Guys, sorry, kahapon ay na-doble ang chapter 6, nawalan kasi ng internet habang nagpo-post ako ng update, ngayon, nung nagkaroon ng internet, na-post na bigla pero naging dalawa 'yung S2 - chapter 6. Pero pinapabura ko naman na sa SE ko, busy pa ata kaya hindi agad nabura kahapon (April 02, 2025) Baka bukas o sa susunod na araw ay mabura na, sorry po sa mga nag-unlock, love you all.
Xamira POVSa unang tingin, para lang itong ordinaryong tindahan na may lumang karatula na bahagya nang nabubura ang sulat. Pero sa loob, puno ito ng mga makikislap na bagay, mga gintong pulseras, kuwintas na may maliliit na bato at mga hikaw na may disenyo ng perlas. Isang maliit pero cute na sanlaan at bentahan ng mga alahas sa gitna ng palengke ng Isla Lalia ang pinuntahan namin ngayon ni Kalix.Sinamahan ako ni Kalix dito sa palengke para na nga magawa na ang plano naming gawing safe na ang bahay-kubo ko. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng tindahan. Hindi ko alam kung paano magsisimula, pero ang matandang lalaking may makapal na salamin sa mata ang siyang nag-abot sa akin ng maliit na tray kung saan ko dapat ipatong ang pares ng hikaw ko.Bago ko pa mailapag ang mga iyon, nakita kong kumislap ang mata ng matanda. Alam niyang hindi ordinaryong alahas ang dala ko. Galing kasi sa Lux City ang hikaw ko. Regalo ito sa akin ni papa noong birthday ko. Alam kong
Xamira POVPagkaupong pagkaupo ko sa sahig ng bahay-kubo ko, sinilip ko si Kalix na abala sa ginagawa niyang bago kong pinto. Nakataas ang manggas ng kaniyang lumang damit, kita ang namumutok niyang mga braso habang hinahawakan ang martilyo. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sa totoo lang, ang galing niyang gumamit ng mga gamit sa pagkakarpintero. Parang sanay na sanay siya. Lalong lumalabas ang pagiging hunk niya.Ibig sabihin pala, isa talaga si Kalix sa nangungunang pogi at hunk dito, ayos sa narinig ko kanina kay Catalina na halatang ayaw sa akin. Maganda sana siya, oo, pero sana pati ugali.“Baka gusto mong ikaw na lang ang gumawa ng bahay ko sa Lux City,” pabirong sabi ko habang nakasandal sa dingding. Pero joke lang iyon kasi hindi na ako babalik doon. Way ko lang iyon para magkaroon naman kami ng pag-uusapan.Napatingin siya sa akin habang bahagyang nakangiti. “Kung may pamasahe ako papunta roon, bakit hindi?” sagot niya bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.“Hindi na ako ba
Xamira POVNgayong buong maghapon, lahat ng kailangan ko pinagbibili ko na sa palengke, lahat ng panluto, kagamitan at pagkain ay mayroon na ako. Pati nga malambot na sapin ay mayroon na ako.Ngayong gabi, ako na mismo ang magluluto ng hapunan ko. Ito na talaga isang bagong simula para sa akin dito sa Isla Lalia. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pala magluto.Sa likod ng kubo ko, nandoon ang maliit na lutuan na gawa sa bato at kawayan. Gatungan ito, ayon kay Nanay Karen, pero sa akin, isa lang itong malaking palaisipan. Nilinis ko muna ang paligid, tinanggal ang mga dahon at alikabok, saka maingat na nilagay ang kahoy sa gitna ng lutuan, gaya nang nakita ko sa bahay nina Kalix. Doon lang ako magaling, sa pag-aayos. Pero ang mag-apoy? Ang magluto? Iyon ang problema ngayong kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa kaldero at kawali. Nasa gilid ko ang bigas, itlog at kamatis—sapat na para sa isang simpleng hapunan ko. Pero paano ko sisimulan? Sa dami ng bagay na natutunan ko
Xamira POVPagdilat ng mga mata ko, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin nang buksan ko ang bintana ng aking bahay-kubo. Napangiti ako, kahit pa paano, ito na, nagsisimula na ang panibagong buhay ko dito sa Isla Lalia.Maaga akong nagpaapoy sa likod ng bahay para mag-init ng tubig. Pagkakulo ng tubig ay nagtimpla agad ako ng kape. Pagkatapos ay nagpirito lang ako ng itlog. Nakakatawa kasi hindi pa rin perfect ang pagluluto ko, lasog-lasog pero makakain naman.Pagkatapos kong mag-almusal, naligo na rin ako gamit ang tubig na pinakuha ko kay Kalix kahapon sa balon na malapit dito, ang suwerte lang talaga kasi sampung hakbang lang ay may balon na malapit lang dito, minsan, kapag kaya ko na, ako na siguro ang mag-iigib para masanay na rin ako.Pagbukas ko ng pinto, nakita ang grupo nina Kalix, Tisay, Buchukoy at si Buknoy—na abala sa paghahanda. May mga lambat, balde at isang cooler na dala-dala nila habang parang may pinaplano. Napakunot ang noo ko. “Mukhang mangingisda si
Xamira POVAkala ko tapos na ang eksena ni Catalina. Akala ko matatapos ang mainit na harapan namin ni Catalina sa bangka at dagat lang, tapos matatahimik na ang araw ko. Pero hindi pa pala.Hindi pa pala tapos ang pakulo ng reyna ng Isla Lalia. Kasi kahit sa pagbebenta ng mga huli naming isda, nakabuntot pa rin siya. Para akong may sariling anino—mas maganda nga lang ako, mas mabango at higit sa lahat, mas maraming huli.“Dito na po kayo, sariwa pa! Kakahuli lang namin sa dagat,” sigaw ko sa isang nanay na may dalang basket.Bigla namang may boses na sumingit. “Ang akin pong isda, mas malalaki! Dito na po kayo sa akin bumili mga suki!”Lumingon ako. Siyempre, sino pa ba ang epal na iyon kundi si Catalina, na may bitbit na maliit na balde ng isda niyang nahuli rin kanina. Nakangiti ito nang pilit, pero halatang desperada talagang talunin ako.Tignan na lang natin, sa laki at gaganda ng isda ko, good luck kung sino ang mabilis na makakaubos ng tindang isda.Lahat ng bahay na pinuntahan
Xamira POVSa wakas, mukhang okay na ako ngayon. Pagkagising ko ngayong umaga ay kalmado na ang tiyan ko. Pero, tila masyado akong tinanghali ng gising.Dali-dali kong tinignan ang paligid at binuksan ang bintana. Wala na sina Kalix, buwisit. Wala na rin sina Tisay, Buchukoy at Buknoy. Sabagay, anong oras na rin. Baka inisip niya na hindi ako sasama kaya hindi ako gumising ng maaga.“Kasalanan ito ng ininom kong palamig sa palengke.” bulong ko sa sarili ko habang napapailing ako. Sa totoo lang, ang sarap sana ng palamig na iyon. Yung kulay ube na may gulaman pa at sago, pero hindi ko alam kung may sira na ba ‘yon o di lang talaga sanay ang tiyan ko sa ganoon.Kahit anong rason pa, ang totoo, sumakit ang tiyan ko buong gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa banyo. Halos madaling-araw na nga ako nakatulog kaya heto ako ngayon, nganga, hindi nakasama sa pangingisda.Kung tutulong naman ako sa paggawa ng bukayo sa mga magulang ni Kalix, wala na rin, hindi na ri
Kalix POVMainit na naman ang araw sa palengke. Pawis na pawis na ako habang inaayos ang mga isdang huli namin kaninang madaling-araw. Katatapos lang namin mangisda nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Maaga kaming umalis dahil malakas ang huli ngayon. Sakto rin kasi, marami ang tao ngayon sa palengke kaya maraming bumibili.Habang abala ako sa pagtimbang ng bangus para sa isang suki, narinig ko ang pabulong na usapan ng dalawang babae sa tapat ng puwesto namin. Isa sa kanila, si Ira, kaibigan ni Catalina.“Grabe talaga si Catalina kanina,” ani Ira habang tumatawa. “Alam mo ba, binagsak niya ‘yung sampayan ng mga damit ni Xamira. Yung bagong laba pa.”Napalingon tuloy ako sa kanila. Saglit ko tuloy nakalimutan ang isdang tinatakal ko.“Ha? Bakit naman niya ginawa ‘yon?” tanong ng kasama ni Ira.“Ewan. Ewan ko kung trip lang niya o naiirita siya kay Xamira. Basta ang saya niya pagkatapos niyang gawin iyon,” sagot ni Ira kaya napapailing na lang tuloy ako.Lumalabas talaga ang pagiging maldi
Xamira POVToday, hindi mangingisda sina Kalix dahil masama ang pakiramdam nito, nilagnat siya kagabi kaya cancel ang lakad nila. Sayang, maaga pa naman akong nagising.Pero ayos lang, naisip ko na lang magliwaliw sa palengke nang mag-isa. Alam ko naman na ang daan at sa tingin ko ay kaya ko nang mag-isa.Habang binabalot ng umaga ang palengke ng banayad na sikat ng araw at amoy ng sariwang isda, dumaan ako sa panaderia para bumili ng pandesal. Maaga pa, pero ramdam ko na ang gising na gising na sigla ng palengke. Grabe sa sipag ng mga tao rito. Maingay ang mga tao, may mga tawanan, may sigawan ng presyo at may usok mula sa mga naglulutong karinderya. Tapos biglang may tumapik sa balikat ko—si Tisay pala.“Uy, Xamira,” bati niya sa akin, bitbit ang plastik ng mainit-init pang pandesal at isang bote ng softdrinks. Umagang-umaga naka-softdrinks agad siya. Naiinitan ata. “Ang aga mo rin ah.”“Ikaw nga rin e,” sagot ko naman sabay ngiti sa kaniya. Nagulat ako kasi inaya niya akong sumagli
Kalix POVMay napagtanungan kami kung saan nakatira si Budidang. Nakakatuwa kasi kilala siya nito at alam kung saan nakatira.“May sakit siya ngayon kaya madadatnan niya ito sa bahay nila. Linalagnat kasi,” sagot nang napagtanungan namin.Kaya naman hindi na kami nag-aksaya ng oras. Agad-agad, pumunta na kami sa bahay kubo na tinuro niya. Ilang oras din kaming naglakad, hanggang sa sa wakas, bumungad sa amin ang lumang kubo sa gitna ng mga punong niyog. Tila walang tao sa unang tingin, tahimik at walang ingay. Pero may usok na lumalabas mula sa maliit na lutuan sa likod."Dito na 'to," bulong ni Buknoy batay sa sinabing lugar ng napagtanungan nila kanina.Dahan-dahan kaming lumapit, at pagkasilip ko sa bintana, naroon si Budidang, nakahiga sa banig, pinagpapawisan at nilalagnat. May lumang basang tuwalya sa noo niya. Ang balat niya ay maputla, at kita ang panghihina sa bawat paghinga niya."Budidang," tawag ko nang marahang pumasok. Napatigil siya sa paggalaw at dahan-dahang iminulat
Xamira POVTanghaling tapat nun at tahimik ang paligid ng kubo ko. Kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan. Iniisip ko pa rin ang mga isasagot ko sa Q&A sa nalalapit na beauty contest. Nang biglang may marahas na katok sa pintuan."Xamira!" sigaw ni Tisay.Lumapit ako at pagbukas ko ng pintuan, napatigil ako. Nasa harapan ko si Tisay, pawisan, may dala pang tubig na mineral, at may kasama siyang babae. Nakasando, nakashorts, pero ang pinakauna kong napansin ay ang makinang na kwintas na suot nito.Bigla akong natigilan. Parang bumagal ang oras. Ang kwintas na gold. May palawit na maliit na shell na may ukit na pangalan ko: Xamira.Hindi ako puwedeng magkamali. Isa iyon sa mga pinaka-favorite ko na alaala ko sa papa ko. Hindi ako puwedeng magkamali, akin ‘yan dahil ako lang ang nag-iisang mayroon nito."San mo nakuha 'yan?" tanong ko agad nang diretsahan.Nanlaki ang mata ng babae. Nagkatinginan sila ni Tisay."Ah, siya nga pala, si Pitchi," sabi ni Tisay. "Siya 'yung isa sa mga magn
Xamira POV“Xamira!” sigaw ng isang boses na pamilyar sa akin.Doon ako nagising ngayong umaga. Puyat na puyat pa naman ako kagabi dahil hindi sa pagpa-practice rumampa.Napaupo ako sa banig sa gulat. Si Aling Karen ‘yun, sure ako, ang nanay ni Kalix. Wala siyang paalam na pumasok sa loob, hindi na kasi ako naglo-lock kasi gusto ko minsan na pinapasok ako ni Kalix para gisingin. Nawala na rin kasi ang mga nagtatangkang pasukin ako, dahil na rin sa takot na baka saktan sila ni Kalix kapag ginawa nila ‘yun.Bumangon na ako para harapin si Aling Karen. Halatang-halata sa mukha niya ang pag-aalala, at tila ba may mabigat siyang gustong sabihin.“A-aling Karen, bakit po kayo nandito?” tanong ko, kahit alam kong hindi siya basta-basta sumusugod kung walang dahilan.Pero hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit siya sa akin nang mabilis at bago pa ako makakilos, lumuhod siya sa harapan ko. Sa mismong harapan ko, lumuhod si Aling Karen. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa ginawa ni
Kalix POVMainit ang sikat ng araw nang araw na 'yon, pero hindi 'yon naging hadlang sa amin nila Buknoy, Buchukoy at Tisay para magpatuloy sa paghahanap sa tatlong mangnanakaw na sina Pitchi, Nunoy at Budidang. Wala muna sa plano namin ang maghanap ngayong araw, dapat ay mangingisda lang sana kami. Pero dahil nga nakita namin si Nunoy, mas lalong tumindi ang determinasyon naming mahuli sila.Habang naglalakad kami sa gilid ng palengke, abala sa pagsipat ng mga pamilyar na mukha, biglang tumigil si Tisay at tinuro ang isang babae na nakatayo sa tapat ng karinderya ni Aling Puring. Kumakain ito ng banana cue, walang kaalam-alam na siya ang susunod naming target.“Si Pitchi 'yan!" bulong ni Tisay habang nanginginig pa ang boses niya. Parang ang suwerte naming ngayon kasi isa-isa na namin silang nakikita. "Sigurado ako. Siya na nga ‘yan.”"Teka lang... sigurado ka ba?" tanong ni Buknoy."Oo, sure na sure akong siya ‘yan.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Sinenyasan ko si Tisay na dumaa
Kalix POVTapos na akong mag-almusal, nakagayak na rin para mangisda. Gusto ko sanang puntahan si Xamira sa bahay kubo niya pero hindi ko na ginawa kasi alam kong tulog pa siya. Pagod siguro sa kaka-practice rumampa.“Kalix, tara na! Mas maganda kung makaalis tayo bago pa uminit," sigaw ni Buchukoy habang pinupunasan ang pawis sa noo niya kahit hindi pa nagsisimula ang trabaho."Oo nga, baka marami tayong makuha ngayon," dagdag naman ni Tisay na may bitbit pang bayong.Nagmadali na kami kasi kailangan pala naming umuwi ng maaga dahil gusto ni Xamira, mag-merinda kami mamayang hapon sa bagong bukas na sisigan sa palengke. Tutuparin ko ang gusto niya kaya kailangan talagang magmadali.Pagdating sa dagat, paakyat na kami sa bangka nang—“OY! HINDI BA 'YAN SI NUNOY?!" sigaw ni Buknoy sabay turo sa bandang kanan.Lumingon ako agad. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Nunoy nga ‘yun. Yung payat na may makapal na kulot at laging may dalang lumang backpack. Nang magkatinginan kami, kita ko ang g
Kalix POVPag-uwi ko sa bahay kubo namin nung gabing ‘yon, ramdam ko pa rin ang init ng palad ni Xamira sa balikat ko. Nasasanay na akong mina-massage niya ako tuwing hapon. Ang sarap tuloy sa pakiramdam. Pero kahit gaano ka kasaya dahil sa dulot ni Xamira sa akin, mayroon pa rin talagang pagkakataon na sisira ng mood mo.“Kalix,” tawag ni nanay sa akin mula sa kusina habang seryoso ang mukha niya.“O, Nay?” sagot ko habang tinatanggal ang tsinelas.Naupo siya sa kahoy na bangko at pinatabi ako sa kaniya. Mahina ang ilaw mula sa bumbilya na nakasabit sa kisame, pero kita ko ang lungkot sa mukha niya. Iba ‘to sa mga normal naming pag-uusap."May kinausap ako kanina," panimula niya.Napakunot-noo ako. "Sino po?""Ang mga magulang ni Catalina."Natahimik ako. Si Catalina na naman. Dati pa lang, ayaw ko na talaga sa ideya ng mga magulang ni Catalina na kami ni Catalina ang bagay. Hindi ko siya gusto. Hindi ko siya mahal. Ang puso ko, si Xamira na lang talaga ang laman ngayon.“Sinabi nila
Xamira POVPagdilat ng mga mata ko, ramdam ko agad ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa bintana ng bahay kubo ko. Kumurap-kurap pa ako habang inaayos ang pagkakahiga ko sa banig nang mapansin kong may anino sa gilid ko.“Uy, gising na pala ang prinsesa ng buhay ko,” mahinang bulong ni Kalix na may kasamang ngiti.Napabalikwas ako ng upo, at sa paglingon ko sa kaniya, bumungad agad sa akin ang mukha niyang bagong ligo. Amoy ko pa ang sabon niya. Basa pa ang buhok niya at naka-sando lang siya habang nakaupo sa gilid ng banig ko. Ang sarap naman ng ganito. Pagkagising ko, may poging bubungad sa mga mata ko. Ang pogi din talaga ni Kalix kapag wet look.“Anong oras ka dumating?” tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko. Nakatulog kasi ako sa pagod. Kanina, nag-practice ako kung paano rumampa. Paulit-ulit ko ‘yung ginawa hanggang sa mapagod at makatulog ako.“Mga alas tres. Kakauwi lang namin galing laot. Nahuli kami ng kaunti pero sapat malaki pa rin ang kinita.” Ngumiti siya habang
Xamira POVNgayong araw, hindi na naman ako nakasama sa pangingisda nila Kalix. Nakahanda pa naman na ako.Pagkalabas ko ng bahay kubo kaninang umaga, may tauhan ni kapitan na pumunta. May mangyayari raw kasing meeting para sa lahat ng candidate na kasali para sa beauty contest na mangyayari ngayong nalalapit na fiesta.“Good morning, Miss Xamira, kailangan mong dumalo sa practice ngayong araw para sa nalalapit na patimpalak,” sabi ng babaeng iyon.Napailing tuloy sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at Kalix kasi alam na nilang hindi ako makakasama ngayon sa pangingisda.Kaya nung marinig nila iyon, umalis na sila kasi mahuhuli sila sa pangingisda, ayaw pa naman nila nang tinatanghali.Ayon pa sa babaeng tauhan ni Kapitan, hindi na Mutya ng Isla Lalia ang title ng contest—binago na raw ang titulo ngayong taon. Mas engrande na ang pinalit. Mas makapangyarihan pakinggan. Ang tawag na ngayon sa contest ay Reyna ng Isla Lalia.Sa pagbabago ng title, naaamoy ko rin na tila mababago na ang magigin
Xamira POVTahimik na ang paligid ng isla Lalia ngayong gabi. Kapag ganitong gabi na, dinig na dinig na ang malalaking alon sa dalampasigan. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Kanina pa ako nakaupo sa harap ng bahay kubo ko, hawak-hawak ang basong may laman na tubig. Kainis, kung sinama kasi nila ako sa paghahanap, hindi ako mabo-boring ng ganitong katagal. Gusto ko pa namang ikutin din ang buong isla kasi hindi ko pa nagagawa iyon.Pero naisip ko rin na kung sasama ako, tiyak na mabubugbog ang paa ko. Baka bumalik ang sakit ng binti at hita ko.Masyado ng madilim sa daan kaya alam kong anumang oras ay darating na si Kalix. Ilang oras na rin kasi silang naglilibot sa buong isla para hanapin ang mga hayop na nagnakaw ng maleta ko—sina Pitchi, Nunoy at Budidang. Inaasahan kong may dalang magandang balita si Kalix kapag nakauwi na siya.Sana ay dumating na rin siya, hindi kasi masarap kapag lumamig na ang pagkaing niluto ko sa kaniya.Kaya ngayong gabi, naghanda ako ng paborito niyang d