“Pero, mom, I love him!”
Mula rito sa kwarto ko ay rinig na rinig ko ang boses ni Ate. Napailing ako. Akalain mo ‘yon marunong pala magmahal ang isang demonyita.
Kinuha ko ang bag ko at sinukbit ito sa balikat ko. I called Drizelle to meet me in our favorite place before going out of my room. I’m planning on surprising Zander para makabawi sa pagkukulang these past weeks. We barely talk as well due to our busy schedules.
Nadaanan ko ang kuwarto nina Mom at Dad na bahagyang nakabukas. Nagtatalo si Ate at Mom. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko silang nagtatalo. Usually kasi binibigay ni Mom agad-agad ang ano mang gusto ni Ate nang walang sinasabi. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila at wala akong planong intindihin. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero agad ding napahinto dahil sa sumunod na sinabi ni Mom.
“Of all people why desire an engaged man, Ella?”
Wala akong narinig mula kay Ate maliban sa hagulgol niya. Napailing ulit ako. Iba rin ang taste ng babaeng ‘to eh. Hahakbang na sana ulit ako pero nabato ako sa kinatatayuan nang lumabas sa bibig ni Mom ang hindi ko inaasahan.
“Tahan na. Gagawa ako ng paraan para mapasayo siya.”
Binagsak ko ang paa at inis na inis na umalis.
How could they think of ruining someone else’s relationship? Paano kung sa relasyon nila ni Dad gawin ‘yon? Paano kung sa anak nila gawin ‘yon, sa amin ni Ella? Paano kung gawin sa relasyon namin ni Zander ‘yon? Don’t they know karma?
Dumiretso ako sa garahe at pinaharurot paalis ang puting Lamborghini Urus na kotse ko. Binili ko ‘to gamit ang sariling pinaghirapan kong pera. Ito ang unang iniregalo ko sa sarili ko. Habang nagmamaneho ay nakasalubong ko ang kotse ni Zander na binabaybay ang daan papuntang mansion ng Sullivan.
Dali-dali kong nilagay ang bluetooth handsfree sa tenga at tinawagan si Zander gamit ang navigation system. Isang ring pa lang ay sumagot na siya.
“Hi, baby. Why did you drive? Papunta na dyan ang drive ko. Excited ka ba sa lunch natin?” bungad niya na ikinakunot ng noo ko.
“What lunch, love?” sagot ko at diniinan ang endearment namin na lagi kong ginagawa tuwing tinatawag niya akong baby.
I just don’t like the baby-thingy parang pang teen-ager and we’re adults. Love sounds mature and sounds better.
“Anastasia?” gulat at nauutal pang sambit niya. He sounded like he was expecting someone else.
“Oh? Bakit parang hindi ako ang inaasahan mo? May hinihintay ka bang ibang tawag?” nagtatakang tanong ko. Hindi ko maalis ang mga kunot sa noo ko.
“Nagulat lang ako at may time ka pa sa lalaking papakasalan mo.” Mabigat at may diin niyang binigkas ang bawat salita.
“I’m sorry, love. I know I was busy these past few weeks. I‘ll make it up to you. I promise.” Kinagat ko ang ilalim na labi. Hindi kami pwedeng mag-away ngayon. Ikakasal na kami next month. “And about the lunch, I’ll be there. I have all the time for you now, love. Just tell me where and what time. Dadaan lang muna ako sa Wallow to meet Drizelle,” paliwanag ko nang hindi inaalis ang tingin sa daan.
“Okay...” maikling tugon niya.
“See you later. I love-”
Napabuntong hininga ako nang ibaba niya ang tawag at hindi man lang ako pinatapos. Inis kong winaksi ang earpeace na nasa tenga ko. Hinigpitan ko ang hawak sa steering wheel at tinapakan ang gas. Pinarada ko ang kotse sa parking space ng Wallow Restaurant na laging naka-reserve para sa ‘kin, sa suki at isang Sullivan.
Bumaba ako ng kotse at tinitigan ang lugar. Ang ganda ng lugar mapalabas at mapaloob. Ang landscape, ambiance, lokasyon at mga pagkain at inumin walang palya maliban na lang sa sistema nila dahil ang nakakatapak lang sa engrandeng lugar na ‘to ay mga mayayaman at may pangalan sa lipunan.
Nakabusangot akong pumasok sa loob pagkatapos akong pagbuksan ng pinto ng guwardya. Agad namang lumapit ang isa sa mga waitress sa ‘kin. I looked around for the manager. Dati kasi siya ang nagi-entertain sa ‘kin but I don’t mind. Maybe he's not around.
“This way, engineer. Miss Agincillio is waiting for you.” Ginaya niya ako patungo sa lagi naming pwesto. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ko nang lumagpas kami sa usual private room namin. I called for the waitress' attention.
“Miss, isn’t this the place?” I pointed on the biggest room for VIPs.
“No, ma’am. The room was reserved ahead of time,” paliwanag ng babae kaya tumango na lang ako.
Sakto namang bumukas ang pinto dahil lumabas ang isa sa mga waiter. Napangiwi ako nang makita ‘yong gagong Xeonne na prenteng nakaupo sa couch at nakaakbay sa dalawang babaeng nagkulang ang tela ang mga suot na nakaupo sa magkabilang gilid niya. Tumuwid siya ng upo nang makita ako sa awang ng pinto.
“Don’t close the door,” aniya sa waiter. “The view is beautiful.” Ngumiti siya sabay kagat ng ibabang labi habang nakatingin sa ‘kin.
Inangatan ko siya ng kaliwang kilay saka ng isang gitnang daliri at umirap bago umalis. Narinig ko na naman ang nakakakulo ng dugong mga tawa niya. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang dugo ko tuwing nakikita ko siya.
“Oh bakit naka busangot ‘yang mukha mo?” bungad ni Drizelle. Umiiling niyang sinubo ang tinidor na may slice ng red-velvet cake. “So ano ang atin?” dagdag niya at ibinaba ang tinidor.
Hinila ko ang upuang nasa harapan niya at pabagsak na umupo rito. Nilapag ko ang bag sa mesa at pinag-cross ang mga binti. Sumandal ako at humalukipkip.
“Nakasinghap lang ng masamang hangin,” nakasimangot kong wika. “Anyways... I will surprise Zander next week. Since I am freaking jobless we could go out of town. What do you think?” Hinintay ko ang suhestyon niya.
“Hindi ka ba muna mago-order?” Nagkibit-balikay siya.
“Hindi na. Nag-aya kasi si Zander na mag-lunch,” sagot ko.
Inikot ko ang tingin para tingnan ang kabuoan ng kuwarto. Maliit at simple lang siya pero maganda. May bilog na mesa sa gitna na binabalot ng puting tela at may upuang gawa sa makapal na kahoy ang nakapuwesto magkabilaan sa mesa. The wall is painted cream and is holding various renaissance paintings. The floor is layered with khaki vinyl. The ceiling was painted beige and is holding a bronze French style chandelier. On our side was a huge glass window with parted brown thick curtains. The view of the river and the COE bridge from here is refreshing. This room perfectly suits a couple having a romantic dinner. I should take Zander here for dinner.
“Hoy!” Binagsak niya ang braso sa mesa. “Nakikinig ka ba? Pangiti-ngiti ka d‘yan?” Malisyosa niya akong tiningnan.
Napapitlag naman ako sa ginawa niya. Binalik ko ang tingin. “Sorry... what were you saying?”
“I said, you should not go out of town. Hassle lang ‘yon. Why don’t you have a romantic date on a cruise? Spend a night together,” suhestiyon niya at tinaas-baba pa ang kilay.
“But wouldn’t it be boring? Anong gagawin namin do’n? Panoorin Ang mga dolphin buong araw? Alam mo naman si Zander madaling magsawa ‘yon.” Kinagat ko ang ilalim na labi para mag-isip ng magandang gawin.
“Buti hindi nagsawa sa ‘yo,” bulong niya.
Halos magdugtong ang mga kilay ko sa narinig. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o ano. Humilig ako paharap para ilapit ang sarili sa kanya.
“What did you say?”
“Wala!” Ngumiti siya nang pilit at napakamot sa batok. “Sabi ko para hindi magsawa ay asikasuhin mo lalo na pag gabi.” Nginitian niya ako nang nakakaloko at may kasama na namang taas-baba ng kilay.
“It can wait naman ‘til next month. After the wedding and during the honeymoon. Alam mo naman ang paniniwala ko na-”
“Ang pagiging birhen ang pinakamagandang regalo mo sa asawa mo,” dugtong niya sabay paikot ng mga mata. “Pero ‘yon nga eh... ikakasal na naman na kayo next month. Sigurado naman na kayo do’n ‘di ba?” Tiningnan niya ako at hinintay ang sagot ko kaya tumango na lang ako. “Iyon naman pala eh. Ibigay mo na. You’re both adults naman na at halos limang taon ding hinintay ni Zander ‘yan.” Sumubo na naman siya ng cake.
“Well... he waited for five years. For sure he could wait until next month.” I shrugged.
Napahilamos siya sa mukha at tamad na sumandal sa upuan. “Hindi sa pinag-oover think kita ha pero what if kaya siya nakapaghintay sa loob ng limang taon dahil sa iba niya ginagawa?”
I pulled a long face and stared straight in her eyes. “Do you know something?”
Umiwas siya ng tingin sabay tawa ng pilit. “Kaya nga what if. Ano ka ba!” Mahina niyang hinampas ang braso kong nakapatong sa mesa. “Hindi naman siguro magagawa ni Zander ‘yon. Kilala na natin siya since college. Mahal na mahal ka no’n at ako ang saksi sa pagmamahal niya,” bawi pa niya bago mabilis na uminom ng juice habang namumula ang mukha. “Pasensya ka na kung maliit na kuwarto lang ang kinuha ko ha? Ito lang kasi afford ko.” Pag-iiba niya ng usapan.
“It’s okay...” Tiningnan ko ulit ang silid. “Actually, I like it. I should take Zander here some time.” Napangiti na naman ako sa naiisip.
“Alam mo ikaw lang ang mayaman na mahilig sa simple.” Pinasada niya ang tingin sa ‘kin. Tinapunan niya ng tingin ang bag kong nasa mesa. Pansin ko ang sandaling pag-ngiwi ng labi niya.
Wide-leg denim pants, oneshoulder white fitted top, sneakers at simpleng black sling bag lang ako. I always wear simple para kahit anong oras na may emergency sa site ay pwede akong dumiretso do’n nang hindi inaalala ang suot ko. I checked my phone pero wala pa ring message galing kay Zander. I was about to call him but my phone rang and Dad’s name flashed on the screen. I swiped it to the right to answer his call.
“Come to my office and present the proposal to Mr. Monteverde.” His voice was full of authority.
“But ,Dad, I am no longer your employee. Besides it’s lunch time and I’m going out for lunch with Zander,” I frowned.
“But, Anastasia, you’re still my daughter. Besides I haven’t signed your resignation yet.”
Napasimangot ako nang gayahin niya ang pananalita ko.
Yeah right... I am your daughter but you never treated me as one. You just feed me, clothed me, sheltered me but never made me feel like I am part of the family, that I am your daughter.
Diniinan ko ang kagat sa ilalim na bibig para iwasang lumabas ang hinanakit ko sakanya, sa kanila ni Mom. Kahit ‘yan ang pinaparamdam nila ay may respeto pa rin ako sa kanila and I don't want to hurt them.
“Marami namang pwedeng mag-present sa kanya, Dad. Pwede namang si Ate o ikaw,” maktol ko.
“He pushed your twin sister out of the conference room and he doesn’t want me either. He wants you,” Dad explained.
Hindi ko mapigilang mapangita dahil sa ginawa niya kay ate. “Pero bakit ako?”
“Iyan din ang pinagtataka ko,” mabilis niyang sagot at pinahid no’n ang mga ngiti ko sa labi.
Grabe ka sa ‘kin dad ha. Pwede mo namang sabihin na dahil sa ganda ko o talino ko o ano.
“Please... sweetheart,” paglalambing niya.
Napabuntong hininga ako at um-oo. Dali-dali akong nagpaalam kay Drizelle and asked her a favor to prepare the date on the cruise at pumayag naman siya. I also messaged Zander na hindi ko siya masasamahan sa lunch and that I am sorry.
Nakasimangot akong pumasok ng conference room. Sinalubong ako ng mga mata ni Xeonne na prenteng nakaupo. Nakapatong ang mga binti sa parehabang mesa at sa dibdib naman ang mga braso.
“Mr. Monteverde...” malamig kong tawag sakanya.
“Yes, Mrs. Monteverde?” Ngumisi siya sabay kagat-labi.
“Shall we start?” I clicked the remote control to open the projector. The presentation flashed on the huge white screen. Dad prepared the presentation himself, that’s how powerful this man in front of me is. I had some minutes to scan the project proposal and revise the presentation. I put some Anastasia’s little touch on it. “Are you presenting it now? Here? Just the two of us?” Umikot siya paharap gamit ang swivel chair. Pinag-cross ko ang mga braso sa d*bdib. “I was informed that you wanted me to present it to you, alone. Tapos ngayon nagrereklamo ka?” “Hmm...” Nilapit niya ang kamay sa labi at tumingin sa kisame na animo’y nag-iisip. “Do you have a say with that?” aniya sabay balik sa ‘kin ng tingin. Sandali akong natigilan sa sinabi niya. May kung anong humaplos sa sistema ko. Buong buhay ko ito ang unang pagkakataon na may taong kusang inaalam ang opinyon ko, ang nararamdaman ko. Maliit na bagay lang ‘to pero pinaparamdam nito ang halaga ko. “Does that even matter? Hindi n
“Teka... Ihinto mo ang kotse,” utos ko saka mabilis na ibinaba ang bintana at dumungaw dito. “What’s wrong?” tanong niya at agad hininto ang kotse. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ang tila magkasintahan na kakapasok lang sa isang Chinese restaurant. Nakaputing dress ang babae na abot hanggang talampakan ang haba. Mahaba rin ang magkabilang manggas nito. Kinurba rin nito ang katawan ng babae na para bang nagsilbing pangalawang balat niya ang puting tela. Ang lalaki naman ay nakaputing long sleeves at itim na fitted jeans. Si Zander ang lalaki. Sigurado ako. Kilala ko siya mula talampakan hanggang ulo kahit nakatalikod. “I think I saw my fiance with someone else,” pabulong kong wika. “Do you want me to drop you by?” Tumingin siya sa rearview mirror. “Susugurin mo ba siya? I got your back.” Lumingon siya sa ‘kin at hinintay ang sagot ko. “No, it’s okay. Baka namalikmata lang ako,” rason ko. I dialed Zander’s number but it’s cannot be reached. Pagkarating ng Mont De Corp ay ma
Taas-noo akong pumasok ng SI bitbit ang isang kahon ng gamit ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na sa Design and Construction team. Pagkapasok ng kuwarto ay lahat sila napatingin sa direksyon ko. “Tasya!” Tumakbo si Reneigh at sinalubong ako. “Dito ka na ba ulit?” galak na galak niyang tanong at tumango ako bilang tugon saka siya nginitian. Kumapit siya sa braso ko at taas-noo naming tinungo ang desk na nasa pinakaharap. Ang mga kapwa ko engineers, mga draftsmen, and office girls at boys naman ay napayuko lang. Binaba ko ang kahon sa ibabaw ng desk ko at inikot ang tingin. “Sana hindi ma apektuhan ang trabaho natin dahil sa hindi pagkakaintindihan.” Binigyan ko sila ng isang napakatamis na ngiti ngunit walang ni isang nangahas na tingnan man lang ako. “Lahat ng pinagawa ko sa inyo bago pa ako nag-resign which was three weeks ago, I want them all at five o‘clock sharp in the afternoon, today. No exceptions. The sooner the better,” anunsyo ko. Lahat sila napatingin s
“Mang Kanor, kayo na po ang bahala rito ha.” Paalam ko at tinungo ang kotse. Dumaan muna ako sa bahay para magpalit. Pagkarating ko ng bahay ay saktong paalis naman ang bruha kong kambal na nakaayos mula ulo hanggang paa. Nakaitim siyang tube-dress. Halos kita na ang singit sa sobrang ikli nito at halos iluwa na nito ang dibd*b sa sobrang sikip. Naka-bun naman ang buhok niyang pinalibutan ng kumikinang na dyamante at perlas. Suot na naman nito ang mamahaling sapatos. Umikot-ikot siya sa harapan ko na tila pinipresenta ang magarang suot. Tumama naman sa braso ang branded niyang bag. “Hey... watch it! Baka magasgasan,” siya niya sa ‘kin. Napangiwi ako. “Ako na nga ang tinaman, ikaw pa ang galit?” “Whatever!” Pinaikutan niya ako ng mata. “Magdi-date kami ng boyfriend ko,” deklara niya. “Edi enjoy.” Tumalikod ako at papasok na Sana ng bahay. “Sabi ko may date ako,” ulit niya na may bahid ng inis. Hinarap ko siya nang magkasalubong ang mga kilay. “Ang susi ng kotse.” Nilahad niya ang
Nalalasahan ko ang alak sa labi niya. Kinabig niya ang bewang ko kaya sandaling nagdikit ang mga katawan namin. Ang sandaling ‘yon ay nagmistulang hanging na nagpalaki sa apoy. Ramdam ko ang matipuno niyang katawan. Naghalo ang amoy ng alak at pabango niya. Nakakalasing. Nakakalasing ang amoy niya, ang bawat haplos niya, at ang mga labi niya. “Anastasia...” sambit niya sa pangalan ko sa pagitan ng pagdampi ng mga labi namin. Lalong gumandang pakinggan ang pangalan ko dahil siya ang bumabanggit nito. Bawat letra ng pangalan ko ay binuo niya ng may galak at paghanga. Dahan-dahang naglakbay ang mga kamay niya mula sa bewang ko paakyat sa likuran ko, sa balikat ko at huminto sa pisnge ko. May kung anong mahika ang mayroon ang mga kamay niya na nagdulot ng kakaibang nakakakiliting sensasyon sa buong pagkatao ko. Hinaplos niya ang mga pisnge ko at hinatak ako sa batok para laliman ang hal*k. Bumaba ang malambot mainit niyang labi sa baba ko hanggang sa leeg ko. Pinaulanan niya ng hal*k an
Nagising ako na masakit ang ulo. Hinilot ko ang sintido. Napatulala ako sa kisame at inalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na sinuko ko na ang sarili kay Zander. Napangiti ako saka hinarap ang katabi ngunit bakanteng espasyo ang bumungad sa ‘kin. Sinubukan kong tumayo pero agad akong napad*ing dahil sa sobrang pananakit ng pagkababae ko. Binagsak ko ang katawan pabalik sa kama. Dahan-dahan kong ibinaba ang paa sa gilid ng kama. Halos magdugtong ang mga kilay. Nilibot ko ang tingin at ni katiting na parte ng kuwartong ‘to ay walang pamilyar sa ‘kin. Simple lang ang pina-book ko na kuwarto kay Drizelle, kuwarto lang na may sariling banyo at maliit na sala na may dalawang pangisahan na sofa. Malayong-malayo ang silid na ‘to sa amin. Ito ang tipo ng kuwarto na mukhang ginto at siguradong presyong ginto. Kaya kong bayaran ang isang gabi ko rito pero siguradong mauubos lahat ng savings ko. Bawat sulok ng silid ay may presyong dyamante, mula sa mga sining na nakakabit sa dingd
Hindi ko maintindihan. Nagkulang ba ako sa kanya? Hindi ba sapat na pagmamahal, respeto at oras lang ang naibigay ko? Kung hindi ba ako nagkamali ng kuwartong pinasukan kagabi ay hindi mangyayari ‘to? Kasalanan ko ba ang lahat ng ‘to? “Good morning, baby,” bati ni Zander kay Ella pagkagising na pagkagising niya. Tahimik akong nagtago sa likuran ng makapal na kurtina. Kasalukuyang nakatalikod sa ‘kin si Zander habang yakap-yakap ang natutulog na si Ella. “Good morning, baby,” tugon ni Ella. Bahagya akong sumilip. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ngunit hindi ko magawang hindi manuod. Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa pinaggagawa ko. Siguro nga ay masokista nga ako. “Baby...” tawag ni Zander. Hinaplos niya ang mukha ni Ella at inangkin ang mga labi nito. Baby. Napapikit ako nang mariin sa mga ala-alang pumasok sa isipan ko. Noong tumawag ako nang mga nakaraang araw ay imbes na tawagin ako sa endearment namin ay baby ang katagang lumabas sa bibig niya. Minsang nagh*halikan
Buong araw akong nanatili sa lido deck. Halos makilala ko na nga mga taong labas-masok sa lugar. Nakatulala lang ako buong magdamag. “Drinks, ma’am?” saad ng waiter na huminto sa tabi ko. Nilingon ko siya nang dahan-dahan at sandaling tiningnan. Hindi ko siya sinagot at binalik ang tingin nang dahan-dahan sa harapan, sa kawalan. Umalis na lamang siya sa tabi ko. Palubog na ang araw nang makabalik ang cruise sa daungan. Bago bumaba ay nagtipon-tipon na naman ang mga magkasintahan dito sa deck para panuorin ang paglubog ng araw. Paglubog ng araw, senyales na tapusin na ang ngayon at magpahinga dahil may susunod pang bukas. Nang tuluyang kinain ng kadiliman ang paligid ay naghiyawan silang muli bago gawaran ng matamis na h*lik ang kasama. Napabuntong hininga ako habang pinapanuod sila. “Sana all,” mahinang sambit ko saka tumayo bitbit ang sapatos at bumaba ng barko. Nakaabang naman sa ‘kin
Natigilan si Drizelle sa narinig.“Ate Cee?” mahinang bulong niya.Binaba niya ang kamay na may hawak na kutsilyo. Ngumiti siya at nilingon ang nagsalita. Tumayo siya para salubungin ang ate niya.“Ate Cee!” Masaya niyang inunat ang dalawang kamay sa direksyon nito.Nilampasan ni Ella si Drizelle at dumiretso sa ‘kin.“Ella, ano ang ginagawa mo rito?” nangangambang tanong ko.“Sinundan ko si Mom at Dad sa bahay ng mga Monteverde. Nagkakagulo na ro’n. Tapos may natanggap akong mensahe kung nasaan ka.” Tinulungan ako nitong tumayo.“Kailangan nating tumakas. Dala mo ba ang kotse mo?” mahinang tanong ko.“Hindi, nag-taxi lang ako kasi hindi ko kabisado ang daan. Ayaw ding pumasok ng taxi kaya naglakad pa ako ng ilang metro,” paliwanag nito.“Paano na ‘to?”“Huwag kang mag-aalala kakausapin ko siya.” Akmang lalapitan na nito si Drizelle na nakatayo at nakatalikod sa ‘min.Hinawakan ko ang braso nito at pinigilan. Umiling ako. Marahan nitong tinanggal ang pagkakahawak ko at ngumiti.“Dee,
Umiling ako. “H-Hindi ko piniling palitan ka, Drizelle. Bata lang ako noon. Wala akong kamuwang-muwang. It didn’t even cross my mind to replace anyone, especially not you.”“Shut up! Shut up!” Tinakpan niya magkabilang tenga. “Huwag kang bait-baitan! Hindi mo ako maloloko!” “Lahat ng sinabi ko sa ‘yo totoo. Lahat nang pinakita ko, pinaramdam ko.” Uminit ang mga mata ko. Bumalik sa isip ko ang mga pinagsamahan namin noong kolehiyo. Siya lagi ang kasama ko pag-break time, sa lunch at sa uwian kahit na magkaklase kami ni Ella. Ella was surrounded by girls our age while I felt like an outcast but everything changed when I met Drizelle. She made feel like I belong, like I’m not alone. She even defended me from Ella.“I-Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan, Drizelle. Ikaw lang ang naging kakampi ko. Parang kapatid na nga kita-”“It’s because of my hardwork. I only befriended you to know you, to know your weaknesses. Dahil do’n I was able to make everyone envy you, hate you. Especially Ell
Nakahinga ako nang maluwag nang ginawi niya ang ulo sa direksyon ng silid na nakasara ang pinto.“I’m coming, Anastasia…” Pinihit niya ang doorknob.Napatakip ako ng bibig nang bigla niyang hampasin ang pinto nang mapagtantong naka-lock ito. Marahas at paulit-ulit niyang pinihit doorknob. Napaungol siya sa inis at sapilitang binuksan ang pinto gamit ang mga sipa.“Lalo akong nasasabik sa pgapapahirap mo, Anastasia,” aniya pagkatapos matagumpay na nabuksan ang pinto. “I’m coming, Anastasia...”Sumilip ulit ako at nakitang hinalughog niya ang kuwarto. Hindi niya pinalampas loon ng aparador at ilalim ng kama hanggang sa isang lugar na lang ang natura. Ang banyo.“Nandito na ako, Anastasia.”Napatayo ako nang tuwid nang bigla niyang pagsaksakin ang pinto ng banyo habang tumatawa na parang banyo.“Nanginginig kana ba sa takot? Ha? Anastasia?” Patuloy siya sa pagsaksak ng pinto.Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto habang naaaliw pa sa kahibingan niya si Chase. Sinenyasan ko si Drizelle na
Hininto ko ang sasakyan sa harap ng malaking gate na gawa sa metal at binalot ng baging. Hinayaan kong bukas ang ilaw ng kotse na nakatutok sa mansyon bago lumabas. Tinulak ko ito pabukas. Nangangalit ang mga ngipin ko dahil sa langitngit na tunog nito.Binalik ako sa sasakyan at nagmaneho patungo sa malaking abandonadong mansyon. Wala akong makita sa paligid maliban sa nagtataasang ligaw na mga halaman patunay sa matagal na panahon na napabayaan.I stopped the car at the towering mansion infront of me. It is twice bigger than the Monteverde’s. I went out with the duffle bag in my hand. I pushed the giant dusty door open and was welcomed by an empty huge living room. Napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw. Napamulat ako dahil sa walang tigil na ungos. Sa gitna ng silid ay si Drizelle na nakaupo at nakagapos sa silyang gawa sa sa makapal na tabla. Wala siyang panyapak at may busal ang bibig . Namumula ang pisnge at magulo ang buhok. Nagpupumiglas siya at may nais sabihin sa ‘kin.
ANASTASIA’S POVNaghihintay ako sa perang pinahanda ko nang nakaraang linggo. Napatingin ako sa cellphone nang may matanggap na mensahe mula sa cellphone ni Drizelle. Video iyon ni Drizelle na nakagapos at pinagsasampal ng lalaking naka maskara at may tattoong ahas na nakapulupot sa rosas sa braso. Nag-ring naman agad ang cellphone na hawak ko at bumungad sa screean ang pangalan ni Drizelle. Sinagot ko ang tawag.“Forward the video I just sent to Tremaine Sullivan,” utos niya.Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Ano ang gusto niyang mangyari? Ano ang gusto niyang palabasin?“Now!”Napamura ako sa likod ng isipan sa biglaan niyang pagsigaw kasabay niyon ang pag-iwas ko ng cellphone sa tenga. Agad kong pinasa ang video kay Tremaine nang walang pag-alinlangan. Wala na akong pakealam kung ano ang isipin nito dahil una pa lang ay maspinili na nitong
“Is this a new trick? You can’t use her mother to get her so you’re making up stories?” I sneered.“I’m telling the truth. Why don’t you ask your parents? They knew my son and daughter-in-law very well.” He diverted his eyes to mom and dad who were standing behind me.“What is he talking about?” My brows furrowed at them.“H-Hindi ko alam,” pagtatanggi ni Dad. Hindi ito makatingin nang diretso sa mga mata ko.Alam kong nagsisinungaling ito. Napayukom ako ng palad. Sasayangin lang ba niya ang pangalawang pagkakataong ibinigay ko sa kaniya?Tumawa si Don Hildegarde. Umigting ang panga ko. Pinaglalaruan niya ba ako?“Alam kong itatanggi mo kaya naman nagbaon na ako ng ebidensiya.” Binaling niya ang tingin kay Lucero.Lumapit sa ‘kin si Lucero at b
The phone Lucero gave me rang. The words bank manager appeared in the screen. My brows furrowed. We just talked awhile ago. I answered the call.“Xeonne…”I froze hearing her voice. My heart pounded fast against my chest. “Where are you, Wife?”Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsalita. “Tumawag ako para sabihing huwag kang maalala-”“Paanong hindi ako mag-aalala when you’re walking towards a trap? The kidnapping is a bait, Anastasia.” Tumaas ang boses ko.“I know-”“You know? What do you mean you know?” Napahilot ako sa sintido.“I just want some answers, Xeonne,” mahinang sagot niya.“I have almost all the answers to your questions, Anastasia. I’m telling you everything just come back here please.” I begged.“Alam kong patuloy ang pag-iimbestiga mo, Xeonne, pero gusto kong malamaan kung bakit niya ‘to ginagawa. Gusto kong malaman kung bakit gano’n na lamang ang galit niya sa ‘kin. Gusto kong manggagaling mismo sa bibig niya ang lahat-lahat,” kontra niya.Bumuntong-hininga ako. “
Bumusina ako para kunin ang atensyon ni Anastasia pero nagmamadali siyang pumasok sa taxi habang may kausap sa cellphone. Tinapakan ko ang gas at binilisan ang pagmamaneho para hindi mawala sa paningin ang taxi. Kinabisa ko ang plate number nito.Napasulyap ako sa monitor ng sasakyan nang makitang tumatawag si Lucero. Nagsalubong ang mga kilay ko. Does he know Victoria?Mabilis kong sinagot ang tawag at binalik ang tingin sa harap.“I located Faker,” bungad niya.“And?” tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa taxi.“Pagmamay-ari ni Ella ang sapatos na nasa crime scene,” sagot niya.“Tell me there’s more to it, Lucero. Hindi pwedeng may kinalaman si Ella sa nangyari four years ago.” Humigpit ang hawak ko sa manibela. “Ikadudurog ito ni Anastasia.”Sandaling natahimik si Lucero. Dinala ng katahimikan niya sa isipan ko ang mukha ni Anastasia’ng umiiyak at nasasaktan. Fuck. I hate seeing her cry. Thinking of her hurt is hurting me.“Yes, there’s more to it,” biglang salita ni Lucero.“
XEONNE’S POV “Anastasia!” I called but she ignored me.I ran after her but Luciano ordered his men to stop me. Two men grabbed me and the other two blocked me with their bodies.“Anastasia!” I called again but she kept going she didn’t even look back.I tried to escape but I was outnumbered. They pin me down. I heard bewildered murmurs from guests. I feel their disgusted stares of judgements. Whatever they say, whatever they think of me doesn’t matter. What I worry most was Anastasia’s thought of me. “Mama!” my son cried out.His cry was painful. I felt a pang on my already hurting chest. I clenched my fist. “Let me go!” I screamed forcing myself on my feet and pushed off one of the men.“Let him go,” my grandfather commanded.“No,” Luciano opposed.The other three loosened their grasps. Wala pa sa kalingkingan ng matanda ang awtoridad ni Luciano. He couldn’t even over power me and he really think he could surpass the old man? His audacity is making him stupid. I pulled my arms off