"DID YOU BRING everything you need?" tanong sa akin ni Damon habang nagmamaneho siya. Pupunta na kami sa Bolinao, Pangasinan at sobrang excited talaga ako!
Ngiting-ngiti ako. "Opo! Nagluto ako ng adobo 'tsaka menudo tapos nagbaon ako ng siopao!"
Natawa siya. Lagi siyang good vibes kapag kasama niya ako. Natutuwa ako at napapangiti ko siya. "Talaga? Mukhang bubusugin mo 'ko, a. Nagpahanda naman na ako kila Mang Antonio."
"Gusto ko lang kasi kumain ng siopao mamaya."
"Ang cute mo. Siopao kakainin sa resort," umiling pa siya habang ngiting-ngiti.
"Oo na."
"Tampo naman agad. Did you also bring a swimsuit?"
"HEY, EMMA. WAKE up. We're here."Nagising ako nang maramdaman kong may marahang tumatapik sa braso ko. Nang dumilat ako ay nakita ko ang mukha ni Damon na malapit sa akin.Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Napalunok ako. Grabe siguro 'yong sakit na naramdaman niya nang tumusok sa pisngi niya 'yong mga basag-basag na salamin ng kotse niya nang maaksidente siya. Hinaplos ko 'yon at nakita kong naging malamlam ang mga mata niya habang nakatitig rin siya sa 'kin."Emma..." bulong niya.Tinignan ko siya sa mga mata niya at dahan-dahan akong ngumiti. "Natutuwa ako kasi lalabas tayo ngayon. Nandito lang ako lagi, Damon."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Titig na titig siya sa 'kin. "Thank you, Emma," huminga siya nang malalim at nag-iwas nang tingin. "Thank you for being here for me. I appreciate all your efforts and patience. Those surprises I gave you were nothing com
"WOW, SOBRANG GANDA!" hindi ako makapaniwalang ganito kaganda ang resort ni Damon. Nakita ko na kanina ang dagat at may mga taong nagsu-swimming kahit umaga pa lang. Nadaanan din namin ang mga cottages, tatlong restaurant at isang bar na inamin sa akin ni Damon na lagi niyang pinagtatambayan noon. Habang nagkukuwento nga siya ay ramdam ko ang lungkot sa boses niya dahil naaalala niya ang buhay na mayroon siya noon. Hindi tulad ngayon. Nakuwento rin niya sa 'kin na 'yong mga restaurant na 'yon pati 'yong bar ay pag-aari naman ng kaibigan niyang nag-renta rito sa resort niya. Brad Wilhelm ang pangalan. Natakot nga ako sa pangalan ng bar. The Devil's kasi ang pangalan. Alam ko naman na mayaman si Damon dahil sikat siyang modelo noon pero nalulula ako sa resort na pag-aari niya. 'Yong pagkakakuwento niya kasi sa 'kin noong nasa bahay kami ay parang simpleng resort lang. Hindi k
"DAMON, BAKIT NGAYON mo lang sinabi sa 'kin?"Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay 'yon sa kaliwang pisngi niya. "Because I don't want you pitying me. Ayokong kaawaan mo ako, Emma. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa 'yo lalo na kasi kilala mo ako. Alam mo kung sino ako noon. Sa totoo lang, Emma, ikaw ang nagbibigay ng rason sa akin para lumabas. Para 'wag isipin 'yong nangyari. Para kalimutan 'yong bangungot na nangyari sa akin. You came into my life out of nowhere. It's like I'm waiting for someone to finally fix my dark shadow and there you are... you came to my life. Your jolly personality caught me. Kaya paano mo nasasabi sa 'kin na 'wag kong isipin 'yong nangyari sa 'kin noon? Bakit ganoon kadali mong sinasabi sa akin na kalimutan ko na lang 'yong mga taong sa pisikal lang tumitingin at masakit magsalita? Hindi kasi madali, Emma. Mahirap tanggapin 'yong masasakit na sa
NAPAKURAP AKO HABANG sinasalubong ko ang titig niya. Ang seryoso ng mukha niya pati 'yong boses niya. Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya at tumagilid ako para magkaharap kami."Gusto ko 'yong dating Damon. 'Yong Damon na hinahabol ko. 'Yong Damon na inaabangan ko sa mga interviews niya. 'Yong dating Damon na pinagpupuyatan ko pero mahal ko 'yong Damon na kaharap ko ngayon. 'Yong Damon na natuto sa nangyari sa kaniya. 'Yong Damon na natutunan magpahalaga ng mga bagay-bagay. 'Yong Damon na maraming na-realize sa buhay niya at sa mga tao sa paligid niya. 'Yong Damon na seryoso at kaya nang mag-commit. Gusto kita noon pero mahal kita ngayon. 'Yon ang sagot ko sa tanong mo. Hindi mo naman ako puwedeng papiliin sa dalawa kasi iisa ka lang naman. Nagkaiba lang sa kung sino ka noon at kung ano ka na ngayon. Nandito na 'ko sa 'yo noon pa lang kahit hindi mo pa alam na nag-e-exist ako. Nandito pa rin naman ako ngayon."Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa mga labi ko. "A
NATULALA AKO KAY Damon at nakatingin pa rin siya sa likuran ko hanggang sa makita kong gumagalaw ang ulo niya para sundan ng tingin ang taong nasa likuran ko na ngayon ay kitang-kita ko na dahil umupo siya sa bakanteng upuan nitong mesa namin. Nang tignan ko siya ay napalunok ako. Ibang-iba siya sa billboard kumpara sa personal. Mas maganda. Mas maputi. Mas sexy. Mas kaakit-akit. Parang gustong lumabas ng mga kinain ko mula sa tiyan ko. Nang tignan ko si Damon ay nakatitig pa rin siya kay Ana habang mahigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor. Sa sobrang higpit ay parang kaya na niyang baliin 'yon. Napako ang tingin ko kay Ana nang dahan-dahan niyang paglandasin ang hintuturo niya sa isang braso ni Damon pababa
NIYAKAP KO SIYA nang mahigpit at niyakap niya rin ako. Lumakas ang hagulhol niya at siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. "Ayoko na, Emma. Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang ipilit. Masakit na." Sobrang sakit ng lalamunan ko sa pagpipigil kong tumulo ang mga luha ko. Kailangan kong maging malakas pero hindi ko magawa dahil sobra akong naaawa sa kanya. "Nandito naman ako. Hindi ako magsasawa hanggang sa maging okay ka na. Iintindihin kita." Naramdaman kong umiling siya."You have given me too much patience, Emma. Hindi lang naman ikaw ang dapat kong makausap o makasama. I need to go out. I need to go out around, but how am I going to do that when they are judging me because of my looks!" Hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin siya."Damon, sana lagi mong isipin 'yong sinabi ng bata kanina. Your scar does not define who you are as a person." Bigla siyang umalis sa pa
"THERE'S NOTHING TO worry about," I told Brad.He raised one eyebrow as he looked around my room. "Broken picture frames, and an awful face. You look like a hopeless idiot.""Because I am."He shook his head as he walked in my direction. I looked up to see him and he was standing in front of me with that serious face he was always wearing when he was talking to someone. I didn't know why we became friends knowing how quiet and secretive he was. But there was one thing he was good at, he knew the right words to say... like Emma. I gulped when I remembered Emma.She was crying and I knew she didn't want to leave me here. I knew her. I knew she was hurt when I told her to leave me, but I just wanted to be alone for now. I was devastated and broken at the same time. I took in every single word Ana has told me and they were so hard to forget. They had glued in my mind."How many times do I have to remind you and Marco to st
NAPALUNOK AKO NANG marinig ko na tama pala ang sinabi niya. Napatingin ako sa harap ng kotse niya. Bigla akong nanghina at bigla kong naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko. "Bakit? Nagbibiro ka lang, 'di ba?" "Does my face looks like I'm joking around?" Salubong ang mga kilay ko nang tignan ko siya. Hindi pa rin siya nakatingin sa 'kin. Naka-focus pa rin siya sa pagmamaneho niya. "Makikipag-break ka sa 'kin habang nagda-drive ka? Hindi mo nga ako matignan nang diretso tapos makikipag-break ka." Pinunasan ko ang mga luhang mabilis na tumulo sa mga pisngi ko nang marinig ko na gusto niyang makipag-break sa 'kin. Tinigil niya ang pagmamaneho sa gilid ng kalsada at tinignan ako nang diretso sa mga mata ko. Napaiyak ako. Nakikita ko na kasi ngayon na hindi talaga siya nagbibiro. Ano ba'ng nasa isip niya at makikipag-break siya sa 'kin? "Damon, bakit? May nagawa ba 'kong masama? Nagalit ka ba sa 'kin sa nangyari kahapon? S