Zain POVNung magalit si Tahlia ay pagkabihis niya, lumabas siya at tumambay sa coffee shop sa labas. Nagtaka nga sina Xamara at Giyo dahil mag-isa raw lumabas si Tahlia. Sinabi ko lang may gusto siyang puntahan at nataon na busy at may inaasikaso ako about sa business kuno ko.Kaya habang wala si Tahlia, si lola ang hinarap ko. Nakipag-bonding muna ako sa kaniya. Sinabi ko rin sa kaniya na may nangyari sa amin ng apo niya habang nagbubulungan ako. Tuwang-tuwa si lola nang malaman iyon, sinabi ko nga rin na nagalit si Tahlia kasi sa loob ko pinutok, pero imbes na magalit din si lola, natuwa pa ito at sinabing hayaan lang si Tahlia at lilipas din ang galit nito.Pagkatapos naming mag-usap ni lola, narinig ko na nakabalik na si Tahlia ng villa, tumuloy ito sa kuwarto namin kaya agad ko itong sinundan.Pagpasok ko sa bedroom namin, nakita ko siya, nakatalikod sa akin habang abala sa pag-aayos ng buhok niya sa harap ng salamin. Wala siyang imik, ni hindi man lang lumingon nang marinig ang
Tahlia POVNakapikit na ako, pero hindi ako mapakali.Dapat matutulog na ako. Dapat wala akong pakialam. Pero heto ako, nag-iinit pa rin sa inis sa isang taong alam kong tulog na siguro sa malamig na buhangin sa labas.“Damn you, Zain,” bulong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.Kanina, hindi ko kinaya ang ginawa niya. Alam niyang hindi pa ako handang mabuntis, pero ginawa pa rin niya. Ang feeling niya, porket pumayag akong may mangyari sa amin, gusto pa niyang lubusin, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko tapos siya, first time palang niya, tapos gusto na agad mambuntis. And now, he has the audacity to actually sleep outside just because I told him to? Seriously?Napabuntong-hininga ako, bumaling ako sa kabilang side ng kama. Malambot ang kutson, malamig ang aircon, presko ang pakiramdam ko pagkatapos ng skincare routine ko, pero bakit hindi ako makatulog? Bakit ako nababagabag?Because I know Zain. Alam kong kaya niyang tiisin ang anumang parusa ko—except kapag ako na
Zain POVMay urgent meeting si Lola Flordelisa sa business niya kaya ang limang araw na dapat na bakasyon namin sa El nido, Palawan ay nauntol. Agad-agad din ay umuwi na rin kami kinabukasan.Pero bago iyon, nagbigay ng tatlong oras si lola para makabili raw kami ng mga pasalubong kung may mga kaibigan daw kami na bibilhan. Kaya nung ayaw ni Tahlia na mamili, mag-isa akong lumabas ng villa para mamili rin mag-isa. Binili ko ng tshirt sina Mama at Boyong. Dinamay ko na rin sina Calia at ang mama niya.Bumili rin ako ng mga pandikit sa fridge, iyon kasi ang karamihan sa nakikita ko rito. At habang nag-iikot pa ako, bumili muna ako ng fruit shake kasi mainit na ng mga oras na iyon.Nagulat na lang ako nun nang makita kong sumunod si Giyo sa akin. “Parang ang iimportante ng mga kaibigan mo at nag-aksaya ka pa ng oras para mamili ng ganiyan?” tanong niya. Hindi niya dapat malaman na para ito sa pamilya at kaibigan ko sa Lopez Jaena Town, kaya nagsinungaling ako.“Para ito sa mga malalapit
Zain POVPagbukas ko ng pinto ng kuwarto ko rito sa Garay Street, agad na bumungad sa akin ang mukha ni Axton na nakahiga sa kama ko habang mahimbing ang tulog na parang siya ang may-ari ng kuwarto na iyon. Napahigpit ang hawak ko sa door handle, ramdam ko ang pag-init ng dugo ko. Ang kapal ng mukha. Matapos ang ginawa niya, may lakas pa siya ng loob na magpakita sa amin.Hindi ko na hinayaang tumagal pa ang pagtulog niya sa kuwarto ko. Mabilis akong lumapit at marahas siyang tinapik sa balikat. “Wake up.” Malakas kong sigaw sa kaniya.Umungol siya na parang ayaw pang gumising, kaya hindi ako nagdalawang-isip na igalaw ang kama. Kinalampag ko ng malakas ang kama. Hindi na ako nahiya na bastusin siya habang natutulog, hindi nga siya nahiyang lokohin si Tahlia at pati na rin ako.Sa wakas, dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, nagtataka pa siya kung bakit siya nagising. Nang makita niya ako, imbes na magulat o matakot, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi niya. Lalo t
Zain POVSa sandaling bumuka ang bibig ni Axton, hindi ko inaasahan ang maririnig ko. “It was an arranged marriage, Zain,” sabi niya nang mahina pero diretso agad sa punto niya. “I never loved Vera Vasquez. It was all for business.”Napakurap ako. Ang dami kong inisip na dahilan kung bakit siya nagpakasal, pero hindi ko ito naisip. Pero bago pa ako makapagsalita, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.“But that’s not the only thing you should know.” Huminga siya nang malalim habang halatang kinakabahan. “There’s something about me... something I need to admit.”Nag-aalangan akong tumango habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.“I’ve felt it for a long time, but I kept denying it,” aniya na nakatingin sa mesa. “Even when I was with Tahlia, I sometimes felt different... like I wasn’t only attracted to women.”Tangina!Nanigas ang katawan ko dahil sa narinig ko. “What?” Napalakas yata ang boses ko, dahil may ilang taong napalingon sa amin. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig s
Zain POVPaglabas ko ng coffee shop, mabilis akong naglakad palayo kay Axton. Wala na akong panahon para makipagtalo pa kay Axton. Sa totoo lang, parang baliw na siya sa paningin ko. Hindi ko maintindihan kung anong trip niya, pero isa lang ang sigurado ako, wala akong balak makisali sa kaguluhang binubuo niya.Ang taas pa naman ng tingin ko sa kaniya nung unang makilala ko siya, awang-awa rin ako sa naging sitwasyon niya, tapos ganito pala ang totoong ugali niya. Baliw at gago.Nang iniangat ko na ang kamay ko para pumara ng tricycle, narinig ko ang mabilis na yapak ng sapatos niya sa likuran ko.“Zain, wait!” sigaw ni Axton na parang galit na rin siya.Hindi ko siya pinansin. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Pero mas mabilis siya. Sa isang iglap, nasa harapan ko na siya at saka hinaharangan ang daraanan ko.“If you leave now, you and Tahlia will never get the ten billion pesos inheritance.” Nanlamig ang katawan ko sa narinig ko sa kaniya. Ito ‘yung kinakatakutan ko.Napahint
Zain POVPagdating ko sa bahay, halos nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa galit na nararamdaman ko kay Axton. Pakiramdam ko, hinigop na ng stress ang natitirang enerhiya ko. Gusto kong magmura, gusto kong magwala, pero wala akong choice kundi pigilan ang sarili ko.“Oh, Zain! Anong nangyari? Sino ba ang lalaking iyon? Kaibigan mo ba siya?” bungad ni Mama habang nakatayo ako sa may labas, bitbit ang mga coffee na in-order ni Axton, sinabi niya na ibigay ko ito kay Boyong at kay mama bilang pasasalamat niya.Hindi ako sumagot. Inabot ko na lang sa kaniya ang dala-dala kong supot at saka ako tumuloy sa kuwarto ko. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Boyong na nakaupo sa sala, nakanguso habang nakatitig sa akin.“Pre, ayos ka lang ba?” asar niyang tanong.Hindi ko na muna siya pinansin at baka sa kaniya ko pa mabuntong ang inis ko, iba pa naman ang timpla ng utak ko kapag badtrip ako. Sa ngayon, hindi ko kayang magpaliwanag o makipagkulitan. Mas kailangan kong mag-isip. Kailangan
Zain POVPagkasakay ko sa sasakyan ni Tahlia, agad akong napatingin sa labas ng bintana. Ang sakit ng ulo ko, halos hindi ako makatulog dala ng eksena kahapon ni Axton. Kaya ngayon, habang nasa biyahe, napapapikit ako at pilit na gumagawa ng tulog kasi kulang na kulang ang tulog ko dahil sa kakaisip sa gagong iyon.Maaga akong pinasundo ni Tahlia at ang sabi niya, may birthday party kaming a-attend-an. Kasama roon sina Lola Flordelisa, Xamara at Giyo. Mabuti na lang kahit pa paano ay nakatulog ako sa biyahe.Pagdating ko sa mansiyon ni Tahlia, inayos ko na ang sarili ko, ayokong makita niyang stress ako dahil kay Axton.Sa kuwarto ko, nadatnan ko siyang abala sa paghahanda ng mga susuotin ko. Napalingon ako sa kaniya. Ang sipag niyang pumili ng damit ko, parang stylist ko talaga. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matanggal sa isip ko si Axton. Buwisit na iyon, hanggang ngayon iniisip-isip ko ang problemang dala niya. Isa siya sa mga bagong kontrabida sa buhay namin ni Tahlia. Hindi k
Tahlia POVPagkagising ko ng ala una ng hapon, naisipan kong maghanda ng merienda para sa mama ni Zain. Alam kong pagod ito mula sa biyahe at sa hospital check-up, kaya gusto kong iparamdam na welcome siya sa bahay na ito. Isa pa, masaya ako na makakasama namin siya, lalo na’t gusto kong mapalapit sa kaniya. Hindi lang dahil sa magiging biyenan ko siya kundi dahil alam kong mahalaga siya kay Zain.Pinaalalahanan ko ang mga kasambahay na siguraduhin na malinis at maaliwalas ang room na para sa kanya. Gusto kong maging komportable siya sa bagong paligid dito sa mansiyon.Kasabay noon, inutusan ko rin ang mga kusinera na maghanda ng masasarap na pagkain para sa merienda. Alam kong simple lang ang nakasanayan ng mama ni Zain, kaya gusto kong ipakita sa kaniya na welcome siya dito nang hindi siya maiilang.Habang abala ang lahat sa paghahanda, naisipan kong umupo sandali sa terrace at mag-isip. Hindi ko maiwasang mapaisip tungkol kay Calia. Mas lalo kong nararamdaman na hindi ito titigil h
Zain POVPagkatapos naming umalis mula sa mansiyon ni Lola Flordelisa, agad akong nagpaalam kay Tahlia na uuwi muna ako sa amin. Kailangan kong samahan si Mama sa ospital para sa kanyang check-up. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong hinahapo siya ng hininga at hindi ako mapalagay. Wala rin si Boyong ngayon, nag-day off siya mula sa pagbabantay kay Mama. Magbi-birthday kasi ang mama niya at gusto niya itong ilabas para makapag-relax muna sila. Isa pa, ilang araw ng pagod si Boyong sa pagbabantay nito sa bihag nilang si Axton.At dahil good mood si Tahlia dahil sa pagkapanalo namin sa mana ni Lola Flordelisa, agad naman siyang pumayag.“Of course, Zain. You need to do that. Family comes first,” sagot ni Tahlia nang sabihin ko ang plano kong gawin ngayong tanghali. “Mahalaga ang buhay ng mama mo, kaya, sige, ipa-check up mo na siya para makita kung anong problema,” dagdag pa niya.Kaya nung pumasok na siya sa mansiyon namin, naiwan ako sa kotse para naman tumuloy na sa bayan namin
Zain POVPagdating namin sa mansiyon ni Lola Flordelisa, dama ko na agad ang bigat ng hangin sa loob ng bahay na para bang may mainit na anunsyo na naman ito para sa lahat.Pagpasok palang namin sa loob, tahimik ang lahat na parang may hindi magandang mangyayari. Pero alam kong sa amin ni Tahlia ay wala kasi alam kong mas boto si Lola Flordelisa sa amin. Tinignan ko si Tahlia, ramdam ko na parang kabado siya. Kanina, nung nasa kotse kami, naisip niya na baka nabuko na kami ni Lola, na baka alam na niyang mahirap lang daw ako at hindi talaga nakatira sa ibang bansa. Pero hindi ako natakot o kinabahan dahil alam kong matagal ng alam ni Lola ang lahat ng tungkol sa akin o sa amin ni Tahlia.“Sit down, all of you,” seryosong utos ni Lola Flordelisa sa amin.Umupo kami sa mahabang dining area. Si Xamira, halatang hindi mapakali, habang si Giyo naman ay pinipilit panatilihin ang ngiti sa labi niya. Ako, nanatili lang sa tabi ni Tahlia, hinihintay ang kung ano mang i-a-announce ni Lola.“I g
Zain POVNnagising ako nang maramdaman kong wala na si Tahlia sa tabi ko. Natulog kaming gutom, hindi nagkikibuan at halos magkalayo sa kama.Agad akong lumingon sa tabi ko, pero wala na talaga siya. Hindi rin ako nakakarinig ng tunog ng shower mula sa banyo. Alam kong hindi ito maganda, na hanggang ngayon, hindi kami nagkikibuan. Hindi pa kami tuluyang mag-asawa pero may ganitong eksena na agad.Bumangon ako, naghilamos at bumaba sa dining area. Nasa lamesa pa ang breakfast na inihanda ni Manang, pero isa lang ang set ng plato. Wala si Tahlia. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na siya naabutan bago siya umalis papuntang trabaho. Hindi rin niya ako hinintay na mag-breakfast. Talagang seryosong galit siya.Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi ko sinasabi na wala na sina Calia sa bahay namin. At kung gusto kong bumalik sa dati ang lahat, kailangan kong gumawa ng paraan. At ngayong araw, aayusin ko na agad ito.Habang nag-aalmusal ako, agad kong tinawagan si Boyong. “Tol, kailanga
Zain POVPagdating ko sa Lux City, halos hindi na ako mapakali sa loob ng sasakyan. “Bilisan mo, please,” utos ko sa driver. Gusto ko nang makauwi sa loob ng dalawampung minuto, para kasing sasabog na ang dibdib ko sa kaba.Panay ang tingin ko sa phone ko at panay pa rin ang pagpapadala ni Tahlia ng message. Galit na galit na talaga siya sa akin. First time itong mangyari sa amin. Ngayon lang siya nagalit ng todo ng ganito simula nung maging kami na talaga. Ang mali ko lang, sa sobrang busy ko kanina at pag-aalala kina Calia, nawala sa loob ko na magsabi kay Tahlia na tutulungan lang namin ni mama sina Calia kasi nasunugan sila ng bahay, kawawa naman.Ang tanga ko kasi, ako talaga ang may mali rito.Pagkarating ko sa mansiyon, agad akong bumaba at tinakbo ang dining area. Naroon pa rin ang pagkain, halos hindi nagalaw. Napalunok ako ng laway, alam kong galit si Tahlia kasi mukhang matagal niya akong hinintay para lang sabay kaming mag-dinner.Tumakbo agad ako sa hagdanan at saka pumun
Zain POVPagdating ko sa Garay Street namin, madilim na ang paligid at tanging mga ilaw mula sa ilang poste ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Wala na ang apoy, mabuti naman, pero ang latak ng sunog ay nagkalat pa rin sa paligid. Grabe, ang itim na ng lahat, halos abo, natupok na kahoy at amoy ng nasunog na materyales ang sumalubong sa akin.Sa kabila ng lahat, mas hinanap ng mata ko si Calia.Nakita ko siya sa gilid, kasama ang mama ko, si Boyong at ang mama niya. Mukha silang pagod at tulala, lalo na si Calia na parang wala sa sarili habang yakap ng mahigpit ng mama niya.Paglapit ko, parang biglang nabuhayan si Calia. Tumakbo siya papunta sa akin at agad akong niyakap nang mahigpit na halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, pati ang mainit na luhang tumatagos sa suot kong shirt.Grabe, kawawa naman si Calia. Ayokong nakikitang ganito siya kalungkot at katakot. Natatakot siya kasi wala na silang matutuluyan, walang-wa
Zain POVNasa opisina ako habang nakaupo sa harap ng desk habang tinitingnan ang ilang reports ng operations sa mall. Maayos naman ang takbo ng araw, this time wala ng trip si Tahlia, totoong work na talaga ito. Wala namang malaking problema, mga minor na issue lang sa ilang tindahan at isang sirang escalator na inaayos na rin. Pero sa kabila ng pagiging abala ko, hindi ko maiwasang mapansin ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko.Nakita kong si Boyong pala ang tumatawag.Tumayo ako at lumabas ng opisina. Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom. Pagpasok ko roon, siniguro kong walang tao sa loob bago ko sinagot ang tawag niya.“Hello?” Mahinang sabi ko ng sagutin ko ang tawag ni Boyong.“Tol, tapos ko nang pakainin si Axton,” sagot ni Boyong.Napapikit ako sandali habang humuhugot ng hininga bago ako nagsalita ulit. “Kumusta siya?”“Medyo tahimik ngayon pero may mga oras na nagwawala. Sinasabi niyang pakawalan ko na siya, pero siyempre hindi ako nakikinig,” sagot ni Boyong ha
Zain POVNgayon na ang unang araw ko bilang operations manager sa mall ni Tahlia. First time kong magkakaroon ng ganitong trabaho kaya parang kabado na masaya na hindi ko ma-gets. Pero masaya ako kasi nandito naman palagi si Tahlia kapag nagwo-work ako. Ang maganda lang dito ay sabay kaming papasok palagi.Pagpasok ko sa building, ramdam ko agad ang lamig ng aircon na bumalot sa katawan ko. Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang naglakad patungo sa opisina ko sa second floor. Hindi pa man ako nakakarating, sinalubong na ako ng ilan sa mga empleyado.Nauna akong pumunta rito, si Tahlia ay may kinausap pang staff niya sa isang shop dito na may problema sa sales.“Good morning, Sir Zain!” bati ng isang security guard.“Good morning din,” sagot ko kasabay ng bahagyang pagtango.Pagdating ko sa opisina ko, bumungad sa akin ang isang maaliwalas at malinis na room. Malapad ang mesa at mayroong floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng view ng buong mall. Hindi ito isang
Zain POVDumaan kami ni Tahlia sa isang malaking park na halos walang tao. Malawak ang lugar, tahimik at perpect para sa isang first-time driver na katulad ko. Alam kong hindi ito magiging madali, pero sa paraan ng pagtuturo ni Tahlia, parang may halong thrill at kaba ang buong experience. Kilala ko pa naman na mataray siya, baka kapag pamali-mali ako ay tarayan niya ako.“Okay, Zain. Before anything else, you need to understand the basics. Driving is not just about stepping on the gas and turning the wheel. It’s about control, awareness, and responsibility. Got it?” sabi ni Tahlia habang seryosong nakatitig sa akin.Tumango ako dahil na-gets ko naman agad ang pinipunto niya, kahit kalahati lang ng sinabi niya ang talagang na-absorb ko. Joke, na-gets ko naman talaga. Gusto ko lang kasing magmaneho agad, pero alam kong hindi ako makakalusot sa kaniya.“First, let’s talk about the pedals. The rightmost one is the accelerator, the middle is the brake, and if this were a manual car, there