"Thank you again for treating us to this wonderful dinner," nakangiting pagpapasalamat ng ina ni Javion.
Lumapit ito sa'kin at niyakap ako dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Minsan nakakapagtaka kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga tao eh."Javion is quite hard to handle, Serene. Sana pagtyagaan mo siya," she whispered as she took a step back and smiled at me.I don't know if that is helpful. Dumoble 'yong kabang nararamdaman ko. Kapag ba umatras ako sa kasal na 'to, ibang babae ang ikakasal kay Javion? Hindi ko naman yata kayang makita 'yon.Isang tango at isang pilit na ngiti ang isinukli ko. Nagpaalam na sila Father at Mama sa magulang ni Javion at umalis na ang mga ito at saka iniwan na ang anak nila rito dahil may dala naman daw itong sariling sasakyan at kailangan niya daw bumalik agad sa ospital."Anak, ingat kayo sa pag-uwi. Si Javion na ang mag-uuwi sa 'yo sa condominium mo."Kunot-noong binalingan ko ng tingin si Mama dahil sa tinuran niya. "Ha? Bakit niya ako iuuwi doon? Pupunta raw ng ospital si Javion, 'di ba?"Si Father ang sumagot. "Just let him be, sweetie. It's him who insisted."Dahan-dahan kong binalingan ng tingin si Javion na malamig at inip na inip ang matang nakatitig sa'kin. He raised his left eyebrow to me and that made my hands clasped together at humarap ulit ako sa magulang ko."Mama, kayo na lang mag-uwi sa'kin. Please," bulong ko para hindi marinig ni Javion.Tumawa ng mahina si Mama at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Serene, masasanay ka rin. Mabait naman iyang si Javion.""Duda ako d'yan at saka sa susunod na lang ako sasama sa kaniya," pamimilit ko pa kahit alam kong hindi naman ako mananalo. Well, there's nothing wrong with trying.Tumkhim si Father kaya napatingin ako sa kaniya."Ojciec, please?"He lightly shook his head. "Go now. You still have duty tomorrow, right?"I pouted and slowly nodded my head. "Ingat kayo sa pag-uwi."Father lightly pats my head. "You too, sweetie."Nakipagbeso-beso naman si Mama sa'kin at tuluyan na nga silang umalis ng restaurant. Huminga ako ng malalim bago humarap sa lamesa kung saan naka-upo si Javion.Iminuwestra niya ang kamay sa kaharap niyang upuan. "Take a seat.""Akala ko ba kailangan ka sa ospital mo?" tanong ko habang naglalakad ako palapit sa lamesa at saka umupo sa upuang tinuro ni Javion.He picked up the glass with negroni and took a sip before answering me. "It's a lie. Hindi naman ako umaalis ng ospital ng hindi ko natatapos 'yong mga kailangan ko gawin sa araw na 'yon."I frowned. "Bakit hindi ka pa umuwi? For sure pagod ka rin naman. Why did you insist on sending me home?"Humalukipkip ito. "Do I need to have reason?""Oo pero kapag nagpapakitang tao ka lang naman, pwede na ba akong umuwi ngayon?" iritableng tanong ko.Gustong-gusto ko na talaga humiga at magpahinga dahil ilang oras na lang kailangan ko na naman bumangon para mag-aral tapos may duty pa ako ng hapon."Go ahead. You can leave."Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Javion na inisang lagok ang alak na iniinom niya. I shook my head and stood up at nagmamartsang umalis ng restaurant."Darn that man. Ang sarap ilublob ng gwapo niyang mukha sa kumukulong tubig. Buti na lang idol ko siya kasi kung hindi nasapak ko na bibig niya," naiinis na sambit ko habang pumapara ng taxi.Napasinghap ako ng may pumaradang pulang cadillac celestiq sa harapan ko kapagkuwan ay napatanga ako rito."Damn... ang gwapo," namamanghang wika ko.Bumaba ang bintana ng sasakyan kaya naman medyo yumuko ako para silipin ang na sa loob non. I gasped as I saw a familiar face."Kazimir?""Hello there, honey," nakangiting bati nito."No way."He chuckled. "Wait me there. Magpa-park lang ako."Tumango lang ako bilang sagot. Kazimir Zanders is my childhood best friend na mas matanda sa'kin ng isang taon at pumunta ito ng ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pagaaral niya ng college. It's been five years since we last saw each other kaya naman gulat na gulat talaga ako na nandito na siya ngayon.Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ito. He changed a lot, gwapo na siya noon pero mas gwapo at manly ang dating niya ngayon."Nalunod ka na naman sa kagwapuhan ko."Kusang tumaas ang isa kong kilay at saka natawa. "Grabe, mahangin ka pa rin."Natatawang niyakap niya ako. "I was planning on surprising you tomorrow. I'm not expecting that I will see you here; nonetheless, I missed you."Niyakap ko siya pabalik. "Namiss din kita syempre." Humiwalay na ako sa yakap. "Bakit ka pala nandito?"Napatingin siya sa entrance ng restaurant. "I need to meet someone here. Interesado daw siyang maging parte ng kumpanya ko sabi ng pinsan ko.""Talaga? Tara baka hinihintay ka na," pag-aya ko sa kaniya.Tumango siya at saka kami sabay na pumasok sa loob ng restaurant. Unti-unting lumalakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa isang pamilyar na bulto ng lalaki."Mr. Axfor?" sambit ni Kazimir sa apelyido ng binata.Pumihit ito paharap sa amin ni Kazimir. I froze when he looked at me or more like a glare."Kazimir Zanders? Ethan's cousin, am I right?" aniya Javion at saka binalingan ng tingin si Kazimir.Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya pinansin ang presensya ko.Tumango si Kazimir. "Yep, Javion Axfor, Kuya Ethan's friend?""Yeah, I didn't know that you're with someone. Nakapag-order pa sana ako ng isa pang coffee," aniya Javion at saka iminuwestra ang kamay sa mga upuan. "By the way, have a seat."Kazimir smiled at saka ako iginaya paupo sa mga upuan na tinuro ni Javion. Napaangat agad ako ng tingin nang makaupo na ako ng maayos dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin pero pakiramdam ko lang pala 'yon."I already have the papers. Pirma mo na lang ang kulang." Inilabas ni Kazimir ang isang folder mula sa briefcase na dala niya at saka inabot iyon kay Javion.Javion opened and scanned the papers kapagkuwan ay nagtanong ito ng hindi inaalis ang tingin sa papel. "Are you two in a relationship?"Nasamid ako sa sarili kong laway at napa-ubo. 'Damn, bakit naman ganon.'Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Kazimir sa likod ko. "Serene, ayos ka lang ba? Nasamid ka ba?""She probably didn't expect me to ask you that type of question," komento ni Javion. Tumingin siya kay Kazimir at ibinuka ang kanang kamay niya. "Do you have a pen with you?"Mabilis na inabot sa'kin ni Kazimir ang isang basong tubig bago niya abutan ng ballpen si Javion. Dahan-dahan akong uminom habang pasimpleng nakatitig kay Javion na abala sa pagprima ng mga papel."My salary would be dollars right?" Javion asked at saka ibinalik ang folder at ballpen kay Kazimir. "Nabasa ko kasi d'yan na dollars.""Yes, that wouldn't be a problem, tama ba?"Tumango si Javion at saka tumayo at namulsa. "Thanks for letting me work for your company, and do pay me well. It's nice meeting you, by the way."Tumayo si Kazimir at nakipagkamay kay Javion. Tumayo na rin ako at inayos ang nagusot kong damit at sakto namang pag-angat ko ng tingin ay nakatingin sa'kin si Javion. Tumaas ang sulok ng labi niya at saka umiling."Call me if you need my service. One week before the actual photoshoot," aniya Javion at tumalikod."One week before the actual shoot? Hindi ba sobrang advance naman non?" nagtatakang tanong ko.Javion shrugged his shoulders. "I'm a busy man."Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay naglakad na siya paalis. 'That man.'"Where shall we go? May three hours pa bago mag alas-dose, honey."I looked at Kazimir and smiled. "Anywhere, as long as we can catch up."Kazimir smiled and wrapped his arm around my shoulders. "I know a place. Let's go."************Napabalikwas ako ng higa mula sa kama nang mag-ingay ang cellphone ko. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na inabot ko iyon mula sa vanity ko at saka sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ito."Hello—""Where are you? Do you know what fucking time is it already, Zabawa?"Inilayo ko ang cellphone sa tainga ka para tignan kung sino ang tumawag. Kumunot ang noo ko dahil unregistered number ito kaya ibinalik ko iyon sa tainga ko."Sino 'to?" humihikab na tanong ko.I heard the man from the other line sighed. "Javion."Parang nagising ang diwa ko at agad na tumuon ang mga mata ko sa orasan na nakasabit mula sa pader ng kuwarto ko."Shit. Wait nandyan ka na ba sa baba?" tanong ko habang umaalis mula sa higaan at kumuha agad ako ng isang kung anong dress mula sa aparador ko."One hour. I've been waiting for an hour already. Mind telling me the fucking passcode of your door so that I can get in and cook myself a breakfast? I skipped my damn breakfast to pick you up," iritableng aniya Javion mula sa kabilang linya."It's 0-4-2-8," sagot ko at saka binaba ang tawag at pumasok sa banyo para maligo.Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na rin ako maligo at nakapagayos na rin ako kaya naman lumabas na ako ng kuwarto ko. Bumungad sa'kin si Javion na kumakain ng toast. Bumaba ang mga tingin ko sa isang plato na may lamang toasted bread at may isang baso ng kape sa tabi nito.Umupo ako at saka kunot-noong tumingin kay Javion. "Kanino 'yan?" I asked."Alay ko sa multong nagbabantay rito sa condominium mo—meron ba? Kapag wala, kainin mo na," sagot niya ng hindi tumitingin sa'kin.Napa-irap na lang ako sa hangin at nagsimula ng kumain. Napatigil ako ng matikman ko 'yong toasted bread at hindi makapaniwalang napatitig kay Javion."Wow. Anong brand ng tinapay 'to?" I asked as I took another bite. "Ang sarap.""You don't have real food here," he commented as he took a sip from the cup.Nagkibit-balikat ako. "Bakit pa ako magtatambak? Hindi naman ako marunong magluto."He looked at me. "What? Really?"Tumaas ang isa kong kilay. "Oo, bakit? Porket babae ako kailangan marunong na ako magluto? What if I tried but cooking is really not my thing? Kailangan ipilit ko pa rin?""I didn't say anything like that." He wiped his lips with his handkerchief. "Nevertheless, you can still think that as the meaning of my reaction.""Umalis na tayo, baka masapak ko bibig mo."Hindi na siya umimik ulit at umalis na kami ng condominium ko. The whole ride has been silent. Wala rin naman ako sa mood makipag-usap dahil paniguradong kung hindi ako maiinis, ay mababara lang ako ni Javion. Lintek na 'tong idol ko na 'to eh, kung hindi lang talaga kita mahal at inspirasyon, basag na bibig mo ngayon."Boyfriend mo ba si Kazimir?"Napatingin ako kay Javion. "Ha?"He glanced at me. "Is Kazimir your boyfriend?"Humalukipkip ako at ngumisi. "What if oo ang sagot ko sa tanong mo?"He glanced at me again. "You should break up with him.""At bakit naman?""We're getting married, Zabawa. Ayoko magkaroon ng bad issue with you, kaya as long as you can keep your name clear, do it without any hesitation." He rolled his eyes. "I don't like sacrificing the reputation of my name for someone who doesn't deserve it."Parang may tumusok na maraming karayom sa puso ko dahil sa tinuran niya at kapag ako ay nasasaktan, paniguradong buong araw na magkasama kami ay hindi ko na siya masyadong kikibuin hanggang sa mawala 'yong sakit na naramdaman ko. So I am not worth the risk, of course. Sino ba naman ako, 'di ba? I'm just a mere student and a normal person whose name and existence have never been known by anyone.Javion went out from the fitting room wearing a set of amerikana. My jaw instantly dropped nang humarap siya sa'kin. Sobrang gwapo niya talaga."Bagay sa'yo," I honestly commented."Everything suits me, Zabawa," mayabang na sambit ni Javion."Well, totoo naman. You won't be a model if hindi bagay lahat ng damit sa'yo.""Right. I'll take this one.""Hindi niyo na po ba ita-try 'yong iba?" the lady asked.Javion looked at her and smiled. "Nope. Okay na ito."The lady smiled back. "Noted that, sir."Buti pa 'yong sales lady nginingitian niya. Javion went back to the fitting room at pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ito. Inabot niya ang suit sa sales lady bago siya umupo sa sofa na kaharap ko. He picked up his phone and rested his back on the backrest as he crossed his legs."Choose what you want to wear," sambit niya ng hindi tumitingin sa'kin.Tumango ako at tumayo. Sinimulan ko ng magsukat ng mga gown. 'Nope', 'no', 'pangit', 'too plain', 'over decorated' at kung ano-ano pang hin
"Why are you alone? Tapos na sa bus stop ka pa," bungad na tanong ni Kazimir ng makasakay ako ng kotse niya.Sinuot ko ang seatbelt bago balingan ng tingin si Kazimir at mahina akong natawa dahil sa suot niya. Handa na itong matulog dahil na ka hoodie at jogging pants na ito. Mukhang naistorbo ko ang loko sa pagpapahinga niya. Pinaandar na nito ang sasakyan paalis."Kitams, tinatawanan mo pa ako. I was worried kaya hindi na ako nakapagpalit ng maayos na damit," pagpapaliwanag niya."Uy, natatawa ako kasi naistorbo kita sa pagpapahinga mo," natatawang sambit ko.Pabiro siyang umirap. "Talagang natatawa ka pa na inistorbo mo ako.""Sus, nagpa-istorbo ka naman. Tigiltigilan mo ako ah.""Well, if ikaw naman ang mangiistorbo, I'm more than willing to entertain you," natatawang sambit niya."Baliw ka," wika ko at saka ako humalukipkip. "Baka masanay na naman ako niyan.""Edi masanay ka, hindi naman na ako aalis. I'm going to settle here for good," nakangiting sambit niya."Weh? That's great
"Hello, Serene!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin at agad na ngumiti at saka naglakad palapit dito ng hindi pinapansin si Javion."Hello, Doc Zephyr," nakangiting bati ko at saka ako tumingin sa iba pang kaibigan ni Javion.My eyes widened when my eyes met Kuya Ethan's. Close na pinsan iyon ni Kazimir kaya naman kilala ko siya at naalala ko pa noon na siya lagi ang nagbabantay sa'min sa tuwing maglalaro kami ni Kazimir sa playground.The older smiled and went towards me. Hindi na ako nagulat ng gawaran niya ako ng halik sa noo. It's normal in Germany, 'yong paghalik sa pisngi ng kaibigang lalaki sa babae pero mas hindi awkward kapag sa noo kaya naman ayon na ang nagawian namin ni Kuya Ethan."Long time no see, little girl," bati ni Kuya Ethan ng humiwalay siya sa'kin. His accent didn't change at all, British pa rin.I laughed. "Well, I believe I am not a little girl anymore, Kuya.""Damn, bro."Sabay kaming nap
"Change your clothes," aniya Javion ng maibaba niya ako sa higaan.Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "Paano? Eh hindi nga ako makagalaw ng maayos."He gave me a deadpan look. "What are you trying to say? Should I help you change then?""Oo? Sino pa ba?" Sarkastikong sagot ko. "Or you can call Kazimir for me, siya lang naman ang kaibigan kong naiwan dito."His jaw tightened. "Don't mention that man's name when you're with me, it's pissing me off."I scoffed. "Kazimir... Javion... hindi hamak na mas maganda pakinggan ang pangalang Kazimir.""Shut it at saka bakit magpapatulong ka sa kaniya? He's not your fiance," he replied.Umirap ako. "Eh tinatanong mo ako kung sa'yo ba ako magpapatulong eh.""At least I asked."Lumapit siya sa maleta ko kung saan nakalagay ang mga damit ko. He pulled the set of pajamas from it bago lumapit sa'kin at nilapag ang damit sa bedside table. He stretched his hand
"Earth to Serene."Napatingin ako sa kamay ni Kazimir na kinakawayan ako at saka ako tumingin sa mukha niya. He looked irritated."You looked irritated. Ano nangyari?" I asked.Kazimir gave me a deadpan look. "You're wool-gathering, Honey.""Oh." Napapikit ako ng mariin at hinilot ko ang sintido ko. "May iniisip lang.""Excited ka na siguro sa honeymoon niyo ni Javion," aniya Anna.Iminulat ko ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatitig kay Anna. "Ano na naman naiisip mo?" tanong ko.She gave me this quirky smile. "Well, normal naman na iyon sa mga bagong kasal, 'di ba? Ang honeymoon?""It wasn't normal if they are just married because of business purposes," Kazimir answered.Nameywang si Anna at saka hinarap si Kazimir. "For your information, they kissed and humabol pa si Javion ng isa when he moved away," she noted. "Now, do tell me that it's impossible for them to have a honeymoon at saka duh, lalaki si Javion and Serene is a woman who can easily attract guys by walking in fr
"Dinner is served!" Sigaw ni Javion mula sa dining section.Hindi ako tumayo at nanatiling nanood sa telebisyon na nandoon. Hindi pa naman ako ginugutom at saka tinatamad akong gumalaw dahil kumukirot ang likuran ko.Hindi ko na ulit narinig ang pagtawag ni Javion kaya naman nakahinga ako ng maluwag at ipinagpatuloy ang panonood. Mabilis lang dumaan ang oras at ng maramdaman kong kumulo ang tiyan ko, tumingin ako sa relong pambisig."Eleven na pala," wika ko sa sarili ko. "Ano kaya niluto niya?"Tumayo ako at tinungo ang dining section. I looked around, but there's nothing there. Ni-isang plato ay wala, mukhang naglinis si Javion pagkatapos niya kumain kanina. Tinignan ko ang refrigerator na nandoon, kumuha ako ng isang orange at saka binalatan iyon habang naglalakad ako pabalik sa salas."Inubos niya siguro lahat ng pagkain, buti na lang may orange sa refrigerator," pagkausap ko sa sarilid ko."Mangangasim sikmura mo diyan."Sumubo ako ng tatlong piraso bago ko binalingan ang pinagmu
"How's your married life?" Kazimir asked.Kasalukuyang na sa may cafe kami. Malapit lang ito sa Dominion Subdivision. Sinunod ko ang sabi ni Javion dahil tama nga naman siya, hindi lang naman ako ang nakatira doon kaya bilang respeto sa kaniya, inaya ko si Kazimir dito.Humalukipkip ako at saka sumandal. "Okay naman, nothing exciting really happened."Nagtatakang napatingin sa 'kin si Kazimir. "Really? Nagulat nga ako napaaga ang uwi niyo, 'di ba one month dapat kayo sa yate? What happened?""Napagtanto niya siguro na magsasayang lang kami ng oras doon?" I laughed. "Joke, pinamadali na niya matapos 'yong bahay, tapos ayon umuwi na kami. Kaya lang naman daw kami magii-stay doon dahil one month ang binigay sa kaniya ng mga taong gagawa ng bahay."Napatango-tango si Kazimir at saka siya mahinang tumawa. "I see. Nasaan siya ngayon? Buti pinayagan ka?""Na sa hospital. Hindi naman daw siya uuwi at saka wala namang pakialam 'yon kahit hindi ako umuwi," I answered nonchalantly."That guy is
"Marami ka bang pasyente ngayon?" I asked habang tinitignan ang patients' records na pinahawak sa'kin ni Doc Zephyr.He placed his hands in his coat's pockets before he nodded his head. "Yes, especially students who are in need of my company.""Ano 'yon? Kinakausap mo lang sila?"Umiling siya. "Nope, I intend to listen more, than talk. Mas kailangan kasi ng mga pasyente ko ang isang listener kaisa adviser."Napatango-tango ako. "Sabi ng chief nurse may kasama raw kaming senior nurse." Tumingin ako sa paligid namin, baka kasi nahuli lang ang senior nurse na kasama ni Doc Zephyr. "Pero parang wala naman?"Doc Zephyr stopped walking kaya pati ako napahinto at saka nagtatakang napatitig sa kaniya. Hinarap niya ako at saka ngumiti at humalukipkip. "If I were going to be honest, I don't like having someone to face my patients with me.""Ha? Bakit naman? Hindi ba mas magiging maayos ang pasyente mo kapag marami ang nakikinig sa kaniya?"
JAVION"Javion fucking Axfor, bahala ka diyan, kanina pa kita ginigising," I heard Serene cussed at kasunod non ang pagsara ng pintuan.I immediately got up and went to the study table near me. Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan ang number ni Jethro. Kaagad naman itong sinagot ni mokong."Ano? Hindi ka pa ba pupunta rito? Itatapon ko lahat 'to," iritableng bungad niya.I heaved a heavy sigh. "Kung alam mo lang kung ilang beses bumalik dito si Serene para gisingin ako.""So, that's our problem now? Get your ass up here or we'll destroy what we prepared," Alexsei threatened from the other line.Kinuha ko ang velvet box sa drawer at saka tinitigan iyon. "Ano pa bang kulang diyan?""Gag—""Benjamin speaking, ako na ang kakausap sa'yo. Mukhang mumurahin ka na naman ni Jethro," wika ni Benjamin mula sa kabilang linya. "Everything are set, Javion. Kailangan lang namin ng mga mata mo para tignan mo kung okay na ba ang set up and then William and your clothes are waiting.""Alright,
"I have carefully reviewed the evidence presented in this case and have reached a verdict," the judge started.Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Napatingin ako sa aking relong pambisig. "After six hours, the judge has finally decided," usal ni Zephyr kaya napatingin ako sa kaniya.I gave me a feign smile. "Kinakabahan ako, buti pa ikaw kalmado."Zephyr chuckled softly and shook his head in amusement. "Fun fact about those two lawyers... Izaiah and Benjamin never fail to win a trial."Napakurap-kurap ako at saka dahan-dahang ibinaling ang tingin sa judge nang magsalita ito. "After reviewing all the evidence and considering the testimony of the witnesses, the court finds the defendant, Keizel Paterson, guilty of kidnapping, robbery, fraud, slander, and breach of contract. The defendant is hereby sentenced to life imprisonment without the possibility of parole. This concludes the trial. The court is adjourned." Kinuha niya ang kaniyang gavel at ipinokpok iyon ng isang beses sa sound bl
SERENENatapos ang meeting namin kasama si Salvatore. I was tensed and scared when I saw him pero ng tumagal-tagal ang pag-uusap namin ay unti-unti na rin akong nagiging kalmado at kumportable dahil na rin siguro kasama ko si Yohan at tinanong namin si Salvatore kung pwede namin i-record ang buong pinagusapan namin and he casually agreed.I really felt safe because Yohan graduated criminology and second course niya ang business management kaya naman ng mag-hire ako ng sekretarya at nakita niyang mas mataas pa ang sahod na inaalok ko kaisa sa pagiging pulis niya, he grabbed the opportunity and work for me.He was a licensed police officer kaya may kakayahan siyang magdala ng baril kahit saan basta dala nito lagi ang lisensya niya."Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Yohan nang pagbuksan niya ako ng pintuan.I smiled at him and nodded. "Yes, okay lang ako." Sumakay na ako at isinara ang pinto. Umikot si Yohan para sumakay sa driver seat at ipinaandar paalis ang kotse ko. Nagtama a
Ipinarada ni Javion ang sasakyan niya sa tapat nf bahay nila Serene bago ito bumaba at pinagbuksan ng pintuan ang dalaga. He immediately offered his hand. Marahang natawa at napa-iling si Serene dahil sa inakto ni Javion. Tinanggap niya ang kamay nito at saka lumabas ng kotse. Binawi niya kaagad ang kaniyang kamay nang makaramdam siya ng kuryente dahil doon. She placed her hands on her back and she smiled. "Thank you for sending me home in one piece," pagpapasalamat ni Serene.Javion chuckled. "It's always my pleasure to send you home... safe and sound.""Utot mo, lagi mo kaya ako iniiwan sa ere kapag magkasama tayo dati, lalo na kapag tinawagan ka ni Heaven," sarkastikong sambit ni Serene.Kumunot ang noo ni Javion dahil napa-isip siya sa tinuran ni Serene at nang mapagtanto niya iyon ay natawa siya. "You're jealous? Kaya pala ayaw mo kausapin si pretty Heaven dati."Serene squinted her eyes as she gazed at Javion. "Is she really that pretty in your eyes? Para tawagin mo siyang 'pr
"After how many years! We finally gathered again!" masayang sambit ni Izaiah at itinaas ang kaniyang baso na may lamang scotch. "Shall we toast?"Everyone lifted their glasses and clinked them together in a toast. Umupo na sila at nagkani-kaniyang lagay ulit ng alak sa baso."Bakit biglang nanlibre si Javion?" Alexsei asked, rolling up his sleeves. "Did the sun rise from the west?"Javion frowned. "If I don't treat, you'll call me stingy, but if I do, you'll say it's impossible. What if we just chip in together instead?"Neiro chuckled and said, "I forced him. Mas mura nga namang magbayad ng bill sa bar, instead of paying my service fees, 'di ba?"Javion affirmed with a nod, remarking, "It's a good thing that you're aware na mahal ang service fee mo. Wala kaya siya sa presyo."Alexsei laughed. "Makareklamo ka naman akala mo hindi mo afford 'yong serbisyo niya. Barya mo lang naman 'yon."Ethan made an approving sound with his tongue. "Can't argue with that. I mean, he'd rather invest mo
THIRD PERSON"Mr. Salvatore, right?" Javion asked as he offered his hand for a handshake.Salvatore stands up and accepts his hand. "Yes, you're doctor Javion?"The other smiled and nodded. "Thanks for accepting my invitation." Bumalik si Salvatore mula sa pagkakaupo and Javion did the same thing. Salvatore clasped his hands together. "Where's my daughter?" he asked directly. "She's only the reason why I agreed to meet you."The corner of Javion's lips raised as he stared at him. "She's currently with my secretary." Javion rested his back and crossed his arms. "As Keizel's ex-acquaintance, you should know better that in this world, there's always a trade-off. Am I right?"Salvator swallowed his own saliva. Alam niyang mahirap kalaban si Javion at kahit na kasama sa plano niya ang makipagtulungan dito, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng kaba. Javion softly chortled. "Do not tremble, Mr. Salvatore. Should you opt to align with me, rest assured, your not-so pristine reputation s
Lunch. This might be the lunch that I really anticipated so much after three years. I finally get a chance to eat with Zephyr and Javion after three consecutive years but what really melts my heart is that Heaven—'yong pinagseselosan ko lang noon—is finally one of my friends and syempre kasama ko rin ang anak ko. Sayang nga lang wala si Yohan at Kazimir, it would be one hundred times better if they were here."What are your favorite foods, baby?" Javion softly asked as he assisted Saira to eat her food. "Do you like vegetables?"Saira nodded her head cutely. "I love veggies! lalo na po 'yong tomato."Tumango-tango si Javion at saka sinubuan si Saira. "How about dishes? May paborito ka bang ulam?"She slowly tapped her chin as she swallowed her food. "I like fish, daddy. Lalo na po 'yong milkfish sinigang ni papa."Naningkit ang mga mata ni Javion at saka ito tumingin sa'kin. "Ipinaghihimay ba siya ni Kazimir? It was very rare for children to like bangus."Mahina akong natawa. "Oo, ipin
"Okay na kayo ni Zephyr?" Doc Heaven asked as she placed the tray down on the table and took her seat. "That man asked me multiple times to call you, baka kapag ako raw ang tumawag sa sa'yo ay sagutin mo.""Tumawag ka ba?" tanong ko at saka ko kinuha ang isang baso na may lamang mainit na kape at humigop doon. "Pagkagising ko kasi sa ospital na pinaglipatan ko, hindi ko na ulit nakita 'yong luma kong cellphone."Tumango-tango siya. "Oo, tinatawagan kita pero laging unattended and now I know why it is unattended." Inilabas niya ang cellphone niya at may mga pinindot siya doon. "Actually... kahit alam kong unattended ang phone mo, I still sent these photos to you. Look at it." Inilapag niya ang cellphone niya sa harapan ko.Kumunot ang noo ko ng hindi ko makita ng maayos ang larawan na nandoon kaya kinuha ko ang cellphone ni Doc Heaven at kaagad na nawala ang pagkakunot ng aking noo nang makita ko ng malinaw ang larawan na iyon."Swipe it, from right to left. I've been sending you messag
"Mommy, can I go with you to work?" tanong ni Saira ng hindi ito tumitingin sa'kin.Tinignan ko ang repleksyon niya sa aking full body mirror. Kasalukuyan kasing nakatayo ako sa harapan non at inaayos ang aking blusa.Tumango ako at ngumiti. "Sure, baby. My employees there are friendly and kind like the people from Switzerland."Nag-angat ng tingin si Saira mula sa paglalaro ng kaniyang ipad at saka ito ngumiti. "Really, mommy? I want to go there.""Alright, tapusin ko lang ito then let's change your clothes," I replied.Umupo ako sa dulo ng higaan para magsuot ng medyas. "Saira, do you remember what happened yesterday?""Ano po 'yon?" nagtatakang tanong niya kaya hinarap ko siya.I crossed my arms in front of my chest as I straightened my back. "You saw your daddy with another little girl right?"Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at saka siya dahan-dahang tumango. "Yes, mommy. Is she daddy's anak?"Marahan akong umiling at saka hinaplos ang matambok na pisngi ni Saira. "No, baby. Hin