Tahlia POVNakapikit na ako, pero hindi ako mapakali.Dapat matutulog na ako. Dapat wala akong pakialam. Pero heto ako, nag-iinit pa rin sa inis sa isang taong alam kong tulog na siguro sa malamig na buhangin sa labas.“Damn you, Zain,” bulong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.Kanina, hindi ko kinaya ang ginawa niya. Alam niyang hindi pa ako handang mabuntis, pero ginawa pa rin niya. Ang feeling niya, porket pumayag akong may mangyari sa amin, gusto pa niyang lubusin, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko tapos siya, first time palang niya, tapos gusto na agad mambuntis. And now, he has the audacity to actually sleep outside just because I told him to? Seriously?Napabuntong-hininga ako, bumaling ako sa kabilang side ng kama. Malambot ang kutson, malamig ang aircon, presko ang pakiramdam ko pagkatapos ng skincare routine ko, pero bakit hindi ako makatulog? Bakit ako nababagabag?Because I know Zain. Alam kong kaya niyang tiisin ang anumang parusa ko—except kapag ako na
Zain POVMay urgent meeting si Lola Flordelisa sa business niya kaya ang limang araw na dapat na bakasyon namin sa El nido, Palawan ay nauntol. Agad-agad din ay umuwi na rin kami kinabukasan.Pero bago iyon, nagbigay ng tatlong oras si lola para makabili raw kami ng mga pasalubong kung may mga kaibigan daw kami na bibilhan. Kaya nung ayaw ni Tahlia na mamili, mag-isa akong lumabas ng villa para mamili rin mag-isa. Binili ko ng tshirt sina Mama at Boyong. Dinamay ko na rin sina Calia at ang mama niya.Bumili rin ako ng mga pandikit sa fridge, iyon kasi ang karamihan sa nakikita ko rito. At habang nag-iikot pa ako, bumili muna ako ng fruit shake kasi mainit na ng mga oras na iyon.Nagulat na lang ako nun nang makita kong sumunod si Giyo sa akin. “Parang ang iimportante ng mga kaibigan mo at nag-aksaya ka pa ng oras para mamili ng ganiyan?” tanong niya. Hindi niya dapat malaman na para ito sa pamilya at kaibigan ko sa Lopez Jaena Town, kaya nagsinungaling ako.“Para ito sa mga malalapit
Zain POVPagbukas ko ng pinto ng kuwarto ko rito sa Garay Street, agad na bumungad sa akin ang mukha ni Axton na nakahiga sa kama ko habang mahimbing ang tulog na parang siya ang may-ari ng kuwarto na iyon. Napahigpit ang hawak ko sa door handle, ramdam ko ang pag-init ng dugo ko. Ang kapal ng mukha. Matapos ang ginawa niya, may lakas pa siya ng loob na magpakita sa amin.Hindi ko na hinayaang tumagal pa ang pagtulog niya sa kuwarto ko. Mabilis akong lumapit at marahas siyang tinapik sa balikat. “Wake up.” Malakas kong sigaw sa kaniya.Umungol siya na parang ayaw pang gumising, kaya hindi ako nagdalawang-isip na igalaw ang kama. Kinalampag ko ng malakas ang kama. Hindi na ako nahiya na bastusin siya habang natutulog, hindi nga siya nahiyang lokohin si Tahlia at pati na rin ako.Sa wakas, dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, nagtataka pa siya kung bakit siya nagising. Nang makita niya ako, imbes na magulat o matakot, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi niya. Lalo t
Zain POVSa sandaling bumuka ang bibig ni Axton, hindi ko inaasahan ang maririnig ko. “It was an arranged marriage, Zain,” sabi niya nang mahina pero diretso agad sa punto niya. “I never loved Vera Vasquez. It was all for business.”Napakurap ako. Ang dami kong inisip na dahilan kung bakit siya nagpakasal, pero hindi ko ito naisip. Pero bago pa ako makapagsalita, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.“But that’s not the only thing you should know.” Huminga siya nang malalim habang halatang kinakabahan. “There’s something about me... something I need to admit.”Nag-aalangan akong tumango habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.“I’ve felt it for a long time, but I kept denying it,” aniya na nakatingin sa mesa. “Even when I was with Tahlia, I sometimes felt different... like I wasn’t only attracted to women.”Tangina!Nanigas ang katawan ko dahil sa narinig ko. “What?” Napalakas yata ang boses ko, dahil may ilang taong napalingon sa amin. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig s
Zain POVPaglabas ko ng coffee shop, mabilis akong naglakad palayo kay Axton. Wala na akong panahon para makipagtalo pa kay Axton. Sa totoo lang, parang baliw na siya sa paningin ko. Hindi ko maintindihan kung anong trip niya, pero isa lang ang sigurado ako, wala akong balak makisali sa kaguluhang binubuo niya.Ang taas pa naman ng tingin ko sa kaniya nung unang makilala ko siya, awang-awa rin ako sa naging sitwasyon niya, tapos ganito pala ang totoong ugali niya. Baliw at gago.Nang iniangat ko na ang kamay ko para pumara ng tricycle, narinig ko ang mabilis na yapak ng sapatos niya sa likuran ko.“Zain, wait!” sigaw ni Axton na parang galit na rin siya.Hindi ko siya pinansin. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Pero mas mabilis siya. Sa isang iglap, nasa harapan ko na siya at saka hinaharangan ang daraanan ko.“If you leave now, you and Tahlia will never get the ten billion pesos inheritance.” Nanlamig ang katawan ko sa narinig ko sa kaniya. Ito ‘yung kinakatakutan ko.Napahint
Zain POVPagdating ko sa bahay, halos nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa galit na nararamdaman ko kay Axton. Pakiramdam ko, hinigop na ng stress ang natitirang enerhiya ko. Gusto kong magmura, gusto kong magwala, pero wala akong choice kundi pigilan ang sarili ko.“Oh, Zain! Anong nangyari? Sino ba ang lalaking iyon? Kaibigan mo ba siya?” bungad ni Mama habang nakatayo ako sa may labas, bitbit ang mga coffee na in-order ni Axton, sinabi niya na ibigay ko ito kay Boyong at kay mama bilang pasasalamat niya.Hindi ako sumagot. Inabot ko na lang sa kaniya ang dala-dala kong supot at saka ako tumuloy sa kuwarto ko. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Boyong na nakaupo sa sala, nakanguso habang nakatitig sa akin.“Pre, ayos ka lang ba?” asar niyang tanong.Hindi ko na muna siya pinansin at baka sa kaniya ko pa mabuntong ang inis ko, iba pa naman ang timpla ng utak ko kapag badtrip ako. Sa ngayon, hindi ko kayang magpaliwanag o makipagkulitan. Mas kailangan kong mag-isip. Kailangan
Zain POVPagkasakay ko sa sasakyan ni Tahlia, agad akong napatingin sa labas ng bintana. Ang sakit ng ulo ko, halos hindi ako makatulog dala ng eksena kahapon ni Axton. Kaya ngayon, habang nasa biyahe, napapapikit ako at pilit na gumagawa ng tulog kasi kulang na kulang ang tulog ko dahil sa kakaisip sa gagong iyon.Maaga akong pinasundo ni Tahlia at ang sabi niya, may birthday party kaming a-attend-an. Kasama roon sina Lola Flordelisa, Xamara at Giyo. Mabuti na lang kahit pa paano ay nakatulog ako sa biyahe.Pagdating ko sa mansiyon ni Tahlia, inayos ko na ang sarili ko, ayokong makita niyang stress ako dahil kay Axton.Sa kuwarto ko, nadatnan ko siyang abala sa paghahanda ng mga susuotin ko. Napalingon ako sa kaniya. Ang sipag niyang pumili ng damit ko, parang stylist ko talaga. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matanggal sa isip ko si Axton. Buwisit na iyon, hanggang ngayon iniisip-isip ko ang problemang dala niya. Isa siya sa mga bagong kontrabida sa buhay namin ni Tahlia. Hindi k
Tahlia POVSa dami ng nainom kong wine, kinailangan ko nang magbawas ng tubig kaya dali-dali akong pumunta sa banyo. Sa totoo lang, panay ang inom ko ng wine kasi alam kong nandito si Axton. Naiinis ako, sa ngayon ay hindi pa ako sanay na nakikita ko siya at malapit lang sa paligid. Bago palang kasi, pero siguro kapag tumagal ay masasanay na hindi na kami, na wala ng kami kasi kinasal na siya sa Vera Vasquez na iyon.Paglabas ko ng banyo, parang naghintay talaga siya. Nagulat ako kasi nakatayo si Axton sa gilid, nakasandal sa pader, naka-cross ang mga braso. Wala na sana akong balak pansinin siya, pero siyempre, hindi siya papayag na hindi siya mapansin.“So, after everything, you’re not even going to thank me?” tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.Putangina pala nito, e. Pagkatapos niya akong lokohin, ipagpalit sa bagong kakilala niya ay gusto pa pala niyang magpasalamat ako sa kaniya. Gago ba siya?Nagtaas lang ako ng kilay nang tapunan ko siya ng tingin. “Thank you? For
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun
Xamira POVPagdilat ko pa lang ng mata, may naamoy na agad akong kakaiba. Tumatagos sa loob ng kuwarto ang amoy. Wala na si Kalix pagkagising ko kaya parang alam ko na agad. Napabangon ako kasi, ang bango. Amoy putahe na parang ang lasa-lasa. Para akong hinihila palabas ng kuwarto ng isang masarap na almusal.Napasinghot ako ng ilang beses, tapos pinikit ko ulit ang mata ko sandali, iniisip ko kung nananaginip lang ba ako. Pero hindi. Totoo ang amoy. May nakabaang talaga na masarap na almusal sa labas.Kaya naman, dahan-dahan na akong bumangon, pinilit kong inaalis ang antok sa mga mata ko. Pagbukas ko ng pinto, sumilip ako sa maliit naming dining area at doon, halos mapatili ako sa tuwa.Isang malaking kawali na puno ng seafood mix ang nakapatong sa mesa. Umuusok-usok pa, mainit-init, kitang-kita ko ang makukulay na hipon, pusit, tahong at kung anu-ano pang lamang-dagat na sobrang sarap tignan nung pagsamahin. Sa tabi ng mesa, nakaupo si Kalix, nakangiti na tila kanina pa nag-aabang
Kalix POVMaaga pa lang, gising na ako. Day off namin ngayon sa pangingisda, ganoon kapag Sunday. Tulog pa si Xamira nang umalis ako sa bahay kubo niya. Kailangan kong unahan ang ibang mamimili sa palengke, lalo pa’t may espesyal akong binabalak ngayong araw. Nangako kasi ako kay Xamira na ipagluluto ko siya ng paborito niyang seafood mix. Yung tipong umaapaw sa hipon, pusit, halaan, tahong at may kung anong sikreto kong pampalasa na ayon sa matatanda. Siyempre, kapag ganitong in love ako, nagluluto rin ako ng may halong pag-ibig.Sa totoo lang, dati ay ganitong-ganito ako kay Betchay nung nililigawan ko siya. Ang kaibahan lang, mas paborito ni Betchay ang mga lutong gulay lang. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko, lalo pa’t nawala si Betchay na wala kaming closure o paghihiwalay. Masakit sa akin noon ang pagkawala niya at nung humaba na ang panahon, doon lang talaga ako naka-move on.Ngayong binuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong babae, sa tingin ko, mas masaya na ako
Kalix POVPagkarating ko sa kubo ni Xamira, dala ko na ang mga dahon ng mayana na pinili kong maigi kanina pa. Medyo pagod pa ako mula sa maghapong pangingisda, pero hindi ko ramdam—hindi ko talaga ramdam kapag siya ang iniisip ko. Parang nawawala ‘yung bigat ng katawan ko tuwing siya ang dahilan ng mga dapat kong gawin.“Xamira,” tawag ko habang tinutulak ang pinto ng bahay kubo niya. Naroon siya sa papag, naka-upo habang nakasandal sa dingding. Suot niya ‘yung simpleng daster na bulaklakin habang nakatirintas ang buhok.Pagkakita sa akin ng nanay ko, umalis na agad siya kasi marami pa siyang dapat gawin sa bahay kubo namin.“Salamat ulit, nanay.” Tinapik lang ako sa balikat ng nanay ko at pagkatapos, umalis na siya.Lumapit ako nang nakangiti kay Xamira.“Oh, Kalix! Nandiyan ka na pala,” sabi niya habang nakatingin sa dala-dala kong mga dahon. “Ano ‘yang dala-dala mong dahon?” tanong pa niya.“Mayana ‘to. Sabi ni Nanay, epektibo raw ito sa mga pilay, pasa at pamamaga. Ginagamit nam
Kalix POVPagdilat ng mata ko, agad kong naamoy ang malinis na amoy ng buhok ni Xamira. Namilog agad ang mga mata ko sa nakita ko. Nakadikit siya sa dibdib ko, nakayakap, tila ba hinahanap ang init ng katawan ko dahil malamig na kapag madaling-araw. Napangiti tuloy ako. Kung ganitong kaganda ang umaga ko, aba’y parang gusto kong dito na lang matulog habangbuhay.Ang lambot ng yakap niya. Parang ayaw ko na talagang bumangon kahit kailangan nang bumangon kasi kailangan ko nang gumayak.Pero kailangan. Mangingisda pa kami nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagkaantala. Malaking sayang ang kita para sa kanila, kung sa akin ayos lang na walang kita, basta kasama ko si Xamira, okay na okay na ako.“Kalix!”Narinig ko pa ang sigaw ni Tisay mula sa labas ng bahay kubo ni Xamira. Napakunot ako ng noo habang sinulyapan ko si Xamira—tulog pa rin siya, pero ramdam ko ang mahina niyang paghinga. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa t-shirt ko, parang ayaw akong p
Xamira POVMagluluto na sana ako ng hapunan, pero pinigilan akong gumalaw ni Kalix. Kaya ko naman nang gumalaw, pero sadyang may kirot lang sa mga binti at hita ko kapag naglalakad. Hindi pa talaga kaya siguro. Kaya siya na ang nagluto ng hapunan namin, ako naman, naka-upo lang sa isang tabi habang pinapanood siyang kumilos sa maliit kong kusina. Ewan ko kung bakit, pero nakangiti lang ako buong oras. Masarap palang panoorin ang isang taong handang gawin ang lahat para lang mapagaan ang pakiramdam mo. Todo-effort ang Kalix, nakakainis kasi nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa ngayon kahit nanliligaw palang naman siya.“Ang bango,” ani ko habang nilalagyan na niya ng ulam ang plato ko. “Ang dami mo talagang kayang gawin. Sa Lux city, wala, puro pa-pogi lang ang kalalakihan. Bihira doon ang mga gaya mong masipag.”“Mayayaman kasi kaya ganoon, dito, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari sa buhay mo,” sagot niya at parang hindi niya napansing napatingin ako sa kaniya nang mata
Kalix POVSabi ko kay Xamira, hanggang hindi pa siya okay, dito ako matutulog sa bahay kubo niya. Payag naman siya, kasi ako ang natatakot na rin para sa kalagayan niya. Lalo na’t alam ko rin ang dating naging buhay ng mama ko. Na gaya nang nangyayari kay Xamira, dati na rin pala siyang nakakaranas ng pambubuwisit ng mga loko-lokong mga kalalakihan na tigang na tigang. Palibhasa’t hindi pa uso ang pulis dito, kaya hindi sila natatakot na gumawa ng kasamaan.“Salamat talaga sa pagpoprotekta sa akin, Kalix. Talaga bang ayos ka lang na sa sala matulog?” tanong ni Xamira habang seryosong nakatingin sa akin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, aba’y magtabi na lang kami sa kama niya kung nahihiya talaga siyang patulugin ako sa sala.“Oo, ayos lang, basta nandito ako sa bahay kubo mo, kalmado ako, kasi alam kong mapoprotektahan kita.”Nakita kong ngumiti siya. Syet, ang ganda talaga ni Xamira. Napaka-suwerte ko kapag nakatuluyan ko ang gaya niya.Maya maya ay biglang bumukas ang pinto n
Kalix POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos kaming mangisda nila Buchukoy, Buknoy at Tisay. Marami-rami ulit ang huli ngayon—mga malalaking tambakol, maya-maya, at isang dambuhalang lapu-lapu. Habang binubuhat namin ang mga lambat at isdang nakasalansan sa malaking bayong, naramdaman ko ang kirot sa mga bisig ko, pero tiniis ko lang. Mas mahalaga sa akin ngayon na makauwi agad pagkatapos naming ilako ‘to. Si Xamira ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.Nang makarating kami sa palengke, gaya ng dati, hindi pa man kami lubusang nakapwesto sa puwesto naming lamesa sa gilid ng palengke, pinagtulakan na agad kami ng mga mamimili. Sumisigaw si Tisay ng presyo, abala si Buchukoy sa pagtimbang at si Buknoy naman sa pagsisigaw ng preskong isda rito, habang ako naman abala ako sa pagmasid sa paligid.Hindi ako pumuwesto para tumanggap ng bayad. Hindi ako pumwesto para magbitbit ng paninda. Ang totoo, nakatayo lang ako sa may dulo habang kunwari ay nag-aayos ng lambat pero ang totoo ay
Xamira POVPagkagising ko kinaumagahan, ramdam ko agad ang kirot sa kaliwang binti ko. Namamaga ito at may malalalim pang pasa. Pati ang hita ko, may mga gasga na namaga na rin ng husto. Pinilit kong itayo ang sarili ko, pero hindi ako makalakad ng maayos. Parang nabugbog ang mga hita at binti ko sa pagkakalaglag ko kagabi sa bintana ng bahay kubo ko. Lintek kasing mga hayop na lalaki kagabi. Sino ba sila. Sana mahuli sila at maparusahan ni Kalix. Nang dahil sa kanila, malulumpo pa tuloy ako.Dahil sa nangyari, sinabi ni Kalix na hindi ako makakasama sa pangingisda kasi nakita niya ang pasa-pasa at namamaga kong mga sugat sa katawan. “Saka ka na lang sumama kapag okay ka na,” sabi niya.“Pero gusto kong sumama, Kalix,” pagpipilit ko.“Hindi puwede, Xamira. Hindi ko hahayang mabugbog pa ang katawan mo sa pangingisda, ipahinga mo na lang ‘yan. Pangako na hahanapin ko ang tatlong salarin kagabi at ako mismo ang magpaparusa sa kanila. Pero, habang mukhang baldado ka, papabantayan muna kit