Share

Chapter 37

NATULALA AKO KAY Damon at nakatingin pa rin siya sa likuran ko hanggang sa makita kong gumagalaw ang ulo niya para sundan ng tingin ang taong nasa likuran ko na ngayon ay kitang-kita ko na dahil umupo siya sa bakanteng upuan nitong mesa namin.

Nang tignan ko siya ay napalunok ako. Ibang-iba siya sa billboard kumpara sa personal.

Mas maganda. Mas maputi. Mas sexy. Mas kaakit-akit.

Parang gustong lumabas ng mga kinain ko mula sa tiyan ko. Nang tignan ko si Damon ay nakatitig pa rin siya kay Ana habang mahigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor. Sa sobrang higpit ay parang kaya na niyang baliin 'yon.

Napako ang tingin ko kay Ana nang dahan-dahan niyang paglandasin ang hintuturo niya sa isang braso ni Damon pababa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status