghuhumindig na nga nitong alaga. Imbes na ilayo ang kamay ay dinakma nga niya ang katigasan ng sandata nito habang kinakagat ang labi niya." Oh, shit!" mahinang mura nito na napatingala pa.Hindi rin nagpatalo si Kyle at agad na pumasok sa loob ng damit niya ang isang kamay nito. Pumipisil pa muna ito sa
Lumapit ito sa kanya habang nasa kamay pa rin ang mga bagay na nagpapatunay na siya nga si Mysterious Woman. Sinalubong niya ang tingin ni Kyle at kahit wala pa siyang inamin ay mababasa na sa klase ng tingin niya ang sagot." Why didn't you tell me?"" H-hindi ko alam. Siguro natatakot akong itama ang ilusyon mo na isang magandang babae si Mysterious woman," kinumpirma na ng sagot niya ang tanong nito kanina." And that confession was supposed to be for Clyde," mapaklang napatawa pa ito nang ma-realize iyon.Hindi uli siya nakaimik dahil totoo naman iyon... nu'ng gabing umamin siya. Aminado siyang kay Clyde pa siya hibang na hibang noon. Iba naman ang nararamdaman niya kay Kyle ngayon. Hindi ito isang kahibangan lang, mas malalim at hindi isang matinding obsesyon gaya ng naramdaman niya kay Clyde dati. Gusto niya sanang sabihin iyon kay Kyle pero hindi niya alam kung paano." Wow... pinagtatawanan mo siguro ako nu'ng mga panahong atat na atat akon
HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali
Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.
Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda
Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n
Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl
Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m