Zain POVPaglabas ko ng coffee shop, mabilis akong naglakad palayo kay Axton. Wala na akong panahon para makipagtalo pa kay Axton. Sa totoo lang, parang baliw na siya sa paningin ko. Hindi ko maintindihan kung anong trip niya, pero isa lang ang sigurado ako, wala akong balak makisali sa kaguluhang binubuo niya.Ang taas pa naman ng tingin ko sa kaniya nung unang makilala ko siya, awang-awa rin ako sa naging sitwasyon niya, tapos ganito pala ang totoong ugali niya. Baliw at gago.Nang iniangat ko na ang kamay ko para pumara ng tricycle, narinig ko ang mabilis na yapak ng sapatos niya sa likuran ko.“Zain, wait!” sigaw ni Axton na parang galit na rin siya.Hindi ko siya pinansin. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Pero mas mabilis siya. Sa isang iglap, nasa harapan ko na siya at saka hinaharangan ang daraanan ko.“If you leave now, you and Tahlia will never get the ten billion pesos inheritance.” Nanlamig ang katawan ko sa narinig ko sa kaniya. Ito ‘yung kinakatakutan ko.Napahint
Zain POVPagdating ko sa bahay, halos nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa galit na nararamdaman ko kay Axton. Pakiramdam ko, hinigop na ng stress ang natitirang enerhiya ko. Gusto kong magmura, gusto kong magwala, pero wala akong choice kundi pigilan ang sarili ko.“Oh, Zain! Anong nangyari? Sino ba ang lalaking iyon? Kaibigan mo ba siya?” bungad ni Mama habang nakatayo ako sa may labas, bitbit ang mga coffee na in-order ni Axton, sinabi niya na ibigay ko ito kay Boyong at kay mama bilang pasasalamat niya.Hindi ako sumagot. Inabot ko na lang sa kaniya ang dala-dala kong supot at saka ako tumuloy sa kuwarto ko. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Boyong na nakaupo sa sala, nakanguso habang nakatitig sa akin.“Pre, ayos ka lang ba?” asar niyang tanong.Hindi ko na muna siya pinansin at baka sa kaniya ko pa mabuntong ang inis ko, iba pa naman ang timpla ng utak ko kapag badtrip ako. Sa ngayon, hindi ko kayang magpaliwanag o makipagkulitan. Mas kailangan kong mag-isip. Kailangan
Zain POVPagkasakay ko sa sasakyan ni Tahlia, agad akong napatingin sa labas ng bintana. Ang sakit ng ulo ko, halos hindi ako makatulog dala ng eksena kahapon ni Axton. Kaya ngayon, habang nasa biyahe, napapapikit ako at pilit na gumagawa ng tulog kasi kulang na kulang ang tulog ko dahil sa kakaisip sa gagong iyon.Maaga akong pinasundo ni Tahlia at ang sabi niya, may birthday party kaming a-attend-an. Kasama roon sina Lola Flordelisa, Xamara at Giyo. Mabuti na lang kahit pa paano ay nakatulog ako sa biyahe.Pagdating ko sa mansiyon ni Tahlia, inayos ko na ang sarili ko, ayokong makita niyang stress ako dahil kay Axton.Sa kuwarto ko, nadatnan ko siyang abala sa paghahanda ng mga susuotin ko. Napalingon ako sa kaniya. Ang sipag niyang pumili ng damit ko, parang stylist ko talaga. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matanggal sa isip ko si Axton. Buwisit na iyon, hanggang ngayon iniisip-isip ko ang problemang dala niya. Isa siya sa mga bagong kontrabida sa buhay namin ni Tahlia. Hindi k
Tahlia POVSa dami ng nainom kong wine, kinailangan ko nang magbawas ng tubig kaya dali-dali akong pumunta sa banyo. Sa totoo lang, panay ang inom ko ng wine kasi alam kong nandito si Axton. Naiinis ako, sa ngayon ay hindi pa ako sanay na nakikita ko siya at malapit lang sa paligid. Bago palang kasi, pero siguro kapag tumagal ay masasanay na hindi na kami, na wala ng kami kasi kinasal na siya sa Vera Vasquez na iyon.Paglabas ko ng banyo, parang naghintay talaga siya. Nagulat ako kasi nakatayo si Axton sa gilid, nakasandal sa pader, naka-cross ang mga braso. Wala na sana akong balak pansinin siya, pero siyempre, hindi siya papayag na hindi siya mapansin.“So, after everything, you’re not even going to thank me?” tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.Putangina pala nito, e. Pagkatapos niya akong lokohin, ipagpalit sa bagong kakilala niya ay gusto pa pala niyang magpasalamat ako sa kaniya. Gago ba siya?Nagtaas lang ako ng kilay nang tapunan ko siya ng tingin. “Thank you? For
Tahlia POVTinanggal ko na ang suot na damit pang-itaas ni Zain habang patuloy na umaapoy ang paghahalikan namin. Hindi pansin ni Zain na tumutulo ang luha ko habang naghahalikan kami dahil madilim sa loob ng kotse ko.Dahil masakit ang puso ko ngayon, idadaan ko na lang sa ganito, magpapakasasa ako kay Zain, na sinasalo ako palagi kapag malungkot ako. Saka, siya naman ang may gusto nito, sinabi niya na imbis sa ibang tao ako magpaka-wild ay sa kaniya na lang.Huminto ako sa paghalik sa kaniya para tanggalin ang suot niyang sinturon. Binaba ko na rin ang zipper ng pantalon niya at saka ko hinubad iyon kasama ang underwear niya.Yumuko ako kapagdaka at saka nilantakan ang pagkalalakë niyang unti-unti nang tumatayo ngayon. Niroromansa ng isang kamay ko ang dibdib at mga abs niya habang ang isang kamay ko ay nilalaro naman ang nakatayo na niyang titë.“Aaahhh,” hạlinghing niya habang nakabukakạ siyang nakaupo sa upuan dito sa likod ng kotse ko. Grabe sa hot si Zain dahil sa itsura niya n
Zain POVHabang nasa loob ako ng isang tahimik at sikretong coffee shop, naroon sa harap ko si Lola Flordelisa. Tinitigan ko siya habang pilit kong hinuhulaan kung bakit niya ako ipinatawag nang palihim. Kapag ganito, alam kong mahalaga ang gusto niyang sabihin.Nataon namang abala si Tahlia sa kaniyang negosyo. May problema sa isang shop sa mall niya kaya siya na mismo ang nagpunta roon upang ayusin ang problema. Kaya heto ako ngayon, lumabas ng mansiyon nang walang nakakaalam, para makipagkita kay Lola Flordelisa.“Zain, ijo,” panimula ni Lola Flordelisa habang iniikot ang kutsarita sa kanyang kape. “I want you to propose to Tahlia.”Halos maibuga ko ang iniinom kong black coffee dahil sa narinig ko sa kaniya. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko nang tapunan ko siya ng tingin.“What?” Napalakas ang boses ko kaya napatingin ang ibang tao sa amin. Napalunok ako at bahagyang yumuko dahil sa hiya. “I mean… what do you mean po, Lola?”Bumuntong-hininga si Lola Flordelisa bago ako muling tini
Tahlia POVPagpasok ko sa mansiyon, agad akong sinalubong ng kakaibang aura ni Zain. Nakaupo siya sa sofa, malaki ang ngiti at para bang may itinatagong lihim na hindi niya mapigilang ipakita sa akin. Nagtaka ako. Ano na naman ang iniisip ng lalaking ito? O anong trip niya. Good mood ba siya kasi nakaisa na naman siya sa akin kahapon?“Bakit ang saya mo?” tanong ko habang ibinababa ang bag ko sa gilid ng sofa. “May kailangan ka ba? Pera? Day off? O ano?”Umiling siya, pero nanatili ang ngiti niyang nakakaloko. Kinakabahan ako kasi lately, gumagawa na rin talaga siya ng mga sarili niyang desisyon. “I want to marry you na, Tahlia,” diretsyong sabi niya na sobrang tapang kaya nagulat ako.Napakunot ang noo ko at tumawa nang mahina. “Nice joke. Try harder next time, Zain. Mabuti na lang at hindi ako bad mood, naayos ko na problema sa mall ko, kundi ay baka nasapak kita bigla.”Pero hindi siya tumawa. Ang ngiti niya ay hindi rin nawala. Sa halip, tumayo siya, humugot ng maliit na box mula
Zain POVNapangiti ako habang tinitingnan si Tahlia na nakaupo sa gilid ng kama niya. Halata ang pag-aalinlangan sa mukha niya habang hawak ang singsing na binili ko. Aba, isang daang libong piso rin ‘yan! Hindi siya puwedeng tumangging hindi suotin iyon dahil para sa mahirap na gaya ko, halos parang milyon ang katumbas ng isang daang libong piso na iyon.“Wear it, Tahlia. Come on, it’s yours now,” sabi ko habang nakahalukipkip at nakatayo sa harapan niya. Sinundan ko kasi siya rito sa bedroom niya. Pumayag na kasi siyang magpakasal sa akin pero hindi niya sinusuot pa ang singsing.Umirap siya. “Do I have to?”Nakakainis kasi nagkaroon ako ng first girlfriend na ganitong kaarte, pero nakaka-proud din kasi bumigay siya sa akin. Ibig sabihin lang niyon, pogi ako at kamahal-mahal naman.Tumawa ako nang mahina. “Well, pumayag kang magpakasal na sa akin kaya dapat lang na suotin mo na ‘yan. Please,” sabi ko at nag-puppy eyes pa ako sa kaniya.Umirap pa siya bago dahan-dahang isinuot ang si
Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun
Xamira POVPagdilat ko pa lang ng mata, may naamoy na agad akong kakaiba. Tumatagos sa loob ng kuwarto ang amoy. Wala na si Kalix pagkagising ko kaya parang alam ko na agad. Napabangon ako kasi, ang bango. Amoy putahe na parang ang lasa-lasa. Para akong hinihila palabas ng kuwarto ng isang masarap na almusal.Napasinghot ako ng ilang beses, tapos pinikit ko ulit ang mata ko sandali, iniisip ko kung nananaginip lang ba ako. Pero hindi. Totoo ang amoy. May nakabaang talaga na masarap na almusal sa labas.Kaya naman, dahan-dahan na akong bumangon, pinilit kong inaalis ang antok sa mga mata ko. Pagbukas ko ng pinto, sumilip ako sa maliit naming dining area at doon, halos mapatili ako sa tuwa.Isang malaking kawali na puno ng seafood mix ang nakapatong sa mesa. Umuusok-usok pa, mainit-init, kitang-kita ko ang makukulay na hipon, pusit, tahong at kung anu-ano pang lamang-dagat na sobrang sarap tignan nung pagsamahin. Sa tabi ng mesa, nakaupo si Kalix, nakangiti na tila kanina pa nag-aabang
Kalix POVMaaga pa lang, gising na ako. Day off namin ngayon sa pangingisda, ganoon kapag Sunday. Tulog pa si Xamira nang umalis ako sa bahay kubo niya. Kailangan kong unahan ang ibang mamimili sa palengke, lalo pa’t may espesyal akong binabalak ngayong araw. Nangako kasi ako kay Xamira na ipagluluto ko siya ng paborito niyang seafood mix. Yung tipong umaapaw sa hipon, pusit, halaan, tahong at may kung anong sikreto kong pampalasa na ayon sa matatanda. Siyempre, kapag ganitong in love ako, nagluluto rin ako ng may halong pag-ibig.Sa totoo lang, dati ay ganitong-ganito ako kay Betchay nung nililigawan ko siya. Ang kaibahan lang, mas paborito ni Betchay ang mga lutong gulay lang. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko, lalo pa’t nawala si Betchay na wala kaming closure o paghihiwalay. Masakit sa akin noon ang pagkawala niya at nung humaba na ang panahon, doon lang talaga ako naka-move on.Ngayong binuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong babae, sa tingin ko, mas masaya na ako
Kalix POVPagkarating ko sa kubo ni Xamira, dala ko na ang mga dahon ng mayana na pinili kong maigi kanina pa. Medyo pagod pa ako mula sa maghapong pangingisda, pero hindi ko ramdam—hindi ko talaga ramdam kapag siya ang iniisip ko. Parang nawawala ‘yung bigat ng katawan ko tuwing siya ang dahilan ng mga dapat kong gawin.“Xamira,” tawag ko habang tinutulak ang pinto ng bahay kubo niya. Naroon siya sa papag, naka-upo habang nakasandal sa dingding. Suot niya ‘yung simpleng daster na bulaklakin habang nakatirintas ang buhok.Pagkakita sa akin ng nanay ko, umalis na agad siya kasi marami pa siyang dapat gawin sa bahay kubo namin.“Salamat ulit, nanay.” Tinapik lang ako sa balikat ng nanay ko at pagkatapos, umalis na siya.Lumapit ako nang nakangiti kay Xamira.“Oh, Kalix! Nandiyan ka na pala,” sabi niya habang nakatingin sa dala-dala kong mga dahon. “Ano ‘yang dala-dala mong dahon?” tanong pa niya.“Mayana ‘to. Sabi ni Nanay, epektibo raw ito sa mga pilay, pasa at pamamaga. Ginagamit nam
Kalix POVPagdilat ng mata ko, agad kong naamoy ang malinis na amoy ng buhok ni Xamira. Namilog agad ang mga mata ko sa nakita ko. Nakadikit siya sa dibdib ko, nakayakap, tila ba hinahanap ang init ng katawan ko dahil malamig na kapag madaling-araw. Napangiti tuloy ako. Kung ganitong kaganda ang umaga ko, aba’y parang gusto kong dito na lang matulog habangbuhay.Ang lambot ng yakap niya. Parang ayaw ko na talagang bumangon kahit kailangan nang bumangon kasi kailangan ko nang gumayak.Pero kailangan. Mangingisda pa kami nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagkaantala. Malaking sayang ang kita para sa kanila, kung sa akin ayos lang na walang kita, basta kasama ko si Xamira, okay na okay na ako.“Kalix!”Narinig ko pa ang sigaw ni Tisay mula sa labas ng bahay kubo ni Xamira. Napakunot ako ng noo habang sinulyapan ko si Xamira—tulog pa rin siya, pero ramdam ko ang mahina niyang paghinga. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa t-shirt ko, parang ayaw akong p
Xamira POVMagluluto na sana ako ng hapunan, pero pinigilan akong gumalaw ni Kalix. Kaya ko naman nang gumalaw, pero sadyang may kirot lang sa mga binti at hita ko kapag naglalakad. Hindi pa talaga kaya siguro. Kaya siya na ang nagluto ng hapunan namin, ako naman, naka-upo lang sa isang tabi habang pinapanood siyang kumilos sa maliit kong kusina. Ewan ko kung bakit, pero nakangiti lang ako buong oras. Masarap palang panoorin ang isang taong handang gawin ang lahat para lang mapagaan ang pakiramdam mo. Todo-effort ang Kalix, nakakainis kasi nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa ngayon kahit nanliligaw palang naman siya.“Ang bango,” ani ko habang nilalagyan na niya ng ulam ang plato ko. “Ang dami mo talagang kayang gawin. Sa Lux city, wala, puro pa-pogi lang ang kalalakihan. Bihira doon ang mga gaya mong masipag.”“Mayayaman kasi kaya ganoon, dito, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari sa buhay mo,” sagot niya at parang hindi niya napansing napatingin ako sa kaniya nang mata
Kalix POVSabi ko kay Xamira, hanggang hindi pa siya okay, dito ako matutulog sa bahay kubo niya. Payag naman siya, kasi ako ang natatakot na rin para sa kalagayan niya. Lalo na’t alam ko rin ang dating naging buhay ng mama ko. Na gaya nang nangyayari kay Xamira, dati na rin pala siyang nakakaranas ng pambubuwisit ng mga loko-lokong mga kalalakihan na tigang na tigang. Palibhasa’t hindi pa uso ang pulis dito, kaya hindi sila natatakot na gumawa ng kasamaan.“Salamat talaga sa pagpoprotekta sa akin, Kalix. Talaga bang ayos ka lang na sa sala matulog?” tanong ni Xamira habang seryosong nakatingin sa akin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, aba’y magtabi na lang kami sa kama niya kung nahihiya talaga siyang patulugin ako sa sala.“Oo, ayos lang, basta nandito ako sa bahay kubo mo, kalmado ako, kasi alam kong mapoprotektahan kita.”Nakita kong ngumiti siya. Syet, ang ganda talaga ni Xamira. Napaka-suwerte ko kapag nakatuluyan ko ang gaya niya.Maya maya ay biglang bumukas ang pinto n
Kalix POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos kaming mangisda nila Buchukoy, Buknoy at Tisay. Marami-rami ulit ang huli ngayon—mga malalaking tambakol, maya-maya, at isang dambuhalang lapu-lapu. Habang binubuhat namin ang mga lambat at isdang nakasalansan sa malaking bayong, naramdaman ko ang kirot sa mga bisig ko, pero tiniis ko lang. Mas mahalaga sa akin ngayon na makauwi agad pagkatapos naming ilako ‘to. Si Xamira ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.Nang makarating kami sa palengke, gaya ng dati, hindi pa man kami lubusang nakapwesto sa puwesto naming lamesa sa gilid ng palengke, pinagtulakan na agad kami ng mga mamimili. Sumisigaw si Tisay ng presyo, abala si Buchukoy sa pagtimbang at si Buknoy naman sa pagsisigaw ng preskong isda rito, habang ako naman abala ako sa pagmasid sa paligid.Hindi ako pumuwesto para tumanggap ng bayad. Hindi ako pumwesto para magbitbit ng paninda. Ang totoo, nakatayo lang ako sa may dulo habang kunwari ay nag-aayos ng lambat pero ang totoo ay