Kalix POV Malamig pa ang simoy ng hangin nang lumabas kami ng kubo. Nasa likuran ko sina Buknoy, Buchukoy at Tisay, lahat ay handa na para sa araw ng pangingisda namin, marami kasi sa mga kapitbahay namin ay naghihintay na sa mga ilalako at ipapaninda naming mga isda.“Nay, tay, mauna na ho kami,” paalam ko sa mga magulang ko.Tumango lang sila pareho habang abala sa ginagawa nilang mga bukayo na tinitinda naman ni nanay sa kapitbahay.“Sanay ay maraming huli ngayon,” sabi ni Buchukoy.“Marami ‘yan, kailan ba tayo nakahuli ng kakaunti lang,” sagot naman ni Buknoy.Bitbit namin ang lambat, pang-akit ng isda at ilang baong pagkain para sa maghapon sa laot. Ang Isla Lalia ay isang simpleng lugar kung saan ang dagat ang bumubuhay sa amin. At ngayong umaga, panahon na naman para punuin ang timba ng mga huli naming isda.Habang naglalakad kami patungo sa bangka namin, napatigil kami nang makita namin sina Pitchi, Nunoy at Budidang na nagmamadali sa daan. Pare-pareho silang may bitbit na ma
Xamira POVPagmulat ng mga mata ko, agad akong napabangon. Parang may mali kasi. Pakiramdam ko ay may kulang. Tumingin ako sa paligid. Napakunot-noo ako nang mapansin kong wala ang maleta ko.Oh, shit, hindi ito puwede!Napasinghap ako, habang unti-unti na akong kinakabahan. Naisip ko, nandoon lahat ng damit ko, ang ilan sa mahahalagang gamit ko.Agad akong bumangon at nilibot ko ulit ng tingin ang buong paligid. Ang tanging natira sa akin ay ang suot kong kwintas, relo, hikaw, singsing at ang cellphone na nasa bulsa ko. Ang iba? Wala na talaga, tangina.Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ko. Sakto namang abala na ang lahat sa pagbaba. Nasa Isla Lalia na pala kasi kami. Nakita ko ang ilan sa mga pasahero na nagmamadaling bumababa, ang iba ay may bitbit pang bagahe. Habang ako naman ay nakatayo lang sa may gilid, namumutla na talaga sa kaba. Paano kung hindi ko na talaga mahanap ang maleta ko?Nilapitan ko ang ilang nakasalubong ko at nagtanong. “Excuse me po, may nakita po ba kayong m
Xamira POVWala na akong ibang mapupuntahan. Kaya sumama ako sa kanila, umaasa akong kahit papaano ay may patutunguhan ang araw ko. Habang naglalakad kami, nagpakilala sila isa-isa sa akin. Ang morenong lalaki ay si Kalix, ang lider ng grupo ng mga mangingisda. Si Buchukoy naman ang madaldal at makulit. Si Buknoy, na may matangos na ilong, ang joker sa grupo. At ang nag-iisang babae sa kanila, si Tisay, na tinawanan lang ako nang tanungin ko kung siya ba ang girlfriend ni Kalix. “Tibo ako, bhe. Hindi ko bet si Kalix, yuck!” aniya na ikinatawa ng lahat.Napag-alaman ko na hindi raw ito ang unang beses na nangyari na may ninakawan ang Pitchi, Nunoy at Budidang na iyon. Karamihan daw sa kinukuhan nilang maleta ay ‘yung alam nilang mayaman talaga.Ang sabi pa nila, tanging ang tatlo lang na iyon ang nakakarating sa mga city kasi kayang-kaya nilang bumili ng ticket. Naalala ko, halos fifty thousand ang ticket papunta rito kaya para sa kanila ay mahal na talaga iyon, pero sa akin, wala lang
Kalix POVTumawag nang maglilinis ng kubo si Aling Purita para makatulog na agad si Miss Xamira doon. Mabilis lang ang nangyari kasi halos limang lalaki ang nagtulong-tulong na malinis ang kubo sa ganoong kadali lang.Habang naglilinis sila, kausap naman nila nanay at tatay si Xamira. Sinabi ni nanay na gusto niyang samahan si Xamira na bumili ng mga gamit sa kubo niya sa maliit na palengke dito sa Isla Lalia. Pumayag naman si Xamira kaya lang wala raw siyang pera. Natuwa lang ako nang marinig na maghahanap muna siya ng trabaho para makabili ng mga gamit niya.Hindi alam ni Miss Xamira na kapag dito sa Isla Lalia ay may alahas, mayaman ka na agad.Pagkatapos malinis ng bahay-kubo, sinamahan ko si Miss Xamira na pumasok sa loob. Gaya nang nasa isip ko, halos malinis at maluwag, walang gamit. Pero may lamesa sa sala, may mahabang upuan sa dining area at sa kuwarto ay may papag.“Para makatulog ka, ikukuha kita ng sapin sa amin, marami naman extra sina nanay at tatay,” alok ko sa kaniya.
Xamira POVNagising ako na medyo magaan na ang pakiramdam. Hindi ko akalaing makakatulog ako nang mahimbing sa maliit na kubo sa tabi ng bahay nila Kalix. Malamig ang hangin kahit sarado ang bintana at presko ang pakiramdam ko kahit na matigas pa rin ang higaan ko, pero sobrang appreciate naman ang pagbigay ng sapin at unan nila Kalix sa akin.Ngayon, para akong niyayakap ng isla Lalia, binibigyan ako ng pagkakataong magsimula ulit. Bad trip nga lang ‘yung trip nung mga magnanakaw sa barko.Paglabas ko, naamoy ko agad ang halimuyak ng mga bagong biyak na buko. Sa tapat ng kubo nila Kalix, nakita ko si Mang Felix na abala sa pagbubukas ng mga buko gamit ang isang matalim na itak. Bawat bagsak ng itak sa matigas na bao, bumubukas ang laman ng buko, tumatagas ang sabaw nito pababa sa isang malaking balde.“Magandang umaga po, Mang Felix.” Bati ko sa kaniya sabay ngiti.Napatingin siya sa akin at ngumiti. “Magandang umaga rin, hija. Ang aga mong nagising.”Sakto namang lumabas si Aling Ka
Xamira POVNagising ako na medyo magaan na ang pakiramdam. Hindi ko akalaing makakatulog ako nang mahimbing sa maliit na kubo sa tabi ng bahay nila Kalix. Malamig ang hangin kahit sarado ang bintana at presko ang pakiramdam ko kahit na matigas pa rin ang higaan ko, pero sobrang appreciate naman ang pagbigay ng sapin at unan nila Kalix sa akin.Ngayon, para akong niyayakap ng isla Lalia, binibigyan ako ng pagkakataong magsimula ulit. Bad trip nga lang ‘yung trip nung mga magnanakaw sa barko.Paglabas ko, naamoy ko agad ang halimuyak ng mga bagong biyak na buko. Sa tapat ng kubo nila Kalix, nakita ko si Mang Felix na abala sa pagbubukas ng mga buko gamit ang isang matalim na itak. Bawat bagsak ng itak sa matigas na bao, bumubukas ang laman ng buko, tumatagas ang sabaw nito pababa sa isang malaking balde.“Magandang umaga po, Mang Felix.” Bati ko sa kaniya sabay ngiti.Napatingin siya sa akin at ngumiti. “Magandang umaga rin, hija. Ang aga mong nagising.”Sakto namang lumabas si Aling Ka
Kalix POVNang magising ako, tumagilid ako at sinilip ang bintana, putarages, tanghali na pala! Napamura ako sa sarili ko. Sayang ang isang araw na kita sa pangingisda, lagot na naman ako sa tatlo.Nagmamadali akong bumangon at lumabas ng kubo. Agad naman akong sinalubong ng tatlong mukhang hindi ko gustong makita sa ganitong oras—sina Buchukoy, Buknoy at Tisay. Nakapamewang si Tisay, si Buchukoy naman ay nakataas ang kilay at si Buknoy ay umiiling habang nakahalukipkip.“Hoy, Boss Kalix! Anong oras na?!” sigaw ni Buchukoy.“Sayang kita natin!” sabat ni Buknoy. “Tamad ka na naman! At ‘di mo man lang kami in-inform na hindi tayo pupunta sa laot?” iritadong dagdag ni Tisay.Napakamot ako sa batok at napabuntong-hininga. “May rason naman ako.”Mainam na alam nila para ma-gets naman nila kung bakit napuyat ako.“Anong rason? Sige nga,” sabay-sabay nilang tanong.“Muntikan nang manakawan si Xamira kagabi. Napansin ko ‘yung mga tingin ng tao sa alahas niya kahapon habang nagtitinda tayo ng
Xamira POVSa unang tingin, para lang itong ordinaryong tindahan na may lumang karatula na bahagya nang nabubura ang sulat. Pero sa loob, puno ito ng mga makikislap na bagay, mga gintong pulseras, kuwintas na may maliliit na bato at mga hikaw na may disenyo ng perlas. Isang maliit pero cute na sanlaan at bentahan ng mga alahas sa gitna ng palengke ng Isla Lalia ang pinuntahan namin ngayon ni Kalix.Sinamahan ako ni Kalix dito sa palengke para na nga magawa na ang plano naming gawing safe na ang bahay-kubo ko. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng tindahan. Hindi ko alam kung paano magsisimula, pero ang matandang lalaking may makapal na salamin sa mata ang siyang nag-abot sa akin ng maliit na tray kung saan ko dapat ipatong ang pares ng hikaw ko.Bago ko pa mailapag ang mga iyon, nakita kong kumislap ang mata ng matanda. Alam niyang hindi ordinaryong alahas ang dala ko. Galing kasi sa Lux City ang hikaw ko. Regalo ito sa akin ni papa noong birthday ko. Alam kong
Kalix POVMainit ang sikat ng araw nang araw na 'yon, pero hindi 'yon naging hadlang sa amin nila Buknoy, Buchukoy at Tisay para magpatuloy sa paghahanap sa tatlong mangnanakaw na sina Pitchi, Nunoy at Budidang. Wala muna sa plano namin ang maghanap ngayong araw, dapat ay mangingisda lang sana kami. Pero dahil nga nakita namin si Nunoy, mas lalong tumindi ang determinasyon naming mahuli sila.Habang naglalakad kami sa gilid ng palengke, abala sa pagsipat ng mga pamilyar na mukha, biglang tumigil si Tisay at tinuro ang isang babae na nakatayo sa tapat ng karinderya ni Aling Puring. Kumakain ito ng banana cue, walang kaalam-alam na siya ang susunod naming target.“Si Pitchi 'yan!" bulong ni Tisay habang nanginginig pa ang boses niya. Parang ang suwerte naming ngayon kasi isa-isa na namin silang nakikita. "Sigurado ako. Siya na nga ‘yan.”"Teka lang... sigurado ka ba?" tanong ni Buknoy."Oo, sure na sure akong siya ‘yan.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Sinenyasan ko si Tisay na dumaa
Kalix POVTapos na akong mag-almusal, nakagayak na rin para mangisda. Gusto ko sanang puntahan si Xamira sa bahay kubo niya pero hindi ko na ginawa kasi alam kong tulog pa siya. Pagod siguro sa kaka-practice rumampa.“Kalix, tara na! Mas maganda kung makaalis tayo bago pa uminit," sigaw ni Buchukoy habang pinupunasan ang pawis sa noo niya kahit hindi pa nagsisimula ang trabaho."Oo nga, baka marami tayong makuha ngayon," dagdag naman ni Tisay na may bitbit pang bayong.Nagmadali na kami kasi kailangan pala naming umuwi ng maaga dahil gusto ni Xamira, mag-merinda kami mamayang hapon sa bagong bukas na sisigan sa palengke. Tutuparin ko ang gusto niya kaya kailangan talagang magmadali.Pagdating sa dagat, paakyat na kami sa bangka nang—“OY! HINDI BA 'YAN SI NUNOY?!" sigaw ni Buknoy sabay turo sa bandang kanan.Lumingon ako agad. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Nunoy nga ‘yun. Yung payat na may makapal na kulot at laging may dalang lumang backpack. Nang magkatinginan kami, kita ko ang g
Kalix POVPag-uwi ko sa bahay kubo namin nung gabing ‘yon, ramdam ko pa rin ang init ng palad ni Xamira sa balikat ko. Nasasanay na akong mina-massage niya ako tuwing hapon. Ang sarap tuloy sa pakiramdam. Pero kahit gaano ka kasaya dahil sa dulot ni Xamira sa akin, mayroon pa rin talagang pagkakataon na sisira ng mood mo.“Kalix,” tawag ni nanay sa akin mula sa kusina habang seryoso ang mukha niya.“O, Nay?” sagot ko habang tinatanggal ang tsinelas.Naupo siya sa kahoy na bangko at pinatabi ako sa kaniya. Mahina ang ilaw mula sa bumbilya na nakasabit sa kisame, pero kita ko ang lungkot sa mukha niya. Iba ‘to sa mga normal naming pag-uusap."May kinausap ako kanina," panimula niya.Napakunot-noo ako. "Sino po?""Ang mga magulang ni Catalina."Natahimik ako. Si Catalina na naman. Dati pa lang, ayaw ko na talaga sa ideya ng mga magulang ni Catalina na kami ni Catalina ang bagay. Hindi ko siya gusto. Hindi ko siya mahal. Ang puso ko, si Xamira na lang talaga ang laman ngayon.“Sinabi nila
Xamira POVPagdilat ng mga mata ko, ramdam ko agad ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa bintana ng bahay kubo ko. Kumurap-kurap pa ako habang inaayos ang pagkakahiga ko sa banig nang mapansin kong may anino sa gilid ko.“Uy, gising na pala ang prinsesa ng buhay ko,” mahinang bulong ni Kalix na may kasamang ngiti.Napabalikwas ako ng upo, at sa paglingon ko sa kaniya, bumungad agad sa akin ang mukha niyang bagong ligo. Amoy ko pa ang sabon niya. Basa pa ang buhok niya at naka-sando lang siya habang nakaupo sa gilid ng banig ko. Ang sarap naman ng ganito. Pagkagising ko, may poging bubungad sa mga mata ko. Ang pogi din talaga ni Kalix kapag wet look.“Anong oras ka dumating?” tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko. Nakatulog kasi ako sa pagod. Kanina, nag-practice ako kung paano rumampa. Paulit-ulit ko ‘yung ginawa hanggang sa mapagod at makatulog ako.“Mga alas tres. Kakauwi lang namin galing laot. Nahuli kami ng kaunti pero sapat malaki pa rin ang kinita.” Ngumiti siya habang
Xamira POVNgayong araw, hindi na naman ako nakasama sa pangingisda nila Kalix. Nakahanda pa naman na ako.Pagkalabas ko ng bahay kubo kaninang umaga, may tauhan ni kapitan na pumunta. May mangyayari raw kasing meeting para sa lahat ng candidate na kasali para sa beauty contest na mangyayari ngayong nalalapit na fiesta.“Good morning, Miss Xamira, kailangan mong dumalo sa practice ngayong araw para sa nalalapit na patimpalak,” sabi ng babaeng iyon.Napailing tuloy sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at Kalix kasi alam na nilang hindi ako makakasama ngayon sa pangingisda.Kaya nung marinig nila iyon, umalis na sila kasi mahuhuli sila sa pangingisda, ayaw pa naman nila nang tinatanghali.Ayon pa sa babaeng tauhan ni Kapitan, hindi na Mutya ng Isla Lalia ang title ng contest—binago na raw ang titulo ngayong taon. Mas engrande na ang pinalit. Mas makapangyarihan pakinggan. Ang tawag na ngayon sa contest ay Reyna ng Isla Lalia.Sa pagbabago ng title, naaamoy ko rin na tila mababago na ang magigin
Xamira POVTahimik na ang paligid ng isla Lalia ngayong gabi. Kapag ganitong gabi na, dinig na dinig na ang malalaking alon sa dalampasigan. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Kanina pa ako nakaupo sa harap ng bahay kubo ko, hawak-hawak ang basong may laman na tubig. Kainis, kung sinama kasi nila ako sa paghahanap, hindi ako mabo-boring ng ganitong katagal. Gusto ko pa namang ikutin din ang buong isla kasi hindi ko pa nagagawa iyon.Pero naisip ko rin na kung sasama ako, tiyak na mabubugbog ang paa ko. Baka bumalik ang sakit ng binti at hita ko.Masyado ng madilim sa daan kaya alam kong anumang oras ay darating na si Kalix. Ilang oras na rin kasi silang naglilibot sa buong isla para hanapin ang mga hayop na nagnakaw ng maleta ko—sina Pitchi, Nunoy at Budidang. Inaasahan kong may dalang magandang balita si Kalix kapag nakauwi na siya.Sana ay dumating na rin siya, hindi kasi masarap kapag lumamig na ang pagkaing niluto ko sa kaniya.Kaya ngayong gabi, naghanda ako ng paborito niyang d
Kalix POVUmaga palang naglakad na kami. Hindi muna nangisda para sa paghahanap sa tatlong magnanakaw. Excited ang lahat na mahuli sina Pitchi, Nunoy at Budidang.May baon kaming tubig at tinapay para hindi magutom. Gusto nga sanang sumama ni Xamira, kaya lang ay hindi ako pumayag kasi baka mapalaban kami sa tatlo, ayaw naman naming madamay siya, baka masaktan na naman ang mga pa niya.Umabot ang buong umaga, tanghali at hapon, halos lahat ng tao sa isla at nakita na namin, pero ang anino ng tatlong magnanakaw, hindi manlang naming makita.Ang mga binti ko, para bang pinaglakad ng tatlong araw nang walang pahinga, pero kahit ganoon, hindi ako dapat sumuko. Sina Tisay, Buknoy, Buchukoy, ganoon din. Kanina nga, kahit pagod na, seryoso pa rin sila sa paghahanap. Gustong-gusto na nilang makarating sa city. Kung ako man, gusto ko ring makita ang mga hindi ko pa nakikita. Halos lumaki na ako sa islang ito, puro tubig na lang ang nakikita ko. Puro dagat, puro mga taga rito na. Gustong-gusto
Xamira POVGabi na, pero hindi pa rin ako kumakain ng hapunan. Nakaupo ako sa bangko sa labas ng aking bahay-kubo, pinagmamasdan ang malamlam na ilaw ng buwan habang hinihintay ko silang dumating. Kanina pa ako nagluto ng adobong pusit, sinigang na hipon, at inihaw na isda na pinaggastusan ko talaga. Gusto ko silang pakainin nang masarap ngayong gabi. Gusto kong maging espesyal ang gabing ito dahil may special announcement din ako sa kanila.Isa-isa silang dumating. Una si Tisay na may dalang saging, sumunod si Buchukoy na may hawak na malamig na bote ng softdrinks, tapos si Buknoy na may dalang ginataang bilo-bilo na mukhang siya pa ang nagluto. Huli na dumating si Kalix kasi siya pa pala ang nagligpit at naglinis ng mga gamit pangisda namin.Tumango siya at ngumiti—yung tipong kahit tingin lang, alam naming kinikilig kami sa isa’t isa.“Wow, parang may birthday talaga, ah,” bungad ni Tisay habang sumisilip sa lamesa. “Ano ba kasing meron, Xamira?”“Mamaya, gusto kong marinig ninyong
Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks