Chapter 37Siting’s POVNagitla ako sa muling pagtaas niya ng boses. Hindi agad ako nakaimik. Nakatitig lamang ako sa kanya. Kay lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako sa awra niya. Ngayon ko lang siya nakita na nagalit ng ganito. Unti-unti muling nangilid ang luha sa mga mata dahil sa takot na nararamdaman ng puso ko kasabay ng unti-unting paglamlam ng mga mata niya na para bang nataohan sa ginawa niya bigla. Napahawak ako sa aking dibdib habang titig na titig sa mga mata niya.“Sandali lang, ba’t ka naninigaw? Ba’t mo ko minumura? Hindi ba pwedeng pag-usapan ng mahinahon? Kailangan talagang pairalin ang init ng ulo? N-nakailang mura ka na, ah. Kailangan ba talaga magmura!” Napaiyak na ako. Para akong batang kinagalitan ng magulang. “Oh, f*ck— I-i’m sorry, baby,” tinaas nito ang isang kamay upang hawakan ako ngunit umiwas lang ako. Nasaktan niya yung puso ko. Hindi ko inalis ang mga mata sa kanya. “Bakit ka ba nagagalit? At isa pa hindi ko alam sino tinutukoy mo. Ikaw lang na
Chapter 37Siting’s POVYung simpleng halik niya nauwi lang rin sa mainit na eksena. Oo, ako na ang marupok. Wala, eh! Mahal ko si Doc, eh!Nagising akong mag-isa na lamang sa kwarto. Bumangon ako at nilingon ang nakapatong na alarm clock sa maliiit na lamesa kasama ng isang lampshade sa gilid ng kama. Maaga pa, mag-aalas sais pa lang ng umaga. Napakunot ang noo ko kung bakit ang aga nagising ni Darius. Bumaba ako ng kama at tinungo ang banyo. Ginamit kong pantakip sa hubad kokng katawan ang ginamit naming puting kumot. Naligo ako at nagsipilyo. Nang matapos ay lumabas ako ng banyo at tinungo ang walk-in ni Darius. Nasa loob na nito ang mga damit ko dahil simula ng may mangyari sa aming dalawa ay hindi na niya ako pinapayagan pang matulog na hiwalay sa kanya.Mabilis na nagbihis ako ng susuotin ko papuntang eskwelahan. May nakaikot na tuwalya sa buhok ko ng bumaba ako ng hagdan. Nasa ikatlong palapag pa lang ako ay naamoy ko na ang mabango at mukhang masarap na ulam. Napakunot noo m
Chapter 31Siting’s POV“You bitch! Ke bata-bata mo pa, ang landi-landi mo! B*tch!” Naluha ako ng malakas niyang sinampal ang mukha ko. Tila na bingi ako sa lakas ng pagkakalagapak ng palad niya sa pisngi ko. “Taman na po!” Impit ko.“Lea, stop! What the hell is wrong with you!” Pilit na tinatanggal ni Darius ang kamay ni Ma’am Lea sa buhok ko. Hindi ako nanlaban, takot akong masaktan ko siya, ang ginawa ko lamang ay tanggalin ang kamay niyang mahigpit na nakasabunot sa buhok ko. Napayuko ako ng sinubukan muli nitong sampalin ako ngunit maagap na si Darius na iharang ang katawan niya sa akin. “Aw! Nasasaktan ako Darius, ano ba!” Impit ni Ma’am Lea.“Masasaktan ka talaga kapag ‘di mo pa bibitawan si Siting!” “Taman na po, Ma’am Lea. Masakit po,” pakiusap ko ng wala pa rin siyang balak na bitiwan ako kahit na nakaharang na ang katawan ni Darius.“Let go, Lea! Ano ba!” Saway ni Darius sa kanya. Nagawa ngang tanggalin ni Darius ang isang kamay ni Ma’am Lea ngunit nakahanap naman ito ng
Siting’s POV Kay bilis ng takbo ng sasakyan ni Errol. Tuluyan ng hindi nakahabol si Darius o baka hindi na ito nagtangka pang habulin ang sasakyan ni Errol. Hindi ko alam kung anong mararamdaman basta ang alam ko tila pinipiga ang puso ko sa sakit. Walang kasing sakit. Panay lamang ang agos ng luha sa mga mata ko habang lulan ng sasakyan ni Errol. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Wala akong paki, ang gusto ko lang ay makalayo kay Darius. Nais ko lang munang lumayo para makapag-isip-sip. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Niloko niya ako, ginawa niya akong tanga! Ang tanga-tanga ko talaga! Minsan na nga akong niloko, nagtiwala ulit ako pero ano bang inaasahan ko? Kay layo ng agwat namin ni Darius sa lahat ng aspeto sa buhay, mula sa edad, sa estados, sa mga naabot sa buhay. Siguro masyado lamang akong ambisyosa, na pwedeng magsama ang tubig at langis, na pwedeng bumaba ang langit sa lupa, ang laki kong tanga! Ang tanga-tanga mo, SIting! Uto-uto! Mas lalo lamang dumami ang
Darius’s POVI was so excited to end my shift because I’ll be able to see her again, my Sittienor. I have never been so excited my whole life going home. Kung noon, I always preferred to sleep in the hospital than staying in my house because that house that we lived in? Didn’t feel home not until she came…Ewan, since day one I saw her, I already fell in love. Those innocent eyes, pointed nose, tiny red lips, her tan skin, her shiny black hair, her sweet smell, everything about her just drives me crazy. At ngayon nga, I found myself smiling just by thinking about her. I was already inside my car, I inserted my key, and ignited the engine when suddenly my phone rang. I took out my phone from pocket, I looked at the screen and saw unregistered number. Napakunot ang noo ko ngunit ganun pa ma’y sinagot ko pa rin ang tawag. I was expecting the caller to be one of my patients.“Doc Darius Thompson?” Saad ng lalaki sa kabilang linya. “Yes speaking,” I answered.“Magandang gabi po, Doc,
Chapter 41Darius’s POV“Baby!” I called her name as she ran away from us. Sobra yung awang naramdaman ko para sa kanya. Galit na nilingon ko si Lea. Tinaas ko ang kamay at dinuro siya. “Hindi pa tayo tapos! You're gonna pay for this!” Gigil na saad ko bago ko siya tinalikuran at sinundan si Sittienor. “Baby!” Muli ay sigaw ko. “F*ck!” Napamura na lamang ako ng makitang lulan na siya ng tricycle palayo. Tumakbo ako pabalik sa sasakyan. Domuble ang galit ko ng makitang nandun pa si Lea. Tinignan niya ako at sinubukang harangin.“Love-”“Get out of my way you f*cking whore! Nagitla si Lea at napagilid ng malakas akong sumigaw. Narinig ko rin ang malakas na pagsinghap ng mga nakikiosyosong mga tao sa paligid.v “I already warned you, Lea! Just pray walang masamang mangyari kay Sittienor! Simulan mo ngayon pa lang,” I clicked the unlock key of car remote key. Nang marinig ko ang pagtunog nito’y mabilis kong binuksan ang pinto ng driver seat. Nagsitakbuhan ang mga tao paalis sa daraanan
Siting’s POVUmalis ako mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya. Hinayaan ko siya ng muling pinunasan niya ang luhang dumaloy sa magkabilang pisngi ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Samo’t saring emosyon ang nakapaloob sa mapupungay niyang mga mata. Magkahalong, awa, lungkot, sakit, pag-alala at guilt ang nakareshitro sa mga iyon. “I’m so-” hindi na niya natapos ang sasabihin ng sabay na maagaw ang atensyon naming dalawa sa biglaang pagtunog ng monitor sa gilid ni mama. Naging alerto ako bigla kasabay ng pagsipa ng puso ko. Nakakatakot yung tunog. Kay bilis na nakatayo ni Darius at nilapitan si Nanay. May pinindot siya na button. Lumapit ako kay Nanay ngunit mabilis na pinigilan ako ni Darius. Napatingin ako sa monitor ng makita ang pagbilis ng pagtakbo ng wavy lines habang nagbi-blink ang pula at dalawang numerong nasa screen. “No! Don’t come near, baby!” Nahinto ako kasabay ng pagsilaglagan muli ng mga luha sa mga mata ko. Muling sumikdo ang kaba at takot sa dibdib ko. “Anong nang
Chapter 44 Siting’s POV Iniyak ko lahat sa bisig niya. Hindi niya ako kailanman iniwan o pinabayaan. Kahit na minsan nanlalamig na ako sa kanya dahil sa nararamdaman kong lungkot pero ni minsa ay hindi ako nakarinig ng reklamo bagkus ay nananatili siyang nakaalalay sa akin. Pinili kong matulog sa kama ni Nanay. Habang yakap-yakap ko ang isa sa mga paborito niyang bestida. Kahit sa ganung paraan ay maibsan man lamang ang pangungulila ko sa aking ina. Nakatagilid ako habang nakapikit ang aking mga mata. Nasa dibdib ko ang hawak-hawak kong bestida ni Nanay. Hindi ako nag-angat ng tingin kahit ng maramdaman ko ang pagpasok ni Darius sa loob ng kwarto. Humihikbi lamang ako habang siya’y nanatiling tahimik. Huminto siya sa harapan ko sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Naramdaman ko ang pagtaas niya ng kumot hanggang balikat ko. Napapikit ako ng mariin kasabay ng paglandas ng panibagong luha sa aking pisngi. Yumuko siya at hinalikan ang aking sintindo. Mariin, puno ng pagmamahal. “You’l
Doring’s POV “Pwede ka bang lumabas?” Nakahiga na ‘ko sa kama ko ng mabasa ko ang mensahe ni Sir. “Bakit po, Sir?” “Nandito ako malapit sa inyo.” Napabalikwas ako ng bangon ng mabasa ang reply niya. “Bakit po, Sir? Ano pong ginagawa niyo malapit sa ‘min?” “Can we talk?” Kinakabahan ako ngunit may halong pananabik, pananabik na makausap siya na kami lang dalawa, pananabik na makita siya at makasama. “Ano pong pag-uusapan natin?” “About us.” Gi-atay! Kinikilig ako. May kami pala? “May ‘US’ pala, Sir?” “Please, Dorina… I really want to see you.” Pisti na! Parang ginitara ‘yong tinggil ko sa kilig. Gustong-gusto ko rin siyang makita, excited din akong marinig kong ano man ang sasabihin niya tungkol sa aming dalawa. Kinakabahan ako na, ewan. Ang problema ko lang ay kung ano ang sasabihin kong rason para makalabas ng bahay pero sana ay tulog na sina nanay at tatay para ‘di ko na kailangan pang magsinungaling. “Sa’n ka ba, Sir?” “Dito sa malaking puno ng mahogany nakapar
Doring’s POVNakailang message at misscalls si Sir nang gabing iyon ngunit wala ako sa mood na makipagtext o makipag-usap sa kanya. Panay ang pagvibrate ng phone ko ngunit ‘di ko iyon pinapansin hanggang sa nakatulugan ko na ngunit nagising pa rin ako dahil sa pagvibrate pa rin ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata. Kinuha ko ang cp at tinignan kung anong oras na. Sir E calling…Panay pa rin ang tawag niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas dose na ng gabi. Hindi ba siya natutulog? Tanong ko sa ‘king sarili. Bumangon ako. Tulog na lahat ng mga tao sa loob ng bahay. Ayokong sagutin sa kwarto ko ang tawag dahil baka marinig ng mga magulang ko sa kabilang kwarto ang bose ko. Kay nipis pa naman ng pagitan ng kwarto ko sa kanila. Pumunta ako sa tambayan sa bakuran ng bahay namin. Medyo madilim sa parteng iyon at ang ilaw mula sa buwan lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag. Ako na lang yata ang gising sa mga oras na iyon. “Hello, Sir?”“Finally,” saad niya sa kabilang linya.“Ba
Chapter 50Doring’s POV“Aaack! Kenekeleg pa rin ako hanggang ngayon sa inyo Doring!” Tili ni Siting.“Anong feeling mayakap ang kras uy!” Kiniikilig na tanong naman ni Aning sa akin.“Oo nga! Yawa! Aaack!” Tili rin ni Meling!“Para kang dinuduyan iyan sa hangin, dama ko yan ng halikan ako ni Daomingsi!” Kinikilig ring saad ni Ajing.“Okay lang,” saad ko sabay ipit ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Pabebe ba pero ang mga hinayupak kong kaibigan kinuyog ako. Si Siting Sinabunutan ako, si Aning niyugyog ang kanang balikat ko habang sa kaliwang balikat ay si Ajing habang si Meling sa leeg ko. Shutang mga kaibigan ‘to! Papatayin pa ako! “Ano ba! Maghunus dili!” Nabitiwan nila ako ng iwaksi ko ang kanilang mga kamay. “Ano ba! Ako lang ‘to! Aray! Yawa!” Muli ay impit ko ng muli nila akong kinuyog.“I’m so happy for you!” Saad ni Meling.“Sana all!” Saad ni Ajing.“How to be por you!” Saad ni Aning. “Anong how to be por you?” “E, ano ba dapat?”“How to be you!” Pagko-korek ni Siting.“E
Doring’s POV“Si Ser ba, murag taaalaaa!” Muli ay naibulalas ko. “Gusto kita, Doring,” naluha ako nang naisubo ko ang buong kamao ko sa loob ng bibig ko, nabilaukan ako, nalimutan kong kamao yung naisubo ko. Napaubo pa ako. “Okay ka lang, Doring?” Tanong ni Ser sa akin.“Ha? Ah, oo, nagulat lang ako sa sinabi mo, Ser,” saad ko. “Bakit naman?” Tanong niya muli tapos naisip ko baka gusto niya ako bilang estudyante niya hindi bilang babae. Shuta! Ang feeler ko naman!“Kasi Ser lagi niyo akong sinusungitan, paano ko mapapaniwalaan na gusto niyo ako bilang estudyante mo?” Tanong ko.“I have to… I need to, Doring nang sa ganun ay maalala kong guro mo ako at estudyante kita pero the more na pinipigilan ko ang nararamdaman ko para sa iyo ay mas lalo lamang akong nahuhulog sa iyo…” Natigil ako. Tila nahinto ang pag-ikot ng aking mundo. Totoo ba ‘tong naririnig ko? Kung sakaling panaginip pwede ba akong mananatili rito habang buhay? “Doring? Are you still there?” Untag nito sa akin ng ilang m
Chapter 48Doring’s POVKatatapos ko lang maghugas ng pinggan. Binilisan ko talaga ang paghugas dahil nananabik na akong masilip ang mga mensahe sa panay na pagva-vibrate ng cellphone kong bigay sa akin ni Sir Nalusuan. “Nay, tay, tapos na po akong maghugas. ‘Di na muna ako sa papag sa labas magpapahangin,” paalam ko sa mga magulang.“Sige, basta ‘di ka na pwedeng lumayo, anak at gabi na. Alam mo naman maraming gumagalang masasamang tao sa dis oras ng gabi,” paalala ni Nanay.“Opo, Nay!” Pagkasabi ko’y agad akong lumabas. Tinungo ko ang ginawang papag ni Tatay sa ilalim ng punong nangka, tatlong metro ang layo mula sa bahay namin. Nang marating ay agad akon4g umupo. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas at inangat ang mga paa sa papag, nagsquat ako. Sasandal sana ako buti naalala ko na giniba na pala ni Tatay ang sandalan nito dahil inanay. . Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko upang tingnan ang mga mensahe ni Sir Nalusuan. Hindi ko mapigilang manabik, mangiti at kiligin sa isipin
Siting’s POVNakaupo ako sa recliner chair habang nakatukod ang magkabilang siko ko sa gilid ng study table, hawak ang magkabilang gilid ng aking ulo. I was reviewing my notes for my upcoming board exam isang buwan mula ngayon. Pilit inaabsorb ng utak ko ang binabasa. Kailangan kong aralin mabuti para maipasa ko kaagad ang exam.“Blood component given to patients with aplastic anemia is PRBC from WB. PRBC means Pack Red Blood Cells-” natigil ako sa pagrereview ng maramdaman ko ang magaan niyang mga daliri sa magkabilang sintido ko. Unti-unti akong napaayos ng upo at dahan-dahang napasandal ang likod ko sa sandalan ng recliner chair habang dinadama ang magaan niyang masahe.“You’re studying too much, baby. Take a break, pause for a while, relax,” mahinang usal niya. Naipikit ko ang mga mata ko.“I have to, alam mo naman malapit na ang board exam. Kailangan kong mag-aral mabuti baka ‘di ako pumasa,” tugon ko.“You’re good, you’re smart, you study so hard, you’re gonna pass probably, b
Chapter 46Siting’s POV Kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit ko si Darius. Pangalawang araw ko ngayon sa hospital. Pagkatapos ng ilang test at masiguradong okay na ang kundisyo ko ay pinayagan na niya akong umuwi. Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed ko. Nakababa ang mga binti at mga paa ko, hinayaan ko iyong nakalambitin sa kama. Nasa malayo ang tingin ko. Nanghihinayang ako sa bahay ng mga magulang ko. Hindi pa nga nakahuma ang puso ko sa sakit mula sa pagkamatay ng Nanay ay namang sinundan ng bagong dagok sa buhay. Wala na nga ang mga magulang ko pati pa naman ang kaisa-isang pamana nila sa akin ay kinuha na rin. Sa lalim ng iniisip ko ni hindi ko namalayang isa-isa na muling pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Minsan gusto kong magtanong sa kanya kung bakit sobra-sobra yung pagsubok na binigay niya sa akin. Minsan parang ayoko ng maging sobrang masaya dahil sobra rin yung kapalit. Napabalik lamang ako sa katinuan ng maramdaman ko ang marahang paghawak ni Darius sa aking pisng
Chapter 45Darius’s POVI was on my way home. Habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay ng baby ko ay nadaanan ko ang isang flower shop. Napangiti ako. Binagalan ko ang pagpapatakbo. Dahan-dahan kong ginilid ang saskyan at pinarada sa parking space ng Flower shop.I turned off my engine. Kinuha ko ang susi. Binuksan ko ang pinto ng driver seat at lumabas. Humakbang ako palapit sa glass door ng flower shop. I saw the PUSH sign so I pushed the door and went inside. “Good evening, Sir!” Agad na bati sa akin ng isang lalaki.“Good evening, po! A bouquet of two dozen red roses,” saad ko.“Right away, SIr!” Masiglang saad nito sa akin.“Thank you!” “You can have a sit first, Sir while I’m making your bouquet,” aya sa akin sabay turo sa likod ko kung saan may isang round table na may babasaging vase sa gitna at two rattan chairs. “Thank you!” Muli ay pasasalamat ko. Sinunod ko ang sinabi niya. I wanted to text my baby ngunit naiwan ko pala ang cellphone sa loob ng aking kotse. Ginala ko a
Chapter 44 Siting’s POV Iniyak ko lahat sa bisig niya. Hindi niya ako kailanman iniwan o pinabayaan. Kahit na minsan nanlalamig na ako sa kanya dahil sa nararamdaman kong lungkot pero ni minsa ay hindi ako nakarinig ng reklamo bagkus ay nananatili siyang nakaalalay sa akin. Pinili kong matulog sa kama ni Nanay. Habang yakap-yakap ko ang isa sa mga paborito niyang bestida. Kahit sa ganung paraan ay maibsan man lamang ang pangungulila ko sa aking ina. Nakatagilid ako habang nakapikit ang aking mga mata. Nasa dibdib ko ang hawak-hawak kong bestida ni Nanay. Hindi ako nag-angat ng tingin kahit ng maramdaman ko ang pagpasok ni Darius sa loob ng kwarto. Humihikbi lamang ako habang siya’y nanatiling tahimik. Huminto siya sa harapan ko sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Naramdaman ko ang pagtaas niya ng kumot hanggang balikat ko. Napapikit ako ng mariin kasabay ng paglandas ng panibagong luha sa aking pisngi. Yumuko siya at hinalikan ang aking sintindo. Mariin, puno ng pagmamahal. “You’l