Chapter 1
I’m Serene Zabawa, half-Filipino and half-Polish. Twenty-four years old na ako at isang fourth year nursing student sa Folklore University. Adik ako, pero hindi sa masamang gamot kundi sa isang gwapong modelo, hindi naman ako ‘yong adik na obsessed, ako ‘yong adik na katamtaman lang, tamang pagkolekta lang ng mga gamit na iminomodelo ng iniidolo ko at tamang paggamit lang ng litrato niya bilang home screen at lock screen ng cellphone ko.Kasalukuyang naglalakad ako sa hallway ng Axfor Medical Center kasama ang best friend kong si Anna Tiamzon, isa rin siyang certified ‘Javivi’, ang tawag sa mga taong sumusuporta sa iniidolo namin. By the way, ang pangalan ng iniidolo namin ay Javion Axfor, isa siyang sikat na doctor slash modelo sa maraming bansa. Siya rin ang may-ari ng Axfor Medical Center, isa sa mga sikat at binabalik-balikang pribadong ospital sa bansa. Sa pagkakaalam ko ay mayroon din itong ibang branch sa iba’t ibang bansa dahil sa high-tech at updated na technology na mayroon ang ospital at saka dahil na rin sa mga empleyadong natatanggap sa ospital na iyon. Ang sabi ng mga sumubok pumasok dito ay hindi basta-basta nakakapasok ang mga lisensyadong doktor o nars doon sa ospital na iyon kaya naman kapag nakapasok ka ay may taglay ka talagang kakayahan na gumamot ng tao.“Oh my gosh! Ang gwapo-gwapo niya talaga!” Tumatalon na sigaw ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Javion Axfor, ang modelong hinahangaan ng marami.Kinikilig na hinampas ni Anna ang braso ko. “Gosh, Serene! Bakit kasi nag-iisa lang siya sa mundo?”Pumikit ako at mahigpit na niyakap ang unan na may iprinta ng mukha ni Javion. “How I wish na sana kilala na lang niya ako, kahit maging magkaibigan lang kami ay masaya na ako.”Tumawa si Anna kaya napatingin ako sa kaniya. “Serene, mangangarap ka na nga lang bakit hindi mo pa lubusin? Why imagine being his friend if you can imagine yourself marrying him? Libre naman mangarap eh.”“Iniiwasan ko lang naman na matawag na hibang, Anna. Kahibangan na nga ang pangarap kong maging kaibigan si Javion, edi sobrang kahibangan na kung pangarapin ko pa siyang maging asawa,” mahabang sambit ko.Napatango-tango si Anna. “May punto ka naman. Halika na nga, magsisimula na ‘yong seminar.”Lakad-takbo ang ginawa namin ni Anna dahil sampung minuto na lang ay magsisimula na ang seminar na kailangan naming puntahan. Pagkadating namin sa pagdadausan ng seminar, humanap agad kami ng mauupuan bago namin habulin ang hininga.“Napapasama talaga ‘yong pagbibigay ko sa’yo ng mga unan na ‘yan. Lagi tayo muntikan mahuli sa mga seminar na kailangan natin puntahan,” hinihingal na sambit ni Anna.Malambing na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. “Thank you so much, Bestie.”Natawa na lang si Anna dahil sa tinuran ko. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay nagsimula na ang seminar. Ang seminar na ito ay tungkol sa mga karanasan na maaari namin maranasan ngayong na sa huling taon na kami bilang isang nursing student kaya naman talagang ginawa namin ni Anna ang lahat para lang hindi mahuli at mapakinggan ng buo ang mga sasabihin ng guest speaker. Sigurado kasi akong matutulungan kami nitong seminar na’to sa huling taon namin sa kolehiyo.“Is this seat taken?”Napaangat ako ng tingin at napatigalgal. ‘Damn, ang gwapo—kay Javion lang titiklop.’ Umiling ako bilang sagot habang hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa lalaki. He was wearing a doctor’s lab coat at dumagdag pa sa kagwapuhan niya ang clean brushed up niyang buhok, maputi at flawless niyang kutis, pabango niyang panlalaki, at ang wayfarer eyeglasses niyang transparent ang frame.“May I?” The guy asked again.Tumango ako. “Yeah, sure.”Nginitian niya ako bago siya umupo. Itinuon ko na rin ang atensiyon sa guest speaker baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tanungin ang pangalan nung lalaking katabi ko. Dumukwang si Anna sa tainga ko at bumulong.“Bestie, baka naman.”Nagtatakang binalingan ko siya ng tingin. “Baka ano?”Makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa akin. “Ask his name. For me, Bestie.”Bumuntong hininga ako at akmang magsasalita para tanungin ang pangalan ng lalaki ng magsalita ito dahilan para mapahinto ako sa binabalak ko.“I see that your friend is interested to know my name,” panimula nito at saka tumingin sa’kin at inilahad ang kamay niya at ngumiti. “Hi, I’m Zephyr Kozlowski, a psychologist and a psychiatrist. You can address me as Doc Zephyr if you prefer formality and then Zephyr if informality.”Napakurap-kurap ako bago tinanggap ang kamay niyang nakalahad. “Serene Zabawa. I’m a nursing student. It’s nice to meet you po.”“Anna Tiamzon po, nursing student din po. I’m super glad to meet you po,” mabilis na pagpapakilala ni Anna at ito naman ang kinamayan ni Doc Zephyr.“It’s nice to meet you ladies. By the way, students ba kayo from Folklore University?” He asked.Tumango kami ni Anna bilang sagot.“I see, the owner of that university is a good friend of ours, kaya rito sa Axfor Medical Center ginawa ang unang seminar niyo,” he explained at saka hinawakan ang baba niya na para bang nag-iisip ito. “Let me guess, your next seminar will be held at Traverse Psychiatric Hospital, did I get that right?”Nagkatinginan kami ni Anna bago tumitig muli kay Doc Zephyr at sabay kaming tumango.“Yes, Doc. Paano niyo po nalaman?” Hindi makapaniwalang tanong ko.He softly chuckled. “It’s because I’m the owner of that hospital, but I work here too. Demanding kasi masyado ‘yong kaibigan ko at ginamitan ako ng ‘what are friends for’ kaya I ended up working here as well.”Magsasalita sana ako nang napatigalgal na naman ako dahil sa lalaking tumapik sa balikat ni Doc Zephyr. ‘These devilishly handsome type of men exist?!’. The guy this time is wearing a set of gray amerikana suit at hindi tulad ng buhok ni Doc Zephyr na naka brush up, ang sa kaniya ay bagsak lang at naka-comma style. May salamin din ito pero itim ang frame at aviator ang style ng eyeglasses niya.“May bago ka na namang kaibigan, Kozlowski,” aniya lalaki.Nag-angat ng tingin si Doc Zephyr at natatawang napailing. “Yeah, right.”“We have to go,” aya ng lalaki rito.Tumango si Doc Zephyr at tumayo at saka tumingin sa amin ni Anna. “Gusto ko pa sana makipagkuwentuhan sa inyo, but unfortunately, I have to go. See you two around.”“See you around, Doc Zephyr,” pagpapaalam namin ni Anna. Nginitian lang kami nito at tuluyan ng umalis kasama ang lalaking tumawag sa kaniya.“Ang gwapo nila, Serene,” kinikilig na bulong ni Anna.Natawa ako at pabirong umirap sa hangin. “Loyal pa rin ako kay Javion.”“Ikaw na talaga. Sobrang loyal mo kay Javion,” natatawang aniya Anna.Hindi na ulit ako umimik at itinuon na ang atensiyon sa guest speaker. Makalipas ng dalawang oras, nagpasalamat na ang guest speaker at natapos na rin ang seminar. Tumayo ako at nag-inat ng braso, sakto namang pagkababa ko ng mga braso ko ay siya rin pagiingay ng cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pantalon ko at saka agad na sinagot ang tawag.“Hello, Ojciec,” bati ko sa kabilang linya. ‘Ojciec’ is the Polish term for ‘father’.Ojciec’s deep and cold voice filled my ear. “Hello, Serene, where are you?”“Seminar, but we’re already done. May ipapagawa po ba kayo?” I asked in a sweet tone.He let out a deep sigh. “We have a meeting, remember?”Nakagat ko ang pangibabang labi at napapikit ng mariin nang maalala ko ang pinagusapan namin ni Ojciec kagabi. “I’m sorry, Ojciec. Didn’t I already disagree? Ayoko nga po magpakasal at saka twenty four pa lang ako.”“Serene Zabawa, we already talked about this. Your mother already agreed.”Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. “Ojciec, ayoko. End of discussion.”“Is that your final decision, Serene? You know the possible consequences that you might face when you force that decision of yours.”I can’t help it but to scoff. “What are you going to do, Ojciec? Freeze my credit cards? Steal back my condominium? Hide my Mercedes?”Ayon ‘yong mga bagay na kinakatakutan kong mawala pero kampante akong hindi naman iyon ipagkakait ni—“Yes, I’ll do those if those are the only ways to make you marry the man I want you to marry. The contract will be terminated when you find someone better than him or once we transferred the ownership to you, Serene. I promise you that, but if you still decided to disobey me, you left me no choice but to do the things that you didn’t expect me to do.”My father is indeed a scary man. Hindi ko inaasahan na kaya niya pa lang gawin ang mga bagay na ‘yon and this is the moment na kailangan ko ng sumuko at sumangayon na lang sa gusto niya.“Fine, where and when do I have to meet that man?” pagsuko ko.Natahimik ng ilang segundo ang kabilang linya bago ko narinig ulit ang boses ni Ojciec. “Tomorrow at lunch time and it will be here, in the mansion.”Bumuntong hininga ako. “I’ll take note of that, Ojciec.”Ibinaba na ni Father ang tawag kaya naman agad akong tinanong ni Anna kung ano iyon. Isang malalim na buntong hininga lang ibinigay ko sa kaniya at saka siya inayang umalis. Mabillis kami nakarating sa parking lot at akmang sasakay na ako nang magsalita si Anna.“Hoy, ano ba ‘yon? Mukha ka ng depressed, Serene,” pangungulit ni Anna.Nauna akong sumakay at nagsuot ng seatbelt. Ganoon din ang ginawa ni Anna at saka hinawakan ang kamay ko para pigilan akong buksan ang makina ng sasakyan kaya tinignan ko siya.“Sooner or later, ikakasal na ako, Anna.” Lumuwag ang pagkakahawak ni Anna sa kamay ko kaya naman malaya kong naisaksak ang susi at binuksan ang makina ng sasakyan.Kasalukuyang na sa kalsada na kami nang doon lang muli nagsalita si Anna. ‘Grabe, ang tagal naman niyang pinroseso ‘yon.’“Ikakasal ka na? Pumayag ka na kay Tito?” She asked.Tumango ako. “Yes, kaya ko naman makisama pero hindi ko kakayanin ang walang pera, ang condo ko, pati na rin itong baby ko.”She clicked her tongue. “Sana gwapo ang mapangasawa mo.”I chuckled. “Sana nga, Bestie. Magdilang anghel ka.”Chapter 2 Ito ang pinakaunang beses na gumising ako na may matinding kabang nararamdaman ang puso ko. Today is the day that I will meet the man that I decided to marry. Bumangon ako at sinapo ang dibdib ko sa parte kung saan malapit ang puso ko at marahang minasahe iyon. “Grabe, mas kabado pa ako ngayon kaisa nung practical exam namin nung second year,” pagkausap ko sa sarili ko. Inabot ko ang unan na may mukha ni Javion at tinitigan iyon. “Sorry, hindi ko matutupad ‘yong promise ko na ikaw lang ang lalaking papasukin ko sa buhay ko, but you still own my heart kaya don’t worry.” Niyakap ko iyon at natawa na lang bago ako bumangon para maligo at ayusin na ang sarili ko. Pagkatapos ko maligo, nagsuot lang ako ng simpleng kulay peach na sleeveless bodycon dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba at saka ko ipinatuyo ang buhok ko. Ikinulot ko ang bandang ibaba at iniwang nakalugay lang iyon tapos naglagay lang ako ng manipis na make-up. Kinuha ko ang cellphone, clutch bag, at susi ng
Chapter 3“How’s your tour around the house, Javion?” Ojciec asked.Javion smiled and it is forced alright. “It was great. May I ask… hindi naman kami rito titira pagkatapos naming ikasal, right?”Ngumiti si Ojciec. “It’s up to you. Once you and Serene change your ‘I dos’, she’s already yours, and as a man, I know you want to provide everything for your wife, even though it’s an arranged marriage.”Tumango si Javion. “Yes, of course. I’ll do everything to provide her wants and specially her needs.”“Great, thank you.” Tumingin si Ojciec sa magulang ni Javion. “The engagement party will be held on Sunday, right?”Tumango ang ama ni Javion. “Yes, Serjio. Shall we talk about the other information over dinner on Friday, yeah?”“Sure, no problem. We’ll see you on Friday then, same restaurant?” Ojciec uttered.“Oo, doon na lang. Magpapa-reserve na ako ng table.” Tumingin sa’kin ang ina ni Javion kaya naman nginitian ko ito. “Sama ka hija ah.”“Sure thing po, Ma’am.”“Call her ‘Mom’. M-O-M. M
"Thank you again for treating us to this wonderful dinner," nakangiting pagpapasalamat ng ina ni Javion.Lumapit ito sa'kin at niyakap ako dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Minsan nakakapagtaka kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga tao eh. "Javion is quite hard to handle, Serene. Sana pagtyagaan mo siya," she whispered as she took a step back and smiled at me.I don't know if that is helpful. Dumoble 'yong kabang nararamdaman ko. Kapag ba umatras ako sa kasal na 'to, ibang babae ang ikakasal kay Javion? Hindi ko naman yata kayang makita 'yon.Isang tango at isang pilit na ngiti ang isinukli ko. Nagpaalam na sila Father at Mama sa magulang ni Javion at umalis na ang mga ito at saka iniwan na ang anak nila rito dahil may dala naman daw itong sariling sasakyan at kailangan niya daw bumalik agad sa ospital. "Anak, ingat kayo sa pag-uwi. Si Javion na ang mag-uuwi sa 'yo sa condominium mo."Kunot-noong binalingan ko ng tingin si Mama dahil sa tinuran niya. "Ha? Bakit niya ako iu
Javion went out from the fitting room wearing a set of amerikana. My jaw instantly dropped nang humarap siya sa'kin. Sobrang gwapo niya talaga."Bagay sa'yo," I honestly commented."Everything suits me, Zabawa," mayabang na sambit ni Javion."Well, totoo naman. You won't be a model if hindi bagay lahat ng damit sa'yo.""Right. I'll take this one.""Hindi niyo na po ba ita-try 'yong iba?" the lady asked.Javion looked at her and smiled. "Nope. Okay na ito."The lady smiled back. "Noted that, sir."Buti pa 'yong sales lady nginingitian niya. Javion went back to the fitting room at pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ito. Inabot niya ang suit sa sales lady bago siya umupo sa sofa na kaharap ko. He picked up his phone and rested his back on the backrest as he crossed his legs."Choose what you want to wear," sambit niya ng hindi tumitingin sa'kin.Tumango ako at tumayo. Sinimulan ko ng magsukat ng mga gown. 'Nope', 'no', 'pangit', 'too plain', 'over decorated' at kung ano-ano pang hin
"Why are you alone? Tapos na sa bus stop ka pa," bungad na tanong ni Kazimir ng makasakay ako ng kotse niya.Sinuot ko ang seatbelt bago balingan ng tingin si Kazimir at mahina akong natawa dahil sa suot niya. Handa na itong matulog dahil na ka hoodie at jogging pants na ito. Mukhang naistorbo ko ang loko sa pagpapahinga niya. Pinaandar na nito ang sasakyan paalis."Kitams, tinatawanan mo pa ako. I was worried kaya hindi na ako nakapagpalit ng maayos na damit," pagpapaliwanag niya."Uy, natatawa ako kasi naistorbo kita sa pagpapahinga mo," natatawang sambit ko.Pabiro siyang umirap. "Talagang natatawa ka pa na inistorbo mo ako.""Sus, nagpa-istorbo ka naman. Tigiltigilan mo ako ah.""Well, if ikaw naman ang mangiistorbo, I'm more than willing to entertain you," natatawang sambit niya."Baliw ka," wika ko at saka ako humalukipkip. "Baka masanay na naman ako niyan.""Edi masanay ka, hindi naman na ako aalis. I'm going to settle here for good," nakangiting sambit niya."Weh? That's great
"Hello, Serene!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin at agad na ngumiti at saka naglakad palapit dito ng hindi pinapansin si Javion."Hello, Doc Zephyr," nakangiting bati ko at saka ako tumingin sa iba pang kaibigan ni Javion.My eyes widened when my eyes met Kuya Ethan's. Close na pinsan iyon ni Kazimir kaya naman kilala ko siya at naalala ko pa noon na siya lagi ang nagbabantay sa'min sa tuwing maglalaro kami ni Kazimir sa playground.The older smiled and went towards me. Hindi na ako nagulat ng gawaran niya ako ng halik sa noo. It's normal in Germany, 'yong paghalik sa pisngi ng kaibigang lalaki sa babae pero mas hindi awkward kapag sa noo kaya naman ayon na ang nagawian namin ni Kuya Ethan."Long time no see, little girl," bati ni Kuya Ethan ng humiwalay siya sa'kin. His accent didn't change at all, British pa rin.I laughed. "Well, I believe I am not a little girl anymore, Kuya.""Damn, bro."Sabay kaming nap
"Change your clothes," aniya Javion ng maibaba niya ako sa higaan.Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "Paano? Eh hindi nga ako makagalaw ng maayos."He gave me a deadpan look. "What are you trying to say? Should I help you change then?""Oo? Sino pa ba?" Sarkastikong sagot ko. "Or you can call Kazimir for me, siya lang naman ang kaibigan kong naiwan dito."His jaw tightened. "Don't mention that man's name when you're with me, it's pissing me off."I scoffed. "Kazimir... Javion... hindi hamak na mas maganda pakinggan ang pangalang Kazimir.""Shut it at saka bakit magpapatulong ka sa kaniya? He's not your fiance," he replied.Umirap ako. "Eh tinatanong mo ako kung sa'yo ba ako magpapatulong eh.""At least I asked."Lumapit siya sa maleta ko kung saan nakalagay ang mga damit ko. He pulled the set of pajamas from it bago lumapit sa'kin at nilapag ang damit sa bedside table. He stretched his hand
"Earth to Serene."Napatingin ako sa kamay ni Kazimir na kinakawayan ako at saka ako tumingin sa mukha niya. He looked irritated."You looked irritated. Ano nangyari?" I asked.Kazimir gave me a deadpan look. "You're wool-gathering, Honey.""Oh." Napapikit ako ng mariin at hinilot ko ang sintido ko. "May iniisip lang.""Excited ka na siguro sa honeymoon niyo ni Javion," aniya Anna.Iminulat ko ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatitig kay Anna. "Ano na naman naiisip mo?" tanong ko.She gave me this quirky smile. "Well, normal naman na iyon sa mga bagong kasal, 'di ba? Ang honeymoon?""It wasn't normal if they are just married because of business purposes," Kazimir answered.Nameywang si Anna at saka hinarap si Kazimir. "For your information, they kissed and humabol pa si Javion ng isa when he moved away," she noted. "Now, do tell me that it's impossible for them to have a honeymoon at saka duh, lalaki si Javion and Serene is a woman who can easily attract guys by walking in fr
JAVION"Javion fucking Axfor, bahala ka diyan, kanina pa kita ginigising," I heard Serene cussed at kasunod non ang pagsara ng pintuan.I immediately got up and went to the study table near me. Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan ang number ni Jethro. Kaagad naman itong sinagot ni mokong."Ano? Hindi ka pa ba pupunta rito? Itatapon ko lahat 'to," iritableng bungad niya.I heaved a heavy sigh. "Kung alam mo lang kung ilang beses bumalik dito si Serene para gisingin ako.""So, that's our problem now? Get your ass up here or we'll destroy what we prepared," Alexsei threatened from the other line.Kinuha ko ang velvet box sa drawer at saka tinitigan iyon. "Ano pa bang kulang diyan?""Gag—""Benjamin speaking, ako na ang kakausap sa'yo. Mukhang mumurahin ka na naman ni Jethro," wika ni Benjamin mula sa kabilang linya. "Everything are set, Javion. Kailangan lang namin ng mga mata mo para tignan mo kung okay na ba ang set up and then William and your clothes are waiting.""Alright,
"I have carefully reviewed the evidence presented in this case and have reached a verdict," the judge started.Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Napatingin ako sa aking relong pambisig. "After six hours, the judge has finally decided," usal ni Zephyr kaya napatingin ako sa kaniya.I gave me a feign smile. "Kinakabahan ako, buti pa ikaw kalmado."Zephyr chuckled softly and shook his head in amusement. "Fun fact about those two lawyers... Izaiah and Benjamin never fail to win a trial."Napakurap-kurap ako at saka dahan-dahang ibinaling ang tingin sa judge nang magsalita ito. "After reviewing all the evidence and considering the testimony of the witnesses, the court finds the defendant, Keizel Paterson, guilty of kidnapping, robbery, fraud, slander, and breach of contract. The defendant is hereby sentenced to life imprisonment without the possibility of parole. This concludes the trial. The court is adjourned." Kinuha niya ang kaniyang gavel at ipinokpok iyon ng isang beses sa sound bl
SERENENatapos ang meeting namin kasama si Salvatore. I was tensed and scared when I saw him pero ng tumagal-tagal ang pag-uusap namin ay unti-unti na rin akong nagiging kalmado at kumportable dahil na rin siguro kasama ko si Yohan at tinanong namin si Salvatore kung pwede namin i-record ang buong pinagusapan namin and he casually agreed.I really felt safe because Yohan graduated criminology and second course niya ang business management kaya naman ng mag-hire ako ng sekretarya at nakita niyang mas mataas pa ang sahod na inaalok ko kaisa sa pagiging pulis niya, he grabbed the opportunity and work for me.He was a licensed police officer kaya may kakayahan siyang magdala ng baril kahit saan basta dala nito lagi ang lisensya niya."Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Yohan nang pagbuksan niya ako ng pintuan.I smiled at him and nodded. "Yes, okay lang ako." Sumakay na ako at isinara ang pinto. Umikot si Yohan para sumakay sa driver seat at ipinaandar paalis ang kotse ko. Nagtama a
Ipinarada ni Javion ang sasakyan niya sa tapat nf bahay nila Serene bago ito bumaba at pinagbuksan ng pintuan ang dalaga. He immediately offered his hand. Marahang natawa at napa-iling si Serene dahil sa inakto ni Javion. Tinanggap niya ang kamay nito at saka lumabas ng kotse. Binawi niya kaagad ang kaniyang kamay nang makaramdam siya ng kuryente dahil doon. She placed her hands on her back and she smiled. "Thank you for sending me home in one piece," pagpapasalamat ni Serene.Javion chuckled. "It's always my pleasure to send you home... safe and sound.""Utot mo, lagi mo kaya ako iniiwan sa ere kapag magkasama tayo dati, lalo na kapag tinawagan ka ni Heaven," sarkastikong sambit ni Serene.Kumunot ang noo ni Javion dahil napa-isip siya sa tinuran ni Serene at nang mapagtanto niya iyon ay natawa siya. "You're jealous? Kaya pala ayaw mo kausapin si pretty Heaven dati."Serene squinted her eyes as she gazed at Javion. "Is she really that pretty in your eyes? Para tawagin mo siyang 'pr
"After how many years! We finally gathered again!" masayang sambit ni Izaiah at itinaas ang kaniyang baso na may lamang scotch. "Shall we toast?"Everyone lifted their glasses and clinked them together in a toast. Umupo na sila at nagkani-kaniyang lagay ulit ng alak sa baso."Bakit biglang nanlibre si Javion?" Alexsei asked, rolling up his sleeves. "Did the sun rise from the west?"Javion frowned. "If I don't treat, you'll call me stingy, but if I do, you'll say it's impossible. What if we just chip in together instead?"Neiro chuckled and said, "I forced him. Mas mura nga namang magbayad ng bill sa bar, instead of paying my service fees, 'di ba?"Javion affirmed with a nod, remarking, "It's a good thing that you're aware na mahal ang service fee mo. Wala kaya siya sa presyo."Alexsei laughed. "Makareklamo ka naman akala mo hindi mo afford 'yong serbisyo niya. Barya mo lang naman 'yon."Ethan made an approving sound with his tongue. "Can't argue with that. I mean, he'd rather invest mo
THIRD PERSON"Mr. Salvatore, right?" Javion asked as he offered his hand for a handshake.Salvatore stands up and accepts his hand. "Yes, you're doctor Javion?"The other smiled and nodded. "Thanks for accepting my invitation." Bumalik si Salvatore mula sa pagkakaupo and Javion did the same thing. Salvatore clasped his hands together. "Where's my daughter?" he asked directly. "She's only the reason why I agreed to meet you."The corner of Javion's lips raised as he stared at him. "She's currently with my secretary." Javion rested his back and crossed his arms. "As Keizel's ex-acquaintance, you should know better that in this world, there's always a trade-off. Am I right?"Salvator swallowed his own saliva. Alam niyang mahirap kalaban si Javion at kahit na kasama sa plano niya ang makipagtulungan dito, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng kaba. Javion softly chortled. "Do not tremble, Mr. Salvatore. Should you opt to align with me, rest assured, your not-so pristine reputation s
Lunch. This might be the lunch that I really anticipated so much after three years. I finally get a chance to eat with Zephyr and Javion after three consecutive years but what really melts my heart is that Heaven—'yong pinagseselosan ko lang noon—is finally one of my friends and syempre kasama ko rin ang anak ko. Sayang nga lang wala si Yohan at Kazimir, it would be one hundred times better if they were here."What are your favorite foods, baby?" Javion softly asked as he assisted Saira to eat her food. "Do you like vegetables?"Saira nodded her head cutely. "I love veggies! lalo na po 'yong tomato."Tumango-tango si Javion at saka sinubuan si Saira. "How about dishes? May paborito ka bang ulam?"She slowly tapped her chin as she swallowed her food. "I like fish, daddy. Lalo na po 'yong milkfish sinigang ni papa."Naningkit ang mga mata ni Javion at saka ito tumingin sa'kin. "Ipinaghihimay ba siya ni Kazimir? It was very rare for children to like bangus."Mahina akong natawa. "Oo, ipin
"Okay na kayo ni Zephyr?" Doc Heaven asked as she placed the tray down on the table and took her seat. "That man asked me multiple times to call you, baka kapag ako raw ang tumawag sa sa'yo ay sagutin mo.""Tumawag ka ba?" tanong ko at saka ko kinuha ang isang baso na may lamang mainit na kape at humigop doon. "Pagkagising ko kasi sa ospital na pinaglipatan ko, hindi ko na ulit nakita 'yong luma kong cellphone."Tumango-tango siya. "Oo, tinatawagan kita pero laging unattended and now I know why it is unattended." Inilabas niya ang cellphone niya at may mga pinindot siya doon. "Actually... kahit alam kong unattended ang phone mo, I still sent these photos to you. Look at it." Inilapag niya ang cellphone niya sa harapan ko.Kumunot ang noo ko ng hindi ko makita ng maayos ang larawan na nandoon kaya kinuha ko ang cellphone ni Doc Heaven at kaagad na nawala ang pagkakunot ng aking noo nang makita ko ng malinaw ang larawan na iyon."Swipe it, from right to left. I've been sending you messag
"Mommy, can I go with you to work?" tanong ni Saira ng hindi ito tumitingin sa'kin.Tinignan ko ang repleksyon niya sa aking full body mirror. Kasalukuyan kasing nakatayo ako sa harapan non at inaayos ang aking blusa.Tumango ako at ngumiti. "Sure, baby. My employees there are friendly and kind like the people from Switzerland."Nag-angat ng tingin si Saira mula sa paglalaro ng kaniyang ipad at saka ito ngumiti. "Really, mommy? I want to go there.""Alright, tapusin ko lang ito then let's change your clothes," I replied.Umupo ako sa dulo ng higaan para magsuot ng medyas. "Saira, do you remember what happened yesterday?""Ano po 'yon?" nagtatakang tanong niya kaya hinarap ko siya.I crossed my arms in front of my chest as I straightened my back. "You saw your daddy with another little girl right?"Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at saka siya dahan-dahang tumango. "Yes, mommy. Is she daddy's anak?"Marahan akong umiling at saka hinaplos ang matambok na pisngi ni Saira. "No, baby. Hin