“Teka... Ihinto mo ang kotse,” utos ko saka mabilis na ibinaba ang bintana at dumungaw dito.
“What’s wrong?” tanong niya at agad hininto ang kotse.
Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ang tila magkasintahan na kakapasok lang sa isang Chinese restaurant. Nakaputing dress ang babae na abot hanggang talampakan ang haba. Mahaba rin ang magkabilang manggas nito. Kinurba rin nito ang katawan ng babae na para bang nagsilbing pangalawang balat niya ang puting tela. Ang lalaki naman ay nakaputing long sleeves at itim na fitted jeans. Si Zander ang lalaki. Sigurado ako. Kilala ko siya mula talampakan hanggang ulo kahit nakatalikod.
“I think I saw my fiance with someone else,” pabulong kong wika.
“Do you want me to drop you by?” Tumingin siya sa rearview mirror. “Susugurin mo ba siya? I got your back.” Lumingon siya sa ‘kin at hinintay ang sagot ko.
“No, it’s okay. Baka namalikmata lang ako,” rason ko. I dialed Zander’s number but it’s cannot be reached.
Pagkarating ng Mont De Corp ay may dalawang hanay ng mga lalaking naka-suit ang nakaabang sa entrada. Lumapit ang isa sa kanila sa kotse. Napangiwi ako nang nauna nilang pagbuksan ng pinto si Xeonne, akala ko ako. I was about to push the door open but he swiftly did it for me.
Ginaya niya ako papasok ng kompanya pero imbes na dumiretso sa conference room ay sa opisina niya kami pumunta. Pinagbuksan niya ako ng pinto at kunot-noo naman akong pumasok.
“Good morning po, sir,” bati ng sekretarya niya na hindi maalis-alis ang sama ng tingin sa ‘kin.
“Good morning. Nasaan na ang ice pack?” aniya. Mabilis na binigay sa kanya ng babae ang hinahanap niya. Binaling niya ang tingin sa ‘kin. “Anastasia...” tawag niya sabay lahad ng kamay sa harap ko.
Nakasalubong ang mga kilay kong sinulyapan ang kamay niya. Pinatunog niya ang dila saka mabilis na kinuha ang kamay ko at pinatong ang ice pack sa likuran nito. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ito. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya at nagsalubong ang tingin naming dalawa.
“Does it hurt?” Ginawi niya ang tingin sa kamay ko.
“I-I’m fine.” Umiwas ako ng tingin at pansin ko ang matalim na titig ng sekretarya niya.
“Sir, hinintay na po kayo sa conference room,” sabi nito.
Mabilis kong binawi ang kamay. “Okay na ako. Tara na.” Tinalikuran ko siya at akmang aalis pero mabilis niyang hinuli ang braso ko at hinatak ako paharap sa kanya.
Lumaki ang mga mata ko nang inangat niya ang manggas ng damit ko. Mariin niyang pinagmasdan ang braso ko.
“A-anong ginagawa mo?” Tinapik ko ang kamay niya ngunit sa kabiling manggas naman ang inangat niya.
“They’re swollen...” nag-aalalang sambit niya nang hindi inaalis ang mga mata sa braso ko.
Sinilip ko ang mga ito and he was right. Dad left hand prints around my arms and it purpled.
“Does he hurt you often?” he asked.
Umangat ako ng tingin at sinalubong na naman ako ng nga mata niyang puno ng pag-alala.
“No... shall we go? Marami pa kasi ang gagawin.” Pag-iiba ko ng usapan. Napabuntong-hininga siya bago tumango at lumabas na.
Pagkarating ng conference room ay wala na akong sinayang na oras at nagsimula na agad. Hindi ko pinansin ang mga tingin nila sa ‘kin imbes sa pinipresenta ko at nagpatuloy lang. Hindi na bago ito sa ‘kin. The media and netizens describe my beauty as magnetic. I could attract men without doing something in particular. Having this face have advantages and disadvantages. After almost an hour I finished my presentation.
Napatingin ako sa nag-iisang taong pumalakpak. Nakaupo siya sa pinakadulo ng parehabang mesa. Lahat kami ay napatingin sa gawi niya.
“What?” nagtatakang tanong niya sa reaksyon niya. Binalik niya ang tingin sa harap, sa ‘kin. “Magaling naman talaga siya eh,” pangiti-ngiti niyang dagdag.
“Xeonne is right. What would we expect from the number one in demand engineer in town?” komento ng isa sa mga board of members. May katandaan at katabaan ito.
“Couldn’t agree more.” Tumayo ang isa sa kanila. Sa kanilang lahat ay siya ang pinakabata at tantya ko ay magka-edad lang sila ni Xeonne. “Congratulations with the successful presentation, Engr. Sullivan.” Nakangiting nilahad nito ang kamay sa ‘kin. Nginitian ko siya at inangat ang kamay para kamayan siya.
“Congratulations for winning the bid, Engr. Monteverde. I’ll send the contract after having some words with your dad.” Biglang sulpot ni Xeonne at mabilis akong kinamayan.
Natigilan ako sa narinig. “Seryoso? I won the bid?”
“You sure did. You deserved it. I want you to handle the project, okay?” Hinapit niya ang bewang ko at ginaya palabas ng silid. Tumango lang ako bilang tugon.
Hindi maiwasang makinig sa pinag-uusapan ng mga tao sa paligid lalo na sa mga kapwa ko babae.
“Nadaan sa ganda.”
“Siguradong mabibilang lang siya sa ikakama.”
“What’s so good about her?”
“Kita mo ikakasal na lumalandi pa.”
He leaned closer next to my ears. “Don’t listen to them. Inggit lang ang mga ‘yan kasi ni tingin ay hindi nila makuha mula sa ‘kin.”
Napabuntong-hininga ako at hinarap siya.
“Let me make things clear, if you’ll gave me the project because you wanted to sleep with me then it’s all yours.” I gave him a stern look. He’s a notorious womanizer after all.
Napaismid siya saka dumistansya. “Gano’n na ba kababa ang tingin mo sa ‘kin? I don’t force women to sleep with me. I don’t bribe any of them either. Women throw themselves at me, who am I to say no to blessings?”
“Sir, Don Luxio is calling for you.” Singit ng sekretarya niyang halos iluwa na ng suot na pantaas ang malulusog na dibdib.
“Send her home.” Sinenyasan niya ang isa sa mga guwardiya niya.
“Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko. I’ll go ahead,” paalam ko. Hindi ko siya hinayaang makapagsalita pa at agad nang lumabas ng gusali.
I texted Zander if he could pick me up but I got no response. I called him but as usual his cell is cannot be reached. Wala akong nagawa kundi ang mag-taxi na lang papunta sa condo niya. Dumiretso ako sa fourth floor kung nasaan ang unit niya. Halos magdugtong ang mga kilay ko nang Hindi bumukas ang pinto pagkatapos kong i-enter ang pin. I tried some more time but still it didn’t open.
“Pinalitan niya?” Napatitig ako sa pintuan. “Pero bakit?” bulong ko.
Baka pinagtitripan ako?
Kinatok ko ang pinto at tinawag ang pangalan niya nang paulit-ulit ngunit katahimikan lang ang nakuha kong sagot.
“Walang tao d‘yan... Oh ikaw pala, Tasya.” Napangiti ang matanda na kakalabas lang sa katabing unit nang makita ako.
“Hi, Lola Sonya.” Nagmano ako sa kanya. “Pasensya na po kung nadisturbo ko kayo,” dugtong ko.
“Wala d‘yan ang nobyo mo. Umalis kanina pang tanghali. Akala ko nga ikaw ang kasama niyang babae. Pareho kasi kayo ng katawan at tangkad,” sabi niya na siyang nakapagtataka.
“Ano po ang suot na damit ng babae, lola?” pangungusisa ko.
“Nakaputi na abot hanggang sahig at may mahabang manggas. Mukhang modelo,” paliwanag niya.
“Baka si Cristy, kasamahan niya sa trabaho,” tugon ko.
Inaya niya akong pumasok dahil wala raw siyang makausap. Hindi ako nakatiis at sinamahan siya habang wala pa ang apo niyang nasa eskwela pa. Kilala na ako ng halos lahat na nasa palabag na ‘to simula nang alayan ako ni Zander ng singsing which was two years ago at si Lola Sonya ang pinakamalapit sa ‘kin sa kanilang lahat. Parang lola ko na rin siya kung ituring at parang apo niya na rin ako. Ilang oras din akong nanatili rito hanggang sa dumating si Samantha, apo ni Lola Sonya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Zander.
“Dito ka na kumain, Tasya,” paanyaya ni Lola.
Umiling ako, “hindi na po at baka gabihin ako. Hindi ko po kasi nadala ang kotse ko.”
“Ate Tasya, nakita ko po si Kuya Zander may kasamang magandang babae,” nakasimangot na sumbong sa ‘kin ni Samantha.
“Gano’n ba? Baka si Ate mo Cristy ‘yon.” Yumuko ako para pantayan ang tangkad niya.
“Hindi po ehh...” umiiling-iling niyang sambit. “Huwag po kayong mag-alala masmaganda po kayo do’n,” nakangiti niyang dagdag.
“Sus! Bolera.” Marahan kong kinurot ang magkabilang pisnge niya.
“Totoo po!” depensa niya. “Pero ang ganda po ng sapatos ng babae parang kay Barbie. May malalaking bilog-bilog na diamond!” kuwento niya.
Nakioagkuwentuhan muna ako kay Samantha bago nagpaalam ulit sa kanilang umuwi. Pagkarating ko ng bahay ay saka ko lang naramdaman ang pagod.
I checked my phone. Nalungkot ako nang makitang wala man lang akong natanggap ni isang text message mula kay Zander.
“Bakit hindi si Ella? Dapat mapalapit siya kay Ella at para mangyari ‘yon ay kay Ella mo ibigay ang proyektong ‘yon. Do something, Huebert. Pagnagkataon at papakasalan niya si Ella ay siguradong mapapasaatin ang kalahati ng kayamanan ng mga Monteverde,” dinig kong sabi ni Mom nang mapadaan ako sa kuwarto nila.
“Tama ka, Tremaine. Bukas na bukas din ay ibabalik ko kay Anastasia ang proyektong nararapat sa kanya,” sagot ni Dad.
Naguguluhan ako sa sinabi ni Mom pero nawala iyon sa isip ko nang marinig ko ang sagot ni Dad. Maybe I proved myself to dad after winning the bid. Nakangiti akong pumasok ng kuwarto. I texted Zander the good news bago ibinagsak ang sarili sa kama at tinulog ang pagod.
Taas-noo akong pumasok ng SI bitbit ang isang kahon ng gamit ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na sa Design and Construction team. Pagkapasok ng kuwarto ay lahat sila napatingin sa direksyon ko. “Tasya!” Tumakbo si Reneigh at sinalubong ako. “Dito ka na ba ulit?” galak na galak niyang tanong at tumango ako bilang tugon saka siya nginitian. Kumapit siya sa braso ko at taas-noo naming tinungo ang desk na nasa pinakaharap. Ang mga kapwa ko engineers, mga draftsmen, and office girls at boys naman ay napayuko lang. Binaba ko ang kahon sa ibabaw ng desk ko at inikot ang tingin. “Sana hindi ma apektuhan ang trabaho natin dahil sa hindi pagkakaintindihan.” Binigyan ko sila ng isang napakatamis na ngiti ngunit walang ni isang nangahas na tingnan man lang ako. “Lahat ng pinagawa ko sa inyo bago pa ako nag-resign which was three weeks ago, I want them all at five o‘clock sharp in the afternoon, today. No exceptions. The sooner the better,” anunsyo ko. Lahat sila napatingin s
“Mang Kanor, kayo na po ang bahala rito ha.” Paalam ko at tinungo ang kotse. Dumaan muna ako sa bahay para magpalit. Pagkarating ko ng bahay ay saktong paalis naman ang bruha kong kambal na nakaayos mula ulo hanggang paa. Nakaitim siyang tube-dress. Halos kita na ang singit sa sobrang ikli nito at halos iluwa na nito ang dibd*b sa sobrang sikip. Naka-bun naman ang buhok niyang pinalibutan ng kumikinang na dyamante at perlas. Suot na naman nito ang mamahaling sapatos. Umikot-ikot siya sa harapan ko na tila pinipresenta ang magarang suot. Tumama naman sa braso ang branded niyang bag. “Hey... watch it! Baka magasgasan,” siya niya sa ‘kin. Napangiwi ako. “Ako na nga ang tinaman, ikaw pa ang galit?” “Whatever!” Pinaikutan niya ako ng mata. “Magdi-date kami ng boyfriend ko,” deklara niya. “Edi enjoy.” Tumalikod ako at papasok na Sana ng bahay. “Sabi ko may date ako,” ulit niya na may bahid ng inis. Hinarap ko siya nang magkasalubong ang mga kilay. “Ang susi ng kotse.” Nilahad niya ang
Nalalasahan ko ang alak sa labi niya. Kinabig niya ang bewang ko kaya sandaling nagdikit ang mga katawan namin. Ang sandaling ‘yon ay nagmistulang hanging na nagpalaki sa apoy. Ramdam ko ang matipuno niyang katawan. Naghalo ang amoy ng alak at pabango niya. Nakakalasing. Nakakalasing ang amoy niya, ang bawat haplos niya, at ang mga labi niya. “Anastasia...” sambit niya sa pangalan ko sa pagitan ng pagdampi ng mga labi namin. Lalong gumandang pakinggan ang pangalan ko dahil siya ang bumabanggit nito. Bawat letra ng pangalan ko ay binuo niya ng may galak at paghanga. Dahan-dahang naglakbay ang mga kamay niya mula sa bewang ko paakyat sa likuran ko, sa balikat ko at huminto sa pisnge ko. May kung anong mahika ang mayroon ang mga kamay niya na nagdulot ng kakaibang nakakakiliting sensasyon sa buong pagkatao ko. Hinaplos niya ang mga pisnge ko at hinatak ako sa batok para laliman ang hal*k. Bumaba ang malambot mainit niyang labi sa baba ko hanggang sa leeg ko. Pinaulanan niya ng hal*k an
Nagising ako na masakit ang ulo. Hinilot ko ang sintido. Napatulala ako sa kisame at inalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na sinuko ko na ang sarili kay Zander. Napangiti ako saka hinarap ang katabi ngunit bakanteng espasyo ang bumungad sa ‘kin. Sinubukan kong tumayo pero agad akong napad*ing dahil sa sobrang pananakit ng pagkababae ko. Binagsak ko ang katawan pabalik sa kama. Dahan-dahan kong ibinaba ang paa sa gilid ng kama. Halos magdugtong ang mga kilay. Nilibot ko ang tingin at ni katiting na parte ng kuwartong ‘to ay walang pamilyar sa ‘kin. Simple lang ang pina-book ko na kuwarto kay Drizelle, kuwarto lang na may sariling banyo at maliit na sala na may dalawang pangisahan na sofa. Malayong-malayo ang silid na ‘to sa amin. Ito ang tipo ng kuwarto na mukhang ginto at siguradong presyong ginto. Kaya kong bayaran ang isang gabi ko rito pero siguradong mauubos lahat ng savings ko. Bawat sulok ng silid ay may presyong dyamante, mula sa mga sining na nakakabit sa dingd
Hindi ko maintindihan. Nagkulang ba ako sa kanya? Hindi ba sapat na pagmamahal, respeto at oras lang ang naibigay ko? Kung hindi ba ako nagkamali ng kuwartong pinasukan kagabi ay hindi mangyayari ‘to? Kasalanan ko ba ang lahat ng ‘to? “Good morning, baby,” bati ni Zander kay Ella pagkagising na pagkagising niya. Tahimik akong nagtago sa likuran ng makapal na kurtina. Kasalukuyang nakatalikod sa ‘kin si Zander habang yakap-yakap ang natutulog na si Ella. “Good morning, baby,” tugon ni Ella. Bahagya akong sumilip. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ngunit hindi ko magawang hindi manuod. Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa pinaggagawa ko. Siguro nga ay masokista nga ako. “Baby...” tawag ni Zander. Hinaplos niya ang mukha ni Ella at inangkin ang mga labi nito. Baby. Napapikit ako nang mariin sa mga ala-alang pumasok sa isipan ko. Noong tumawag ako nang mga nakaraang araw ay imbes na tawagin ako sa endearment namin ay baby ang katagang lumabas sa bibig niya. Minsang nagh*halikan
Buong araw akong nanatili sa lido deck. Halos makilala ko na nga mga taong labas-masok sa lugar. Nakatulala lang ako buong magdamag. “Drinks, ma’am?” saad ng waiter na huminto sa tabi ko. Nilingon ko siya nang dahan-dahan at sandaling tiningnan. Hindi ko siya sinagot at binalik ang tingin nang dahan-dahan sa harapan, sa kawalan. Umalis na lamang siya sa tabi ko. Palubog na ang araw nang makabalik ang cruise sa daungan. Bago bumaba ay nagtipon-tipon na naman ang mga magkasintahan dito sa deck para panuorin ang paglubog ng araw. Paglubog ng araw, senyales na tapusin na ang ngayon at magpahinga dahil may susunod pang bukas. Nang tuluyang kinain ng kadiliman ang paligid ay naghiyawan silang muli bago gawaran ng matamis na h*lik ang kasama. Napabuntong hininga ako habang pinapanuod sila. “Sana all,” mahinang sambit ko saka tumayo bitbit ang sapatos at bumaba ng barko. Nakaabang naman sa ‘kin
It has been days since that disgusting event on the cruise and up to now I haven’t heard anything from Zander. No call, no texts, nothing. Panaka-naka akong sumusulyap sa phone kong nakapatong sa desk ko. Nangangati ang mga kamay ko. Gusto ko siyang tawagan at murahin buong araw pero hindi pwedeng gano’n lang. I won’t stoop on thier level. I will play it big, I will revenge big. “Engineer, ito na po ang planong hinihingi mo.” Inabot sa ‘kin ng katrabaho ko ang isang folder. Binuklat ko ito at inusisa. Unang tingin ko pa lang ay napaangat na ang kilay ko. Tiningnan ko ang detalye ng footings at columns at tama nga ang hinala ko. “Ito ba ang plano para sa Villacega Restaurant?” tanong ko at tumango siya bilang tugon. “Sino ang design engineer nito?” Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata pero pilit siyang umiiwas. “Si Enrgr. Sullivan–” Umangat ang kilay ko sa binanggit niya. “Ella Sullivan,” dagdag niya. Nakalimutan kong hindi na lan
I’m going to push all your buttons, Zander.Napangisi ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Naka puting t-shirt lang ako na t-in-uck in ko sa biege squarepants. Hinayaan ko ring nakalugay ang mahaba kong buhok. Dinampot ko ang damit na pinadala niya. It was a short black dress with thin straps and low neckline. Wearing this kind of dress for lunch with his friends is a no for me. Pagsinuot ko ‘to, baka ako pa ang maging tanghalian ng mga kasamahan niyang hinuhubaran ang mga babae gamit ang mga mata lamang nila.Kilala ko ang mga kaibigan niya. Maraming beses ko na silang nakasama at ni minsan ay hindi naulit na parehong babae ang dinala nila. For them, women are displays. They use women to brag and to boost their manliness and ego. Feeling nila ikinaguwapo nila ang papalit-palit ng babae. Ang ganyang gawi ay maganda rin sa paningin ng ibang lalaking kapwa nila g*go. Isa lang ang pagkakamali ko. His circle of friends defined him. He won’t be
Natigilan si Drizelle sa narinig.“Ate Cee?” mahinang bulong niya.Binaba niya ang kamay na may hawak na kutsilyo. Ngumiti siya at nilingon ang nagsalita. Tumayo siya para salubungin ang ate niya.“Ate Cee!” Masaya niyang inunat ang dalawang kamay sa direksyon nito.Nilampasan ni Ella si Drizelle at dumiretso sa ‘kin.“Ella, ano ang ginagawa mo rito?” nangangambang tanong ko.“Sinundan ko si Mom at Dad sa bahay ng mga Monteverde. Nagkakagulo na ro’n. Tapos may natanggap akong mensahe kung nasaan ka.” Tinulungan ako nitong tumayo.“Kailangan nating tumakas. Dala mo ba ang kotse mo?” mahinang tanong ko.“Hindi, nag-taxi lang ako kasi hindi ko kabisado ang daan. Ayaw ding pumasok ng taxi kaya naglakad pa ako ng ilang metro,” paliwanag nito.“Paano na ‘to?”“Huwag kang mag-aalala kakausapin ko siya.” Akmang lalapitan na nito si Drizelle na nakatayo at nakatalikod sa ‘min.Hinawakan ko ang braso nito at pinigilan. Umiling ako. Marahan nitong tinanggal ang pagkakahawak ko at ngumiti.“Dee,
Umiling ako. “H-Hindi ko piniling palitan ka, Drizelle. Bata lang ako noon. Wala akong kamuwang-muwang. It didn’t even cross my mind to replace anyone, especially not you.”“Shut up! Shut up!” Tinakpan niya magkabilang tenga. “Huwag kang bait-baitan! Hindi mo ako maloloko!” “Lahat ng sinabi ko sa ‘yo totoo. Lahat nang pinakita ko, pinaramdam ko.” Uminit ang mga mata ko. Bumalik sa isip ko ang mga pinagsamahan namin noong kolehiyo. Siya lagi ang kasama ko pag-break time, sa lunch at sa uwian kahit na magkaklase kami ni Ella. Ella was surrounded by girls our age while I felt like an outcast but everything changed when I met Drizelle. She made feel like I belong, like I’m not alone. She even defended me from Ella.“I-Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan, Drizelle. Ikaw lang ang naging kakampi ko. Parang kapatid na nga kita-”“It’s because of my hardwork. I only befriended you to know you, to know your weaknesses. Dahil do’n I was able to make everyone envy you, hate you. Especially Ell
Nakahinga ako nang maluwag nang ginawi niya ang ulo sa direksyon ng silid na nakasara ang pinto.“I’m coming, Anastasia…” Pinihit niya ang doorknob.Napatakip ako ng bibig nang bigla niyang hampasin ang pinto nang mapagtantong naka-lock ito. Marahas at paulit-ulit niyang pinihit doorknob. Napaungol siya sa inis at sapilitang binuksan ang pinto gamit ang mga sipa.“Lalo akong nasasabik sa pgapapahirap mo, Anastasia,” aniya pagkatapos matagumpay na nabuksan ang pinto. “I’m coming, Anastasia...”Sumilip ulit ako at nakitang hinalughog niya ang kuwarto. Hindi niya pinalampas loon ng aparador at ilalim ng kama hanggang sa isang lugar na lang ang natura. Ang banyo.“Nandito na ako, Anastasia.”Napatayo ako nang tuwid nang bigla niyang pagsaksakin ang pinto ng banyo habang tumatawa na parang banyo.“Nanginginig kana ba sa takot? Ha? Anastasia?” Patuloy siya sa pagsaksak ng pinto.Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto habang naaaliw pa sa kahibingan niya si Chase. Sinenyasan ko si Drizelle na
Hininto ko ang sasakyan sa harap ng malaking gate na gawa sa metal at binalot ng baging. Hinayaan kong bukas ang ilaw ng kotse na nakatutok sa mansyon bago lumabas. Tinulak ko ito pabukas. Nangangalit ang mga ngipin ko dahil sa langitngit na tunog nito.Binalik ako sa sasakyan at nagmaneho patungo sa malaking abandonadong mansyon. Wala akong makita sa paligid maliban sa nagtataasang ligaw na mga halaman patunay sa matagal na panahon na napabayaan.I stopped the car at the towering mansion infront of me. It is twice bigger than the Monteverde’s. I went out with the duffle bag in my hand. I pushed the giant dusty door open and was welcomed by an empty huge living room. Napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw. Napamulat ako dahil sa walang tigil na ungos. Sa gitna ng silid ay si Drizelle na nakaupo at nakagapos sa silyang gawa sa sa makapal na tabla. Wala siyang panyapak at may busal ang bibig . Namumula ang pisnge at magulo ang buhok. Nagpupumiglas siya at may nais sabihin sa ‘kin.
ANASTASIA’S POVNaghihintay ako sa perang pinahanda ko nang nakaraang linggo. Napatingin ako sa cellphone nang may matanggap na mensahe mula sa cellphone ni Drizelle. Video iyon ni Drizelle na nakagapos at pinagsasampal ng lalaking naka maskara at may tattoong ahas na nakapulupot sa rosas sa braso. Nag-ring naman agad ang cellphone na hawak ko at bumungad sa screean ang pangalan ni Drizelle. Sinagot ko ang tawag.“Forward the video I just sent to Tremaine Sullivan,” utos niya.Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Ano ang gusto niyang mangyari? Ano ang gusto niyang palabasin?“Now!”Napamura ako sa likod ng isipan sa biglaan niyang pagsigaw kasabay niyon ang pag-iwas ko ng cellphone sa tenga. Agad kong pinasa ang video kay Tremaine nang walang pag-alinlangan. Wala na akong pakealam kung ano ang isipin nito dahil una pa lang ay maspinili na nitong
“Is this a new trick? You can’t use her mother to get her so you’re making up stories?” I sneered.“I’m telling the truth. Why don’t you ask your parents? They knew my son and daughter-in-law very well.” He diverted his eyes to mom and dad who were standing behind me.“What is he talking about?” My brows furrowed at them.“H-Hindi ko alam,” pagtatanggi ni Dad. Hindi ito makatingin nang diretso sa mga mata ko.Alam kong nagsisinungaling ito. Napayukom ako ng palad. Sasayangin lang ba niya ang pangalawang pagkakataong ibinigay ko sa kaniya?Tumawa si Don Hildegarde. Umigting ang panga ko. Pinaglalaruan niya ba ako?“Alam kong itatanggi mo kaya naman nagbaon na ako ng ebidensiya.” Binaling niya ang tingin kay Lucero.Lumapit sa ‘kin si Lucero at b
The phone Lucero gave me rang. The words bank manager appeared in the screen. My brows furrowed. We just talked awhile ago. I answered the call.“Xeonne…”I froze hearing her voice. My heart pounded fast against my chest. “Where are you, Wife?”Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsalita. “Tumawag ako para sabihing huwag kang maalala-”“Paanong hindi ako mag-aalala when you’re walking towards a trap? The kidnapping is a bait, Anastasia.” Tumaas ang boses ko.“I know-”“You know? What do you mean you know?” Napahilot ako sa sintido.“I just want some answers, Xeonne,” mahinang sagot niya.“I have almost all the answers to your questions, Anastasia. I’m telling you everything just come back here please.” I begged.“Alam kong patuloy ang pag-iimbestiga mo, Xeonne, pero gusto kong malamaan kung bakit niya ‘to ginagawa. Gusto kong malaman kung bakit gano’n na lamang ang galit niya sa ‘kin. Gusto kong manggagaling mismo sa bibig niya ang lahat-lahat,” kontra niya.Bumuntong-hininga ako. “
Bumusina ako para kunin ang atensyon ni Anastasia pero nagmamadali siyang pumasok sa taxi habang may kausap sa cellphone. Tinapakan ko ang gas at binilisan ang pagmamaneho para hindi mawala sa paningin ang taxi. Kinabisa ko ang plate number nito.Napasulyap ako sa monitor ng sasakyan nang makitang tumatawag si Lucero. Nagsalubong ang mga kilay ko. Does he know Victoria?Mabilis kong sinagot ang tawag at binalik ang tingin sa harap.“I located Faker,” bungad niya.“And?” tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa taxi.“Pagmamay-ari ni Ella ang sapatos na nasa crime scene,” sagot niya.“Tell me there’s more to it, Lucero. Hindi pwedeng may kinalaman si Ella sa nangyari four years ago.” Humigpit ang hawak ko sa manibela. “Ikadudurog ito ni Anastasia.”Sandaling natahimik si Lucero. Dinala ng katahimikan niya sa isipan ko ang mukha ni Anastasia’ng umiiyak at nasasaktan. Fuck. I hate seeing her cry. Thinking of her hurt is hurting me.“Yes, there’s more to it,” biglang salita ni Lucero.“
XEONNE’S POV “Anastasia!” I called but she ignored me.I ran after her but Luciano ordered his men to stop me. Two men grabbed me and the other two blocked me with their bodies.“Anastasia!” I called again but she kept going she didn’t even look back.I tried to escape but I was outnumbered. They pin me down. I heard bewildered murmurs from guests. I feel their disgusted stares of judgements. Whatever they say, whatever they think of me doesn’t matter. What I worry most was Anastasia’s thought of me. “Mama!” my son cried out.His cry was painful. I felt a pang on my already hurting chest. I clenched my fist. “Let me go!” I screamed forcing myself on my feet and pushed off one of the men.“Let him go,” my grandfather commanded.“No,” Luciano opposed.The other three loosened their grasps. Wala pa sa kalingkingan ng matanda ang awtoridad ni Luciano. He couldn’t even over power me and he really think he could surpass the old man? His audacity is making him stupid. I pulled my arms off