Napilitan akong magpakasal kay Lailani matapos na puntahan ko ito mismo kung saan naka-admit. Ganun na lang ang iyak niya nang makita na ako. Kalunos-lunos ang kanyang hitsura. Wala na ni isang hibla ng buhok ang natira sa kanyang ulo. "Anong nangyari sa'yo? Bakit mo pinabayaan ang sarili mo? Ayaw mo na bang mabuhay?" Ganun na lang ang higpit ng yakap niya sa akin. Hindi ko siya pinigilan. Sa halip ay niyakap ko rin siya upang damayan. Napag-alaman ko na late na ng ma-trace ang cancer niya, huling stage na. "G-Gusto ko pang mabuhay pero anong gagawin ko? Mukhang hanggang dito lang ang tagal ko."Mahigpit ko pa siyang niyakap nang umatungal siya ng iyak. Hindi siya iba sa akin. Oo, maaaring na fall out of love ako sa kanya pero may mga pinagsamahan naman kami. Malalim din iyon. "Hindi na ba talaga kaya ng gamot?" "Hindi na. Tinapat na kami ng doctor.""Baka nagkamali lang naman sila? Baka may lunas pa. Bakit hindi mo subukang umalis ng bansa. Sa ibang bansa ka magpagamot, Lai.""A
HILARY EL FUENTE POVIlang beses kong hinila pababa ang suot na palda. Hindi na ako sanay magsuot ng uniform. January ng sumunod na taon ako nakabalik sa school na face to face. Hinintay muna nina Daddy at Azalea na maka-recover ang mental health at katawan ko. Panay ang iyak ko matapos na ma-discharge sa hospital dahil wala kaming baby na kasama umuwi ng bahay. Hindi ko man iyon pinapakita sa kanila, alam kong dama nila ang depression ko. "Kumain ka ng marami para mas mabilis kang maka-recover, Hilary." dulot palapit ng pagkain ni Azalea sa akin, "Sobrang payat mo na, hija..."Hindi niya ako magawang tingnan sa mata. Siguro ay nako-konsensiya siya kapag nakikita niya ako. Hindi naman niya kasalanan ang nangyari, dapat pang magpasalamat ako sa mga ginawa niya. Tinulungan niya akong resolbahin ang problema. "Thanks."Bagama't ngumingiti pero deep inside ay sobrang basag ako. Durog na durog. Gusto kong itanong kay Azalea kung kumusta na ang baby ko, kaso noong minsang subukan ko ay si
"Congratulation's, Girl!" malakas na bulalas ng mga kaibigan matapos kong bumaba ng stage. "Thank you!" mahigpit na yakap ko sa kanila bilang ganti sa pagdalo nila, "Buti at pumunta kayo?"Tinanggap ko ang regalo at bulaklak na ibinigay nila. Sinuklian nila ako ng mas mahigpit na yakap."Matitiis ka ba naming hindi puntahan?" nguso ni Shanael, bahagyang kinurot ako sa tagiliran. Pinatulis ko ang nguso ko sa kanilang dalawa. "Oo nga, tayo-tayo na nga lang tapos bibiguin ka pa ba namin?" natatawa ng tanong ni Josefa. "Oh walang iiyak. Sayang ang inyong make up!" singit ni Azalea na nagawa na sa aming lumapit. "Mag-pose kayo at kukunan ko kayo ng picture."Malakas na kaming nagkatawanan ng dahil doon. Sinunod namin gusto ni Azalea habang si Daddy ay panaka-naka ang sulyap sa aming ginagawa. "Tita Azalea, isa pa po!" wala ng hiya-hiyang hirit ni Josefa, nagpalit lang naman sila ng pwesto ni Shanael bukod doon ay wala namang nagbago. "O sige, 1, 2, 3!" "Thank you po, Tita Azalea..."
ZACCHAEUS PARKENSON POV"Papa, is it too much to ask to go near Mama?" Hinila-hila pa ng munting mga kamay ni Zaria ang palad ko upang kunin ang atensyon. Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang nakatayo kami sa may gate ng venue kung saan ginaganap ang graduation rights nina Hilary. Kanina pa kami roon. Matamang nakatanaw lang sa abot-tainga ang mga ngiting si Hilary habang nasa itaas ng stage para kunin ang diploma kasama niya si Tito. "Papa?" Namamawis na ang mga kamay ko, kanina ko pa sana iyon gustong gawin. Ang lumapit sa kanila at mahigpit na ikulong si Hilary sa aking mga bisig. "No, Zaria, that is not possible right now.""Why Papa?" tingala niya sa akin gamit ang mga mata niyang puno ng pagtataka, kahawig iyon ng mga mata ni Hilary. Maamo at inosente. "You promised me that we would surprise her now."Hindi ako sumagot. Sa mga sandaling iyon ay wala akong maisip na paliwanag. Oo, sinabi ko nga iyon para tumigil na siya sa kakatanong. "So, I am not allowed to give her
"Dude? Kailan ka pa dumating?"Hindi na makapaniwalang titig na titig sa akin si Vaughn na animo ay namalikmata lamang ito. Malapad akong ngumisi. Napakurap-kurap siya. "Walanghiya naman Dude, nawalan ka na ng contact sa akin magmula noong mangyari iyon kay Lailani. Kumusta ka na ba? Long time no see.""Ayos lang, Dude."Pagak akong natawa. Sinadya kong hindi siya kontakin dahil baka mamaya ay madulas ako. Ngayon ay sinadya ko rin siyang bisitahin dito sa unit niya upang e-surprise at hindi ako nabigo. "Dito ka pa rin pala. Hindi ka pa rin lumilipat?""Bakit naman ako lilipat eh sa akin na ang unit?"Sa mismong unit niya ako pumunta at iyon agad ang bungad niya sa akin sa may pintuan pa lang. "Oo nga pala, sa'yo nga pala ito Dude." "Pambihira. Makakalimutan ka na ba ha? Wala tuloy akong mukhang maiharap sa dati mong girlfriend kada aksidenteng magkikita kami. Ako na lang tuloy ang umiiwas para di matanong.""Nagtanong ba siya sa'yo ng about sa akin?" "Hindi naman—""Ayon naman pa
HILARY EL FUENTE POVHabang naglalakad ay ilang beses na umiikot ang mga mata ko sa kawalan nang saglit na sumagi sa isipan ang ginawa sa akin ng mga kaibigan last week. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon magawang kalimutan. Paasahin ba naman nila akong naroon ang Tukmol sa bar. Kumabog lang ang puso ko sa excitement para sa wala. Ang buong akala ko pa naman ay makikita ko na siya. Umasa lang ako pero wala naman pala. "Nasaan na siya?" medyo iritable na ang boses sa kanila, "Kanina pa tayo mababali ang leeg dito."Nagkatinginan sila. May kahulugan iyon. "Gumamit lang ng banyo—""One hour? Sigurado ba kayong narito iyon?" agad na putol ko sasabihin sana ni Josefa. Kanina pa ako nakaupo doon at naghihintay."Oo nga, narito nga siya." patunay pa ni Shanael. Ipinakita pa ni Vaughn sa akin ang picture nila na kinuha raw kuno niya sa mismong araw na iyon. Hindi naman sa nagdududa ako, but knowing the panahon ngayon na pwede na ang lahat ma-edit. "Tsk, huwag niyo na nga akong lokoh
"Happy birthday, Hilary!"Nanlaki ang mga mata ko pagbukas ng pintuan ng bahay at naroon si Daddy, si Azalea, at ang tatlo kong kaibigan. Abot-tainga ang ngiti nila habang tila bata ang kanilang sinu-surpresa. "Birthday ko ba?" magiliw na tanong ko sa kanila. "Gagi, maghahanda ba naman kami kung hindi?" pikon na tanong ni Shanael na may cone sa ulo. Excited na sumingit si Glyzel. "Make a wish and blow your—"Hinipan ko na iyon at tuluyang pinapasok na ang sarili sa loob ng bahay. Napanganga na lang sila sa ginawa ko. Ang tanda ko na, mag-wi-wish pa? Ni hindi nga ako kayang pagbigyan man lang ng langit noong mga kinikilalang magulang ng anak ko sa simpleng picture na kahilingan ko. Ano pa ang hihilingin ko? Iyon lang naman ang gusto ko. Kahit ipilit, ayaw talaga nilang pagbigyan pa ako. Sa totoo lang, sobrang nakakatampo. Alam ko, hindi ko dapat ito maramdaman pero kasi, ang simple lang noon at isa pa birthday ko rin naman. "Hoy, hindi ka nag-wish!" parang batang habol sa akin ng
"Nasaan na kayo? Kanina pa ako narito. Maiiwan na lang tayo ng plane!" pasigaw na ang boses ko. Ayoko pa naman sa lahat ay iyong paimportante at pinaghihintay ako ng matagal. Ilang oras na akong naghihintay sa kanila. Nauna na rin ako sa kanila sa airport, kanina pa dapat sila naririto eh. "Ikaw lang naman ang maiiwan kapag hindi ka pa sumakay. Enjoy your vacation, Hilary. Fighting!""Ha? Hindi kayo sasama?" Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Planado na namin ang lahat, tapos sa huli ako lang ang aalis?"Akala ko ba ay sasamahan niyo ako—""Paano kami sasama kung wala naman kaming plane ticket? Sorry na, hindi kami nakapag-book." si Josefa na proud na proud pa sa katangahan.What the heck! Anong pinagsasabi ng mga ito? "What? Kayong tatlo? Niloloko niyo ba ako?"Nagtawanan silang tatlo na parang inisahan ako. Imposible kasing makalimutan nilang mag-book ng flight. Sila pa ba? Ilang araw pa bago iyon ay sa malamang hindi na makatulog ang mga iyan. "Hindi ba nga gusto mo namang ma
HILARY EL FUENTE POV Minabuting gugulin ko na lang sa pamamasyal sa mga lugar na na-miss kong puntahan sa bansa ang isang Linggong ibinigay na palugit sa akin ni Daddy. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangang sundin ko 'yun kahit labag pa sa kalooban ko. Naging routine na namin ni Zaria ang maagang pag-alis ng bahay at gabi na halos umuwi. Hinayaan lang naman kami ni Azalea na gawin ang bagay na iyon. Hindi ito nakialam at komontra. Palagi niya lang akong tinatanong kung may kailangan ba kaming mag-ina, o kung nag-enjoy daw ba kami sa gala. “Sobra, Mommy, na-miss ko talaga ang Pilipinas.” “Mabuti naman kung ganun, tama iyan anak, sulitin niyong mag-ina ang bakasyon nito dito.” Nakipagkita rin ako sa mga kaibigan ko, tanging si Glyzel ang hindi ko nakita dahil kasalukuyang wala ito sa bansa. Sa kabila ng mga busy schedules nina Shanael at Josefa ay nagawa ko silang bulabugin na hindi rin inaasahan ang biglang desisyon na pag-uwi ng bansa.“Nasaan ang pasalubong?” si Josefa na
ZACCHAEUS PARKENSON POVHindi ako mapalagay habang nasa trabaho. Patuloy na umuukilkil sa aking isipan ang ddahilan ng madalas na pinag-awayan namin ni Hilary. Hindi niya ako tinatabihan matulog at sa anak namin siya sumisiping magmula ng araw na iyon. Hinayaan ko lang siya. Binigyan ng space dahil baka iyon ang kailangan niya upang makapag-isip nang matino. Pasasaan ba at magiging kalmado rin siya at hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Mabilis lang naman mawala ang mood niya. Sa araw na ito, mamaya pag-uwi ko ng bahay ay plano ko na siyang kausapin dahil mas lumalawig pa ang galit niya na hindi ko na gusto ang ginagawang pagtatagal. Baka mamaya sa halip na mawala ang galit niya ay mas nadadagdagan pa iyon kung kaya naman ako na ang magpapakumbaba. Ako na ang mag-a-adjust. Lilinawin ko na wala na si Lailani, ang babaeng pinagseselosan niyan nang malala. Subalit, bago iyon ay kailangan kong pumunta ng school ng aming anak upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang ikinakagalit ng akin
Natuloy ang biyahe namin nang walang naging anumang aberya. Itinaon namin ni Zaria na nasa trabaho si Chaeus nang umalis kami nang sa ganun ay walang maging sagabal. Malamang pag-uwi ni Chaeus ng bahay at nalaman niyang wala na kaming mag-ina ay mararamdaman niyang seryoso ako sa aking plano at hindi lang iyon pagpababanta upang takutin siya. Dapat siyang maturuan ng aral. Kasalanan niya. Ano ang akala niya sa akin maduduwag? Hindi ko kayang gawin ang pagbabanta kong pag-uwi? Ibahin niya ako. Sabi nga ng iba, kapag nasusugatan ay lalong mas tumatapang.“Mama, hindi ba talaga natin tatawagan si Papa para sabihing aalis tayo? Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa atin mamaya after ng work niya dahil hindi niya alam kung saan tayo pumunta. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Zaria na wala akong planong sagutin kahit na isa, “Bakit po ba kayo nag-aaway na dalawa? Maghihiwalay na ba kayo? Paano naman po ako, Mama? Huwag kayong maghiwalay…”“Will you shut your mouth, Zaria?!”
Walang imik na humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Puno ng pagmamahal na pinunasan niya ng manggas ng suot na polo ang mga luha kong nakabalot sa mga matang sobrang hapdi na sa pamamaga. Habang biyahe kasi ay umiiyak na ako. Nag-freaked out na ako. Mabuti nga at hindi ako naaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko upang makarating agad dito. “Kailangan mong kumalma, Hilary. Paano natin mare-resolba ang problema natin kung ganito ka-tense ang katawan mo?” puno ng pag-aalalanv tanong niya sa akin, “Hindi na lang ako papasok sa trabaho ngayon. Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ka. Wala ka pa namang kasama kung aalis ako.”Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa pag-iyak. Hindi niya ako binitawan. Pinaramdam niya sa akin na kahit na posibleng na-resurrect ang ex-fiance niya, nungkang ito ang pipiliin niya. Tahasang pinapadama niya sa akin ngayon na ako na. Kami na ni Zaria ang b
Kagaya ng inaasahan ay sinulit ng mag-ama ang muling pagkikita. Bumawi si Chaeus sa amin pagsapit ng weekend. Sobrang sinulit din namin ang mga araw na iyon. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon dahil feeling ko ay sobrang halaga naming dalawa ni Zaria kay Chaeus. Saya na hindi ko alam na mayroon rin palang kapalit. Babawiin iyon at papalitan nang mas mabigat na problema na hindi ko alam paano lagpasan.“Chaeus, niloloko mo ba ako?!” pagwawala ko na agad pagpasok pa lang ng pintuan ng bahay naman, kagagaling ko lang ng school at inihatid ko si Zaria. May nadiskubre kasi ako na hindi ko na dapat pang nakita. “Ang sabi mo sa akin ay…” hindi ko magawang maituloy pa iyon.“Baby, ano na naman bang pinagsasabi mo at ikinakainit ng ulo mo?” tugon ni Chaeus sa pabirong tono na kakalabas pa lang ng kusina, inaayos niya ang suot na necktie sa leeg. “Ang aga-aga na naman niyang pagiging moody mo ha? Ano na naman bang problema natin, ha?” Kakatapos lang niyang ku
Hanggang makalulan kami sa sasakyan ay kinukulit pa rin ako ni Zaria kung ano ang dahilan at sinundo ko siya. Pilit niya akong pinapaamin kung bakit daw ba ako biglang nanundo sa kanya eh gayong wala naman iyon sa napag-usapan namin kanina. Kilala niya ako na hinahayaan ko lang siyang gumala at maging malaya hanggang anong oras niya gusto'hin. Wala rin naman akong limitadong oras na binibigay sa kanya lalo na kapag weekend kinabukasan noon at isa pa ay hindi rin ako mahigpit pagdating sa kanya. Hindi ko ginaya ang mga panenermon noon at paghawak sa leeg na naranasan ko kay Daddy. Ayokong maging iyon ay maranasan ng anak. Tama na ‘yong ako lang. "Mama? Hindi mo ako sasagutin? Bakit nga po? Sabihin mo na sa akin. Nararamdaman kong may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Remember, connected tayo? Di ba ang sinabi naman po nila sa'yo kanina ay ihahatid kami sa mga bahay namin after the party? Hindi ba po? Bakit sinundo mo ako? What is your reason, Mama?" tunog maldita nitong tanong, ‘di na gu
Nang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para
Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan
Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a